webnovel

Kakaibabe

Anong gagawin mo kung sa panahong kinabibilangan mo ay wala naring nagmamahal sayo ngunit sa panahon namang napuntahan mo ay wala namang internet? Babalik ka ba? Makita kaya ni Kimmy ang true love niya sa nakaraan? O nasa kasalukuyan?

Lukresya · 历史言情
分數不夠
39 Chs

17 Barang

Matapos ng isang oras ng paglalakad sa mapunong daan ay nakarating na sila Kimmy.

Hindi katulad ng baryo nila. Ang baryong ito ay mas maraming tao. Mukhang bayan ng unang panahon. May mga nangangalakal sa daan na biglang darating upang makipagpalitan. At ang mga mangangalakal ay mukhang may pagkakaiba ng lahi.

May paminsan minsan silang nakakasalubong na mga kastila at mga pilipinong may daladalang mga punyal sa baywang.

Napapatingin kay Kimmy ang maraming tao dahil sa angkin nitong kagandahan sa bawat madaanan nila. Nakatingin din sa kanya ang grupo ng mga lalaking may punyal.

"Mga Sanduguan?" pabulong na tanong niya sa sarili. Pilit na inaalala ni Kimmy kung nasaang parte siya ng Pilipinas ngunit hindi niya maalala. Alam niyang may lugar sa Pilipinas na naging magkaibigan ang mga Kastilang mananakop at ang Datu ng isang sanduguan kung saan may ginagawa silang Blood Compact para patunayan iyon.

"Mukhang may kakilala kana dito binibining manggagamot?" Napansin ni Alopesia ang pagtitinginan ni Kimmy at ng isang lalaki sa sanduguan.

Bumalik sa sariling kaisipan si Kimmy ng madinig ang boses ni Alopesia. Napansin niya ang titig ng isang lalaking mukhang kanina pa sila nagkakatitigan, nawalan lang siya ng focus. "Hindi ko sila nakikilala, unang beses ko palang dito." sagot ni Kimmy habang tinignan mula ulo hanggang paa ang lalaki.

Biglang napangiti ang lalaki sa ginawang pagsusuri sa kanya ni Kimmy.

Hindi pinansin ni Kimmy ang pagngigi nito sa kanya bagkus ay inisnab niya pa ito at nagpatuloy sa paglalakad.

"Narito na tayo." sabi ni Alopesia kay Kimmy habang nakatanaw sa bahay ng mga magulang niya.

"Anaaakkk!!!" sigaw ng umiiyak na ginang sa loob ng kwarto ng kapatid ni Alopesia.

Inuubo na ng dugo ang batang lalaki. Puno ng sugat ang balat nito at may uod na lumalabas.

Habang umiiyak ang ginang ay napaluhod si Alopesia kay Kimmy, "Binibini, tulungan mo ang aking kapatid.Kahit ano ay gagawin ko para sa kanya, napakabata pa ng aking kapatid." iyak na sabi nito.

Sa unang kita palang ni Kimmy dito ay alam na niyang hindi ito karaniwang sakit lamang sa balat. May nambarang dito ngunit sino. Hindi din siya sigurado kung paano niya ito gagamutin. "Kung sabihin ko bang hiwalayan mo si Ramses ay susunod ka sa akin?" tanong ni Kimmy sa kanya.

"O..." napatigil si Alopesia. Paano nalamang siya kung gayon? Pero sige para sa kapatid niya.

"Tumayo kana! Wala akong balak paghiwalayin ang mga taong nagmamahalan. Huwag mo na ulit gagawin na basta basta kang nambibitaw ng pangako." Tumalikod si Kimmy sa kanya at lumapit sa batang lalaki.

Nakakaawa ang paghihirap nito.

"Sino ka?" tanong ng isang matandang lalaki.

"Itay, siya po ang sinasabi kong manggagamot na tumalo sa matandang manggagamot sa baryo." sagot ni Alopesia.

"Binibini!" hinagkan ng ginang ang mga kamay ni Kimmy habang nakaluhod. "Gamutin nyo ang aking anak. Ibibigay ko lahat ng naisin mo sa abot ng aming makakaya gamutin mo lamang siya. uhuhu." walang tigil na pakiusap nito sa kanya.

