webnovel

Kiss of Death and Shadows

(Formerly known as "My Boyfriend is a Grim Reaper") "A kiss has tied her soul in the hands of the prince of darkness." Lexine died on the night of her sixteenth birthday. Ngunit dahil sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari ay nakatakas siya sa kamatayan. Makalipas ang limang taon ay isa na siyang sikat na ballerina at namumuhay sa ibabaw ng mundo bilang nag-iisang tagapagmana ng sikat na business tycoon. In a snap of a finger, she could have anything she wants. Ngunit ang perpekto mundo ni Lexine ay mabilis na bumaliktad sa pagdating ng isang misteryosong lalaki na nagtatago sa itim na hood at nababalot ng kakaibang tattoos. May sinisingil itong kabayaran mula sa isang kasunduan na hindi na niya naaalala. Paano tatakasan ni Lexine ang lalaking ito? Lalo na't hindi lang buhay niya ang nasa panganib-dahil maging ang puso niya ay gusto nitong angkinin. GENRE: Romance, Urban Fantasy, Paranormal, Suspense *** GRIM REAPER CHRONICLES *** Book 1: Kiss of Death and Shadows (Ch.1-119) Book 2: Touch of Wrath and Blood (Ch.120-235) Book 3: Embrace of Night and Fury (Ch.236-339) TRIGGER WARNINGS: Violence, use of inappropriate words, attempted r*pe, nudity, religious topics, physical & woman assault, loss of a loved one, kidnapping, graphic death, mass death, gore, murder, torture, emotional abuse, child abuse, self-harm, insects, blood, drug & alcohol use, nightmares, child traumas ”Anj Gee Novels” Grim Reaper Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Bite Me- Completed Teach Me- Completed Mate with Me- TBA ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like Anj Gee's FB Page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · 奇幻言情
分數不夠
340 Chs

The most beautiful thing

"LET ME MAKE it up to you. I'd like to show you something. I swear, I won't be a jerk anymore." Natigilan si Lexine. Pagbibigyan niya ba ito? Hindi pa rin naaalis ang inis na nararamdaman niya pero kapag ganitong tila nagmamakaawa itong tuta ay unti-unti ng lumalambot ang mga tuhod niya.

Isa pa, kahit alam niyang wala naman siyang ginawang masama. She forgot that Night have indeed prepared all these things for her. Kahit sino naman ay maiinis kung may ibang umaaligid sa ka-date nito. Hay... bakit tila nagiging marupok na siya sa harapan ng prinsipe ng kadiliman?

"Okay," aniya. She felt defeated. Hindi niya rin ito matiis.

Lumapit sa kanya si Night at kinulong sa mga braso nito. Nagulat na lang siya nang nilamon sila ng itim na usok. Pagmulat niya ng mga mata ay agad siyang malakas na napatili. Mahigpit siya kumapit sa bewang nito. Sinasampal siya ng malakas na ihip ng hangin habang nililipad ang buhok niya. Hindi siya makapaniwala kung nasaan sila.

Dinala siya ni Night sa tuktok ng Eiffel Tower. Nakaupo sila sa mga bakal sa pinakamataas na parte ng tower (the top platform) just below the antenna on top of the iron structure that serves as radio and tv signals of the whole city of Paris. Umiikot ang sikmura niya sa labis na kaba. Halos isiksik niya ang sarili sa mga bisig ng binata habang hindi niya madilat ang mga mata. Ayaw niyang tumingin sa ibaba. They are sitting 1,066 ft above the ground for Pete's sake!

Ito na nga ba ang sinasabi niya. Nagkatotoo na ang prediction niya. Matapos siya nitong bihisan na parang prinsesa, dalhin sa magagandang lugar at pakainin na parang biik ay dumating na ang kanyang judgement day. Babawiin na nito ang kaluluwa niya.

"Please, Night. I still want to live!" Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa binata. "Promise, hindi na `ko magta-tantrums. Hindi na kita susungitan at hindi na `ko makikipag-usap sa kahit kaninong boys if that's what you want, huwag mo lang akong ihulog dito!"

Ilang sandali ang lumipas na hindi ito kumibo. Mayamaya ay yumugyog ang balikat nito na sinundad ng malakas na halaklak. Nagtatakang nag-angat siya ng tingin. "Anung nakakatawa? Pinaglalaruan mo ba `ko!"

"Sino naman ang nagsabi sa `yo na ihuhulog kita?"

Natigilan siya. "H-hindi mo `ko ihuhulog? Hindi mo babawiin ang kaluluwa ko? Eh, bakit dinala mo `ko rito?"

Tumigil ito sa pagtawa at taimtim siyang tinignan sa mga mata. Para bang nakalimutan niyang nalulula siya at tila may hiwaga ang mga mata nito na nagpapakalma ng natatakot niyang puso. Inipit nito sa likod ng tenga niya ang mga hibla ng kanyang buhok na nililipad ng hangin. Sunud nitong hinimas ang ibabaw ng kanyang ulo.

"I'll never let you go. I promise." Sa `di malaman na dahilan ay naniwala siya rito. "Now, look, this is why I bring you here. I wanted to show you this."

Tinuro ng mga mata nito ang tanawin. Unti-unti niyang pinihit ang ulo. Ang matinding takot niya sa heights ay mabilis napalitan ng kakaibang saya nang makita kung ano ang nasa harapan nila.

Nahigit niya ang hininga at pinagmasdan ang napakagandang scenery ng city-lights ng buong siyudad ng Paris in a panoramic view. Tila dagat ng kumikinang na mga dilaw na bituin. The dark sky complimented the wonderful sparkling lights. She's so speechless! She can't exactly explain how wonderful it is.

