webnovel

Immortal Destroyer [Volume 10]

Sa paglalakbay ni Wong Ming patungo sa Dou City ay namalagi siya rito upang tuklasin ang mga bagay patungkol sa nangyari sa siyudad na pinagmulan niya kung saan naroroon ang Green Valley na minsan na ring nag-exist. Mahahanap niya kaya ang kasagutan sa apat na taong nakalipas? Paano kaya kung hindi inaasahang pangyayari na naman ang magaganap sa paglalakbay niyang ito? Magagawa niya kayang lagpasan ang mga panganib na maaari niyang makaharap kahit na mismong sariling buhay niya ang nakataya?

Jilib480_Jilib480 · 奇幻
分數不夠
40 Chs

Chapter 1.9

Napansin naman ni Wong Ming na biglang umaliwalas ang mukha ng nasabing ginang na nasa gitna ng malawak na entablado habang makikitang nagign masigla ang bawat kilos nito habang nakaharap at nakatunghay sa kaniya ang lahat ng mga naririto.

"Sa unang pagpapasubasta natin ay siguradong hindi kayo malulungkot sa pambihirang bagay na nasa loob ng kahong aking ipapakita sa inyong lahat." Sambit ni Madam Yanyu habang makikitang unti-unting binuksan nito ang nasabing kahon habang nasa gilid lamang ang dalawang alalay nito.

Napagmasdan naman ng lahat ang kakaibang bagay na nasa loob ng kahong binuksan ni Madam Yanyu at namangha ang lahat.

"Isa itong pambihirang crystal qi orb na mula pa sa nahukay na bagay sa loob ng isang nasirang sinaung siyudad. Kahit na matagal na ito ay makikita pa rin na marami itong silbi lalo na sa gitna ng labanan o nanganganib ang iyong buhay. Hindi sa magmamayabang ngunit kaya nitong magsuplay ng tatlong beses na qi sa isang eksperto upang makapagsagawa ng panghuling atake o di kaya ay maka-cast ng pambihirang skill upang makatakas." Sambit ni Madam Yanyu habang nakangiti ng malawak.

Halos magulantang naman ang lahat ng mga naririto dahil sa sinabing ito ng magandang babaeng nakaharap sa lahat mula sa entablado.

Kitang-kita sa mga mata ng mga ito ang pagkamangha at tila nagkaroon ng malakas na usap-usapan lalong-lalo na sa bandang harap lamang ng malawak na entablado kung saan naroroon ang karamihan na nakatayo lamang.

"Crystal Qi Orb? Napakalaki naman ng orb na iyan kumpara sa ordinaryong orb na nakikita ko. Hindi ako naniniwalang ordinaryo lamang ang pinapasubasta ni Madam Yanyu!"

"Hindi maaring hindi sakin mapunta iyan dahil hindi ako papayag!"

"Mas lalong hindi ako makakapayag sa inyo iyan mapunta dahil para sa akin iyan!"

"Triple ang epekto nito? Kung gayon ay gusto kong mabili iyan!"

"Tumigil kayo diyan, sakin dapat iyan!"

Ito lamang ang ilan sa naririnig ni Wong Ming sa kaniyang kapaligiran. Hindi niya aakalaing ang lahat ay magkakaganito dahil lamang sa Crystal Qi Orb na ito.

Naniniwala siyang lehitimo naman ang sinabing ito ni Madam Yanyu dahil nakataya ang pangalan ng Stone Crest Auction House sa klase ng mga bagay na pinapasubasta nila.

Kaya lang ay masasabi ni Wong Ming na lubos na nakakapanghinayang ang nasabing Crystal Qi Orb na ito dahil marami pa itong maaaring gamit ngunit kitang-kita niya na mayroon na itong sira, hindi man niya matukoy kung paano ngunit isa rin siguro sa dahilan ay dahil sa tagal na ng bagay na ito o di kaya ay napinsala ito sa matinding labanan.

Kung hindi sana ito nagkaroon ng sira o depekto ay kayang-kaya ng orb na maglabas ng pananggalang o kaya ay magbigay ng abilidad sa isang gagamit nito na makalipad o makalutang sa ere. Masyado lang hinapyawan ni Madam Yanyu ang pagsasabi ng deskripsyon ng Crystal Qi Orb na nasa pangangalaga nito upang maging appealing sa pandinig ng lahat upang hikayatin ang mga itong bilhin ang bagay na ito sa mataas na halaga.

