webnovel

Impossible (Completed)

(A Filipino Novel) Celia Beatrix Montemayor was just an ordinary girl until she met a stranger that changed her life. She fell inlove. She regrets the fall. This was the first time she have fallen inlove, and it was the wrong fall. A love that's impossible. (a/n: this is unedited and a bit weird, lmao. Read at your own risk.)

Cami_Ada · 奇幻言情
分數不夠
31 Chs

Respect

"...then sinabi sa akin ni Audrey, baliw daw ako! *hik* Kasi nagkagusto ako sa guy na may gf na pala hahaha!..."

"Bea, i think you're drunk." Nag-aalalang saad ni Dawn.

"Tch, no way! Hindi pa ah." Tapos kinuha ni Bea yung bote ng alak at tinungga, agad itong inagaw sa kanya ni Dawn.

"Akala ko ako yung malalasing nang ganyan, ikaw pala. You have low alcohol tolerance dude." Sabi sa kanya ni Dawn. Tumawa lang si Bea na parang baliw.

"I told you *hik* hindi pa ko lasing!"

"Kung ganon ilan 'tong daliri ko?" Aniya't nagpakita ng isang daliri kay Bea.

Naningkit pa ang mata ni Bea habang binibilang ang daliri ni Dawn. "Uhh... dalawa! Dalawa yang daliri na yan!"

"Confirmed, lasing ka na Bea. Tara balik na tayo sa motel."

"Bwisit ka Dawn, uubusin ko lang yung nasa bote *hik*." Sabi ni Bea at pilit na inaabot yung bote ng alak.

"No, hindi na. Babalik na tayo."

"Ako mas nakakatanda, ako *hik* dapat ang masusunod dito."

"Kaso lasing ka, wala ka sa matinong pag-iisip Bea." Seryosong sagot ni Dawn.

Nagulat sya ng sampalin sya ni Bea, "What the!? What's that for!?" Naiirita nyang tanong sa lasing na babae.

Ngumisi si Bea, "Hindi mo na ko hahaha tinatawag na ate ah? *hik* akala ko ba hahaha akala ko ba magalang ka?"

Napa-ikot na lang mata ni Dawn. Nagbayad na sya sa bartender at binuhat si Bea na pang bagong kasal style. "Ay naks, *hik* lakas mo Dawn ah. Mabigat ako, di mo kakayanin."

"Manahimik ka na nga lang Bea."

Habang naglalakad na sila pabalik sa motel, kung anu-ano na pinagsasabi ni Bea sa sobrang kalasingan. Medyo natatawa na lang si Dawn sa kanya, at nagulat sya ng biglang sabihin ni Bea na...

"Alam mo, kung *hik* kung prutas lang ang mga boyfriend *hik* at nakita kita, ikaw kagad pipitasin ko." Ngumisi pa sya kay Dawn, "Then kakainin kita kaagad *hik*"

Namula si Dawn sa nasabi nya.

"Shut up bhebhe ko, mamaya ikaw kainin ko dyan eh." Natatawa nyang sagot.

"Ehehehe, yuck. Ayoko nga. Hahaha!"

"Maka-yuck ka dyan, ikaw nga 'tong unang nagsabi na kakainin mo ko."

"Kung prutas *hik* ka."

"Edi waw."

"Aww *hik* umasa si Dawn hah*hik*ahahah!"

Nang makarating na sila sa room nila, na-ihiga na ni Dawn si Bea. Sa pagod ni Dawn ay napahiga na rin sya at nakahinga ng maluwag, "Takte Beaaaa! Ambigat mo!" Reklamo nya.

Natawa si Bea, pero lasing pa rin ang bruha. "Sino ba *hik* kasing nagsabi na buhatin mo ko hahaha *hik*"

"Baka kasi madapa ka eh." Napayakap na si Dawn sa unan nya.

Napatingin naman sya kay Bea na napaupo, "You know, *hik* i'm not a child." Nanlaki mata ni Dawn ng biglang maghubad ng ipang-itaas si Bea.

"F-F*ck!! Bea! Wag ka maghubad!"

"Ang *hik* init eh!"

Napalapit kaagad si Dawn na may dalang kumot at nilagyan ng cover ang exposed na katawan ni Bea. "Tang*na dapat di pala kita pina-inom!"

"Gagu ka ba? *hik* sino ka para pagbawalan ako uminom?"

"Oh shut up! Doon ka nga sa cr at magpalamig!" Tinulak naman ni Dawn si Bea papunta sa cr. Agad nyang isinara ang pinto ng cr ng makapasok na si Bea sa loob.

"Dawn! *hik* buksan mo tooo! Ang iniiiit dito!"

"Maligo ka Bea! Ambaho mo!"

"Ah, okay *hik*" then narinig na ni Dawn bumukas ang shower ng cr. Nakahinga sya ng maluwag at napahiga ulit sa higaan. Mabuti na lang at naagapan nya ang nangyari, kung hindi nya napigilan si Bea maghubad, malamang sa malamang may nangyayari ng milagro sa kwarto nila ngayon.

+++ respect for Dawn!