"Do you like it?" bulong nito sa kanyang tenga.

"More than like, I love it! It's so beautiful," aniya hindi inaalis ang mga mata sa magandang tanawin.

"Yes, the most beautiful view I have ever seen."

Unti-unti siyang bumaling sa katabi. Night is not looking at the scenery but his brown eyes were intently pierced on her. Bumilis ang tibok ng dibdib niya. Malamig ang hangin pero sa mga bisig nito ay nag-iinit ang buo niyang katawan.

Nasaan na ang dating takot at pangamba na nararamdaman ni Lexine sa tuwing tinititigan siya ng mga matang `yon? Dahil kung mayroon man siyang nararamdaman ng mga sandaling ito. Iyon ay siguradong hindi takot.

"How long have you been here?" Agad niyang iniba ang usapan dahil nabibingi na siya sa labis na kaba ng dibdib niya.

Lumipat ang tingin nito sa unahan at saglit na nag-isip. "Probably, fifty years."

"Fifty years!" Nanlaki ang mga mata niya.

He chuckled. "This is the longest period that I have stayed in a city. Usually, I travel to different places. I'd been to Sri Lanka, Alaska, Japan, Africa, New Zealand, Hawaii, India, almost everywhere. But this," nilahad nito ang dalawang braso, "Is exactly what has captured my eyes."

"You like the scenery of the city?"

"I like the peace."

Peace. The word sounded bizarre for the devil's lips. Sa mga sandaling ito, habang pinagmamasdan ni Lexine ang payapang mukha ni Night na nasisinagan ng liwanag ng buwan, hindi niya nakikita ang lalaking kinatatakutan ng lahat; hindi ang nilalang na nababalot ng nakagigimbal na kapangyarihan; hindi ang prinsipe na nagmula sa kadiliman. Kundi isang ordinaryong binata na nag-aasam ng payapa at normal na buhay.

Lumingon ito sa kanya. "Are you still afraid?"

"You mean of the heights?

Makahulugan itong tumingin. "Of me."

Natigilan si Lexine. Nagtago ang dila niya. Sapagkat kung pakikinggan niyang mabuti ang sinasabi ng kanyang damdamin, alam niya kung ano ang totoo.

After everything that happened to her ay aaminin niyang pansamantala niyang nakalimutan ang totoong mundo. Ngayong araw na ito, nakalimutan niya ang panganib na humahabol sa kanya, ang mga kaaway na tumutugis sa kanya, at pansamantalang nawala sa kanyang isipan ang mga kababalaghang gumugulo sa dating tahimik niyang buhay.

For a day she felt normal and away from the realities. She even forgot about the fact that she was still tied with a curse from this demon. Everything was like a dream. All she feels right now is a bliss of happiness. Nakatatawang isipin na nararanasan niya ang lahat ng ito sa piling ng lalaking tinatakbuhan niya. It's so ironic yet, there is something inside her heart that was fighting to get out from the cage she has strongly built. Sa kabila ng mga masasamang bagay na pinapakita sa kanya ni Night sa kaibuturan ng puso ni Lexine, umaasa siyang may tinatago itong kabutihan.

Dahil kung wala. Bakit siya nito palaging nililigtas sa kapamahakan? Bakit siya nito dinala sa lugar na ito at pinakita ang buong siyudad? Bakit sa tuwing hinahawakan at hinahagkan siya nito ay lumalambot ang puso niya? Most of the time, Lexine tries her best to stay guarded. Ngunit sa tuwing ganitong mga pagkakataon ay bakit may makulit na bubuyog ang bumubulong sa kanya at pilit na sinisira ang paniniwala niyang masama ito?

For a moment, they both remained silent. Night just looked at her with so much intensity and something else. Something... deeper. His eyes were full of different emotions she was so scared to accept. She always thought that this monster would bring nothing to her life but danger. And she was so afraid of him. He's evil, he hurts people and plays dirty games. Ang tagal-tagal ng pagtatalo ng isip at damdamin niya tungkol sa binata. Ngunit ngayon sa mga sandaling ito, tuluyang napatunayan ni Lexine na hindi dahil prinsipe ng kadiliman si Night o dahil sa nakagigimbal nitong kapangyarihan kung bakit siya nakakaramdam ng takot.

Because of all this time, she was running away from him not because she's afraid for her life, but because she's scared to face her true feelings.

Marahan nitong hinaplos ang kanyang pisngi. "Night—"

"Stay with me." His voice was so low, almost like a whisper. Night gazed at her with bittersweet warmth and emotions that were foreign to her. "I'll take care of you."

Lexine snagged her breath. Everything around her suddenly paused. The sound of the winds muted on her ears. The fancy lights stopped blinking. The stars in the evening sky faded away. She heard nothing but the drum of her heartbeat. She saw nothing but a pair of breathtaking brown eyes, pleading to her, waiting for her to speak.

And for a moment, Lexine forgot how to say a word.

OMG! Hinga mga bess... next UD ulit, (June 13, 5pm)

Matutuloy na ba ang team NIXINE???

Abangan!

haaaay Lord, penge naman ng Night sa buhay ko! Okay lang sa akin kahit possessive at seloso! Hehehehe

Maraming salamat hanggang sa muli my dear CupCakes labyuuu!

Please if you love this story penge naman ng power stones AKODAS deserve to be recognized?

If YES! Please let’s help this story to get higher rank! Pretty please!!

AnjGeecreators' thoughts