webnovel

Kabanata 182: Huling Yugto

編輯: LiberReverieGroup

Ang pasukan ng Floating Crest Palace.

Ang apat na Elders at Clan Master ay tahimik na umupo, at sa isang kisap-mata, labing-walong araw na ang nakalipas.

Walang natanggal simula noong ikawalong araw.

"Ito na ang mga huling parte ng huling yugto."

Dahan-dahang saad ng Unang Elder.

Taimtim ang mga mata ng limang nasa True Spirit Realm.

Parehong nag-aalala sina Clan Master at Granny Lie Yue.

Mula sa dating pangyayari, maging ang pinaka mahusay na henerasyon ay may dalawa hanggang tatlong tao lamang ang natira.

Ngunit sa pagkakataon na ito wala sa pitong disipulo ang natanggal.

"Hanggang hindi nagsasara ang Floating Crest Palace, may mga taong buhay pa sa loob nito."

Bahagyang bumuntong-hininga si Elder Xue.

Ang kanyang disipulo na si Sun Yunhao ay natanggal na, kaya wala na siyang inaasahan pa sa paglilitis.

Ang tanging hindi niya makalimutan ay si Zhao Feng - ang taong nagpatalsik sa kanyang disipulo.

Sa pagkakataong ito.

Weng!

Isang berdeng liwanag ang kumislap mula sa dungawan at nagliwanag ang mga mata ng lima.

Mayroon na ring lalabas!

Isang tao ang nanginginig dahil sa lamig ang lumitaw.

"Chen'er?"

Hindi alam ni Hai Yun Master kung matutuwa ba siya o malulungkot.

Ang unang taong natanggal sa ikatlong yugto ay ang kanyang disipulo, si Quan Chen.

Walang mg galos si Quan Chen, ngunit patuloy itong sinisinok at naglalabas ng malamig na aura.

"Master."

Saad ni Quan Chen kasabay nang pagbagsak sa lupa na naninigas.

"Ako na."

Humampas si Granny Liu Yue at ang grass green True Force ay sumanib kay Quan Chen, na nagtanggal sa lamig nito sa kanyang katawan.

"Isang purong elemento ng yelo, na naglalaman ng ilang aura mula sa bloodline power, mabuti na lamang at mahina ang bloodline power…."

Bumuntong-hininga si Granny Liu Yue.

"Chen'er, anong nangyari sayo at umabot ka sa ganyang sitwasyon?"

Tanong ni Hai Yun Master.

May pagkamuhi sa mata ni Quan Chen kasabay nang pag-igting ng kanyang mga ngipin: "Zhao Feng!"

Zhao Feng!

Nagtinginan ang mga Elders sa isa't-isa; anong kinalaman ni Zhao Feng dito?

"Ang disipulong dito ay halos hindi makapasok sa gitnang bahagi ng kastilyo at si Zhao Feng ay dumating sa oras na iyon, nangangahulugan na kailangan kong makipagtulungan sa kanya. Ngunit ang walang hiyang hayop na iyon ay trinaydor ako!"

Apoy ang halos makit sa mga mata ni Quan Chen. Tila gusto niyang pagpira-pirasuhin si Zhao Feng.

Si Zhao Feng ulit!

Gulat at galit ang mga Elders.

"Ang Zhao Feng… ilang mga tao ang kanyang papatayin para lang masiyahan siya?"

Labis ang galit ni Elder Xue kasabay nang pagbalot ng kanyang True Spirit Realm aura sa hangin. Nag palundag ito sa puso ni Quan Chen at napaisip din siya: "Ginalit kaya ni Zhao Feng ang iba?"

Galit ang lahat ng Elders at Clan Master.

Kailan pa nagkaroon ng ganoong kabiguan ang Clan?"

Tanging ang unang Elder lamang nakataas ang mga kilay at kalmado: "Aayusin natin ang mga kaguluhang ito pagtapos nang paglilitis. Kailangan muna nating intindihin ang sitwasyon sa paglilitis."

Lahat ay tumingin kay Quan Chen. Gusto nilang malaman ang kalagayan ng ibang nasa paglilitis.

Pinaliwanag ni Quan Chen ang kanyang karanasan sa paglilitis. Siyempre, sinadya niyang pinalabas na masama at mapanghamak na tao si Zhao Feng. Halimbawa, noong nalason ang ibang disipulo sa ahas, inasar niya ito sa halip na tulungan at ninakaw ang Scarlet Blood Fruit nito….

Ang paliwanag ni Quan Chen ay nagpataas na kilay ng mga Elders.

Tungkol naman sa tagumpay ni Zhao Feng, walang sinabi si Quan Chen.

"Hindi kami makapaniwala na kayong pito ay nakalagpas sa ikalawang yugto."