"Susubukan ko. Tumayo na ho kayo." nakangiting may pait na sabi ni Kimmy sa ginang. 'Bakit ba napakarupok ng mga Inang pilipina pag dating sa mga anak nila' biglang naisip ni Kimmy ang kanyang ina na di niya nakilala at pumasok bigla sa alaala niya ang ina ng katawan niya. Kung paano siya nito inalagaan kahit na hindi na siya ang Kimmy na anak niya.

"Maraming salamat binibini, Ipahahanda ko ang iyong mga kakalanganin" sagot ng Itay ng bata.

Nagtakip ng panyo sa ilong at bibig si Kimmy dahil sa amoy ng mga nabubulok na sugat ng bata. Pinabuksan niya ang mga bintanang matagal ng hindi nabubuksan at nilanggasan ang mga sugat ng bata gamit ang maligamgam na may asin na tubig at binuhusan din niya ito ng suka. Isa isa niyang inalis ang mga uod na lumilitaw sa mga sugat. Namanhid na sa sakit ang batang lalaki ngunit bahagyang nahimasmasan dahil nawala pansamantala ang pangangati nito.

Namangha si Alopesia sa kanya dahil sa seryoso at kalmate nitong mukha habang ginagamot ang kapatid. Hindi siya ang Kimmy na napapabalita noon. Hindi totoo ang tsismis na natatanggap niya. Siya ang pinakapaborito ng Pinuno noon dahil hindi ito demanding. Hindi ito katulad ng tatlong iba pa na gagawa ng iba't ibang paraan para makakuha ng atensyon sa Pinuno. Kahit na siya pa ang paborito ng Pinuno ay hindi parin niya ito pinakasalan bilang asawa kundi babae parin siya nito.

Maraming beses din siyang ginamit ng tatlo para makalapit sa Pinuno. Hinayaan niya nalamang ang mga ito dahil naaawa siya sa kanila na nanghihingi ng atensyon habang siya ay hindi niya kailangan magpakahirap para lang puntahan ng Pinuno.

Ngunit ng malaman niya ang walang tigil na paghahanap ng Pinuno sa babaeng nakasiping nito noon ay bahagya itong nalungkot at nadismaya. Nawalan ito ng oras sa kanila, at nawalan din ng gana sa kanila ang Pinuno.

Binalak niyang palagpasin nalamang ang lahat at hiniling kay Bathala na hindi siya matagpuan ng Pinuno. Nabalitaan niya na hindi na siya hinahanap ng Pinuno at nagdulot ito ng panandaliang saya sa kanya. Nawala din kaagad ang sayang iyon ng sabihin sa kanya ni Antonia ang totoong dahilan na siya at ang babae noon ay iisa.

Nakatulog ng maayos ang bata pagkatapos itong linisin ni Kimmy.

"Maraming salamat binibini." pasasalamat ng Itay kay Kimmy.

"Hindi pa magaling ang anak ninyo." diretsong sagot ni Kimmy pagkatapos niyang linisin ang mga kamay gamit ang dinala niyang sabon at inalis ang panyo sa mukha.

Nag alalang muli ang mag anak sa sinabi ni Kimmy.

"May nakaaway po ba kayo na may sobrang galit sa inyo?" tanong ni Kimmy.

"Isang sanduguan ang Itay at magiting na mamamayan, kung may nakaaway man siya ay hindi iyon magtatanim ng galit." sagot ni Alopesia.

"Isang partikular na tao, kakaiba ang kilos, kakaiba ang gawi, ang interes, at maaaring isang manggagamot din." paglalarawan ni Kimmy.

May iisang tao ang pumasok sa isip nila. "Si Waldo!?"

"Sino siya? Kaano ano niyo ba siya? At sa tingin niyo ay ano ang dahilan kung bakit niya binarang ang kapatid mo?" tanong ni Kimmy. Alam niyang naniniwala sa kulam,bati at barang ang mga sinaunang tao kaya't sinabi na nito ang napag alaman niya..

"Siya ang dati kong kasintahan. Magpapakasal na sana kami ngunit nahuli ko siyang may ibang babae. Hiniwalayan ko siya ngunit sinusuyo niya parin ako noon kaya't tumakas ako at nakiusap na maging babae nalamang ng Pinuno sa kabilang baryo. Mula noon ay hindi ko na siya nakita. Ngunit isang araw ay dumating siya. Iba na ang kaniyang pag uugali. Kakaiba ang mga salitang binibigkas niya minsan sa amin. Ngunit naging magalang parin siya sa amin akala ko ay tumigil na siya." napaiyak ito sa sinabi.