webnovel

Kakaibabe

Anong gagawin mo kung sa panahong kinabibilangan mo ay wala naring nagmamahal sayo ngunit sa panahon namang napuntahan mo ay wala namang internet? Babalik ka ba? Makita kaya ni Kimmy ang true love niya sa nakaraan? O nasa kasalukuyan?

Lukresya · 历史言情
分數不夠
39 Chs

14 Baskitbol

'Kahit na pakiramdaman ko ay ibang tao na si Ate, ramdam ko parin na mahal niya kami. Natutuwa ako na naging responsable siyang babae naging matapang, makatwiran, at mapagmahal. Sa kabila non, hindi nawawala pa rin nawawala sa isip ko ang pagdududa. Naging responsable nga ba si Ate o hindi siya si Ate.' sa isip ni Soledad habang pinagmamasdan ang ate sa pagyakap sa mga magulang at kuya nito dahil sa pamamaalam nito sa paglipat niya ng tahanan.

Ang bahay at lupa dito ay hindi mahal. Ang isang tandang na manok ay katumbas ng isang malawak na lupa sa palitan. Ngunit ang mga bahay ay nasa husay ng manggagawa.

Ang mga materyal at tauhan sa loob ng compound ng Marapao ay mas maganda at mas magagaling kasya sa mga bahay kubo sa labas. Mayroon pa silang kakaibang klase ng ilaw na sila lang ang tanging mayroon.

"Anak, kapag wala kang masyadong ginagawa ay maaari mo kaming pasyalan. Kapag may sakit ka ay dumito ka muna't aalagaan ka namin." paalala ni Tere sa anak na naghahanda ng mga damit at kagamitan sa maletang banig nito.

"Ina, huwag po kayong mag alala. Malakas po ako. Kaya ko lahat ng sakit ma. Healthy po ako." sagot ni Kimmy.

"Ha? Hi hi hilti? anong hilti?" pagtatanong ng ina kung tama ang nadinig niya dito.

"ah. Mabuti nay. Mabuti po ako. Mabuti kalagayan ng pangangatawan ko po." mabilis na palusot ni Kimmy sa ina nito. tinapik nito ng bahagya ang bibig 'ano ba naman Kimmy, konting tiis bukas makakapagsarili kana. Mag ingat ka sa pananalita mo. gusto mo bang mapagbintangang demonyo ulit?' tanong nito sa sarili.

"Ay tao ka lang din anak, kahit manggagamot ay nagkakasakit din, Hindi tayo Diyos para maging mabuti ang katawan natin habambuhay. Dadating at dadating ang araw na susuko ang katawan natin. At pagdating ng panahon ko anak,panahong hindi nako makagalaw at maging pabigat na, intindihin mo nalang ako at habaan ang pasensya mo Katarina." panghahabilin ng ina.

"Ay mag aasawa pa ang anak mo Tere at anong inihahabilin mo sa kanya't parang nagpapaalam kana. Hayaan natin siyang lumapit at magpaganda sa taong nagugustuhan niya." saway ni Mario sa asawa.

Napaisip ang lahat sa sinabi ng Ama. 'Lumapit at magpaganda sa taong nagugustuhan niya'

Tinignan nila ng sabay sabay si Kimmy at tinitigan ito mula ulo hanggang paa. 'Tama!,

kaya pala! kaya pala humingi ito ng sariling residente! kaya pala huminto ito sa paghabol sa ginugustuhan nito ay para magpaganda! kaya pala ngayong maganda na siya ay paroon siya ngayon sa tahanan ng iniirog niya! Tama!' Ganoon na lamang ang nasa pag iisip ng mga magulang at kapatid ni Kimmy sa kanya. Kitang kita nito sa mga mata nila ang mga kalokohang umiikot sa utak nila.

"Hinding hinding hindi ako mag aasawa! lalo na sakanya! never!" padabog na saway ni Kimmy sa apat na pinagkakaisahan siya at pumasok muli ito sa kwarto niya at isinara ang pinto. 'Mga malisyoso. tsk!' tinuloy ni Kimmy ang pag aayos ng mga gamit na dadalhin niya.

"Hehe" Natawa ang apat sa naging reaksyon ni Kimmy sa kanila. Sa isipan nila, ang reaksyon nito ang nagpapatunay na nahuli siya. Tulak ng bibig kabig ng dibdib.

