Emmanuel: Hayys sa wakas makakapag pahinga na den.
Kaloy: Sandali lang ipapakilala kupa kayo sa mga tao dito.
Emmanuel: Pwedeng mamaya nalang nagugutom na kasi ako eh at tsaka isa pa pagud narin tong mga kasama ko
Kaloy: Ganun ba o siya sige magpahinga muna kayo.
Salaysay: Tinignan ni Emmanuel ang paligid hanggang sa may napansin syang kakaiba.
Emmanuel: Sandali nga lang.
Kaloy: Anu yon??
Emmanuel: Bakit tuyung tuyu ang mga lupa dito?? samantalang doon sa palasyo. Sagana at magaganda ang lupa may mga tumutubu pang masasarap na prutas. Tignan mo may kinuha akong buto galing sa palasyo.
Kaloy: Napansin mo pala. Ayon sa alamat ang pinaka sentro ng lupaing ito ay ang siyang nag bibigay ng buhay at proteksyon sa lupaing ito.
Emmanuel: Tapos?.
Kaloy: Simula nung dumating ang pamilyang yon inangkin nila ang lupa na sana'y mapapakinabangan ng lahat. At ang lupaing iyon ay walang iba kung hindi ay ang palasyo.
Emmanuel: Ang ibig mong sabihin simula nung inangkin nila ang lupa na iyon ay nagtayo sila ng palasyo at ayun ang naging kahariaan nila??.
Kaloy: Oo at ang palasyong itinayo nila ay ang umaagaw sa biyaya na dapat ay napakikinabangan ng lahat. Ayun ang dahilan kung kaya't walang kabuhay buhay ang mga lupain sa labas ng palasyo.
Emmanuel: Kung ganon....
Kaloy: Oo tama ang nasa isip mo.... ang mga tao na nasa labas ng palasyo ay walang makain at walang proteksyon.
Ethan: Sa pag kakaalam ko mahigpit na ipinagbawal ng Nakataas ang magtayo ng straktura sa pinaka sentro ng lupaing ito ngayon alam kuna ang dahilan kung baket.
Emmanuel: Grabe naman pala ang sinasapit ng mga tao dito akala namin makakaligtas na kami yun pala hindi papala.
Kaloy: Nakikiusap ako Elemental Master Emmanuel tulungan ninyo ang mga tao na nasa labas ng palasyo.
Emmanuel: Hoy hoy tigilan mo nga yung pag tawag mo sakin nyan Emman nalang ang itawag mo saken. At tsaka isapa wala kong karapatan para maging Elemental Master na sinasabi nyo.
Salaysay: Agad agad na lumuhod si Kaloy kay Emmanuel at muling nakiusap.
Kaloy: Pakiusap walang wala nakaming makakapitan alam kung pinadala ka ng Nakakataas dito para tulungan kami pakiusap pakiusap.
Emmanuel: Tumayo kanga dyan wala naman akong sinabe na hinde ako tutulong no.
Kaloy: Kung ganon tutulungan mo kame?.
Emmanuel: At wala rin akong sinabe na tutulungan ko kayo... Hinde biro lang. At tsaka isapa ayoko ng may lumuluhod saakin pareho lang tayong tao dito pakiusap sa susunod huwag munang gagawin iyon.
Kaloy: Napakabuti mo.. pangako hinding hindi ko na gagawin ang ginawa ko.
Emmanuel: Maiba tayo kanina pa tayo palakad lakad saan ba tayo pupunta??.
Kaloy: Doon sa bayan kung saan maraming mga tao na kinakailangan ng tulong.
Emmanuel: Kung ganon bilisan na naten at ng matulungan na natin sila.
Kaloy: Akala ko ba gusto nyo munang magpahinga?.
Emmanuel: Anu kaba hindi panaman kami masyadong pagod eh at tsaka isapa maganda rin yung palakad lakad para lumakas yung pangangatawan naten. Mga kasama tama naman ako diba?.
Oo naman!
Emmanuel: O diba kaya bilisan muna yung paglalakad at dalhin muna kami doon.
Salaysay: Agad na sinunod ni Kaloy ang ninanais ni Emmanuel hanggang sa nakarating na sila sa lupain na patutunguhan nila.
