Justin Klyde's POV
Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit ko kinaibigan ang damuhong Dylan na yun! Jusko sangkatutak na funny reactions ang nakuha ko sa tinag niyang picture sa akin. Ako lang naman yun in my precious NGANGA post. May caption pang "Kasya ba Titanic dito? Any comment guys?" oh diba ang saya! Badtrip na yun! Buti nalang di pa kame friends ng crush ko! Dahil pag nakita niya yun nakakahiya!!! Hi-nide ko nalang para di makita. Hay nakakasira ng araw! Inhale! Exhale!
Andito ako ngayon sa may soccer field. Nagbabakasakali na dumaan ang prince charming ng buhay ko.
"Huy!"
"Ay kabayo ka!" sabi ko. Peste si Dylan lang pala.
"Hindi ah! Si Dylan lang to. Ang bestfriend mong ubod ng gwapo." Binatukan ko nga.
"Para saan yun?!" reklamo niya.
"Para saan? Eh kung itampal ko tong cellphone ko sa mukha mo ng malaman mo!" saka niya nakita yung post niya. Aba ang gago tawang tawa na naman.
"Oh ang ganda naman ng kuha ko jan ah. Malinaw. Galing ko talaga no?"
"Oo sobra! Gusto na nga kitang tadyakan ngayon." Inis kong sabi.
"To naman yan lang! Eh yung kinunan mo nga ako dun sa birthday ni Mama na sumayaw akong lasing may narinig ka ba sa akin?" Luh? Throwback? Pero natawa ako.
"Eh ang sarap mo pagtripan nun eh may sinasabi ka pang "Anya mahal na mahal kita! Iuuwi na kita bukas ako na boyfriend—."
"shh!!!! Ang ingay mo ginagaya mo pa itsura ko mamaya may makakita sayo!" saway niya.
"sus! Ano naman! Saka tayo tayo… SHIT!!!!!"
"Shit ka din!" sagot ng ungas.
"Gago anjan yung crush ko!!!! King ina Dylan mamatay na ako dito!!!" pagpipigil ko ng tili and everything. Kalma bakla. Kalma.
"Ako pinapatay mo tanga! Ang sakit ng kurot mo!" reklamo niya. Then nakalagpas na siya kasama ang mga barkada niya.
"OMG bestfriend ang gwapo talaga niya!" sabi ko.
"Sus. Mas gwapo naman ako jan." inirapan ko nga.
"Hindi ah! Tignan mo naman chinito! Tapos ang gwapo niya tapos ang gwapo niya ulit basta gwapo siya!!!!" totoo naman talaga! Bonus pa gusto ko nakasalamin! The fuck!
"Ewan ko sayo hindi ka naman pinansin! HAHAHAHA." Saka siya tumayo.
"Syempre di pa kame friends! Pogi talaga ng Kasoy ko!" Kasoy tawag ko sa kanya kase lagi ko siyang nakikitang kumakain nun.
"Sige lang drool over your Kasoy tutal late ka na sa klase mo." O___O
"Hala!!!!! Anong oras na ba?" shit! 11am na! 10:30 klase ko dun! Ang layo pa naman ng room namin!
"ba't di mo agad sinabi!!!" sabi ko saka tumakbo.
"ABA AKO PA SINISI MO! AYUS KA AH!" sigaw niya. Bahala ka jan! mamaya na tayo magtutuos!
<>
Pagkadating ko sa room naglelecture na yung baklita kong Prof. Hindi ko tuloy alam kung papasok ako. Kaso importante yung nilelecture niya! Hay nako bahala na nga.
"Good mor--."
"Why are you late Mr. Ocampo?" pagputol niya sa sinabi ko.
"Ah kase po…"
"Nako sir inantay kase niya ako sa may canteen kanina. Sorry na babe." Singit naman netong si Paul. Then everybody scream. Yung mga iba kinikilig yung iba nagbubulungan tapos nakatingin ng masama. Mga hayop!
"Feeling mo no. Nasa may soccer field ako no inaantay ko yung-."
"Yung alin Mr. Ocampo?" singit na naman ng prof ko. Bwisit na to.
"Yung coloring materials ko po sir hiniram kase nung bestfriend ko." Sagot ko.
"Diba Engineering yun? Anyways, maupo ka na naabala na klase ko. Next time bawal ng malate." oh ano naman kung engineering yun? May drawing pa din naman sila.
"Okay po." Bawal daw eh ilang beses na ngang maraming nalelate sa klase niya. Don't me.
Papunta na ako sa upuan ko ng mahagilap kong nakatingin pa rin ang kumag na si Paul sa akin. Okay naman may itsura naman siya kaso di ko type. Mukhang presko. Inirapan ko lang saka ako naupo.
"Te totoo ba na inantay mo si Paul sa canteen?" pang uusisa ni Bryan. Jusko eto na naman si Boy Abunda.
"nagpapaniwala ka naman dun bakla." Sabi ko.
"ahh akala ko may something na sa inyo ni Paul. Inabangan mo na naman si Miguel. Yieee."