Kinabukasan...

Binabangunot si Kimmy ng nangyari sa kanyang nakaraan, noong binangga siya ng isang sasakyan bago ito mawalan ng buhay. May naramdaman siyang dalawang kamay na sumubok na itulak siya ng maligtas ngunit dinatnan din ito at nabangga din ng rumagasang sasakyan sa kanila. Hindi niya makita ng maayos ang mukha ng gustong magligtas sakanya. Nakakasilaw ang liwanag at kaunting bahagi lang ng mukha nya ang nakita.

'Booggg!' tunog ng taong nahulog mula sa higaan.

"Awwww! Sakit ng mukha ko." sabay upo nito sa flooring na nilagyan niya ng mga pantay pantay na tipak ng bato dahil wala png semento noon. Naisipan niyang magbuo ng flooring nito mula sa mga buhay na bato.

"Sino nagbukas ng bintana!?" inis na tanong ni Kimmy dahil sa nakakasilaw na liwanag ang pumapasok dito.

"Nagising ba kita?" biglang tanong ng isang lalaki na may pamilyar na lalim ng boses nito.

"Eh?" Kinusot ni Kimmy ang mga mata nang masilayan ang bagong ligong Oppa. Napakabango nito at mukhang anghel sa sinag ng araw. "Pi pi pi pinuno" tumayo si Kimmy at bumagsak ang kumot na nakapalupot dito.

Nakita ni Kimmy na biglang nag alis ng tingin si Ramses sa kanya at namula ang mga tenga nito. 'May mali' sabi ng pakiramdaman niya ng makita niya na naka strap blouse lang ito at super ikling short. Hindi siya nagsusuot ng ginawa niyang bra kapag matutulog kaya naka pinta sa hapit nitong blouse ang dalawang butones. "Ahhhhhhhhhhh!!!!!! Labas!!!!!!!" sigaw ni Kimmy habang pinambabato kay Ramses lahat ng pwede niyang ibato.

Dali daling lumabas si Ramses sa kwarto at nakita ang pilyang ngiti ni Sol sa kanila. Maagang umaalis ang mga magulang nila kaya siya ang nagpapasok sa kanya sa kwarto nito. Natulog si Sol sa tabi ni Kimmy kagabi kaya't ng dumating si Ramses sa bahay nila upang sunduin si Kimmy. Nabuksan ang pintuan ng kwarto.

Isang leksyon ito ni Sol sa ate niyang nagmamatigas ng ulo. Pinapasuot niya ito ng pajama at longsleeve na damit ng bago matulog ngunit ayaw nito bagkus ay lalong naging revealing ang ginawa niyang mga damit pantulog at sinubukan na niya ang isang pares.

Lumabas muna ng bahay si Sol ng makita ang pulang pulang mga tenga ng Pinuno ng baryo nila galing sa loob ng kwarto ng ate niya.

Paglipas ng ilang oras, Pinabuhat nalang ni Ramses ang mga dadalhin nitong gamit sa bagong bahay nito sa kanyang mga alipin para dumaretso na sila sa bahay ni Enzo.

Sa may kagubatan.

Nakakita si Kimmy ng mga Baka, Kalabaw, Kambing, mga itik sa mga dinaanan nila. Mukhang mayaman ang taong ipapakilala ni Ramses sa kanya na isang magaling na manggagamot. Habang papalapit sila sa bahay ng taong iyon ay napansin niya ang mga bulaklak. Mga iba't ibang kulay ng daisy sa kaliwang bahagi ng bahay. Mga iba't ibang kulay ng sitsirita naman sa kanang bahagi.

May 2nd floor ang bahay at may halaman ng encantadia sa may di kalayuan at maliit na bahay sa ibabaw ng malaking puno.

Ang kakaiba pa dito ay may parang ring ng basketbol sa isang puno at mukhang basketball court ito. 'Mayroon na palang basketball noon.' pagtataka ni Kimmy.

Napansin ni Ramses ang pagtataka ni Kimmy basketball court. Malakas ang hula nito na hindi alam ni Kimmy ang larong sila lang ni Enzo ang nakakaalam kaya't gusto nitong magyabang sa kanya. "Mukhang marunong ka maglaro ng Baskitbol?" tanong ni Ramses kay Kimmy.