webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · 综合
分數不夠
213 Chs

Ang Pamilyar Na Boses

Kung meron mang matatawag na bisyo si Issay, 'yan ay ang kape. Katunayan, aminado s'yang adik siya dito.

Minsan nga, isinasabaw nya ito sa kanin pag prito ang ulam. Yun ang nakasanayan nya simula pa ng bata pa sya na dala nya hangggang sa pagtanda.

Dito sila magkasundo ng kaibigan nyang si Vanessa. Kaya sa tuwing umuuwi ng Maynila ang kaibigan, sa isang coffee shop sila nagtatagpo.

Si Vanessa ay isang dating flight attendant. Nagkakilala sila ni Issay ng mag aral ito ng nihonggo. (Japanese language). Naging close sila at ng kinalaunan naging matalik na magkaibigan.

Makulit, palabiro, mabait sa mga mabait sa kanya at medyo wild ng kaunti. Halos kabaligtaran ng ugali ni Issay.

Pero para kay Issay, isa syang tunay na kaibigan. Hindi kasi matatawaran ang loyalty nito sa kanya, at para kay Issay, yun ay napaka halaga. Bibihira na kasi ang mga ganitong klaseng kaibigan.

Nang mag resign si Vanessa, sa hindi maintindihang dahilan, dahil ayaw nitong magkwento, nagtayo ito ng sarili nyang Travel Agency. At si Issay ang tumulong sa kanya upang madagdagan ang kakulangan nya sa kapital.

Katunayan, 75% ang idinagdag nyang kapital para dito.

Batid ni Vanessa na masinop sa pera si Issay, pero hindi nya akalaing ipagkakatiwala ng kaibigan ang lahat ng naipon nito ng matagal na panahon at ibibigay ng walang pagaalinlangan sa kanya.

Kaya sa bandang huli, ginawa na lang syang business partner ni Vanessa dahil ayaw pumayag ni Issay na bayaran nya ang utang nya.

"Ano ka ba naman Friendship, nakakainis ka na! Ngayon lang tayo nagkita ulit, tapos puro cellphone mo 'yang inaatupag mo! hmmph!

Hindi mo ba 'ko na miss?"

Pagmamaktol ni Issay na parang bata sa kaibigan.

"Sis, na miss kita! Promise! Pero sa tingin ko, kailangan mo ng magka jowa, para hindi ka nagkakaganyan!

Get a lovelife Sister!"

Sabi ni Vanessa na hangggang tenga ang ngiti.

"Asus, nagsalita ang meron!"

Sabi ni Issay.

Sabay irap sa kaharap.

"Well, for your information my dearest friendship, meron na kong JOWA! Hehe!

Si Joel .... At kami na!"

Pagmamayabang ni Vanessa sa kaibigan.

"Ows, talaga? Alam naman ba nung Joel na yun na kayo na?"

Tanong ni Issay na may pagdududa sa sinabi ng kaibigan.

"Oo naman Sis! Pinikot ko e!"

Sambit ni Vanessa.

"Hahahahahaha!"

Sabay tawa ng malakas nilang dalawa.

"E ikaw naman Sister Friendship, Anong petsa na, kelan mo balak magka jowa?

'Wag mong masabi sabing na traffic lang si Mr. Right, at di na uso ang palusot na 'yan!"

Sabi ni Vanessa na parang alam na ang isasagot ni Issay.

"Bakit ka ba atat na atat magka jowa ako? Saka isa pa, hindi ko naman hinahanap si Mr. Right! Hayaan mo syang matraffic!"

Deretsahang sagot ni Issay.

"Oonga pala, hindi nga pala si Mr. Right ang inaantay mo kundi si Mr. Perfect nga pala! Hahaha!"

Biro ni Vanessa.

Sanay na si Issay sa mga biro ng kaibigan kaya sinabayan nya na lang ito sa pagtawa.

