LUNA'S POV
Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Nakabihis na ako at naghihintay na lang sa pagdating ni Lawrence para masundo ako. Nakaramdam ako ng lungkot para sa kaniya. Sino ba naman kasi ang gustong mawala agad sa mundong ito? Bagaman at napakakomplikado ng buhay, masaya pa rin ako at naranasan kong mabuhay dito sa mundo. Naranasan kong magkaroon ng mabubuting kaibigan at mapagmahal na pamilya.
Si Lawrence kaya? Ano lang kaya ang meron siya? Sana lang nabigyan din siya ng pagkakataon na magkaroon ng mga taong totoong nagmamahal sa kaniya.
"Luna." Napatingin ako kay Paulo na kapapasok lang dito sa kwarto namin.
"May lakad ka?"
"Hmm. Inaya akong mag-dinner ni Lawrence sa labas." Napangiti siya at kinilig.
"Hindi ba parang ang awkward niyan? Ang kasama mo mamaya sa pagkain ay isang kaluluwa. Gusto mo samahan na kita?"
"Mabait naman si Lawrence eh."
"Hay naku 'wag kang pasisiguro diyan. Alalahanin mo 'yong sinabi sa atin no'ng espiritista. Kaya ikaw magdodoble ingat ka sa kaniya, huh? Tawagan mo kaagad ako kapag may hindi magandang nangyari." Napatango na lang ako. Napatingin ulit ako sa salamin at inayos ang buhok ko. Nilapitan naman ni Paulo ang laptop niya na nakalapag sa table.
"Siya nga pala, Luna. Bakit parang hindi ko na naririnig sa'yo ang tungkol kay Papa Azine mo? Hindi pa rin ba siya nagpapakita sa'yo?" Natigilan ako sa pag-aayos ng buhok. Nakalapit na ulit sa may gilid ko si Paulo. Napansin niya yata na nag-iba ang reaksyon ko sa tanong niya.
"N-Naalala ko marami ko pa nga palang gagawin. Sige mag-ayos ka na diyan." Lumabas na siya ng kwarto. Napabuntong-hininga ako nang maisip ko si Azine. Mag-iisang buwan na bukas simula nang mawala siya at hindi na magpakita sa'kin. Napatingin ako sa bulaklak. Napalapit ako dito at naupo sa bangko. Pinagmasdan ko lang ang bulaklak.
"Azine, sana nandito ka para matulungan mo kami. May plano kami mamaya at kasama ko ang... girlfriend mo. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Masaya ako para kay Arif kapag tuluyan siyang nakabalik sa katawan niya. Nalulungkot naman ako para kay Lawrence dahil kailangan niyang umalis at iwan ang buhay na hiniram niya. Gabayan mo kami, Azine. Sana maging matagumpay ang plano namin. Sana matulungan namin si Arif para hindi siya maging abo. Kung nasaan ka man, Azine, sana hindi mo ako makalimutan." Sandali ko pang pinagmasdan ang bulaklak. Naalala ko 'yong kwentas kaya kinuha ko na ito sa bag ko at inilagay sa gagamitin kong bag ngayon. May kumatok sa pinto at bumungad sa akin si Paulo.
"Luna, nasa baba na si Lawrence." Mahina lang naman ang pagkakasabi niya. Isunukbit ko na sa balikat ko ang bag ko at lumabas.
Inihatid ako ni Paulo hanggang sa baba. Nginitian ako ni Arif. Bihis na bihis siya. Ngayon ko lang siya nakita na nakaganito ng ayos. Ang gwapo niyang tingnan.
"Hi, Papa Arif." Bungad ni Paulo dito.
"Hi." Tiningnan niya ako.
"Hi, Luna."
"Hi." Simpleng bati ko rin sa kaniya pabalik. Titig na titig siya sa'kin. Hindi naman ako nag-ayos ng maigi. Nagsuot lang din ako ng simpleng dress.
"You look really beautiful." Naiilang akong napangiti. Kinilig naman si Paulo pero sinaway ko agad.
"Salamat."
"Aalis na ba tayo?"
"Yeah. Do'n naka-park ang kotse ko eh. Let's go?"
"Luna, uwi ka ng maaga. Arif, ingatan mo 'tong bff ko. Iuwi mo siya ng maaga, huh?"
"Sure."
"Ingat kayo, okay? Bye."
Pinagbuksan niya ako ng pinto. "Thanks." Tiningnan ko si Lawrence na nakasakay na rin.
"Saan tayo pupunta?" Kailangan ko kasing i-inform si Maxine. Tiningnan niya ako at napangiti pa.
"It's a surprise." Napangiti na lang din ako ng bahagya. Nagulat ako nang bigla siyang napalapit sa'kin.
"A-Ano'ng... ginagawa mo?" Nginitian niya lang ako. Sobrang lapit niya sa mukha ko. Nilagyan niya lang ako ng seatbelt. Nakahinga ako ng malalim. Naglagay na rin siya mg seatbelt saka ako tiningnan ulit.
"Let's go?" Naiilang akong napatango.
