webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · 综合
分數不夠
213 Chs

Bakit Ka Andito?

"Congratulation!"

Ito lang ang nasabi ni Issay pagkatapos ng nakaka ilang na sitwasyon.

Nilapitan nito ang bata at hinawakan ang ulo.

Issay: "Sana lumaki ka na isang maginoo at mabuting tao!"

"Maiwan ko muna kayo, pupunta lang ako sa restroom!"

At umalis na ito na hindi nagaantay ng sagot sa kanila.

Iniwan nya ang mag asawang nakatulala pa rin at hindi makapagsalita ng makita si Anthon.

Pero hindi sya tumuloy sa rest room.

Naiilang na sya at hindi na nya gusto ang naramdaman.

Ang tanging gusto nya ngayon ay umalis at dumistansya sa kanila.

Nang makita nya si Anthon kanina na masayang masayang nilalaro ang bata, nakaramdam sya ng kirot sa puso nya.

'Ano ba ang nangyayari sa akin? Nagseselos ba ako?'

Alam nyang hindi sya galit ng makita si Anthon na masayang nilalaro ang bata, pero hindi nya magipaliwanag ang nararamdaman nya ng malamang si Anthon ang ama ng bata.

Gusto nya ng hangin dahil pakiramdam nya hindi sya makahinga, kaya naisipan nyang lumabas na ng restaurant.

Sa labas ng restaurant, may limang kababaihan na masayang nagkukwentuhan.

'Mukhang galing din sila sa loob!'

Napansin nya ito habang papunta sya sa sasakyan. Doon na lang nya planong antayin ang mag asawa.

"Yas, matagal ka na naming hindi nakakasama sa lakaran, bakit, pinipigilan ka ba ng Mister mo?"

"Oonga Yas, hindi porket nagasawa ka na puputulin mo na ang ugnayan mo sa amin na mga kaibigan mo!"

"Sa susunod sumama ka na ha! Iwan mo si baby kay Mister mong pogi para maranasan nya naman kung papaano mag alaga ng bata!"

"Saka ang babae hindi porket nag asawa at nagka anak na ay wala ng karapatan gumimik! Mas kailangan mo nga ang lumabas para hindi ka ma stress!"

"Bata ka pa Yas, natural lang na manabik ka sa gala. Kaya wag mong pigilan ang sarili mo, maiintindihan ka ng Mister mo!"

"Pag hindi, kaming magpapaalam sa'yo! Hehehe!"

"Okey, okey sige, maraming salamat sa pagpunta nyo ha! Na miss ko talaga kayo!"

"Sige Yas, mauna na kami at may alagain din kami! Hehe!"

At umalis na ang mga ito at iniwan ang babae na inihatid sila ng tingin na parang umiiyak sa pag alis nila.

Nang malayo na ang mga ito, pinahid na nya ang mga luha at inayos na nya ang sarili saka nagsimulang humakbang papasok ng restaurant.

Sa di kalayuan may napansin si Issay na isang van na paparating. Huminto ito sa tapat ng babae at biglang bumukas ang van at mabilis na lumabas ang maraming lalaki.

'Parang may masamang balak ang mga ito sa babae?'

Nang makita nito na armado ang mga kalalakihan, hindi na nag isip si Issay at agad na lumapit sa babae upang tulungan ito.

Nabigla ang babae ng makitang biglang may pumaradang van sa tapat nya at natataranta sya at hindi makagalaw ng makitang naglabasan ang maraming kalalakihan at pinalibutan sya.

Pero bago sya mahawakan ng dalawang lalaki, agad na may dumating sa tabi nya at hinatak sya palayo sa kanila.

Si Issay.... kasama ang mga bodyguard nya ay nakipagbuno sa mga kalalakihan na dumating upang pigilan ang tangkang pagdukot sa babaeng ito.

Pero may back up ang mga dumating, may kasama pa pala ang mga ito na isa pang van na puno din ng kalalakihan.

Hindi nila planong magtagal dito at baka maalarma ang mga nasa loob kaya hinawakan na nila si Yasmin at pilit na ipinasok sa loob ng van pero hindi pumayag si Issay.

Pinigilan ni Issay ang mga may hawak kay Yasmin para hindi nila ito madala pero....

Sa loob, tila nahimasmasan na sila Anthon at ang mag asawa.

Anthon: "Rod pwedeng ikaw muna kay Gab, kakausapin ko lang ang Boss mo!"

Rod: "Okey Bayaw!"

Nagtataka man si Rod hindi na ito nagtanong.

Dinala ni Anthon ang mag asawa sa di kalayuan kung saan malayo sa mga tao.

Anthon: "Anong ginagawa nyo dito?"

Pabulong nitong tanong

Enzo: "Hindi ba dapat kami ang nagtatanong sa'yo nyan? Bakit ka andito at bakit bayaw ang tawag sa'yo ni Rod?"

Pabulong din itong nagtanong.

Pero hindi sya sinagot ni Anthon dahil bigla nitong naalala na kasama nila si Issay.

Anthon: "Teka Pre, susundan ko muna si Issay!"

Hinanap ni Anthon si Issay sa buong restaurant pero hindi nya ito nakita kaya naisipan nyang lumabas.

Paglabas nya doon nya nakita ang dalawang van na kaalis pa lang at kumakaripas ng takbo.

Kinabahan sya ng makita nya ang apat na lalaki na hinahabol ang van. Kilala nya ang dalawa dito.

'Mga bodyguard ni Issay itong mga ito, pero nasaan si Issay?'

Kaya hinablot nya ang isa sa kanila para makausap.

Anthon: "Anong nangyari? Nasaan si Issay?"

"Si Mam Issay ... saka yung isang babae .... dinukot nung mga nasa van!"

Happy Sunday everyone ang God bless!

trimshakecreators' thoughts