Justin Klyde's POV
"Happy Birthday." Bati ng pamilyar na boses. Hindi ko gustong lumingon, pero hindi ko makayanan pigilan ang sarili ko na makita siya.
"S-salamat." Sagot ko. "P-pasok ka."
"Okay lang ba?"
"Ayaw mo ba?" Nagbigay lamang siya ng pilit na ngiti bilang sagot. Sumunod naman siya ng makapasok na ako ng bahay.
---
"Anak!!! Bangon na!" Ang nakaririnding tawag ni Mama ng makapasok siya sa kwarto.
"Ma naman. Ang aga aga pa po. Mamaya na." Sagot ko at saka nagtakip ng unan.
"Ay nako, bumangon ka na dyan dahil andyan na yung mga kaibigan mo sa baba." Agad naman akong napabangon saka nagkusot ng mata.
"Ano daw ginagawa nila dito? Wala naman na kameng pasok."
"Isipin mong mabuti kung bakit sila nandito."
"Ma naman pahuhulain mo pa ba ako? Ano na po kase?" Binatukan naman ako ni Mama. "Makabatok ka naman Ma. Para saan yun?"
"Hoy Justin Klyde Ocampo tignan mo yang kalendaryo mo. Andyan ang sagot." Kinuha ko muna ang salamin ko na nakapatong sa study table ko saka tinitigan ang kalendaryo. Nakabilog ang 20. Wait…
"Ay birthday ko na?"
"Baka bukas pa Nak. Bukas ata yung birthday mo." Napakamot nalang ako sa ulo.
"Hehe sorry naman Ma medyo nagiging makakalimutin na ako. Good morning."
"Ikaw talagang bata ka. HAPPY BIRTHDAY anak." Niyakap ko naman agad si Mama.
"Thank you po. Regalo ko?"
"Yan. Dyan ka mabilis. Pero kapag inutusan ka ambagal mo." Nginitian ko lang si Mama. "Mamaya na yung regalo mo. Cherifer lang naman yun."
"MAMA!!! Hindi naman ako maliit eh! 5'8 nga ako! Kainis ka." Tampu tampuhan kong sabi na ikinitawa nalang netong butihin kong Mama.
"Joke lang. Sige na bumaba ka na dun. Nag aantay na mga kaibigan mo."
Agad ko namang tinungo muna ang banyo and do my morning rituals. After non eh bumaba na rin ako.
"Nako ayusin mong mabuti yang ginugupit mo Benedicto ha kundi ikaw magugunting ko." Sabi ni Bry.
"Aga aga te bunganga mo agad naririnig ko." Agad naman akong nilingon ng mga bwisita's ko.
"HAPPY BIRTHDAY JUSTIN KLYDE!!!" Ang sabay sabay nilang pagbati sa akin.
"Salamat! Makakauwi na kayo." Pang aasar ko.
"Over ka! Tinutulungan nga namin si Tita sa pag-peprepare sa birthday mo oh."
"Joke lang. Ikaw naman masyado kang patola. Thank you bes."
"Buti naman te nakapunta ka?" Saka ko siniko si Abby.
"Muntik na nga akong di tumuloy eh. Tinatamad ako." Sagot niya na ikinataas ng kilay ko.
"Ganon? Eh kung tadyakan kaya kita palabas ng bahay namin. Gusto mo?"
"Patola ka din eh no? Oh tulungan mo na ako dyan isabit mo sa kabilang side." Saka ako tinulak. Walangyang to. Itali ko kaya to sa leeg niya? Hmmm.
"Ma asan nga pala si Papa?" Tanong ko kay Mudra na busy sa pagluluto. Hindi ko kase mahagilap ang aking fudra.
"May binili lang saglit." Tumango nalang ako bilang sagot. Sana isang truck ng chuckie binili ni Papa.
Natapos na naming isabit nila Bry at Abby ang mga letterings. Kung bakit ba naman kase may paganito pa sa birthday ko hindi naman na ako bata.
"Ay siya nga pala, ba't wala si Paulito?" Tanong ko kay Bry at Benedicto. Agad naman akong binigyan ng makahulugang tingin ng dalawang to. "I'm just asking wag niyong bigyan ng kahulugan. Tong mag-jowang to."
"Eh sabi mauna na muna daw kame kase may gagawin pa daw siya." Sagot ni Benedict.
"Ah okay." Ano naman kaya yun? Hayaan na nga siya.