Huminga nang malalim ang lima.

Lahat sila ay sabik at masaya na ang pito ay nagawang umabot sa ikatlong yugto.

Tungkol naman sa dahilan kung paano sila nagtagumpay, ito ay 'pagkakaisa.'

"Ayon sa iyong sinabi, ang ikalawang yugto ay lubhang mapanganib at kahit na magkaisa pa kayong lahat, mayroon pa ring masasaktan at mamamatay. Ibig sabihin ay may iba pang dahilan kung bakit kayo nakapasa."

Kumislap ang mata ng Unang Elder sa kanyang pagbanggit ng mahalagang bagay.

"May isa pang dahilan - si Zhao Feng, ang walang hiyang hayop na iyon ay maswerte at kayang gumamit ng mental energy sound attack na tatapat sa mga paniking iyon…"

Bulong ni Quan Chen.

Mental energy sound attack?

Isang ilaw ang kumislap sa mata ng Unang Elder kasabay ng kanyang pakikipag palitan ng tingin sa Clan Master.

Mula sa kanilang mga karanasan, paano nilang hindi malalams na nagiging bias si Quan Chen?

"Oo, Chen'er. Anong nakuha mo mula sa paglilitis at ano ang gantimpala mo?"

Iniba ni Hai Yun Master ang pinag-uusapan at ngumiti.

Naging interesado ang mga Elder nang marinig ang tanong na ito.

Si Quan Chen ay umabot sa ikatlong yugto; mayroong dapat na gantimpala ito.

"Ang disipulo na aabot sa ganitong yugto ay may 150 puntos, na ipinalit ko sa isang High class Mortal skill. Nakatanggap din ako ng ilang armas at resources….."

Inulat ni Quan Chen ang kanyang mga gantimpala.

Ang High class Mortal skill ay ipinalit sa kanyang mga puntos habang ang ibang mga kagamitan ay hindi rin na masama.

Siyempre, hindi siya nakatanggap ng kahit anong Mortal weapons mula sa High grade o mas mataas pa dito.

"Hindi na masama, 150 puntos. Nagbigay ka nang magandang kontribusyon sa Clan sa pagtanggap mo ng High class Mortal skill."

Pag puri ni Hai Yun Master.

Wala masyadong High class Mortal skill sa Clan at ang extra High class Mortal skill ay nagpapataas sa kapangyarihan ng Clan.

"150 ay isang middle-high score mula sa nakaraang pangyayari."

Tumango ang Unang Elder at ngumiti.

Ang mga Eldera ay umaasa sa mga natitirang disipulo mula sa paglilitis.

Pito ang umabot sa huling yugto, na unang beses na nangyari sa nakaraang daang mga taon.

Ang natitirang anim ay malamang na may may malalaking gantimpala kung si Quan Chen ay may ganoon agad na puntos.

"Ika-labing walong araw na ngayon, at mula sa nakaraang sampung paglilitis, tanging si Brother Hai Yun lamang ang nakatagal ng isang buwan."

Namula si Granny Liu Yue sa kanyang pagtawa.

Tinalo ni Hai Yun Master ang rekord mula sa daang taong nakalipas at siya lamang ang nakaabot ng isang buwan o mas mahaba pa mula sa mga nakaraang paglilitis.

Ito ang pinaka mataas na iskor.

Gayunpaman, sa itsura ng henerasyon ngayon, may tsansa na matalo siya.

Umaasa!

Ang mga Elders ay sabik!

Ano ang magiging pinaka mataas na iskor ngayon? Posible kaya na matalo ang iskor ni Hai Yun Master?

Maging si Hai Yun Master ay umaasa at tahimik na inisip: "Bei Moi, huwag mo kong ipapahiya…"

….

Floating Crest Trial, Sky Boundary Island.

Sa isang kisapmata, lumipas na ang isang araw.

Lumipad si Zhao Feng mula sa mga yelong bundok.

Ginagamit lamang niya ang kalahati ng kanyang bilis ngunit nagawa niyang madaling makatakas mula sa black metal monster.

"Ang liksi ng halimaw ay lalong bumibilis."

Huminto si Zhao Feng at bahagyang nakaramdam ng presyur.

Ayon sa kanyang estimasyon, ang black metal monster ay aabot sa 4th Sky speed sa ikalimang araw nito, at kapag umabot ito, maging si Yang Gan, na pinaka malakas ay mahihirapang makaligtas.

Ito ay dahil ang black metal monster ay hindi na kailangan pa na bumawi ng lakas habang ang mga disipulo ay kailangan pa.

Ito rin ay nangangahulugan na ang bilis sa pagitan ng ikatlo at 4th Sky ay malaki.