Ang pag ibig kay Issay ay kung hindi para sa'yo, hindi para sa'yo. Huwag ipilit! Period!

Patuloy sila sa pagbibiruan na magkaibigan, hanggang sa..... may madinig si Issay.

Napatigil ito ng madinig ang boses ng isang lalaki na nagmumula sa counter.

"Miss, one black coffee, for take out!"

Sabi ng isang lalaki sa counter.

'Huh? ..... ang boses na iyon.... ang pamilyar na boses na iyon!'

Kumabog bigla ang puso ni Issay.

Hindi sya pwedeng magkamali, kilala nya ang may ari ng boses na yun.

Napakatagal na panahon ng huli nyang madinig ang boses na yun pero naalala pa rin nya ito na parang kahapon lang.

Napatigil din sa pagtawa si Vanessa ng makita at makilala nya ang may ari ng boses.

"Capt. Miguel Saavedra!"

Tawag ni Vanessa sa lalaki sa counter sabay kaway.

Malapit lang ang lamesa nila sa counter kaya nadinig agad sya ng lalaki.

Lumingon naman agad ang tinawag.

"Long time no see!"

Kumakaway habang sinasabi ito ni Vanessa

"Vanessa?! Hi! Good to see you!"

At kumaway din ito sa kanya.

Si Vanessa ay isa sa mga naging flight attendant ni Miguel dati, kaya paminsan minsan pag nagkaka salubong, nagbabatian ang dalawa.

Aalis na sana si Miguel pagka kuha ng order nya pero... napansin nya ang babaeng kasama ni Vanessa.

Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi nya makita ang mukha.

Ngunit sa hindi nya mawaring dahilan, may tila magnet na nagdadala sa mga paa nya palapit sa babae.

Tila ....pamilyar sa kanya ito na para bang matagal na nyang kakilala.

Kung kaya....

Hindi napansin ni Miguel na unti unti ng humahakbang ang mga paa nya at dinadala papalapit sa babae.

Samantala.

Hindi mapalagay si Issay. Hindi nito ala ang gagawin ng madinig ang boses ni Miguel. Natataranta ang kalooban nito, pakiramdam nya hindi sya makakilos.

At ng madinig nya mismo sa kaibigan ang pangalan ng nagmamay ari ng boses, lalo syang kinabahan.

'Si Miguel .... '

'Magkakilala sila? Paano?!'

Pilit nyang kinokontrol ang sarili.

Kalmadong makikita ang expression ng kanyang mukha ngunit hindi naman mapakali ang kanyang kalooban.

Bumibilis ang pintig ng puso nya. Para syang hindi makahinga.

'Anong gagawin ko?!'

'Anong gagawin ko???!!!!!'

Usal ni Issay na paulit ulit sa isip nya. Nagdarasal na sana umalis na ang may ari ng tinig.

Pero hindi natupad ang dasal ni Issay. Naramdaman nya ng humakbang ang may ari ng boses palapit sa kanila.

DUGDUG DUGDUG DUGDUG.

Nadidinig nya ang nagaalburuto nyang puso na parang gustong kumawala sa dibdib nya.

Ang pamilyar na mga hakbang na iyon, bawat hakbang ay nagdadala sa kanya sa kawalan ng katinuan.

Papalapit ng papalapit ang mga hakbang sa kanya.

'Juskupo!'

Ang bawat hakbang nito ay unti unting tumutunaw..... sa natitira pa nyang lakas.

Hindi na nya kaya!

Kaya ng isang hakbang na lang si Miguel sa mesa nila, inipon ni Issay ang natitira nyang lakas at pinilit tumindig kahit nangangatog na ang mga tuhog nya.

"M-Mag CR lang ako."

Sabi ni Issay kay Vanessa.

At nagmamadali itong umalis, hindi na hinintay ang sagot ng kaibigan.

"Anong nangyari dun?"

Nagtatakang tanong ni Vanessa.

posted:

June 26, 2019

trimshakecreators' thoughts