"Wag ka nga maingay marinig ka ng mga tropa niya." Yes tropa niya yung dalawa sa mga kaklase namin. Isa na dun si Paul. Yung isa si Pascual. Kalimutan ko pangalan eh.
"Ay sorry HAHAHA!"
"Quiet! Ano ba yang ingay na yan!" nagalit na naman si Ursula Baklita. Tumahimik nalang kame hanggang matapos lecture niya.
"I decided na sa next project niyo it would be by pair. Infact I already made numbers from 1-10. Bunutan nalang."
"Dami namang kaek-ekan netong si Sir." Sabi ko.
"True. Di nalang sabihin." Sabi ni Bry.
"Let's begin. Ancheta, Antonio, Bautista, Corpuz, … Mendoza, Ocampo, Pascual, Tan."
"Oh te ano number mo?" Tanong ni Bry.
"8." Sagot ko.
"Ay di tayo pair! 5 nabunot ko." Reklamo niya.
"Sinong 5 jan?" sigaw ni Pascual. Tinaas naman ni Bry ang kamay niya.
"Yieeeee." Pang aasar ko. May itsura din kaso di ako mahilig sa moreno.
"Baliw ka. Mamaya makita ka!" HAHA kunwari pa to. Eh mukha namang bet niya.
"Nice partner tayo Bryan."
"Sus papabuhat ka na naman jan Benedicto!" pang aasar ni Paul. Ayun! Benedict nga pala name niya.
"Ulol baka ikaw!" sagot niya.
"Ay oo nga pala! Sino palang nakabunot ng 8 jan?" ano ba yan kung sa kamalas malasan nga naman.
"Eto oh. Si Justin may hawak na number 8." Bwisit namang Benedict na to! Ayoko nga ipaalam.
"Yown! Babe partner pala tayo eh." Biglang paglapit ni Paul saka umakbay.
"Tigilan mo nga kakababe mo baka sipain kita." Inis kong sabi.
"To naman napakasungit. Sorry na. kelan tayo gagawa ng baby este project?"
"Excited ka? Sa September pa naman ipapasa August palang. Bry mauna na ako ha pupuntahan ko pa si Dylan."
"Aww pinagpapalit mo na ako sa bestfriend mo?"
"Gago. Dami mong alam. Update nalang kita kung kelan tayo gagawa." Saka ako umalis. Jusko maloloka ako sa Paul na yun. Ako magkakagusto kay Dylan?Oo pogi nga ang bestfriend ko pero wala eh. Hindi talaga.
Pagdating ko sa room ni Dylan nakita ko agad si Abby. Yung babaeng kaibigan ko. Nag iisang babae. HAHA. Same course lang din sila ni Dylan. Ewan ko ba jan kung bakit Mechanical Engineering kinuha. Tomboy ata. HAHA.
"Uy bakla naligaw ka?" sabi niya pagkakita sa akin.
"Nakita mo yung bestfriend kong unggoy?" sagot ko.
"Ayun sa dulo oh. Puntahan mo nalang busy ata." Saan naman busy yun? Pinuntahan ko nga kung saan may kumpulan. O___O king ina neto lantaran talaga manuod ng porn jusko po! Siniksik ko ang sarili ko para maabot ko yung tenga niya.
"Tang ina sino yon?!" reklamo niya.
"Ako bakit? May angal ka?! Ikaw tag-L ka na naman at dito pa talaga sa school mo pinapanuod yan." sabi ko.
"Wala namang prof! ang sakit nun ah!" sabay hawak pa din sa tenga niya.
"Ano sasabay ka ba pauwi?" tanong ko. Nakatingin lang sa akin yung mga kaklase niyang lalake. Hindi pa rin ata nagsisink in sa mga to na may kaibigang bading tong si Dylan.
"Oo na! Makikikain ako sa inyo ha?" sabi niya.
"Ano pa nga ba. Lagi ka namang nakikikain kala mo naman welcome ka." Sabi ko.
"Teka pre pasa mo muna yan! Open na shareit ko." Sabi ng isa niyang kaklase. Jusko.
"Oh bilis na nagmamadali na yung yaya ko." Saka tumingin sa akin at natatawa. Sinamaan ko nga ng tingin. Sasapukin ko sana kaya lang nakaiwas agad. Sayang!
"Bilisan mo na jan! antayin kita sa labas."
"Oh uwian niyo na Justin?" tanong ni Abby pagdaan ko sa may pinto.
"Oo. Wala yung prof namin sa English mamaya eh. Lagi naman. Matatapos nalang yung prelim wala kameng natutunan sa kanya." Sagot ko.
"Ayus nga yun para makauwi agad." Sabi niya.
"Sabagay. Hoy Dylan antagal naman niyan? Iiwan na kita!" gutom na kase ako.
"Sus. Di mo naman ako maiiwan. Ako lang pogi mong bestfriend eh. Matitiis mo ba ako?" Habang palapit siya.
"LUL MO. Mas pogi pa rin si Miggy sayo."