Isang restaurant ang hinintuan ng kotse ni Lawrence. Alam ko 'tong restaurant na 'to. Nauna na siyang bumaba sa'kin at pinagbuksan ako ng pinto. Inabot ko ang kamay niya na nakalahad sa'kin.
"Salamat."
"We're here." Napatingin ulit ako sa restaurant.
"Sarado na yata sila." Wala kasi akong natatanaw na ilaw mula sa loob. Napangiti sa akin si Lawrence.
"Shall we go inside?" Hinayaan ko na lang.
Napatango na lang ako saka kami magkaagapay na naglakad paloob. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Nginitian ko siya at saka pumasok na sa loob. Napahinto ako dahil nga madilim dito. Naramdaman ko si Lawrence na nasa tabi ko lang. May marinig akong tunog na parang senyas mula sa kamay ni Lawrence at doon lang nagkaroon ng ilaw. Wala akong ibang taong nakita dito sa loob. Mukhang nirentahan yata ni Lawrence ang restaurant na 'to para sa dinner namin. Napansin ko na may mga dikorasyon pa dito. May mga lights pa na kumikislap sa bawat gilid. Nagtataka akong napatingin kay Lawrence.
"A-Ano 'to?" Hindi niya ako sinagot.
"Shall we?" Napatingin ako sa braso niya na ino-offer sa'kin. Hinayaan ko na lang siya. Ikinuwit ko ang kamay ko sa braso niya. Iginiya ako ni Lawrence sa isang decorated table. Ipinaghila pa niya ako ng bangko.
"Have a seat."
"Salamat."
"My pleasure." Kinuha niya ang bouquet na nakapatong sa mesa at iniabot sa'kin. "For you." Tinanggap ko na lang.
"Thank you."
"Maybe you're hungry. Let's order now." May sinenyasan siya tapos may isang lalaking waiter na lumapit sa amin. Inabutan niya ng menu si Lawrence gano'n din ako. Ipinatong ko muna sa table ang bulaklak at kinuha ang menu sa waiter.
"Ano'ng gusto mong kainin?" Tiningnan ko kung ano ang mga nakalagay sa menu pero wala talaga dito ang utak ko. Tiningnan ko si Lawrence.
"Hindi ko alam kung ano ang masarap dito. Pwede bang ikaw na ang mag-order ng para sa'kin?"
"Sure." Ibinalik ko na sa waiter ang menu. Si Lawrence na nga ang nag-order. Kinuha ko ang bag ko na ipinatong ko sa mesa at inilapag sa may lap ko. Kailangan kong i-text si Maxine at masabi sa kaniya kung nasaan kami. Palihim kong inilabas ang cellphone at ikinubli lang sa may mesa. Tinext ko agad si Maxine.
"Luna." Napatingin ako kay Lawrence.
"Would you like some drinks while waiting for our orders?"
"Hindi na." Hinarap niya ulit ang waiter. Ibinalik ko sa bag ang cellphone.
"Just give us water, please."
"Okay, sir." Umalis na 'yong waiter.
"Ah, Luna."
"Hmm?"
"Thank you nga pala sa pagpayag mo na lumabas kasama ako. Napasaya mo ako." Nginitian ko siya.
"Wala lang 'yon. Naisip ko kasi minsan lang naman tayo lumabas na magkasama."
"I'm really happy." Ibinalik ko sa mesa ang bag ko.
"Pero bakit may ganito?" Tukoy ko sa mga palamuti. Natawa si Lawrence.
"First date kasi natin 'to eh kaya naisip kong magpalagay ng mga decorations." Nagulat pa ako sa sinabi niya.
"D-Date?" Napangiti siya sa reaksyon ko.
"I'm just kidding. Gusto ko lang maging memorable 'tong first dinner natin together."
"Ah. Ha-ha." Nakahinga ako ng maluwang. May nag-text sa cellphone ko.
"Excuse me." Kinuha ko ang cellphone at tiningnan kung sino ang nag-text. Mula kay Maxine.
[ "I'm on my way." ]
"Sino 'yan?"
"Si Paulo. Tinatanong niya kung nasa'n na raw tayo." Binalik ko na sa bag ang cellphone.
Si Arif kaya? Sana hindi siya mahuli sa pagpunta dito.
Hindi ako mapakali. Napakaganda naman ng lugar na ito para sa isang malungkot na mangyayari mamaya. Tiningnan ko si Arif at pinagmasdan lang. Kinakabahan ako. Napatingin sa akin si Lawrence at napahawak sa mukha niya.
"May dumi ba ako sa mukha?"
"Huh? Ah... wala. May iniisip lang ako."
"Masyado ba akong gwapo?" Nakangiti niyang turan. Natawa lang ako sa kaniya.
"Siya nga pala, Luna. Naaalala mo ba no'ng nag-out of town ka. Ang sabi ko sa'yo no'n may sasabihin ako sa'yo kapag nakauwi ka na dito." Medyo napaseryoso na siya. Nailang ako bigla. Parang ang romantic niya ng tingnan.
Magtatapat kaya siya sa'kin? Hindi pwede.
Sakto namang nag-ring ang cellphone niya kaya nakahinga ako ng maluwag.