"Eh ikaw te, akala ko sasama jowa mo?" Tanong ko kay Abby. Hays parang kelan lang. May nagtapang tapangan na manligaw dito sa amazonang to ngayon sila na! Ako nalang talaga ang natatangi. Mga kaibigan ko may jowa na! Huhu.
Ay wait wait wait chocolate, may manliligaw pala ako. Mehehehe. Mainggit ka. Hahahaha. Char.
"Hoy bakla nakikinig ka ba? Ngingiti ngiti ka pa dyan mukha kang aso." Inirapan ko naman siya agad. Panira ng moment.
"Ano bang sabi mo?"
"Sabi ko baka sumunod nalang din si Ian. May tatapusin lang din." Sagot ni Abby.
"Ano bang pinagkakaabalahan ng mga tao ngayon no?" Nagkibit balikat nalang yung tatlo.
Matapos ang kung ano anong seremonyas ay naayos na rin namin ang mga decors. Nananghalian nalang muna kame at pinag usapan ang mga gagawin sa darating na holidays.
"Baguio tayo bes sa 23." Suggestion ni Bry.
"Seryoso ka te? Ang lamig na dito oh tapos gusto mo pang mag Baguio sa 23? Gusto mong maging walking yelo?" Sagot ko. Napakamot naman ng ulo si Bry. "Saka matao bes. Pang magjowa lang din yung mga ganun places."
"Over ka pang magjowa lang talaga? Di ba pwedeng pang barkada din?"
"Oo nga naman Justin. Saka kung pang magjowa lang din naman eh di swak pa din sa barkada. May kanya kanya naman tayong syota." Pagsisingit naman ni Benedicto sa usapan.
"Nasaan Benedicto? Oo kayo nila Bry at ni Abby may jowa eh yung akin? Asan? Wala akong makita." Saka ko nilantakan yung fried chicken.
"Problema ba yun. Sagutin mo na kase si Paul." Napaubo naman ako sa sinabi niya.
"P-paano mo nalaman???"
"So totoo nga Tin? Nanliligaw nga si Paul sayo." Ang nakangising sagot ng unggoy. Mautak ka. Naisahan mo ako dun. Akala mo di ako makakaganti. Inaka. Antayin mo lang.
"Kaya pala kakaiba ang aura mo ngayon bes. Nakuuu sabi ko na eh!" At kinilig na ang baklita. Jusko. Parang gusto kong magpalamon sa sahig namin.
"Mukha namang okay yun te, why not give him a try? Malay mo." Suggestion naman ni Abby.
"P-pumayag na nga ako." Ang nahihiya kong sagot.
"OMG!!! Soooo kilig!!!"
"Shhh! Ang ingay mo bakla ka! Marinig tayo ng kapitbahay mareport pa tayo." Pagsaway ko sa kanya. Feeling ko nabasag eardrums ko sa sobrang tili niya.
Nagtawanan nalang sila sa sinabi ko.
"Siya nga pala bes, speaking of kapitbahay, asan yung bestfriend mo? Parang nung mga nakaraang araw bago mag-christmas break hindi ko na kayo nakikitang magkasama." Hays pinaalala pa.
"Ah eh andyan lang yun. Baka busy. Syempre may jowa na." Tipid kong sagot. Wala naman akong balak magkwento.
"Pero pupunta siya mamaya no? Bestfriend mo yun eh."
"Siguro. Saka ano ka ba? Bestfriends ko rin naman kayo. Kayo ni Abby. Diba?"
"Well tama ka don. But he's your 'guy' bestfriend. You know?"
"Ah basta kung pupunta siya eh di pupunta. Hindi ko naman siya mapipilit kung di siya makakapunta. Bibigyan nalang sila ni Mama ng mga handa." Hindi na rin nila ako tinanong pa. Baka siguro napansin nilang ayaw ko muna siyang pag usapan gawa ng nangyari sa supermarket last time. Wala din akong balita sa kanya matapos ang araw na yun.
Matapos mananghalian ay naisipan muna naming mag movie marathon sa sala namin habang iniintay ang mga bisita.
"Ay Tin, mauuna na kameng mag abot sayo ng regalo. Happy Birthday ulit." Saka inabot ni Bry ang isang box.
"Salamat. Nag abala ka pa. Baka naman bomba to ha?" Natawa naman sila sa sinabi ko.
