Hindi tiningnan ni Zhao Feng ang pagkamatay ni Huang Yun, ngunit nadismaya siya sa desisyon nito sapagkat wala man lamang tapang si Huang Yun na lumaban.
Ang kailangan lamang nilang gawin dalawa ay antayin sila Lin Fan, Xiao Sun at Xu Ren na patayin si Xing Chen at labanan nila ang Silver Striped Blood Corpse, na magbibigay sa kanila ng 60% na tsansang manalo.
Mayroong kasabihan na: Hindi nakakatakot magkaroon nang tila gintong kalaban, ngunit nakakatakot ang magkaroon ng tila baboy na kakampi.
Sa sandaling ito, tanging si Zhao Feng na lamang ang humaharap sa Silver Striped Blood Corpse.
"Ikaw na ang susunod!"
Dinilaan ng Silver Striped Blood Corpse ang kanyang labi at ang whirlpool ay lumitaw sa kanyang paanan, na kumokonekta sa dugo sa baba.
...….
Sa kabilang banda ng kuweba.
Sila Xu Ren, Xiao Sun at Lin Fan ay binigyan nang mahirap na sitwasyon si Xing Chen.