webnovel

Kakaibabe

Anong gagawin mo kung sa panahong kinabibilangan mo ay wala naring nagmamahal sayo ngunit sa panahon namang napuntahan mo ay wala namang internet? Babalik ka ba? Makita kaya ni Kimmy ang true love niya sa nakaraan? O nasa kasalukuyan?

Lukresya · 历史言情
分數不夠
39 Chs

15 Red Wine

"Baskitbol? Baskeeet Ball hindi Baskitbol." pagtatama ni Kimmy.

Napaisip si Ramses sa pagtatama nito sa kanya. Nagtataka siya kung paanong nalaman ni Kimmy ang tamang bigkas sa inimbentong laro ni Enzo na para lang sa kanilang dalawa. At si Enzo rin mismo ang nag imbento ng pangalan nito.

Biglang napahinto sa paglalakad si Kimmy.

"Wanport shet op peyper!" mahinang panggigigil nito sa sarili kung bakit hindi nito makontrol ang pagsasalita sa modernong paraan. Kung bakit ba naman kasi may mga matandang salitang filipino siyang hindi alam.Humarap ito sa kanya.

"Narinig ko po kasi ang tamang pagbigkas ng Basketball minsan sa isang tao ngunit di ko na ho matandaan kung sino Pinuno. Pero maganda naman ang accent niyo." tinakpan ni Kimmy bigla ang bibig.

"Aksen?" tanong ni Ramses.

"A a a ang ibig ko pong sabihin ay paraan ng pagbigkas ninyo Pinuno,napakaganda!" palusot ni Kimmy. Sabay talikod dito at

At nagpatuloy na sa paglalakad. "Bakit ba lagi akong natataranta kapag kasama ko ang lalaking to?" tanong niya sa sarili. "Dapat ko na talaga siyang layuan."

"Basketball" bulong ni Ramses at itinuloy ang paglalakad. "Accent" bigkas ulit nito. Narinig nga lang ba niya ito sa isang tao. Ngunit dalawa lang sila ang nakakaalam nito. Kay Enzo nya lamang ito pwedeng marinig dahil hindi pa nabanggit ni Ramses ang larong ito kahit kaninoman. Ngunit kailan, paano at saan. Naging mas interesado ngayon si Ramses kay Kimmy, napakadami nitong itinago noon sa kanya. Kaya ni Kimmy pumasok sa pamamahay nila ng hindi nahuhuli sa kabila ng marami niyang bantay.

At anong ginagawa niya sa mga dahon ng Narra bakit lagi siyang pumipitas nito. Nalaman ni Ramses base sa personal niyang imbestigasyon na tanging Narra lang ang pakay nito sa pamamahay nila. Kahit siya ang naging biktima sa ginawang kalokohan ng isa sa mga babae niya noong unang gabi ng panloloob niya, hindi niya ito pinikot. Iyon na ang pagkakataon niya pero siya ang walang pakialam ngayon. Hindi ba siya nasiyahan sa kakaibang karanasan nila ni Ramses noong gabing yon? At bakit ngayon lang niya ipinakita ang totoo nitong pag uugali?

Nagpapanggap lang ba siya noon sa kanya na gusto siya nito para ayawan niya ito sa kasunduan? Biglang nagdilim ang mukha ni Ramses.

"Mga Bulaklak sa harapan at gilid ng bahay, May bakanteng lote sa gilid at harap, May dalawang pintuan, May secondfloor. Mga gulayan sa likuran at mga alagang hayop sa di kalayuan." Napaisip si Kimmy, mukhang pamilyar ang set up ng bahay ng magiging gabay niya sa panggagamot. Tumigil ito sa harapan ng pinto.

"Ginoong Lorenzo!" sigaw ng isa sa mga aliping bantay ni Ramses.

Agad agad namang bumukas ang pintuan nila. Binuksan ito ng isang aliping tagalinis ng bahay at pinapasok ang Pinuno at si Kimmy. Ang bahay ay gawa sa plywood ng Narra at nababarnisan. Kasintibay ng bahay ng mga Marapao ngunit payak ito sa kagamitan.

Nagulat si Kimmy ng maka kita ito ng Sofang upuan. Gawa sa plywood at bulak na tinahi sa telang pang tribo. malambot na may kumportableng gaspang.