Isa pa, may mga disipulo na hindi pa umaabot sa 4th Sky ng Ascended Realm, na nangangahulugan na imposible para sa kanila na umabot hanggang ika limang araw.

Ang unang araw… Ang ikalawang araw… Ang ikatlong araw…

Naramdaman ng mga diaipuli na mas uminit ang labanan.

Ang black metal monters ay hindi alam ang kapaguran at hindi kailangan magpahinga; ang kanilang bilis ay patuloy pang nadadagdagan.

Sa ikatlong araw, Sina Liu Yue'er at Lin Fan ay pagod na.

Ang cultivation ng dalawang ito ay nasa 3rd Sky ng Ascended Realm, at ang bilis ng halimaw ay hindi na ganoon kabagal kaysa sa kanila.

Sa iba naman, gaya ni Bei Mou at Ran Xiaoyuan, pareho silang umabot na sa 4th Sky.

Ang pinaka malakas na tao dito na si Yang Gan, ay halos nasa 6th Sky na.

Ang paglilitis na ito ay nagbigay sa kanila ng mataas na iskor at pinipiga ang kanilang mga potensyal.

"Kung magpapatuloy ito, ang bilis ng black metal monsters ay aabot na sa akin sa ikapitong araw."

Tumaas ang kilay ni Zhao Feng.

Napagtanto niya na mamamatay siya sa huli kung patuloy siyang tatakbo, at nakaisip siya ng ideya.

Bakit hindi niya na lamang patayin ang kalaban sa halip na siya ang mapatay?

Ang normal na tao ay may iisa lamang na pagpipilian kung haharap sa isang kalaban mula sa True Spirit Realm at iyo ay – tumakbo, dahil kapag lumaban ka mula sa taga True Spirit Realm, kamatayan lamang ang mangyayari sa iyo.

Gayunpaman, ang pagtakbo ay walang masyadong magagawa dahil ang liksi ng halimaw ay lalong bumibilis, at mahahabol din sila nito.

"Talunin ang halimaw!"

Naglabas nang katakot-takot na ideya ang isipan ni Zhao Feng.

Bakit hindi na lamang wasakin ang panganib bago ka wasakin nito?

HuHu~

Sa panahong ito, isang katakot-takot na anino mula sa black metal monster ang lumipad palapit sa kanya.

Ang aura nito ay naging dahilan upang mahirapan huminga si Zhao Feng. Ang mga sumunod niyang naisip ay: "May ilang mga mapanganib na lugar dito at magiging dahilan upang mamatay maging ang mga nasa True Spirit Realm kung hindi sila mag-iingat."

Nang maisip niya ito, bigla siyang nagbago ng direksyon.

Destinasyon: Dragon Snake Ice River!

Lalo pang bumilis si Zhao Feng sa kanyang paggamit ng Yin Shadow Cloak at tumungo sa 'blue crsytal tear' sa nagyeyelong lawa.

Kahit na kaya niyang maging invisible gamit ang balabal, hindi siya mawawala sa paningin ng True Spirit Realm.

Isa pa, mayroon siyang Floating Crest Token sa loob ng kanyang katawan na inilagay ng black metal monster, nangangahulugan na kahit gaano pa siya kabilis na tumakbo ay hindi siya makatatakas.

Makalipas ang apat na oras.

Isang maliit at malamig na lawa ang lumitaw sa kanilang harapan.

Ang tubig mula sa lawa ay kulay asul at ang paligid ay puno ng yelo.

Lumapit si Zhao Feng sa nagyeyelong lawa at ang lamig mula dito ay halos magpayelo sa kanyang katawan.

Pinadaloy niya ang kanyang bloodline power at kinuha ang Luohou Bow, na nagpagaan sa lamig nang kalahati.

May parte dito na nilabanan ng kanyang bloodline, habang ang kabilang parte ay tinanggap ng lotus symbol mula sa Louhou Bow, na naging dahilan upang kumislap ang simbolo ng kulay asul.

Tumayo si Zhao Feng malapit sa nagyeyelong lawa at naghintay. Huminga ng malalim si Zhao Feng at tumingin sa lawa.

Tanging siya lamang ang nakaka alam kung ganoon nakakatakot at ipinagbabawal ang lugar na iyon. Aksidente niyang nahawakan ito noon, at ang buong Sky Boundary Island ay napuno ng yelo – anong klaseng kapangyarihan iyon?

Mula sa malayo, nag aura ng black metal monster ay palapit nang palapit.

Parating na ito….

Ang black metal monster ay umalulong nang makita niya ito.

Ang asul na buhok ni Zhao Feng ay umalon sa hangin gaya ng kanyang Yin Shadow Cloak, na nagbigay ng misteryoso at antigong aura.