webnovel

Just Hold Onto Destiny's Grasp

Damien Cadenza is a Landscape Photographer while, Caelian Joy Pangilinan is a Tragic Author. Two people who have the same passion to achieve their dreams. Two people who mourns to their painful past. When love arrives, when problem strikes, and when hurt is at the corner. Can they take the chance to hold onto destiny's grasp? (All rights reserved by Shay C.)

SHECULAR · 现代言情
分數不夠
60 Chs

Possess

Caelian

Hinawakan ko ang door knob at dahan dahan iyon binukas.Sumalubong sa akin ang maliit at malinis na sala nila.

"Damien?"tawag ko sa pangalan niya ngunit wala akong nakuhang sagot kaya pumasok na ako at isinira ang pintuan. Pinaikot ko ang tingin ko sa buong bahay ngunit wala akong nakitang bakas ni Damien doon.

Nasa kwarto kaya siya? Natutulog? tanong ko sa isip ko.

Lumapit ako sa bilog na lamesa na nasa gitna ng sala pagkatapos inalagay doon ang pizza at carbonara saka ako pumunta sa harap ng kwarto ni Damien. Mas naramdaman ko ang pagwawala ng puso ko sa kaba.

Kumatok ako ng dalawang beses,"Damien? Are you there?"untag ko.

Wala na naman akong nakuhang sagot subalit naririnig ko ang bukas na electric fan sa loob na ibig sabihin ay may tao doon. Bakit hindi siya nagsasalita?

Lakas loob kong hinawakan ang door knob at binuksan iyon ng paunti unti. Habang mas lumalawak ang bukas ng pintuan ay nakita ko muli ang pamilyar na kwarto niya. At mas naging malinaw din si Damien na nakatingin ng seryoso sa akin..

Nakasandal ang likod niya sa head board habang ang kaliwang paa niya ay nakapatong sa kama at ang kanan naman ay nakalaylay sa sa sahig niya. Diretso ang tingin niya sa akin at hindi kumukurap kurap. Wala akong mabasang emosyon sa mata niya, basta ang alam ko ay seryoso lamang siya. Naging sunos sunod ang paglunok ko. Bakit siya ganyan makatingin sa akin?

Inipon ko ang natitirang lakas ko at nagsalita,"N-Nagdala ako ng pizza at carbonara, kain tayo?"matapang na sabi ko kahit nangangatog na ang tuhod ko. Ngayon pa lang ako kinabahan sa presensya ng isang tao at sa kanya pa!

"Bakit?"simpleng tanong niya at napakalamig non! Nagtaasan ang balahibo ko sa kamay at binti.

"K-Kasi birthday m-mo"nauutal na sagot ko at nakita ko siyang napabaling sa kaliwa niya saka ngumisi! Ang peke ng ngisi niya! Nang-aasar ang ngisi na iyon!

Ano bang nangyayari? Bakit ganito siya makitungo sa akin?

"Talaga?"sarkatiko ang tinig ng boses niya"Kung ganon...Bakit nakuha mong magsinungaling sa akin?"tanong niya at natuptop ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makalagaw at nahigit ko ang hininga ko!

'Paano niya nalaman?' Dahil sa tanong niya ay hindi makahanap ng akmang salita para sagutin siya at depensahan ang sarili ko.

"Nakita ko kayo...at nakita ko rin kung paano ka magsinungaling sa akin ng harap harapan"malamig na sabi niya sa akin at parang may pumiga sa dibdib ko.

Nakita niya kami? Ibig sabihin, nong nagtatanong siya kung saan ako ay alam niya na ang sagot at gusto niya lang ako paaminin ngunit nagsinungaling pa ako?

Napayuko ako at napatingin sa paa ko sa sahig. Ngayon, wala na talaga akong mukha na mahaharap sa kanya. Nahihiya ako sa kanya.

"I-I'm sorry"ang tanging lumabas sa bibig ko sa lahat ng sinabi niya. Sa isip ko kasi, kahit na sabihin kong sinamahan ko lang si Josiah ay hindi pa rin no'n mababago na nagsinungaling ako kay Damien.

"Iyan na lang ba palagi ang maririnig ko sayo? Ang salitang 'sorry' ?"untag niya at napapikit ako"Nakakatawa... sabi mo noon sa akin, pinaka ayaw mong salita ay ang 'sorry' pero ito ngayon ang paulit ulit na sinasabi mo sa akin"seryosong sambit niya at napariin ang pagpikit ko saka nakagat ang labi ko. Sapul na sapol ako doon!

