webnovel

Ang Sakim na Pusang Magnanakaw

編輯: LiberReverieGroup

Ang Southcloud City ang siyang pinakamayamang siyudad sa loob ng ilang milyong li.

Ang siyudad ay maganda at maraming mga gusali na iba-iba ang disenyo. Na-aadornahan rin ito ng hindi mabilang na mga perlas at mga dyamante na siyang nagniningning sa liwanag.

"Kuya Feng, kung may gusto ka, sabihan mo lang ako!"

Ang masiglang boses ni Zhao Yun ay nagmula sa gilid.

Ang mga maliliit na mga batang ito ay nakaabot na sa Violet Qi Realm ng Three Qi Realm, at ang pinakatalentado na si Zhao Hai ay umabot na rin sa unang lebel ng Star Origin Realm.

Samantala, naramdaman naman nilang si Zhao Feng lamang ang nasa Blue Qi Realm sa Three Qi Realm.

Ganoon pa man, masunurin silang lahat kay Zhao Feng. Masasabing si Zhao Feng ay isang magaling na tagapaggabay.

Sa Southcloud City, walang kahit sino ang hindi kilala si Zhao Feng.

Marami sa mga nagtitinda ang agad na namumutla kapag nakikita nila si Zhao Feng at ang grupo nito. 

鎖定章節

在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者