LAWRENCE'S POV
"Sandali lang."
"Sige lang." Kinuha ko ang cellphone ko sa suot kong coat. Si Nico ang tumatawag. Tiningnan ko si Luna.
"Excuse me lang Luna. I have to take this call."
"Sige." Napatayo na ako at medyo napalayo kay Luna. Sinagot ko na ang tawag niya.
"Nico. Bakit ka tumawag?"
[ "Kasama mo si Luna, di ba?" ]
"Paano mo nalaman?" Hindi ko naman kasi nasabi sa kaniya na lalabas kami ni Luna ngayon.
[ "Kuya, narinig ko sina Luna kanina sa may mini na nag-uusap. May pinaplano sila sa'yo para makaalis ka sa katawan ni Arif. Kasabwat niya si Maxine. ] Napatingin ako kay Luna. Kaya pala napansin ko na para siyang hindi mapakali. Napaseryoso na ako. Bigla akong nakaramdam ng inis. Inalis ko ang tingin ko kay Luna.
"Sigurado ako pupunta rin dito si Arif."
[ "May kwentas na dala si Luna gumawa ka ng paraan para makuha mo 'yon. Huwag na huwag mong hahayaan na maisuot sa'yo ang kwentas na 'yon. Narinig ko na galing 'yon sa isang espiritista at kapag naisuot sa katawan ni Arif mapipilitan kang lumabas sa katawan niya. I-text mo sa'kin ang address kung nasaan kayo. I'm on my way." ]
"I have plans." Matapos kong sabihin kay Nico ang plano binalikan ko na si Luna. Napangiti siya sa'kin. Ginantihan ko na lang din siya ng ngiti. Napatingin ako sa bag niya na nakapatong sa mesa. Malamang nasa loob no'n ang kwentas na tinutukoy ni Nico. I have to get that damn necklace.
Napalapit na sa amin 'yong waiter at nag-serve ng mga orders. Matapos ay nagpaalam na ito sa amin.
"Let's eat."
"Sige." Nagsimula na kaming kumain ni Luna. Napapasulyap ako sa bag niya.
Ano'ng gagawin ko?
Napatingin ako sa baso na nasa gilid lang ni Luna. May naisip ako.
"Luna, tikman mo 'to." Pasimple kong sinagi 'yong baso at natapon ang tubig papunta kay Luna.
"Oh my God! I'm so sorry, Luna." Napatayo ako agad at tinulungan siya. Medyo nabasa ang damit niya. Itinayo ko siya.
"Okay lang."
"I'm really sorry. Are you okay?"
"Oo, okay lang ako. Okay lang."
"Punta lang ako ng restroom."
"Sige. Nasa may side na 'yon ang restroom. Sure ka ba na okay ka lang talaga? I'm really sorry, Luna. It's my fault. Nakakahiya sa'yo. I'm so careless."
"Okay lang talaga, Arif. Sandali lang, huh." Nagpunta na siya sa restroom. Napangisi ako. Napatingin ako sa bag ni Luna na naiwan niya. Nilapitan ko ito at binuksan. May nakita nga akong kwentas sa loob. Agad ko itong kinuha at inilagay sa bulsa ng suot kong coat. Ibinalik ko na ang bag sa mesa. Pinuntahan ko si Luna sa restroom. Kinatok ko ang pinto.
"Luna, are you okay? Do you need anything?"
"Sandali na lang." Naghintay na lang ako sa kaniya. Maya-maya lumabas na rin siya. Napatingin ako sa damit niya.
"Basà ka pa rin. Sandali lang magtatanong ako sa kanila kung may extra shirt sila dito na hindi pa nagagamit." Pinigilan ako ni Luna sa pag-alis.
"I'm really fine. Pag-uwi na lang ako magpapalit. Balik na tayo do'n."
"Are you sure?"
"Oo." Tinawag ko 'yong waiter at pinaligpit ang nasirang pagkain. Umalis din ito pagkatapos.
"It's too late kapag nagpaluto pa ulit tayo. Let's just share what's left here."
"Okay lang. Busog na rin naman ako eh."
"I'm really sorry, Luna. Hindi ko sinasadya ang nangyari. Nahihiya talaga ako sa'yo. First dinner natin pero nasira ko pa."
"It's okay, Arif. Aksidente ang nangyari." May nag-text sa kaniya kaya kinuha nito ang cellphone sa bag. Napansin niya agad na nawawala ang kwentas. Napatingin siya sa ilalim ng mesa at hinanap ito.
"What's wrong? Are you looking for something?"
"Huh? Ahh... 'Yong hikaw ko. Parang naalala ko kasi na may suot akong hikaw eh." Naghanap-hanap pa siya.
Hikaw. Ha-ha.
"Parang wala ka naman yatang suot na earrings kanina eh." Napatingin siya sa'kin.
"Wala ba? Wala nga yata. Ha-ha. Hayaan mo na."
LUNA'S POV
Saan napunta 'yong kwentas? Hindi pwedeng mawala 'yon. Masisira ang plano namin nito.