"Grabe ka. Hahahaha. Buksan mo na." Eh di binuksan ko na nga ang regalo ni Bry. 64 pcs lang naman na Copic markers ang natanggap ko. Grabe lang. Ang mahal kaya neto.
"Salamat bes!!! Tamang tama paubos na mga luma kong markers."
"You're welcome te. Buti nagustuhan mo."
Sunod naman nag abot sa akin si Abby. Medyo may kalaparan ang bigay niya.
"Ano to te? Medyo mabigat siya ha." Sabi ko.
"Lapida yan." Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Buksan mo na kase. Pag sinabi ko eh di hindi na surprise." Oo nga naman.
Pagbukas ko isang set ng water color paint at malaking size ng water color book.
"Alam na alam niyo yung gusto ko talaga. Salamat guys." Nakakaiyak naman tong mga gift nila.
"Syempre papahuli ba naman ako Tin." Saka inabot ni Benedicto ang regalo niya.
Binuksan ko naman na ito agad. Oversized shirt na may print na watermelon.
"Uy salamat ang cuuute. Pero teka, paano mo nalamang mahilig ako sa oversized shirts?" Taka kong tanong sa kanya. Bahagya naman siya napakamot sa ulo.
"Ah, eh di ko kase alam kung anong ireregalo so tinanong ko yung manliligaw mo. Eh sabi niya bigyan nalang daw kita niyan kase one time daw nakita ka niyang nakaganyan before." Paliwanag niya. Bigla naman akong namula sa hiya. Yung bwisit na yun talaga! Pupunta punta kase sa bahay ng alanganin oras! Eh pantulog ko kase mga ganito. Nginitian ko nalang siya at nagpasalamat.
Nakadalawang movies din siguro kame bago nagsidatingan ang mga bisita. Puro mga relatives ko ang mga unang dumating. Mga tito, tita at mga pinsan. Kasabay pala nila si Papa dumating. Inasikaso ko muna sila sa dining area at iniwan saglit ang mga kaibigan ko. Maya maya pa at dumating na rin mga kaibigan at ibang kaklase namin.
"Uy Tin! Happy Birthday!" Saka umakbay si Nicoli.
"Salamat. Oh kain na."
"Sige sige maya onti. Uy. Hi Abby!" Saka kinawayan si Abby. Inasar ko naman sa tingin ang bruha. Well kung bakit eh ganito yon. Dati kase kasa-kasama ko yan si Abby para gumawa ng project sa isang subject na magkaklase kame. Tuwing gagawa kame ng project ay natataon namang bumibisita si Dylan at Nico sa bahay para makipaglaro ng basketball kay Papa. Oo, may basketball court kame kase akala dati ni Papa eh mahilig ako sa ganun, turned out sa jackstone at chinese garter ako nahilig.
Crush dati ni Abby tong si Nicoli. Kakaasar ko sa kanya eh nalaman din eventually ni Nico. Eh ang kaso may syota that time si Nico so hindi rin nagkaroon ng chances.
Pinakyu lang naman ako ni Abby matapos ko siyang bigyan ng makahulugang tingin. Hahahaha.
"Nga pala Tin, asan si parekoy?" Jusko hindi ba titigil mga taong to kakatanong kung nasaan yung mokong na yun? Kung sabagay, paano a namang hindi nila ako tatanungin eh halos di kame mapaghiwalay ng unggoy na yun. Noon.
"Ay di ko alam eh. Baka nasa syota niya." Sagot ko nalang. Naupo naman na kame sa tabi nila Abby, Bry at Benedict. Si Bry naman halos di maalis ang mata kay Nico. Nako.
"Baby, parang gusto ko ng dukutin yang mata mo ngayon." Bulong ni Ben kay Bry. Natawa naman ako. Seloso ang hayop. Haha.
"OA mo Benedicto ha. Napatingin lang. Pagpapalit ba naman kita?" Ngumiti naman si gago at saka sila nagharutan.
"Ah pinapaala ko lang po birthday po pinuntahan niyo hindi motel." Pagpaparinig ko.
"Over ka bes. Malaswa ba kame?" Natawa naman ako sa reaction ni Bry na nag aala-Toni Gonzaga.
"Naiinggit lang yang si Tin eh." Pang aasar naman ng syota niya.
"Huwag ka ng kumain ng cake akin na yan!" Nilayo naman agad ni Benedicto yung cake. Inirapan ko lang siya. Pasalamat siya apat cake ko. Hayssss. Heaven.
