"God King Swallow Devour, masyado mo naman yatang minamaliit ang Ninth God Eye!"
Ngumiti na lamang nang bahagya si Zhao Feng sa mga sinabi ni God King Swallow Devour.
Matapos umabot sa Third Heaveb, hindi na kailangan pang gamutun ni Zhao Feng ang Dream God Eye o kaya ang Pseudo Ancestral Artifact para magkaroon ng lakas na kagaya ng isang katamtamang God King. Kapag ginamit niya ang dalawa, kaya niyang labanan kahit ang isang top-clasa God King.
At sa pagsaksi niya sa ebolusyon ng Heavenly Dao God Eye, nagising niya rin ang Dream God Eye, na mukhang nadagdagan ng lakas.
Kahit wala naman talagang naramdaman si Zhao Feng na kakaiba, sigurado siyang tumaas ang kanyang Dream Origin. Pwede niya itong gamitin nang matagal nang hindi nag-aalala.
"Oh? Naniniwala kang mas epektibo ka sa isang laban kaysa sa akin?"
Nagbigay ng isang malalim na ngiti si God King Swallow.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者