"Ay bakla nakita ko yun kanina dumaan dito. M.E din yun diba? Sayang di namin kasection" sabi ni Abby.
"Ay oo. Pogi no? ay saan siya nagpunta? Sana tinext mo ko!"
"Gaga naglelecture Prof naming matanda mamaya palabasin ako. Napakaarte pa naman nun." Sagot niya.
"Ganun ba? Oh siya mauna na kame. Basta pag nakita mo next time text moko. Babye!" pagpapaalam ko ng matapos si Dylan sa pagpapasa ng eeew na pinapanuod nila.
"Bye Abby!" paalam ni Dylan. Tinanguhan niya naman si Dylan bilang sagot.
---
"Oh Justin bakit ang aga mo lagi umuwi ng ganitong araw?" Tanong ni Mama habang kumakain kame.
"Eh yung Prof ko po kase sa English laging wala kaya maaga uwi ko." Explain ko.
"Nako Tita nagkacutting yan. Nasa soccer field lagi." Sinipa ko nga sa paa.
"Aww." Daing niya.
"Oh Dylan okay ka lang?" Tanong ni Papa.
"Opo Tito nabilaukan lang." Saka siya tumingin ng masama sa akin.
"Totoo ba yun Justin?" Usisa ni Mama.
"Hindi po Ma! Nagpapaniwala naman kayo jan sa kumag na yan."
"Eh anong ginagawa mo sa soccer field?" To namang nanay ko napaka usisera.
"Ah... eh nagpepaint po. Maganda po kase mag paint dun. Mahangin." Depensa ko. Mukha namang nakumbinsi ko si Mama at di na nagtanong ulit.
"Hoy bilisan mo jan at umuwi ka na!" Sabi ko kay Dylan.
"Tita oh pinapauwi na ako. Nagpaalam na nga ako sa bahay na makikitambay muna ako dito hanggang hapon."
"Oo nga naman Justin. Wala ka naman sigurong gagawin diba?" Tanong ni Papa.
"Meron po. Busy ako." Sagot ko.
"Eh di dito lang ako sa sala. Manunuod ng TV." Saka niya nilantakan yung ice cream na dessert namin. Umirap lang ako.
<>
"Dylan wag ka ngang magulo! Kapag to namali tatamaan ka sa akin!" Paano ba naman ang sabi niya bored na daw siya manuod sa baba kaya eto nanggugulo sa kwarto ko!
Bigla naman niyang hinila ang isang upuan at lumapit sa akin.
"Tinamaan na nga ako sayo eh." Bulong niya. Tinignan ko ng masama saka ko pinahid paint brush sa mukha niya.
"Pakyu ka Justin Bieber ha!!! Burahin mo to!" Nako kapag ganyan na yan magalit bumabait na ako.
"Ikaw tong asar ng asar tapos magagalit ka kapag gumanti ako! Konyatan kita eh." Sagot ko habang pinapahid ng tissue yung pintura sa mukha niya.
"Okay lang gumanti ka pero wag yung mukha ko. Tsk. Baka mabawasan kagwapuhan ko."
"Ewan ko sayo."
"Pero Justin, di ka ba nagkagusto man lang sa gwapong bespren mo?" Ito na naman kame. Paulit ulit. Minsan kase tinatanong niya ako ng ganyan.
"Kulit mo no? Ilang beses ka bang inire? Hindi nga." Sagot ko.
"Sus. Sige hahayaan muna kita. Nasa denial stage ka pa."
"Ulul. Dami mong alam." Saka ko sinubsob sa mukha niya ang tissue saka nagfocus ulit sa ginagawa ko.
"Pero alam mo kung anong nakakatuwa ngayon ha Justin B? Alam ko na kung saan nakatira at nag aaral yung babae sa may coffee shop nung isang araw!!!!"
"Oh ngayon? Wala ka pa din namang pag asa sa kanya." Sagot ko ng hindi lumilingon sa kanya. At ayun, nakatanggap ako ng konyat.
"Hayaan mo ganun ka din dun sa crush mo."
"Ito naman. Joke lang. Ang laki kaya ng chance mo na mapasagot yung babaeng yun. So saan siya nag aaral?" Pang uuto ko na ikinangiti naman ng loko. Tsk.
"Well, base on my research, I found out that she lives on the other village beside this village and sa school natin siya pumapasok. Tourism. Oh diba? Pinagtatagpo talaga kame ng tadhana men!" Sagot niya.
"So anong balak mo?"
"Well as of now wala pa. Pero syempre hindi pwede wala akong gawin. Kaya be ready because I might be needing you."
"Luh. Bahala ka jan. Idadamay mo pa ako. Busy ako."
"Ah ganun? Sige di din kita tutulungan sa crush mo. Tropa ko pa naman pinsan nun."
"Sabi ko nga tutulungan kita." Sagot ko nalang. Nyemas na lalaking to.
"Good." Nakangising sagot ng unggoy.
Napasampal nalang ako sa mukha. Panira ka talaga ng schedule Dylan!!!