Tumahimik ang paligid at wala munang nangahas na magsalita. Tanging tunog lamang ng electric fan ang nag iingay. Pakiramdam ko ay sakip sikip ng kuwarto ni Damien dahil sa tensyon na nasa pagitan namin.

"Ayos pa sa akin na makita ko kayo na magkasama ni Josiah...kinakaya ko pa"bigla muli siya sa marahan na tono ngunit puno ito ng pait at kaseryosohan"Pero, ang magsinungaling ka sa akin para pagtakpan na magkasama kayo..."usal niya na hindi na tinuloy ang sunod na sasabihin at napataas ang tingin ko sa kanya. Nakita ko kung paano tumulo ang luha niya habang nasasaktan na nakatingin sa akin! Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.

"N-Nasaktan ako na makita kayong magkasama pero mas nasaktan ako nong nagsinungaling ka sa akin"humihikbi na sabi niya sa akin at parang nilamukos ang puso ko!

Inalis niya sa akin at tumingon sa ibang direksyon habang patuloy na bumubuhos ang luha galing sa mga mata niya. Pinupunasan niya iyon ng likod ng palad niya ngunit may bago ulit na darating. Ibinaba niya ang isang paa sa sahig at tumagilid saka tinakpan ang bibig niya gamit ang palad at dalawang siko ay nakapatong sa binti niya.

Dahan dahan ay lumapit ako sa kama niya at umupo malapit sa puwesto niya.

"Nagsisisi ako dahil nagsinungaling ako sayo...kahit ilang beses akong mag-sorry dito, hindi ko na mababawi ang sakit na nararamdaman mo ngayon...p-pero, sana patawarin mo ako"puno ng pagsisi ang boses na sabi ko sa kanya.

Lumingon siya sa gawi ko at nagkasalubong ang mga mata namin.

"Mahal kita..."sambit niya at napawang ang labi ko. Hindi ito ang unang beses na narinig ko ito sa kanya ngunit ito ang unang pagkakataon ko naramdaman ko ang kahulugan ng salitang iyon! Punong puno ng emosyon niyang sinabi sa akin iyon!

"Bago ka pa humingi ng tawad sa akin, pinatawad kita...hindi dahil sa hinihingi mo... hindi rin dahil may sapat na rason ka... kundi dahil mahal kita"usal niya na nakatingin sa mga mata ko, napaka puro non at sobrang totoo.

Napatigil ko ang paghinga ko nang dahan dahan na lumapit ang mukha niya sa akin at nakatutok ang dalawang mata niya sa labi ko! Pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko.

Pagkalipas ng ilang sandali ay naramdaman ko ang malambot na labi niya na nakadikit sa labi ko. Ang tibok ng puso ko ay mahina lamang sa una subalit habang tumatagal ay lumalakas at bumibilis.

Pinagmasdan ko lamang siya, unti unti siyang dumilat nang pinaghiwalay niya ang labi namin pagkatapos ay pinagdikit niya ang ilong at noo naming dalawa. Nilulunod niya ako sa mabigat na tingin niya! Hindi pa rin ako makagalaw, dahil prinoproseso ng utak ko ang nangyari ngayon lang.

"I love you, Caelian"matamis at puno ng pagmamahal na sambit niya sa akin.

Nanlaki ang mata ko nang pumikit ulit siya at itinagilid ang ulo para salubungin muli ang labi ko na nakaawang! Akala ko simpleng dikit lamang ng labi namin katulad kanina subalit napakurap kurap ako nang marahan na gumalaw ang labi niya sa ibabang labi ko!

Hindi mapang angkin ang klase ng halik niya. Ramdam ko rito ang respeto at pagmamahal niya sa akin.

Aaminin kong takot ako sa ganitong uri ng halik ngunit ngayon, hindi ko iyon mahanap at tanging malinaw lang sa akin ay para akong kinikiliti...o tamang sabihin na, kinikilig ako.

Bago ko pa malaman ay unti unting pumikit ang mga mata ko...dinadama ang mapagmahal na halik ni Damien...hinayaan ko siyang angkinin ang labi ko at hinayaan ang sarili na magpadala sa kiliting sandaling ito.

Nakahinga pa ba kayo? HAHAHAHA!

Yehey! Ang first and second kiss ni Damien at Caelian ay nangyari sa Chapter na ito!

Sinong kinikilig? Umiyak? Hahaha!

Anong masasabi niyo dito? Share niyo naman!

See you on next chapter!

-shayyymacho

SHECULARcreators' thoughts