Naupo agad si Kimmy lara i check kung sofa nga ito. "Sofa nga."

"Pinuno!" yumuko sa pagsaludo si Enzo kay Ramses.

"Di na kailangan yan" inayos nito ang postura ni Enzo. "Kapag tayong dalawa lang, hindi na kailangan ang pagsaludo, Lorenzo."

"Maraming salamat Pinuno, pero ang batas ay dapat sundin kahit ikaw at ako lang ang nakakakita." sagot ni Enzo kay Ramses. Tumingin ito sa sofa kung nasaan si Kimmy. Nagtaka ito sa reaksyon ni Kimmy. Nakangiti ito sa kanya at mahinhin na nakaupo ng maayos sa isang sofa.

"Siya si Katarina, Pangalawang panganay sa magkakapatid na Donaire, kapatid siya ni Salvador." pakilala ni Ramses kay Kimmy.

"Kimmy..." sinubukang tawagin siya nito sa dating gustong pangalan.

"Ha? Kimmy?Ano po iyon?" tanong ni Kimmy sa kanya. Nagpapanggap na hindi siya ito.

Tinitigan siya ni Enzo na parang nagsusuri mula sa mga mata nito.

Tinitigan din siya ni Kimmy at nananatili sa pagpapapanggap nito.

Minasdan sila ni Ramses at nanahimik. Walang nakakaalam kung ano ang nasa isip nito.

"Ginoong Lorenzo, handa na po ang minindal"

paalala ng alipin ni Enzo.

"Maupo muna po kayo Pinuno." paanyaya nito kay Ramses. "Pakihapag na dito't matikman na nila Maria." sabi nito sa alipin.

Naghapag si Maria ng Ube cake.

"Kakaiba. Ano ho iyan?" pagpapanggap ni Kimmy. Ube cake ang paborito nitong dessert noon. Kaya pala pati ang pagkaayos ng tahanan nito ay pamilyar sa kanya.

"Ube cake" Kumuha ito ng maliit na platito, gawa ito sa puno na ginawang tabla at parang nabarnisan ng manipis. Pinaghihiwa ang cake at naglagay ng tatlong maliliit na sukat sa platito at ibinigay kay Kimmy. Habang humiwa ito ng malaking bahagi para sa Pinuno.

"Pasensya na po Ginoong Lorenzo, pero hindi po ako kumakain ng Ube." Pagtanggi ni Kimmy. Hindi naman talaga ito kumakain ng Ube noon, Kung hindi lang dahil sa kanya na mahilig sa kakaning Ube ay pinilit niyang kumain nito hanggang sa maging paborito niya ang cakr na gawa sa Ube. Ngunit hindi niya nais na magkaroon pa ng koneksyon mula dito kahit pa gustong gusto niyang may makausap na katulad niyang mula sa modernong panahon.

"Ganoon ba Kimmy." kinuha nito ang ibinigay nya sa kanya at ito ang kinain niya saka siya naglabas ng bote ng red wine. Alam niyang ito ang kahinaan ni Kimmy noon.

Yumuko si Kimmy sa sobrang pagpigil sa sarili niya na huwag titikman ang red wine na nilabas nito. At tumingala ito tumingin ng nagniningning ang mga mata sa botelya ng Red Wine. "Ano ho iyan Ginoo?" tanong ni Kimmy kay Enzo ng may konting laway na tumutulo sa gilid ng bibig niya.

"Red Wine" binuksan ito ni Enzo at sumingaw ang maanghang at matamis nitong amoy na nagpatakam kay Kimmy. Habang binubuhos ni Enzo ang laman sa isang baso. Sinusundan naman ito ng tingin ni Kimmy at napalunok.

Iaabot na ito ni Enzo ngunit lumagpas ito sa mga kamay ni Kimmy na aabot sana dito ngunit naglanding kay Ramses. "Para sa iyo,Pinunong Ramses."

Agad na nilagok ni Ramses ang binigay ni Enzo at binalik sa kanya ang baso.

Nilagyan ulit ni Enzo ng laman ang baso. Sa pag aakala ni Kimmy na siya na ang susunod na tatagayan ay akma niyang kukunin ito. Ngunit iniabot ulit ito ni Enzo kay Ramses.