Tiningnan ko 'yong text ni Maxine. Nandito na raw siya. Napalinga ako sa may labas pero hindi ko naman siya nakita. Iniwanan ko siya ng text tungkol sa pagkawala no'ng kwentas.
"Luna." Napatingin ako kay Lawrence.
"H-Huh?" Bahagya siyang napatawa.
"Akala ko pwede tayong maging magkaibigan." Nagtaka ako sa sinabi niya.
"A-Ano'ng ibig mong... sabihin?"
"Bakit ikaw pa, Luna? Bakit ikaw pa ang itinakda." Nangungunot ang noo ko sa sinasabi niya. Hindi ko siya maintindihan. "Kung kailan naman nagugustuhan na kita. Kaya lang hindi ko kayang isakripisyo ang sarili ko para sa'yo. Matagal ko 'tong itinago at iningatan kaya hindi ko pwedeng isuko ng basta-basta na lang." Seryosong-seryoso na siya.
"A-Arif. Ano'ng..." Titig na titig siya sa'kin.
"Are you planning for something, Luna?" Natigilan ako sa tanong niya. Napalunok ako sa kaba. Parang bigla siyang nakakatakot lalo na 'yong tingin niya sa'kin.
Alam na niya? Maxine, nasaan ka na ba?
"A-Arif... Hindi. Dapat siguro tawagin na kita sa totoo mong pangalan." Napahinto ako ng kunti. "Lawrence." Nakatingin lang kami sa isa't isa. Maya-maya napangisi siya.
"Lawrence!" Napatingin ako sa biglang sumulpot na si Maxine. Hindi man lang kumibo si Arif ni lingunin ito. Nakatitig lang talaga siya sa'kin.
Palapit na si Maxine nang biglang namatay ang lahat ng ilaw. Sobrang dilim na dito sa loob. Nagulat ako nang biglang may marahas na humila sa'kin. Agad nitong tinabunan ang bibig ko kaya hindi ako makasigaw. Naririnig ko si Maxine na tinatawag ang pangalan ko. Nahinto na siya sa paghila sa'kin. May binulong ito sa'kin na ikinatigil ko. Tinanggal niya ang kamay na nakatabon sa bibig ko at inilagay sa aking ulo. Natakot ako bigla. He's planning to twist my head kapag sumigaw ako o gumawa ng kahit ano'ng ingay. Sobrang takot na takot na talaga ako ngayon at nanginginig ang buo kong katawan. Napapikit na lang ako at nagdasal.
Saka biglang nagbukas ang ilaw. Maliwanag na dito sa loob. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at nagulat ako sa nabungaran ko. Napatingin ako sa isang side at nando'n si Maxine... pero hawak siya ni Nico.
Ano'ng kinalaman ni Nico dito? Bakit siya nandito?
Tinututukan niya ng isang matalim na kutsilyo si Maxine. Takot na takot din siya pero sinundan ko ang tinitingnan niya. Si Cloud at Sky.
Nakikita ni Maxine ang dalawang 'to?
Nangunot ang noo ko sa isa ko pang nakita na nakatayo din di kalayuan sa'min.
Princess. Ano ang ginagawa niya dito?
Nakatingin lang siya sa'kin. Nakaramdam naman ako ng pag-asa nang makita ko sina Cloud at Sky. Nakasuot ng fully black si Cloud gaya ng suot nila dati kapag nagsusundo tapos naka-fully white naman si Sky.
Bakit nandito rin sila? Si Lawrence ba ang kaluluwang susunduin nila? Pero bakit dalawa sila at magkaiba ng suot?
"Bitawan mo si Luna, Lawrence." Utos ni Cloud dito. Napangisi lang si Lawrence.
"At bakit ko naman gagawin 'yon?" Napapitlag pa ako nang mag-iba ang boses niya. Boses na ni Lawrence mismo ang lumalabas sa bibig niya.
"Hindi sa'yo ang katawan na 'yan. Matagal ka ng dapat nakaalis sa mundong ito, Lawrence. Huwag mo ng ipilit ang sarili mo na makipagsiksikan pa dito sa mga buhay. Kailangan ka na naming dalhin sa purgatoryo." Sabi pa ni Cloud.
"Nico." si Sky. Binalingan niya pa si Nico na hawak pa rin si Maxine. She's already crying.
"Wala ka bang balak na tulungan ang kapatid mo? Paliwanagan mo siyang mabuti. Kapag nagpatuloy siya sa ginagawa niya baka sa impyerno siya bumagsak. Hindi ka ba maaawa sa kaniya kapag nangyari 'yon?" Pareho kaming nagkatinginan at naguluhan ni Maxine. Napatingin ako kay Nico.
Kapatid? Kapatid ni Nico si Lawrence? Paano nangyari 'yon?
Napaisip si Nico pero hindi niya pa rin inalis ang pagkakatutok ng kutsilyo kay Maxine.
"Nico, huwag kang makikinig sa kanila. Sa akin ka lang makikinig." Napatango-tango si Nico at mas hinigpitan ang pagkapit kay Maxine. Binalingan naman ni Lawrence sina Sky at Cloud.
"Umalis na kayong dalawa dito dahil kapag nainis ako baka dalawang kaluluwa pa ang masundo niyo ngayong gabi."