Sa gitna ng kwentuhan namin nag ring ang phone ko.
Paulito calling…
"Oh baket?" Bungad ko.
"Babe, alam mo yung birthday na birthday mo ang sungit mo."
"Ewan ko sayo. Asan ka na?"
"Sabi ko na nga ba hinahanap moko. Kaya ba medyo masungit ang babe ko?"
"Tantanan moko Paul. Tinatanong ko kung nasaan ka dahil nakwento netong si Benedicto na pupunta ka daw." Siniko naman ako ni Bry ng malamang si Paul ang kausap ko. Gagantihan kita mamaya kala mo.
"I'm already outside. Kaso nahihiya akong pumasok."
"Daming arte. Wait lang antayin mo ko dyan." Saka ko pinatay yung convo namin. "Nasa labas na daw si Paul wait lang guys."
"Yun oh di na maiinggit yung isa dyan." Binatukan ko nga si Benedicto pagkadaan ko.
Paglabas ko ng pinto kita ko agad ang mokong. Pormadong pormado. White shirt, navy blue shorts and white sneakers. Cute. I mean okay lang.
"Hi Babe. Happy birthday."
"Salamat. Oh lika na pasok na." Saka ako nauna. Hinablot naman niya yung kamay ko. "Oh bakit?"
"I have something for you. Come." Bakit ang gwapo ng hudas nung ngumiti siya? Hoy puso, wag kang maharot.
Sumunod lang ako kay Paul papunta sa kotse niya. Hindi kase siya nakapag park sa harap ng bahay gawa ng nakaparada yung mga sasakyan ng mga relatives ko.
"Ano ba yun?" Tanong ko ng marating namin ang sasakyan niya.
"Basta. Ay wait. Pikit ka muna."
"Andami mong alam."
"Dali na." Napairap nalang ako tapos pumikit. Narinig kong binuksan niya ang pintuan ng sasakyan niya. Ano naman kaya tong ibibigay neto.
"Open your eyes babe." Pagmulat ko ay nakita ko ang isang malaking red box.
"Ay salamat." Sabi ko.
"Open it." So para di na kame magtagal sa labas ay binuksan ko na agad. Pagbukas ko may puppy!!! It was a shih-tzu puppy!!!
"Oh my God! Ang cuuuute!!!!" Saka ko kinarga yung puppy.
"Like it?" Ang nakangiting tanong ni Paul.
"Sobraaa. Thank you Paul!"
"Oh kiss ko?" Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Joke lang. Buti nagustuhan mo."
"Salamat talaga. May kasama na din ako sa room ko matulog." Saka ko niyakap ulit yung puppy. "Wait, baka naman binili mo pa to. Mahal pa naman mga puppies na may breed."
"Nope. Our dog gave birth last September. Since madami na siyang baby I decided to give you one baka kase di maasikaso sa bahay."
"I'll take care of it. Thank you ulit." Ang naiiyak kong sabi. Super saya ko lang kase talaga.
"Oh, don't cry. Haha." Saka niya pinunasan yung luha ko.
"Lika na pasok na tayo." Pag aaya ko. Tumango naman siya saka umakbay. "Ayos ha? Binigyan mo akong aso pero hindi ibig sabihin nun eh dadamoves ka ng kumag ka."
"Grabe damoves agad? Tatawid kase tayo. I just want you secured." Tinitigan ko lang siya bago kame naglakad.
"Pati nga puso mo sinesecure ko na para wala ng ibang makapasok." Bulong niya kaso narinig ko. Ay jusko. Puso kalma muna. Wag kang bwisit sabunutan kita dyan.
Bago pa kame makapasok ng gate ay nakita ko namang pauwi na ang mga relatives ko.
"Uy Justin una na kame ha? Malayo pa uuwian eh. Happy birthday ulit." Paalam ng tita ko.
"Sige po. Salamat po sa pagpunta. Ingat po."
"Kuya Tintin! Ang cute naman po ng puppy." Ang sabi ng pinsan ko. Mga 7 yrs old palang sigiro to.
"Oo nga baby eh."
"Ano pong name ng dog mo?"
"Wala pa eh. Pag iisipan muna ni kuya. Kabibigay lang kasi ng friend ni kuya Tintin eh."
"Siya po ba?" Turo niya kay Paul.
"Yes baby. I'm Kuya Paul by the way."
