Paul Adrian's POV
The rays of the sun woke me up in my room. We already got home from the trip. I checked my phone, 7:14 AM. Maaga pa for my morning class which is 10 AM.
I started to do my daily routine. I entered the bathroom to freshen up. I did some sit ups and push ups to awaken my sleepy mood. After that, I went downstairs to cook for my breakfast.
I was about to take a bath when my phone rang. I immediately grabbed it and answered without noticing who called. Si Babe lang naman ito for sure.
"Hello Babe, good morning!" Bungad ko. I heard a chuckle.
"Good morning din Babe." Huh? Bakit boses babae? I looked at my phone and it's an unknown number.
"Who's this?"
"Grabe naman di mo ba nakikilala yung boses ko?" Sagot niya.
"Why would I bother asking If I recognize your voice already?"
"Sungit naman. Si Shiela to."
"What is it? Bakit ka napatawag?"
"Have you seen the pictures I sent you last night?"
"What pictures?" Taka kong tanong. Hindi kase ako palareply sa messenger unless si Justin yung nagchat.
"Tignan mo nalang. I'm just worried about you. I think kailangan mo talaga yun makita."
"Okay. I'll check it later."
"Sige. See you at school. You deserve someone better Paul. Bye." Then the call ended.
What's with her? I deserve someone better? Naguguluhan ako.
To answer my questions I checked her message. There was an attachment of two photos.
I took a deep sigh upon seeing the photos. Are these for real?
Minabuti ko nalang munang wag isipin yun. Nilapag ko na muna yung phone ko and entered the bathroom.
Justin Klyde's POV
"Bes ang cute naman ng watch mo!" ang pagpuna ko sa relo ni Bry.
"Thank you. Begey ne jewe."
"Ay hindi na pala maganda, umaarte ka kase." pang aasar ko.
"Over ka naman! Uy ang ganda din ng necklace mo. Paul has done a great part once again." Nginitian ko lang siya. Ayoko din ipahalata na kinikilig din ako hahaha.
"Speaking of Paul, asan na pala yun? The class is about to start." Pagpuna niya.
"Ewan ko dun. Baka natraffic lang."
Dumating na yung english teacher namin pero wala pa din si Paul eh never naman nalelate yun. Nagstart ng magtawag ng pangalan si Maam para sa attendance.
"Mendoza."
"Present po." sagot ni Bry.
"Ocampo." tinaas ko naman ang kamay ko.
"Oliveros."
"Pascual."
"Tan?"
"Absent ba si Mr. Tan?"
Maya maya pa nakita ko ng patakbo si Paul papasok ng room.
"Present po Maam. Sorry I'm late."
"It's okay. You may take your seat." tumango naman siya saka tinungo yung direksyon ng upuan niya. Nginitian ko naman siya ng madaanan niya ako. He also responded with a smile but somehow I felt like there was something wrong.
Pinagsawalang bahala ko nalang muna yun at nagfocus sa klase.
Habang abala ang lahat sa pagsagot sa mini quiz ni Ma'am, ako naman tong hindi mapakali.
Tapos na akong magsagot pero parang gusto ko ulit ulitin para malibang. Pakiramdam ko pa rin kase may mali.
"Pass your papers." Sabi ni Ma'am.
Everybody went wild after passing the papers dahil maaga kameng dinismiss ni Ma'am. May importante daw siyang lalakarin.
"Alam mo friend itigil mo na yan." Ang pagbasag ni Bry sa aking pagmumuni.
"Ha? Ang alin?" Taka kong tanong.
"Yung paghithit ng katol. Tulala ka na naman eh." Sinamaan ko nga ng tingin.
"Nag upgrade na ako ano ka ba? Tinatry ko naman ngayon moth balls." Ang nakangiti kong sagot sa kanya.
"HAHAHAHAHA siraulo ka bes!"
Maya maya nagvibrate yung phone ko. May nag message siguro.
●Paulito ❤️●
'Let's eat by the rooftop later. I have something to talk to you.'
Nilingon ko naman agad siya pero busy na siya sa pakikipagdaldalan kay Ben. Nireplyan ko nalang siya ng 'okay'.
Sabi na eh may mali sa araw na to. Ano kaya yun? Napapaisip na naman tuloy ako.