"Kung matino pa 'yang pag-iisip mo mas mabuti na bitawan mo na si Luna ngayon din. Mas pinapalala mo lang ang sitwasyon, Lawrence. Tanggapin mo na lang na matagal ka ng patay at ang katotohanan na inaangkin mo ang katawan na hindi mo pag-aari. Hindi ka ba nahihiya sa kaibigan mo? Maraming araw at masasayang memories na ang kinuha mo sa kaniya. Kaya isuko mo na ang katawan ni Arif Zamora." Tiningnan ni Lawrence ng masama si Cloud. Nagkatinginan lang sila.
"Lawrence, sumuko ka na sa kanila. Gusto mo bang maitapon ang kaluluwa mo sa impyerno? Lawrence, itinuring na rin kita na kaibigan at alam ko na mabuti ang puso mo. Please, Lawrence, tigilan mo na 'to. Bitawan mo na ako. Pakawalan mo na si Maxine, huwag mo siyang idamay dito. Kaibigan mo siya, di ba?"
"Wala akong kaibigan." Puno ng hinanakit na bulalas niya. "Dahil sa kaniya kaya kami naaksidente. Si Maxine ang dahilan kaya ako namatay." Natigilan ako sa sinabi ni Lawrence. Gulat din naman na napatingin si Maxine kay Lawrence.
"Ano'ng sinasabi mo? Wala akong kinalaman sa nangyari."
"Talaga? Kayong dalawa ni Arif ang may gawa nito sa'kin. Natatandaan mo ba no'ng araw na inimbita ka naming dalawa ni Arif na lumabas? Parehong araw kung kailan nangyari ang aksidente." Base sa reaksyon ni Maxine parang nalaman niya agad kung alin ang tinutukoy ni Lawrence. "May inihanda akong surprise para sa'yo no'n dahil aamin ako sa'yo. Pero no'ng pinuntahan ka na namin sa bahay niyo para sunduin mas pinili mong sumama sa family dinner niyo kasama ang mga Zamora na ni-request lang naman ni Arif sa papa niya para hindi tayo matuloy umalis no'ng araw na 'yon. Narinig ko siyang kausap sa phone ang papa niya that day at nakikiusap na mag-set ng dinner date with your family. Nagpanggap na lang ako na walang alam. Siya ang unang trumaidor sa'kin. Siya ang hindi tunay na kaibigan. Hindi niya agad sinabi sa'kin na gusto ka pala niya. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari hindi na sana kita ginusto noon. It's all your fault! I will never forgive the both of you! Never!" Tumaas na ang boses ni Lawrence. Kahit ako natatakot sa kaniya. Natigilan si Maxine at napaiyak ulit.
"I... I don't know. I don't know anything. I'm sorry, Lawrence. I'm so sorry."
'Yon pala ang nangyari noon? Ibig sabihin parehong may gusto si Arth at Lawrence kay Maxine.
Parang may kung anong biglang dumaan sa harapan ko. Mabilis ito na nagsanhi ng malamig na hangin sa balat ko at nahawi pa ng bahagya ang aking buhok. Bigla na lang akong nabitawan ni Lawrence. Napalayo agad ako ng kunti at napabaling sa kaniya na parang may iniindang sakit. Sapo nito ang ulo niya at napapadaing. Wala akong magawa kundi ang pagmasdan ko lang siya pero nakakaramdam ako ng awa para sa kaniya.
"Ano'ng nangyayari sa kuya ko?" Sigaw ni Nico na alalang-alala din sa kapatid. Napatingin ako kay na Sky at Cloud na parang blangko rin sa nangyayari. Parang may kung ano'ng sumasapi sa katawan ni Arif.
Napamulagat ako nang bigla kong makita ang kaluluwa ni Arif na pilit nakikipagsiksikan sa katawan niya kung nasaan ang kaluluwa ni Lawrence. Ngayon alam ko na ang nangyayari. Dalawang kaluluwa na ang nasa katawan. Halos mapasigaw pa si Lawrence sa sakit marahil na nararamdaman niya. Napatingin ako sa pwesto ni Maxine nang bigla siyang itulak ni Nico. Napasubsob siya sa floor kaya naman agad akong lumapit at sinaklolohan siya. Si Nico naman ay sinugod sina Sky at Cloud. Hinagayan nito ang dalawa ng hawak niyang patalim. Tiningnan ko si Maxine.
"Okay ka lang?" Napadaing din siya. May napansin akong sugat sa braso ni Maxine dahil sa pagkakasubsob niya sa sahig. Tinulungan ko siyang makatayo pero na-sprain yata ang paa niya kaya hinayaan ko na lang siya na maupo muna sa sahig. May narinig akong nalaglag na kung ano sa sahig kaya napabaling ako kay Lawrence na dumadaing pa rin at halos mapaluhod na. Nakita ko ang kwentas na nasa sahig.
Siya pala ang kumuha no'n?
"Luna, 'yong kwentas. Bilis, kunin mo agad at isuot mo sa katawan ni Arif." Parang saglit akong naparalisa at di makakibo. Napatingin ako sa kinatatayuan ni Princess kanina pero wala na siya do'n.