"Boyfriend po kayo ni Kuya Tintin?" Nanlaki naman yung mata ko sa tanong ni Sam. Ano ha naman tong batang to.
"Well, you can say that."
"Nako wag kang naniniwala dyan Sam. Oh siya tawag ka na ng Mama mo oh. Babye."
"Sige po. Bye kuya Tintin. Bye po Kuya Paul." Kumaway nalang kame saka siya tumakbo sa Mama niya.
"Ikaw talaga kung ano anong sinasabi mo." Sabi ko kay Paul.
"What? Dun din naman punta natin pag sinagot mo ko."
"Kung sasagutin." Saka ako tumalikod at natatawa.
"Magbiro ka pa ikikiss talaga kita dyan." Agad ko namang binilisan ng konti ang lakad ko.
Pagbukas ko ng pinto tili naman agad narinig ko kay Bry ng mapalingon sa akin.
"Bes ang cute niyan!!!! Pahawak!!!" Saka siya tumayo papunta sa akin.
"Ayoko nga. Shooo!"
"Andamot mo naman!"
"Talaga. Mamaya magkasakit pa eh." Asar ko.
"Grabe ka naman!"
"Hindi yan agad kakapitan ng sakit. She's already complete of all the vaccines she needed." Pagsingit ni Paul ng makapasok na sa bahay.
"Yun pre! Akala ko di ka na makakapunta eh." Tawag ni Benedict.
"Ako pa ba? Makakalimutan ko ba naman birthday ng babe ko." Ang nakangiti niyang sagot. Sus.
"Siya nga pala Paul si Abby at Nico." Nag Hi lang si Abby.
"Nice meeting you tol." Saka naglahad ng kamay si Nico kay Paul. Nang maupo kame agad naman sumiksik sa tabi ko si Paul.
"Wag ka ngang malikot pag tong aso naipit babalian kitang buto." Sabi ko.
"Sino yan?"
"Ha?" Saka niya nginuso si Nicoli na busy makipagdaldalan kay Abby.
"Diba nagpakilala na sayo? Sabog ka ba?"
"I know. Pero sino siya sa buhay mo?" Heto na naman siya.
"Kaibigan ni Dylan yan. Eventually, friend ko na din. Bakit ba?"
"Sigurado ka? Baka pinopormahan ka niyan?" Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Sira. May syota na yan." Sagot ko.
"Okay. Good." Saka siya naging normal ulit. Alien amputa.
Hinayaan ko muna silang magkwentuhan at mag enjoy. Tapos na rin silang kumain, ulit. Haha. Kaya ayan puro usap sa buhay buhay. Maya maya pa nagpaalam na rin si Nico dahil may pupuntahan pa daw siya.
"Anak." Tawag ni Mama mula sa may hagdan.
"Bakit po?"
"Lika dito dali." Sumunod naman ako agad.
"Ano po yun Ma?" Tanong ko ng makarating ma ako sa kwarto niya.
"Oh, regalo mo." Agad naman akong nangiti. Ang lake kase ng box.Pinahawak ko muna saglit kay Mama yung puppy ko.
"Infairness naman Ma ambigat. Ano ba to, semento?" Natawa naman si Mama. Pagbukas ko ng gift ni Mama eh napangiti ako. Mga dog essentials and supplies.
"Sinabihan kase ako ni Paul na reregaluhan ka daw niya ng aso kaya naisip ko para di ka na bumili pa ng gamit niya eh yan nalang naisip kong iregalo sayo." Niyakapg ko naman si Mama.
"Salamat Ma. I love you."
"He's a good guy." Si Paul siguro ang tinutikoy ni Mama. "Alam kong magiging compatible kayo."
"Yeah I know. Mabait naman talaga siya Ma. Loko loko lang. Pero soon Ma. Tignan natin. I don't wanna rush things. Ayoko naman pong sa bandang huli eh masaktan ko siya so chill muna." Tumango lang si Mama.
"Oh sige na akin na muna tong aso mo at mag enjoy ka muna sa baba."
"Sige Ma. Oh baby kay Mama ka muna ha."
Pagbaba ko ay wala na sila sa sala. Yun pala nasa may garden sila sa likod ng bahay at nagkakantahan. Magalit na naman yung kapitbahay.
"Oh Justin lika dito kanta ka dali." Tawag ni Benedict.
"Hindi ako kumakanta sira. Oh, asan si Abby?"
"Naku bes di na siya nakapagpalam may emergency daw sa kanila. Sinundo lang siya ng jowa niya kanina."