Matapos ang last subject namin para sa morning class ay nagyaya na si Paul kumain. Sinabihan niya na pala sin Ben at Bry na di muna kame sasabay sa kanila kumain na sinuklian naman nila ng mga makahulugang tingin. Nako, kung alam niyo lang.
Pagdating sa rooftop ay nagsimula na kameng kumain. Maya maya pa nagsimula ng magtanong si Paul.
"Babe, nung nasa hotel tayo, after mo bang maligo you went outside pa?"
Saglit naman akong napatigil sa pagkain ko.
"Hmm?"
"I mean, nung nagshashower ka ata kase nun nakatulog na ako. Paggising ko nasa tabi na kita but somehow I felt like you've been gone for awhile."
Shit. Sabi na eh. Should I tell him? I took a deep breath.
"Yes. Nagpahangin lang." Sagot ko. For some reason ayaw kong sabihin na nagkita kame ni Migs. Though hindi naman sa gusto ko siyang paglihiman pero baka kase kung ano pang isipin niya. Kaso knowing Paul malamang maghihinala pa din yun. Bahala na nga.
"I see. So kailangan ba kapag magpapahangin ka may kasama ka?" Nabigla naman ako sa sunod na tanong niya.
"What do you mean?"
He placed his phone on the floor, open. And right there I saw a picture. It was me and Migs.
"Sana dinala mo yung jacket mo dyan para di ka nilalamig hindi yung yayakap ka pa sa ibang tao." Saka niya sinimulang iligpit yung lunchbox niya.
"Babe, it's not what you think." Sagot ko.
"Then tell me Klyde, tell me!"
"He needed someone to talk to. Di ba nga sabi ko sayo nun parang may problema siya."
"Oh? So kaya ikaw ang nagprisenta na damayan siya? How thoughtful of you."
"Pwede ba Paul huminahon ka muna? Ano bang akala mong ginawa ko?"
"I don't know! But the fact that you're being secretive made me worry for our relationship." Saka siya tumayo and went downstairs.
Hindi ko na nagawa pang habulin siya para iexplain.
Napatulo nalang ang luha ko sa pangyayaring yun. Yeah I know mali ako. Inunahan na naman kase ako ng mga bagay bagay na gumugulo sa isip ko kaya di ko pa sinabi deretso about sa problema ni Migs.
"Huwag ka ng umiyak." Bigla naman akong napatayo sa nagsalita.
"Sino yan?!"
Maya maya pa nagpakita na yung may ari ng boses. Teka…
"T-K?"
"The one and only. Hays. Ang ingay niyo. Nabulabog tuloy tulog ko." Saka siya nag inat.
Pinunasan ko naman agad yung luha ko.
"Bakit ba kase dito ka natutulog? Pwede namang sa library."
"Eh bakit kayo? Pwede din namang sa cafeteria kumain pero dito niyo pa pinili?" Inirapan ko lang siya sa sagot niya sa akin.
"Mukhang malalim yung pinagtatalunan niyo ah." saka siya umupo sa tabi ko at biglang kinuha yung isang fried chicken.
"Sinabi ko bang kumuha ka?"
"Kung alam mo naman sa sarili mong wala kang ginagawang masama, why bother explaining yourself?" sabi niya pagkatapos lantakan yung chicken. "If he really trust you, he will never suspect you."
"Mali ko din naman. I should've told him earlier para di na umabot pa sa ganito." napailing siya.
"Mababaw lang pinag aawayan niyo. Let him cooldown. Tara sama ka tuloy sa akin." saka niya ako hinatak patayo.
"Teka lang! Kita mong di ko pa to naliligpit oh! San ba tayo pupunta? At saka bakit ba ako sasama sayo eh kelan lang naman tayo nagkakilala?!" rekalmo ko.
"Andami mong tanong. Sa gwapo kong to mukha bang gagawan kita ng masama? Let's go."
Paul Adrian's POV
"Damn it!" Ang nasabi ko nalang saka ko sinuntok ang pader.
I should've listened to him first. Pero come to think of it, kung talagang gusto niyang sabihin, bakit kailangan pa niyang patagalin? Why do I have to know it from somebody else?
Mali ba ako? Mali bang maramdaman to? Am I wrong for knowing the truth?
I was so lost at the moment until I felt the pain from my fist. I looked at it and it was bleeding. Napalakas ata yung pagkakasuntok ko sa wall.