"Luna!" Doon lang ako napabalik-tingin kay Maxine.
"O-Oo." Napatayo na agad ako at napalapit sa kwentas. Kinuha ko ito at napalapit sa katawan ni Arif.
"Luna, isuot mo na." Narinig kong sigaw ni Maxine sa'kin. Napatingin ako kay Lawrence.
"P-Patawarin mo ako, Lawrence." Isusuot ko na sana sa kaniya ang kwentas nang bigla itong agawin sa'kin ni Nico. Malakas niya akong itinulak. Sinira pa nito ang kwentas at isa-isang nagsilaglagan ang mga beads sa sahig. Napatalsik at napatumba ako sa may kabilang mesa. Napatama ang aking may noo sa gilid ng mesa. Sandali akong hindi makagalaw. Halos mawalan ako ng malay pero pinilit kong kumilos. Sinapo ko ang aking may noo at nang tingnan ko ang aking palad ay may dugo do'n.
"Luna." Hilong-hilo akong napatingin sa lumapit sa'kin.
"Okay ka lang?"
"Princess."
"Hmm."
"Ano'ng ginagawa mo dito?" Medyo nag-iba expression ng mukha niya.
"Sinundan ko si Shaina hanggang dito. She's after you, Luna. Hindi ko akalain na ganito ang madaratnan ko dito."
ARIF'S POV [THE REAL ARIF]
"Ahhh!" Pareho kaming lumabas ni Lawrence sa katawan ko. Nakatayo kami sa magkabilang side mula sa aking katawan na nakahandusay na sa sahig. Nakatingin lang kami ni Lawrence sa isa't isa at walang bumibitaw sa tinginan na 'yon.
"Arif!" Napatingin ako kay Maxine na biglang lumapit sa katawan ko. Napatingin ako sa kaniya. Hindi niya kami nakikita.
"Arif, gumising ka." Umiiyak siya sa'kin. Napangiti ako ng bahagya. Napatingin naman ako sa mas natawang si Lawrence.
"Hanggang ngayon ba patay na patay ka pa rin kay Maxine?"
"Oo, inaamin ko. Mahal na mahal ko si Maxine mula pa noon at hindi magbabago ang nararamdaman kong 'yon kahit lumipas pa ang maraming taon. Nakalimutan mo yata na ako si Arif Zamora. Hindi mo ako kagaya na isinisisi sa ibang tao ang kasalanan niya. Sino kaya sa atin ang totoong may kasalanan kaya tayo naaksidente no'ng gabing 'yon? Ikaw, Lawrence." Napatingin siya sa akin nang diretso at bakas ang galit sa mukha. Sinalubong ko lang ang tingin niya.
"Alam kong galit ka sa'kin no'ng araw na 'yon. Pinilit mong ikaw na ang magmaneho dahil pinlano mo na maaksidente tayo. Pero hindi sa'yo umayon ang tadhana dahil kaw ang namatay at hindi ako. Hindi ka ba nagsisisi, huh? Sayang. Pinagkatiwalaan pa naman kita. Akala ko kaibigan kita pero isa ka palang napakawalang kwenta." Napatingin ako sa tiningnan niya na katawan ko.
"You can't get my body ever again." Bigla niya akong sinunggaban. Malakas siya at mabilis pero hindi ako nagpatalo sa kaniya. Naglaban kami ni Lawrence. Napatalsik ako sa may wall pero mabilis ko muli siyang sinunggaban at gumanti.
LUNA'S POV
Medyo hilo pa rin ako. Tinulungan akong makatayo ni Princess. Binalingan ko sina Arif at Lawrence na nag-aaway pa rin.
"Luna." Nilapitan ako ni Sky. Sandali siyang napatingin kay Princess.
"Princess Ana Moreno? Ikaw 'yong sundo ko ngayon." Napatango lang si Princess. Tiningnan ulit ako ni Sky.
"Okay ka lang, Luna?"
"T-Tulungan mo si Arif." Napatingin din siya sa dalawa.
"Dito ka lang." Napalapit siya sa dalawa gano'n din si Cloud. Sobrang lakas ni Lawrence at kahit tatlo na sila ay nahirapan pa rin sa kaniya. Sinigawan ko si Arif.
"Arif, bumalik ka na sa katawan mo. Ang mga grim reaper na ang bahala kay Lawrence." Napatingin siya sa'kin at saka sa katawan niya. Napatayo na muna si Max na umiiyak pa rin at nagmasid lang sa katawan ng kaibigan.
Napalapit na si Arif sa katawan niya pero binalingan muna si Maxine saka ako.
"Thank you, Luna." Bahagya lang akong napangiti sa kaniya. Palapit pa lang siya sa katawan niya nang biglang sunggaban siya ng isang malakas na puwersa. Naging dahilan ito upang mapatalsik siya sa sahig. Napatabon ako ng tainga nang may biglang tumawa ng nakakatakot. Nakakakilabot sa pandinig. Parang pinalibutan ako nang mga bulong nito. Patuloy pa rin ito sa paghalakhak. Pinapalibutan niya ako.