"Ganun ba? Eh si Paul asan?"
"Miss mo na ako agad?" Bigla naman tumindig yung balahibo ko sa pagkakalapit ni Paul mula sa likuran ko.
"L-lumayo layo ka nga." Natawa naman siya sa reaction ko.
"Tinulungan ko kase babe si Tito." Sabay lapag niya ng isang case ng San Mig Light.
"Hoy Paulito dahan dahan sa inom ang layo pa ng uuwian mo."
"Yes Boss!" Napailing nalang ako at nakipagdaldalan kay Bry.
Maya maya pa eh inabot ni Ben ang mic kay Paul.
When you say Nothing at all ang naka-play. Sus.
"Happy Birthday Justin Klyde. This is for you." Saka siya kumindat. Todo hampas naman si Bryan sa akin. Ayokong ngumiti kaso taksil ang mga labi ko.
'It's amazing how you can speak right to my heart.
Without saying a word, you can light up the dark.'
Hanggang sa natapos ang kanta ay nakatingin lang ako sa kanya. Umiiwas lang ako kapag nililingon niya ako.
"Aba'y ang galing mo pala kumanta Paul." Pagpuri ni Papa matapos kumanta ni Paul.
"Hindi naman po."
"Naku Tito, ginandahan lang kase may pinopormahan." Pang aasar ni Benedicto sa kanya.
"Kaya naman pala. Eh kelan mo ba anak sasagutin tong si Paul?" Baling ni Papa sa akin.
"PAPA! Wala pa hong 1 week simula ng magpaalam siya sa inyo na ligawan ako. Sagot agad? Di ka naman excited." Nagtawanan naman silang lahat sa sagot ko.
"Basta anak gawin mo kung anong makakapagpasaya sayo. Andito lang kame para sayo." Naku naman tong tatay ko may pagganyan pa. "Oh siya, maiwan ko na muna kayo at maaga pa ako bukas. Buti pa kayo bakasyon niyo. Goodnight sa inyo." Saka pumasok si Papa.
"Sige po." Ang sambit nilang tatlo.
"Nako Tin, mag aalas nuebe na din pala. Una na rin siguro kame." Paalam ni Bry.
"Ay oo nga no. Oh sige sige ako na bahala dito. Salamat ulit bes ha. Hatid ko na kayong tatlo sa labasan."
"Hindi pa naman ako uuwi eh." Lungkot lungkutang sabi ni Paul.
"Aysus. Oh di maiwan ka muna. Hatid muna natin sila sa labasan."
"Ikaw talaga pre napaka maparaan mo no?" Pang aasar ni Ben ng marating namin ang gate.
"Gagu. Ikaw lang yon. Umuwi ka na nga." Natawa naman si Benedict sa reaction ni Paul.
"Oh paano Tin una na kame. Magha-honeymoon pa kame netong baby ko eh."
"Benedict! Naku bes mauna na kame at sinasapian na naman ng kaabnormalan tong isa. Babyeee." Saka sila sumakay sa motor at umalis.
"Hays natapos din ang birthday na ito. Since andito ka na rin lang tulungan mo na ako sa loob maglipit."
"Okay babe. Lika na." Saka umakbay.
"Oh may pag-akbay?"
"Oo babe malamig sa labas oh baka sipunin ka. Kakailanganin mo talaga ng body heat ko." Rason niya.
"Tama nga si Benedicto."
"Na alin?"
"Para paraan ka. Hahaha."
"Alam mo yung para paraan babe?"
"Oh ano?" Saka ko siya nilingon.
"Eto." Saka niya ako hinalikan sa cheeks. At tumakbo papasok ng bahay namin.
"H-hoy!"
Napahawak nalang ako sa pisngi ko habang papasok ng bahay.
Dinaanan ko muna ang walis tambo namin bago makarating sa garden.
"Paul."
"Yes babe?"
"Gusto ko sana ring ibalik yung ginawa mo kanina." Agad agad namang lumapit si Paul.
"Suuure." Saka siya ngumuso.
"Eto oh." Saka ko siya pinalo.
"Aww! What the! Aray Justin!!!" Saka siya nagtatatakbo.
"Ikaw kase wala kang kadala dala."
"Tama na! Di ko na uulitin!"
"Promise?!" Habang hinahabol ko pa din siya ng walis.
"Yes!!!" Sagot niya saka ko siya tinigilan.