Umuwi ako agad right after our confrontation. Naisipan ko munang pumunta sa isang basketball court malapit sa village namin. Pag may iniisip kase ako or may problema, I tend to make myself busy until it's gone.
Napapaisip pa din ako sa ginawa ko. Pero anong magagawa ko? I felt betrayed. Sa taong mahal ko pa.
"Mukhang seryoso iniisip natin dyan ah?"
Soon as I heard that voice, I immediately got angry but I tried to keep calm. Nilingon ko naman siya ng makalapit sa akin. Same village nga pala kame ng mokong na to.
"Oh anyare dyan Paul? May problema ba?" saka siya naupo sa bleachers na kinaroroonan ko.
"It's nothing." tipid kong sagot.
"Nothing ka dyan eh dumudugo na. Gamutin mo na kaya yan?"
"I told you it's nothing!" bahagya naman siyang nabigla sa pagkakasigaw ko.
"Chill dude! Masyadong mainit ulo mo. Ano bang problema?"
"You really want to know huh?"
"Yeah."
"IKAW!"
"Oh ano namang kasalanan ko? Ngayon nga lang tayo nagkita?" takang tanong niya.
"Stop acting innocent Migs! Are you sure wala kang alam kung bakit ako nagagalit ngayon?!"
"If I know where your anger came from, why would I bother asking?"
"Tss. Ang galing mo ring magpalusot no?"
"Just get to the point pre."
Napangisi nalang ako saka kinuha ang phone sa bag ko. I scanned my gallery and showed him their photo. Tsk.
He was shocked.
"See? Hindi ka ba makapaniwala sa ginawa mo? Maang maangan ka pa."
"It's not what you think dude."
"Parehas na parehas kayo ng sagot ni Klyde. Baka nag usap talaga kayo na itago sa akin to? Grabe Migs! Of all people ikaw pa talaga? yeah , I know naging crush ka ni Justin but I never expected that you would go this far."
"Yun ba talaga tingin mo sa akin Paul? Kaibigan kita. Why would I do that to you?"
"Malay ko. Bakit nga ba?"
"Yan ang problema sayo Paul. You already formed your own conclusion. Ni hindi mo man lang pinakinggan si Justin."
"Don't even try to turn the table Migs. Grabe, you're already caught on your crime but still denying it."
"Bakit Paul ano ba sa tingin mong ginawa namin ni Justin? Ha? Naisip mo ba muna kung magagawa ni Justin sayo yung mga pinaparatang mo?"
"If he loves me, he'll never hide any secrets from me."
"If you love him you should trust him."
"I am trusting him! But it's different this time Migs! Ayan na nga ebidensya oh!"
"Screw that evidence if you don't even know the reason behind it! Nang dahil lang dyan sisirain mo kung anong meron kayo ni Justin? Come on dude!"
"Then tell me! Tell me Migs na mali ako! Na maling nagalit ako sa kanya!" saka ako napayuko and the last thing I know, I already shed tears. "I'm just tired of hoping. Pagod na akong umasa na mamahalin ng taong mahal ko."
I heard him sigh before he took the seat next to me.
"Mahal ka ni Justin. You just have to trust each other." and gave me a tap on the back.
"And to clear your thoughts, This is what really happened."
He took a deep breath.
"I had a misunderstanding with my girlfriend, Claire. We were supposed to celebrate our 5th monthsary there but for some reason she didn't show up. I asked her why and she said may kailangan lang daw siyang ayusin. Kung pwede daw cool off muna kame. That made me wonder what's going on."
I silently listened to him.
"Tinatawagan ko siya but she's out of reach. Sa kakaisip ko kung bakit, napadpad ako sa resto malapit sa binook kong hotel. That's where I bumped into Justin. He might have told you that. Kaso saglit lang kame nag usap kase baka daw hinahanap mo na siya. See? With just little things ikaw pa din iniisip niya."
Nakatitig lang ako sa kanya.
"That night hindi ko macontact si Benedict and so are you kase naghahanap talaga ako ng makakausap. Justin was still up, online, that time so I messaged him kase di talaga ako makakatulog ng wala akong mapagsasabihan ng problem ko. Siguro iniisip mo na palihim siyang umalis kaya nagduda ka but I think he's just concern about you since he told me that you've been exhausted from the long trip. Yun marahil ang dahilan kung bakit hindi ka na rin niya nagawa pang gisingin."