Ramdam ni Wong Ming na wala ni isa man sa loob ng kaniya-kaniyang secret room ang nagbid o nagkainteres man lang rito dahil siguro'y alam nilang isa lamang itong exaggeration gamit ang mababangong salita ni Madam Yanyu.

Marami man ang nagsambit ng halaga nila ngunit sa huli'y napunta ito sa matabang mamang nakaupo sa isang mamahaling upuan na kumikinang habang may tatlong babaeng nakaalalay rito.

Marami pa ang mga bagay na sunod-sunod na pinapasubasta at kitang-kita ni Wong Ming na marami pa rin ang gustong bilhin ang mga bagay na ito ngunit karamihan sa mga pinapasubastang mga bagay ay sa matabang mama pa rin napupunta o di kaya ay sa apat na tila mga kilalang mga personalidad sa lungsod na ito mula sa mga aristokratong pamilya.

Kitang-kita naman ni Wong Ming ang pait at lungkot sa mga mata ng mga naririto lalong-lalo na sa malapit sa malawak na entablado dahil tila ba ay nadismaya ang mga ito dahil parang mga batang inagawan ng laruan ang mga ito ngunit kaibahan lamang ay wala silang salitang inaangal mula sa mga bibig ng mga ito.

Isinawalang-bahala na lamang ito ni Wong Ming dahil ganoon naman talaga ang buhay, hindi lahat ng bagay na gusto mo ay mapapasayo. Hindi lamang lakas o impluwensya ang kailangan mo kundi salapi rin lalo na kung pupunta ka sa loob ng isang auction house. Nagpapatunay lamang ito na isang inferior o mababa ang uri ng buhay ng mga ito kumpara sa mga upper class na nakukuha ang lahat ng gusto nilang makuha.

"Ang susunod naming ipapasubasta ay nasa loob ng kahong ito---" sambit ni Madam Yanyu habang unti-unting binuksan ang nasabing kahon hanggang sa tumambad sa lahat ang isang parihaba ngunit malapad na bagay na animo'y hindi matukoy kung ano ito. "Ito ay isang misteryosong bagay na nakuha lamang sa isang ekspedisyon ng isa sa mga manlalakbay na eksperto. Bukod sa hindi ito tinatablan ng kahit na ano'ng uri ng atake ay wala pa ring makakapagsabi ng tunay na gamit o pinagmulan nito." Nakangiting sambit ni Madam Yanyu ngunit kakikitaan ng garagal sa boses nito na animo'y pinipilit lamang nitong magsalita kahit wala naman talaga siyang masabi patungkol rito.

Walang binigay na anumang startign bid si Madam Yanyu at halos mababa lamang ang mga bid ng nasabing mga gustong kunin ang bagay na ito.

Sino naman kasi ang gustong kunin ang misteryosong bagay na ito na tila wala namang silbi kundi hindi tamaan ng atake. Mabuti sana kung sobrang laki nito na pwedeng gawing panangga ay okay lang sana ngunit sa hugis nito at anyo ay mapagkakamalan mo lamang itong ordinaryong bato.

Narinig pa ni Wong Ming na tila napagdiskitahan pa ng mga ito na magbiro patungkol sa bagay na pinapasubasta.

50 gold coins!

100 gold coins!

150 gold coins!

300 gold coins!

Ngunit mabilis na nagsalita si Wong Ming ng presyo nito upang bilhin ang nasabing bagay na ito.

100 gold coins!

Wala namang nagulat sa sinabi ni Wong Ming bagkus ay pinagtawanan pa siya mula sa labas ng secret room niya lalong-lalo na sa mga katabi lamang niyang kapwa nasa kaniya-kaniyang secret room ang mga ito na tila sayang lang daw ang salapi niya ngunit pinalampas niya lamang ito at isinawalang-bahala.

Sunod-sunod ulit na pagpapasubasta ang naganap habang makikitang tila marami pa rin ang gustong makakuha ng mga bagay-bagay na pinapasubasta na pumupukaw sa interes ng karamihan sa mga ito.

Ngunit tila wala man lang nakapukaw muli ng atensyon kay Wong Ming lalo pa't kahit pambihirang mga bagay ang mga pinapasubasta ay karaniwan ay hindi angkop sa kaniyang sariling lakas o di kaya ay walang benepisyo sa cultivation niya. Gusto niyang makahanap ng bagay na maaaring makatulong sa kaniya sa kasalukuyan niyang lakas o lebel ng kapangyarihan na magpapaunlad pa sa janiyang sariling cultivation o mga abilidad.

Hindi pa naman natatapos ang auction house at sigurado siyang mayroon siyang makikitang bagay na mayroong pakinabang sa kaniya.