"Di ko na yun uulitin hangga't di pa tayo." Bulong niya habang nakahawak sa pwet niya. Hahaha.
Matapos naming magligpit ng mga kalat ay nagkwentuhan pa kame saglit ni Paul bago maisipang umuwi.
"Oh ingat ka. Salamat ulit sa regalo mo."
"You're welcome babe. Basta ikaw. Alagaan mong mabuti yun ha? Parang ako lang sayo." Napailing nalang ako sa pahabol niya.
"Oo naman. Sige na late na. Babye."
"Okay babe. Goodnight."
"Goodnight." Nginitian niya lang ako saka sumakay sa kotse niya. Pagkalock ko sa gate ay naisipan ko na ring pumasok.
"Hindi ka man lang talaga pumuntang unggoy ka." Sabi ko habang naglalakad papasok. Maya maya may tumawag sa aking pangalan.
---
Dylan Rafael's POV
"Tulog na ba sina Tito?"
"Ah, oo. Maaga kase sila nagising para sa preparation." Sagot niya habang naglalabas ng makakain. "Oh, kain ka muna."
"Ay salamat." Sagot ko ng makaupo sa may sala nila. "S-Sensya na di ako nakatulong ha?"
"Wala yun. Pumunta naman ang barkada kanina para tumulong. Wait ikukuha kita ng drinks." Tumango lang ako saka siya dumiretso sa kusina.
Maya maya pa ay bumalik na siya at nilapag sa mesa ang softdrinks. Pagkalapag niya ay tumayo ako at niyakap siya. Bahagya naman siyang nagulat sa ginawa ko. I don't know why pero I just feel I had to.
"I'm sorry Tin." Panimula ko. Naramdaman ko naman ang pagsandal niya sa akin.
"Sorry for everything. Sorry kung naging insensitive ako. Sorry I did not know that I eventually forget about you and sorry kung naging walang kwenta akong kaibigan. Hindi ko man lang napansin na habang masaya ako sa taong mahal ko, nasasaktan ko na pala ang naging dahilan kung bakit ako lubusang masaya ngayon. Sorry talaga. Hindi ko inexpect that it will turn out this way." Saka ko siya niyakap pa ng mahigpit and he did the same.
"Okay lang yun. Baka OA lang din siguro ako." Sagot niya pagkakalas niya sa yakap ko.
"No. Ako ang may pagkukulang bilang kaibigan mo. Where am I when you needed someone to talk to? Asan ako habang mag isa kang kumakain? Nasaan ako nung wala kang kasabay pauwi?" Tumitig lang siya sa akin habang tumutulo mga luha niya. It hurts to see my bestfriend cry, but it hurts the most when I'm the reason of his tears.
"Sorry na ha? Bati na tayo?" Tumango lang siya at ngumiti. Niyakap ko naman siya ulit.
"Grabe, namiss kita. Sobra."
"Namiss din kitang unggoy ka." Saka ako tinapik sa bewang. "Oh sige na kumain ka na. Tapos na yun."
"Promise babawi ako ha?"
"Aba dapat lang. Bilhan mo kong Chuckie na 5 cartons."
"5 cartons????? Grabe naman." Reklamo ko.
"Oh akin na yang spaghetti tapos umuwi ka na." Akma niyang kukunin talaga yung spaghetti nang pigilan ko siya.
"Ay grabe siya oh kukunin talaga niya. Oo na. Bibili ako bukas."
"Madali ka naman palang kausap eh." Saka siya naupo sa katapatan kong sofa.
"Nga pala, nagpunta dito yung kaharutan mo?" Napakunot naman noo niya. Sus kunwari di pa alam. "Si Paul."
Napairap naman siya ng mata.
"Yes." Tipid niyang sagot. "Ay teka may ipapakita ako sayo." Saka siya kumaripas ng takbo paakyat ng bahay nila. Tinuloy ko lang din ang pagkain habang wala pa siya. Maya maya bumaba na rin siya.
"Oh ano yang tinatago mo?" Tanong ko.
"May puppy na ako! Look!" Saka niya ipinakita ang isang cute na shih-tzu puppy. "Bigay to ni Paulito kanina. Ang cute no?"
"Yeah. Binili niya?"
"Nope. Junakis daw ng dog nila sa bahay." Tango tango nalang ako sa sagot niya.
"Ay teka!" Sabi ko saka lumabas ng bahay nila.