"Justin was really a big help that time. Hindi ko ineexpect na manggagaling yun sa kanya. He made me realize things, especially not giving up. His advice motivated me a lot. Kaya siguro napayakap ako sa sobrang pasasalamat. Yun lang yun dude. Nothing more beyond that picture. Para na kitang kapatid tapos gagawin ko sayo yan?"
After hearing his explanation, I felt all this guilt run inside me.
"At sa kung sino mang nagsend sayo niyan, baka may galit kay Justin o kaya may tumututol sa inyo. Ngayon, it's up to you kung paniniwalaan mo yan. I already told you the truth dude. Kung ako sayo puntahan mo na si Justin. Malamang kanina pa yun nag aalala sayo."
"Thanks Migs, sorry na din."
"Wala yun. Sige na umalis ka na dito ng masolo ko tong court." I just gave him a nod then went straight to the exit.
Justin Klyde's POV
Ewan ko ba kung bakit ako sumama sa isang to. Hindi naman kame close kung tutuusin. But some part of me wanted to go as If I wanted to escape reality for a while. Baka tulad ni Paul kailangan ko din siguro muna palipasin pansamantala ang nangyari sa araw na to. Hays. Asan na kaya si Paul?
"Alam mo sayang lang yung rental fee dito kung nakanganga ka lang dyan habang pumapasok yung langaw sa bibig mo." Ang pagpuna sa akin netong Hapon na to.
"Ano ba kaseng ginagawa natin dito?"
"Tingin mo Justin? Ano bang ginagawa sa isang Archery place? Kakain?" Inirapan ko lang siya sa pagiging pilosopo niya.
"Wag mo na munang isipin yang syota mong matampuhin. Come and play."
"Uuwi na ako. Anong oras na kaya. Saka di naman ako marunong nyan."
"Ows? Sagittarius ka di ba? Tapos di ka marunong? Kalokohan."
"How did you know?"
Bahagya siyang nagulat sa tanong ko.
"Yan oh. I assumed you are a Sagittarius." ang pagtuturo niya sa necklace ko na bigay ni Paul.
"Just try." upang matigil na siya ay kinuha ko na ang bow sa kamay niya. "Here, let me show you."
Nagulat naman ako ng lumapit siya sa akin. Napakalapit. Maya maya pa hinawakan niya yung kamay ko instead of the arrow.
"Masyado kang malapit. Baka naman magkapalit tayo ng mukha niyan?"
"Ang sensitive mo pala." bulong niya sa tenga ko.
"Layo. baka isaksak ko sayo tong arrow."
"Feisty. I like that." sinamaan ko siya ng tingin.
"Oh chill lalayo na." saka siya umatras. " make your shot na ng makauwi na tayo."
I focused on it and positioned myself for the shot. I centered the arrow as much as possible to the target then released the arrow.
Since malabo ang mata ko hindi ko makita kung ilang points ang nakuha ko pero base sa tawa ng Hayop na to eh malamang mababa pa sa 3 ang nakuha ko.
"Naniniwala na akong di ka nga marunong HAHAHAHAHAHA."
"Kung ikaw siguro target baka di ako magmimintis." saka ko tinutok sa kanya yung bow.
"Gomen ne!"
"Ewan ko sayo. Ang boring naman netong laro na to. Uuwi na ako." saka ko tinungo ang pinto palabas.
"Huy wait lang. You're so hot headed."
"K." tipid kong tanong.
"Hatid na kita. Pambawi man lang sa pang iinis ko."
"I can go home by myself."
"I insist."
"No need kaya ko na. Bye." saka ko pinara ang taxi na dumaan at sumakay.
Hindi pa man kame nakakalayo eh bigla namang nasiraan tong si Kuyang driver.
"Naku Sir. nag overheat ho ata yung makina. Hanap nalang po kayo ulit ng masasakyan."
"Ganun ho ba? Sige po." saka ako bumaba at sumilong sa pinakamalapit na waiting shed.
"Kung minalas malas ka nga naman umulan pa."
Nakakailang para na ako ng taxi pero halos lahat may sakay. Yung iba naman ayaw ako isakay. Late na. Deads pa naman phone ko.