Emmanuel: Anung nangyare dito bat ganto ang mga tao dito halus buto't balat nalang kung tutuusin maikukumpara muna sila sa saranggola dahil sa sobrang payat nila.
Kaloy: Kayu po pala aling Inday.
Aling Inday: Kaloy sino yang mga kasama nyo??.
Kaloy: Huwag na po muna kayo magtanong ang importante tutulungan nila tayo.
Aling Inday: Tutulungan nila tayo paano?.
Emmanuel: Lola huwag na po kayung magsalita mauubos lang po ang lakas ninyo.
Salaysay: Agad agad na lumapit si Emmanuel sa nakakaawang matanda at pinagaling ito.
Emmanuel: Wala....walang epekto ang healing power dahil hinang hina na ang katawan nya dahil sa gutom kapag pinatuloy kopa baka ikamatay pa nya.
Kaloy: Paano Nayan?.
Emmanuel: Huwag ka muna mawalan ng pag-asa.
Salaysay: May kinuha si Emmanuel sakanyang bulsa.
Kaloy: Buto?
Emmanuel: Oo ito yung napulot kung buto kanina doon sa palasyo bago tayo umalis.
Kaloy: Anu namang maitutulong nyan?.
Emmanuel: Basta manood ka nalang.
Salaysay: Agad agad na inilagay ni Emmanuel ang buto sa tuyung lupa at ginamit nya ang elemento ng tubig para diligan ito. At agad agad na lumaki at naging puno ang buto at namunga ito.
Emmanuel: O diba sabi ko sayo mag tiwala kalang. Bat nakatunganga kapa pakainin muna si lola at nang mabawi nya yung lakas nya. O kayung lahat bigyan ninyo ang mga tao na kailangan na kailangan ng kumain bago kayo kumain.
Kaloy: Papano mo nagawa iyon?? Diba diniligan mo lang yung lupa kanina pero bat ang bilis namang maging puno yung buto na itinanim mo kanina.
Emmanuel: Ayun lang ba madali lang nagawa ko iyon dahil sa abilidad ng lupa.
Kaloy: Abilidad ng lupa?
Emmanuel: Oo dahil isa sa abilidad ng lupa ay palaguin ang anumang halaman o buto na makikita mo sa palagid mo. Ayun ang dahilan kung kaya't lumaki agad ang puno at nagkabunga ito. O tignan mo tapus na kumain si lola.
Kaloy: Ang bilis nyo naman ho kumain Aling Inday kumain pa pu kayo.
Aling Inday: Hindi ku alam kung bakit pero sa isang piraso lang na prutas na kinain ko ay busog na agad ako.
Emmanuel: Hmm... Nangaling ho kasi sa palasyo ang buto na kinuha ko lola kaya ho siguro nabusog kayo kagad.
Kaloy: Naalala kona ang sabi sa alamat naiiba ang prutas ang prutas ng lupang biyaya. Kahit isang piraso lang ang makain mo para kanang nakakain ng tatlong beses sa isalng araw.
Emmanuel: Oh? Ganun pala... mabuti naman kung ganon buti nalang nakapulot ako ng buto doon sa palasyo .
Aling Inday: Maraming salamat sa inyo.
Emmanuel: Wala po yun oo nga po pala lola lumapit ho kayo sa akin at ng matulungan ko kayo.
Salaysay: Hinawakan ni Emmanuel ang kamay ng matanda at bumalik ang lakas nito.
Aling: Aba bumabalik ang lakas ko maraming maraming salamat sayo iho ha.
Emmanuel: Wala po iyon lola pero lola kamusta naman po yung ibang mga tao dito?.
Kasamahan ni Emmanuel: Emmanuel pataya na ang mga tao dito. At wala narin kaming nakitang ibang tao nandidito pa.
Emmanuel: Ganun ba? O siya sige kumain muna kayo at pagkatapos ay maghanap kayo.
Kasamahan ni Emmanuel: Sige.
Aling Inday: Masama ang kutob dito!!.
Emmanuel: Bakit ho lola? .
Aling Inday: Paniguradong pumunta sila sa karatig lugar para magnakaw ng makakain namin. Iho nakikiusap ako sayo tulungan mo sila.
Emmanuel: Hindi pa ho kayu humuhingi ng tulong tutulong na po ako lola. Kaloy samahan moko at ng mapuntahan natin sila bago pa mahuli ang lahat.