"Hoy saan ka pupunta?! Ano to eat and run???!" Sigaw niya.
"Wait babalik ako!" Sigaw ko pabalik. Nakalimutan ko kase regalo ko.
Ilang minuto pa ay nakabalik na din ako.
"Oh ano't umuwi ka bigla?" Tanong niya.
"Hindi ko syempre pwedeng palampasin na wala akong regalo sa bestfriend kong panget." Sinamaan niya naman ako ng tingin.
"Ang dami mo pang sinasabi akin na!" Saka niya nilahad kamay niya.
"Oh." Saka ko inilabas mula sa likuran yung hawak ko.
"Waaaaaaaahhhh!!!! Ang cuuute!!!!" Saka niya kinuha sa akin yung puppy. Yep. Matagal ko na talagang plano na aso ang iregalo sa kanya dahil matagal na siyang ngumangawa dyan.
"Cute talaga yan. Mas cute pa to dyan sa hawak mo." Naunahan pa ako ng mokong magregalo.
"Parehas lang silang cute!" Inis niyang sabi. "Baby wag kang makikinig dyan sa monster na yan okay?" Bulong niya sa aso.
"Nga pala san mo nakuha to? Binili mo?"
"Nope. Mahal pag binili. Yan kinuha ko lang sa isang dog shelter. Labrador-Husky breed daw yan. May nagdala daw dun na magsyota hindi na daw maalagan sa dami ng dogs nila." Tumango tango naman siya.
"Salamat ulit ha?"
"Malakas nga pala kumain yan. Sakto tandem kayo."
"Malakas din akong manikmura baka di mo alam." Natawa nalang ako sa sinabi niya.
"Anyway, gabi na rin. Uwi na ako."
"OA. Akala mo naman nasa kabilang village yung bahay."
"Sus. Gusto mo lang na dito ako matulog eh. Justin ha, may dapat ba akong malaman?" Pang aasar ko. Bigla naman siyang parang di mapakali. Problema neto?
"A-ano??? Kung ano ano sinasabi mong abnormal ka." Sagot niya. "Saka hindi ka na pwedeng matulog sa amin no."
"Hala bakit????" Taka kong tanong.
"Hello, dalawa na tong babies ko na matutulog sa kwarto."
"Sa lapag naman sila matutulog oh kaya bilhan mo ng bed."
"Eh di ikaw nalang sa lapag. Basta sa tabi ko sila matutulog."
"Hays. Ewan ko sayo. Sige na goodnight na. Happy Birthday ulit Justin B."
"Hay nako may magtatawag na naman sa akin niyan. King ina tigilan mo nga yun." Irita niyang sabi.
"Yoko nga. Bye Justin B." Saka ako lumabas ng gate nila.
"He! Panget!" Tinawanan ko nalang siya dahil pag pinatulan ko pa bukas pa kame matatapos. Hahaha.
Justin Klyde's POV
"Hmm. Ano kayang name niyong dalawa???" Tanong ko sa dalawang fur babies ko na ngayon ay tulog na sa tabi ko. Agad naman akong nagbrowse sa net ng mga dog names. Sinimulan ko muna sa bigay ni Paulito. Babae kase tong bigay niya.
Andaming magagandang names kaso masyadong sosyalin. Hanap pa.
"Shet wala akong makita." Saka ako napakamot ng ulo. Nilapag ko nalang muna ang phone ko sa study table. Maya maya pa napansin ko yung bottle ng isa kong perfume na nabili ko lang sa Daiso. Mura kase dun saka mabango pa.
"Kei?" Pagkabigkas ko ng name eh nagising naman yung shih-tzu. "Gusto mo nun baby? Kei na name mo?" Bahagya namang tumahol si Kei. Yey! Isa nalang.
Well ang bigay ni Dylan ay grayish na dog. Medyo malaki na nga to compared kay Kei since galing sa malalaking breed. Pero what I like the most about this cutie is his eyes. Light gray siya. Ang ganda talaga pramis.
Kinuha ko ulit phone ko para magbrowse ng names until napunta ako sa list ng dog names na may kinalaman sa universe. Since nakwento ko nga na this dog has such amazing eyes na parang pagtumitig ka sa mata niya namemesmerize ka, I picked Cosmos.
"Oh ayan ha, welcome to our house Kei And Cosmos! Promise aalagaan ko kayong mabuti." Saka ko sila kiniss sa forehead nila. What a day! ♡