Maya maya pa may humintong sasakyan sa tapat ko. Agad naman akong napaatras at akmang tatakbo.
"What the hell are you doing?" agad naman akong napalingon sa pamilyar na boses.
"Hayup ka! Pinakaba mo ako!" inis kong sagot sa kanya. Bwisit na Hapon to.
"Ang swerte mo naman kung ako yung kidnapper."
"Ewan ko sayo! Umuwi ka na nga!"
"Sure ka ayaw mong magpahatid? Gabi na."
Nilingon lingon ko naman ang paligid at halos wala ngang tao naglalakad sa kinaroonan ko.
No choice ang lola mo kundi sumang ayon. Hays.
---
"Salamat sa paghahatid. Sige na umuwi ka na."
"Sa lahat ata ng naihatid ko ikaw lang yung masama yung ugali. Di mo man lang ba ako papasukin?"
"Anong oras na saka may pasok pa bukas. Saka di naman tayo close." sagot ko. Bigla naman siyang lumapit.
"Gaano ba kaclose ang gusto mo?" napaatras naman ako agad sa ginawa niya.
"Are you trying to hit on my boyfriend?" napalingon naman kameng dalawa ni TK. Si Paul.
Lumapit naman siya agad sa amin saka ako nilayo kay TK.
"Does it look like that to you?" sagot pabalik ni TK.
"Leave my boyfriend alone. You're not even friends to begin with."
Napangisi nalang si TK saka naglakad papunta sa kotse niya.
"Next time, don't leave him alone." tumingin sa akin saglit si TK bago ibinalik ang tingin kay Paul. "Someone might snatch him from you."
"That won't happen." sagot ni Paul.
"If you say so. Anyways, goodnight Klyde. See you around." then he left.
"P-Paul." nilingon naman niya ako agad. "H-hinat-" di ko na natapos pa ang sasabihin ko nang yakapin niya ako.
"I'm very sorry Babe. I should've listened first to you but I let my anger rule my mind." yumakap naman ako sa kanya pabalik.
"Wala yun mali ko din naman kase. Natakot din ako kaya di ko nasabi agad pero hindi naman ibig sabihin nun eh niloloko na kita."
"Yeah I know."
"I know daw pero nagwalk out." pang aasar ko.
"You can't blame me Babe. I just love you this much kaya sobra akong nasaktan. I'm just afraid of losing you."
"Sorry din if you felt that way. Promise ko sayo no more secrets. Okay?"
"Yeah. no more."
"Teka kumain ka na ba?" saka siya kumalas sa pagkakayakap at umiling.
"Hay na ko. Lika pasok ka baka may tira pang ulam sina Mama."
---
"Ang alam ko hindi dito yung pintuan papuntang guess room Babe."
"Sabi ni Tito pwede naman daw ako dito basta behave ka lang daw." saka siya humiga sa kama ko.
"Teka ba't ako???" natawa naman siya sa reaction ko.
"Just kidding."
"Oh anyare dyan sa kamay mo?"
"It's nothing Babe."
"Nothing eh namamaga tapos nagsugat. Teka kunin ko lang yung medkit." nang makuha ko na ay tumabi ako sa kanya.
"Malamang dala to ng galit mo kanina. Sorry ha?"
"It hurts Babe."
"Ay sorry. Dahan dahan lang naman lagay ko saka betadine palang to." sagot ko saka hinipan hipan yung kamay niya.
"I read on the website mas effective daw kung ikikiss mo nalang." nilagyan ko ngang alcohol.
"Shit!!!! What was that for????" reklamo niya.
"Alam mo kase ikaw napakaluma ng mga paraan at diskarte mo. Wala ka bang bago dyan?" pang aasar ko saka pinagpatuloy ang paggagamot.
"Meron naman." I got shocked when he held my chin and with a glimpse our lips met.
I was so lured by the kiss that I almost forgot to breathe.
"P-paul."
"What? You ask me kung may iba pa akong paraan and eto na yun."
"Di ba sabi ni Papa behave ka daw?"
"Bakit? Are you gonna tell tito?" umiling lang ako.
"Then we have no problem." After that he continued to kiss me. From my forehead, down to my nose and lips then he run down to my neck.
And the next thing I know we lied ourselves down on my bed.