"Papatayin kita. Mamamatay ka na ngayon, pakialamera! Ha-ha-ha! Ha-ha-ha."
"S-Sino ka? Layuan mo ako." Tinawanan niya lang ako.
"Tigilan mo siya." Natigilan ako. Natigilan din siya sa paghalakhak. Napatingin ako sa sumigaw na si Princess. Inalis ko na ang tabon sa aking tainga. Biglang lumitaw naman ang kaninang humahalakhak at bumubulong sa'kin.
"Shaina, laban natin 'tong dalawa. Huwag mong idamay si Luna sa problema natin. Ako ang harapin mo."
Siya pala si Shaina? Napatingin ako dito. Nakatingin lang siya ng diretso kay Princess. Maya-maya napangisi si Shaina.
"You're right. It's just between the two of us. But I really hate you, you know? Sino'ng may sabi sa'yo na taguan ako? Are you afraid to face me?"
"Wala sana ako dito kung takot ako sa'yo." Napangisi na naman si Shaina.
"Tapusin na natin 'to." Seryosong-seryoso na sabi ni Shaina.
Parang nakaramdam ako ng takot sa titigan nilang dalawa. Pasugod na sana si Shaina nang biglang may munting liwanag na bumaba at huminto sa may gitna nilang dalawa. Pare-pareho kaming natigilan. Isang kaluluwa din pala ito. Pero sino ang lalaking ito?
"Joe?" Parehong bulalas ng magkaibigan.
Joe?
FLASHBACK
"Ang masamang espirito na sinasabi ko sa 'yo ay ang matalik ko'ng kaibigan na si Shaina, Luna."
"Huh? Gusto ka'ng patayin ng matalik mo'ng kaibigan? Sa ano'ng dahilan?"
"Akala niya kasi ako ang pumatay sa boyfriend niya'ng si Joe noon. Ang hindi niya alam nagka-raid at nasaksak ito. Dumating ako sa lugar dahil may usapan kami kaya lang naabutan ko na lang na patay na siya. Ako ang sinisi ni Shaina sa pagkamatay nito akala niya kasi sinadya ko ang nangyari para mawala sa kaniya si Joe."
"Bakit gano'n ang inisip niya? M-May gusto ka rin ba sa Joe na 'yon?"
"Oo, Luna."
END OF FLASHBACK
Siya pala si Joe.
"Shaina." Napatingin ako kay Shaina na nag-iba ang reaksyon malayong-malayo sa kanina.
"God gave me a chance to meet you two again. It's all my fault. Namatay ako ng hindi man lang nakapagpaliwanag sa'yo. I'm here to say sorry to you. I'm also here to beg for your forgiveness. Please, let's all move on about everything happened before, Shaina." Napatingin naman siya kay Princess na umiiyak na. Nginitian niya ito. "Thank you. I know how you love your bestfriend. Thank you for everything, Princess. Let's... Let's get out of here together. Let's start a new life with God. Would you like to come with me?"
Inilahad niya ang dalawang kamay para kay Shaina at Princess. Nakamasid lang ako sa mangyayari. Napahakbang na si Princess at inabot ang kamay ni Joe. Napangiti sila sa isa't isa. Pare-pareho kaming napatingin kay Shaina na nakatayo lang at nakatingin kay Joe. Maya-maya dahan-dahan na rin siyang napalapit kay na Joe. Hinarap niya muna si Princess. Bigla niyang niyakap ang kaibigan. Nawala ang kaba sa dibdib ko. Masaya ako para sa kanila. Sa wakas nagkabati rin sila.
Panginoon, salamat po sa pagtulong mo sa kanila.
Inabot na rin ni Shaina ang kamay ni Joe. Maya-maya biglang lumiwanag sa tapat nila. Napatingin sa akin sina Shaina at Princess.
"Luna, thanks for helping me." Masayang turan sa akin ni Princess.
"Luna." Napatingin ako kay Shaina. "I'm sorry." Napangiti ako sa kanila. Nag-wave na lang ako. Isang iglap lang naglaho na rin silang tatlo.
Napatingin ako kay na Cloud at Sky na hawak na si Lawrence. Si Arif naman ang binalingan ko.
"Arif, bumalik ka na sa katawan mo."
Tuluyan niya ng nilapitan ang kaniyang katawan. Napatingin naman ako kay Lawrence na nagpupumiglas pa mula sa pagkakahawak sa kaniya ng dalawang grim reaper. Nalulungkot ako para sa kaniya pero kailangan niyang harapin ang katotohanan. Muli akong napabalik-tingin kay Arif na napabuntong-hininga muna bago tuluyang humiga sa katawan niya. Ilang saglit kaming naghintay. Sobrang kinakabahan ako ngayon. Wala sa amin ang umiimik. Maya-maya biglang gumalaw na ang katawan ni Arif. Nagkatinginan kami ni Maxine at sabay na napalapit sa kaniya. Napahawak pa sa may sintido si Arif at napabangon sa pagkakahiga. Si Maxine naman ay pinantayan siya samantalang ako ay nanatiling nakatayo lang at nakamasid sa kaniya.
