webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · 综合
分數不夠
213 Chs

Ayaw Bitiwan

"May relasyon kayo???!"

Napatingin si Issay at Tess sa isa't isa ng marining ito kay Mama Fe at patakbong lumapit dito.

Issay: "Mama Fe kamusta po? Tara po sa hardin duon po tayo sa magusap!"

Sabay akbay ni Issay kay Mama Fe para mailayo sa dalawa.

Mama Fe: "Teka... teka... Sandali lang, hindi pa nila sinasagot ang tanong ko!"

Tess: "Ms. Fe, sama na po kayo kay Ms. Isabel, dito po, ihahatid ko po kayo!"

Nang nasa hardin na ang mga ito nagpaalam na si Tess sa kanila.

Alam nyang kailangan magkausap ng masinsinan ang dalawa tungkol kay Anthon.

Saka isa pa, ilang araw na rin syang puyat at hindi na halos nakikita ang pamilya nya.

Mama Fe: "Bakit nyo ba ako inilayo dun sa dalawa? Meron pa akong gustong itanong sa kanila!"

Nagmamaktol na sabi nito.

Issay: "Mama Fe, akala ko kaya kayo nagpunta dito para kausapin ako?"

Pagiiba ni Issay ng usapan.

Mama Fe: "E, ganun na nga Ineng pero ....."

'Hmp! Mamaya ko na nga lang tatanungin si Gene, ang mas mahalaga ngayon ay si Anthon!'

Mama: "Anak, alam mo ba kung nasaan si Anthon?"

Issay: "Hindi po Mama Fe. Ilang araw na rin kaming hindi nagkakausap!"

Mama Fe: "Galit ka ba sa kanya?"

Hindi alam ni Mama Fe kung paano nya sasabihin kaya Issay na huwag nyang iiwan si Anthon gayong naiintindihan nya ang nararamdaman nito.

Issay: "Mama Fe may kailangan po kayong malaman!"

Kinabahan si Mama Fe pero hindi nya pinahalata.

Mama Fe: "Tungkol ba ito kay Anthon?"

Tumango si Issay.

Issay: "Nagpakasal po kami sa Davao!"

Hindi alam ni Mama Fe kung ipapakita nyang natutuwa sya sa narinig dahil kita sa mata ni Issay ang pagsisi.

Mama: "Bakit hindi ninyo sinabi sa akin ng dumating kayo?"

Issay: "Dahil ayaw kong malaman nyo!"

Mama Fe: "???"

Issay: "Para kasing hindi tama na magpakasal kami ng sikreto .... pero kailangan kong pumayag para mawala ang takot nya sa mga oras na iyon!"

"Akala ko pagkatapos ng kasal mapapanatag na ang kalooban nya pero....."

"Habang tumatagal lalo lumala ang takot nya na kung minsan wala ng saysay!"

Mama Fe: "Iyon ba ang dahilan kaya kayo nagtagal?"

Issay: "Ayaw nya na akong pabalikin dito sa Maynila at gusto nyang sa isang isla kami manirahan malayo sa lahat!"

"Kaya gumawa ako ng paraan makauwi!"

Mama Fe: "Patawarin mo ko Issay! Hindi ko alam kung bakit nagkaka ganuon si Anthon!"

Issay: "Hindi nyo po kailangan humingi ng tawad Mama Fe dahil wala po kayong kasalanan at mahal ko po ang anak nyo pero..."

Hindi na masabi ni Issay ang kasunod. Mabait sa kanya si Mama Fe simula pagkabata kaya hindi nya magagawa itong saktan.

Mama Fe: "Anak, hindi ako narito para ipilit sa iyo ang anak ko!"

"Kung ano ang magiging desisyon mo hindi ako hahadlang!"

Batid ni Mama Fe na wala syang karapatan makialam sa relasyon ng dalawa. Kaya kung ano man ang magiging desisyon ni Issay kailangan nyang igalang.

Issay: "Salamat po Mama Fe!"

Mama Fe: "Ngayon, sabihin mo sa akin ang totoo, may relasyon ba yung dalawa?"

Pagiiba nito ng usapan.

Biglang napatanga si Issay sa tanong ni Mama Fe.

Issay: "Wala din po akong alam!"

Ramdam nyang nagsasabi ng totoo si Issay pero ramdam din nyang may itinatago ito tungkol sa dalawa.

******

Sa sala.

Nang masiguro ni Belen na nailayo na nila Tess at Issay si Mama Fe, bigla nitong hinampas si Gene ng bulaklak na ibinigay nya.

Belen: "Walanghiya ka!

Hinayupak ka!

Papatayin mo ko sa nerbiyos!"

Gene: "Huwag kang magalala Giliw ko, hindi kita papabayaan, marunong ako ng first aid! Pag nawalan ka ng malay bibigyan kita ng mouth to mouth resuscitation!"

Buong ngiti nitong sabi.

Nang madinig ni Belen, gigil na gigil ito sa inis.

Belen: "Lintek ka! Bastos!"

Sa isip ni Belen.

'Bakit ba sa tuwing naguusap kami parang lagi nya akong. pinagnanasahan?!'

'Tapos mauuwi na naman ito sa ..... Hmp!'

Ang hindi naintindihan ni Belen, walang malisya ang sinabi Gene dahil totoong marunong sya ng first aid at gusto lang nitong iparamdam kay Belen na safe sya sa kanya.

Belen: "Ano ba kasing ginagawa mo dito?"

Gene: "Sinamahan ko ang Mama!

Saka .... (kinikilig) .... saka na miss kita eh!" (pabebe)

Gustong maiyak ni Belen habang pinagmamasdan si Gene.

Para itong isang babaeng nahihiya, alumpihit at hindi alam ang gagawin dahil nabuko sya ng crush nya na.

Kinikilabutan si Belen.

Pero ang nakakainis iba ang reaksyon ng katawan nya lalo na yung badang baba. Parang gusto ng ....

'Hoy Belen! Utang na loob umayos ka, wag kang pagagayuma sa hinayupak na yan!' Alalahanin mo ang sabi ng duktor, Bawal ang exercise!'

Belen: "Hmp! Hindi kita na miss! Masyado akong busy!"

Kung wala ka ng sasabihin maiwan na kita!"

Pagkasabi, nagmamadali na itong tumalikod upang umalis. Kaso, sa sobrang taranta ni Belen na makalayo kay Gene, nadali nya ang paa ng lamesa at muntik na syang matumba.

Buti na lang nasalo sya ni Gene.

Hindi na nakapagsalita pa si Belen habang magkalapit ang mukha nila ni Gene. Nangungusap ang mga mata nito na tila nanabik. Tanging tibok ng puso nya lang ang madidinig.

Dugdog! Dugdog! Dugdog!

Nang biglang!

Mama Fe: "Anong ibig sabihin nito, Eugenio?!"

"Wala kang galang! Hindi kita ganyan pinalaki!

"Anong ginagawa mo kay Madam?"

Nanlalaki ang mga mata nito.

Gene: "Muntik na po kasing matumba si Madam kaya sinalo ko! Hehe!"

Mama Fe: "E, bakit parang ayaw mong bitiwan si Madam?"