"Arif, ikaw na ba 'yan? Ikaw na ba ang kaibigan ko, huh?" Napatingin lang si Arif sa kaharap na si Max. Bigla nitong niyakap ang kaibigan. Napangiti ako para sa kanila. Sa wakas.
"Max. I miss you so much."
"You're back, Arif. I'm very happy." Nagyakap lang sila at nagkaiyakan pa sa tuwa. Nakahinga naman na ako ng maluwang. Napabaling ulit ako kay Lawrence na nakatungo at malungkot.
Bakit sa ganito umuwi ang lahat?
Napahakbang ako para lapitan siya. Nakakailang hakbang pa lang ako nang biglang may maramdaman ako mula sa aking tagiliran. Lahat sila napatingin sa akin dahil mabilis ang pangyayari. Dahan-dahan akong napatingin sa may tagiliran ko at napansin ko ang dugo na kumalat sa aking damit.
Napatingin naman ako sa taong nasa gilid ko at nanginginig pa sa takot na siyang sumaksak sa'kin. Walang iba kundi si Nico. Bigla niyang nabitawan ang kutsilyo na may bahid pa ng aking dugo. Tanging ang tagingting lang ng pagbagsak nito ang narinig ko. Napalunok ako at parang nawawalan na ng hininga. Narinig ko ang pangalan ko na paulit-ulit nilang isinisigaw pero parang nagmanhid na ang buo kong katawan. May ilang butil ng luha ang tumulo sa pisngi ko saka ako bumagsak sa sahig. Habol ko ang aking hininga. Medyo lumabo na rin ang paningin ko. Maya-maya may narinig akong ingay. Napatingin lang ako sa isang biglang dumating at sinugod si Nico. Naihagis nito ang kawawang si Nico. Napapikit ako at muling nagmulat. Malinaw kong nakita kung sino siya.
Azine. Sa wakas nakita ko rin siya.
Nagpumiglas si Lawrence mula sa dalawang grim reaper na mistulang nabuhusan ng malamig na tubig at nakamasid lang kay Azine. Sinunggaban agad ni Lawrence si Azine at naglaban silang dalawa pero malakas si Azine at bakas ang galit sa mukha at kilos. Malakas niyang inihagis si Lawrence papunta sa may pader at mabilis na nilapitan saka sinakal sa leeg. Ramdam ko ang galit niya. Halos maiangat niya pa si Lawrence. May mga sinabi pa sina Cloud pero hindi siya nakinig.
"A-Azine... hu-huwag." Nanghihina kong bulalas pero hindi niya ako narinig. Napatay niya si Lawrence. Ilang saglit pa unti-unti ng naging parang usok si Lawrence na tinangay paitaas at saka naglaho. Doon lang natauhan si Azine sa nagawa niya. Napatingin siya sa dalawang palad. Nilapitan siya nina Sky at Cloud na kakaiba ang mga reaksyon.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari.
Iniwan niya ang dalawa at saka agad akong nilapitan. Tinulungan niya akong makabangon at isinandal lang sa mga bisig niya.
"L-Luna." Nanginginig niyang sinapo ang aking sugat na hindi tumitigil sa pagdurugo. Nakatingin lang ako sa mukha ni Azine. Walang pa rin pinagbago. Napakagwapo niya pa rin. Basa na ng luha ang pisngi ko. Umiiyak rin si Azine at lumaglag pa ang ilang butil ng luha sa may pisngi ko. Napaubo ako. Pumikit muna ako saglit at saka nagmulat.
"Luna, lumaban ka para sa'kin. Hindi ka pwedeng mamatay."
"A-Azine. Sa wakas... nakita rin kita ulit. A-Akala ko nakalimutan mo... mo na ako. Akala ko... iniwan mo na ako. Ano ba'ng... Ano ba'ng nangyari sa'yo? B-Bakit hindi mo sa'kin sinabi?" Napaubo ulit ako. Ramdam ko na ang sakit ng saksak sa'kin. Hindi na ako makahinga ng maayos.
"Sasabihin ko sa'yo lahat kaya dapat lumaban ka, huh? Hindi ka pwedeng mawala ulit sa'kin. Luna, kailangan mong mabuhay."
"Azine. A-Azine." Nginitian ko siya. "S-Salamat at... at nakilala kita. Binigyan mo ng kahulugan ang buhay ko. Okay lang sa'kin... Okay lang sa'kin kahit mawala na ako. Masaya akong mamamatay sa mga bisig mo, Azine. May... May gusto akong sabihin sa'yo, Azine. Hindi ko 'to sa'yo nasabi noon. Azine..." Nahinto ako nang mapansin ko ang kamay niya na unti-unti ng nagiging parang maliliit na bituing kumikinang. Nakaramdam ako ng takot. Napaiyak ako lalo.
"A-Ano'ng nangyayari sa'yo, Azine? Bakit... Azine?"
"I'm sorry, Luna. Mas masaya ako na nakilala kita at nakasama kahit saglit na panahon lang. Kung may pinagsisisihan man ako 'yon ay ang iwan ka bigla. Sana mas pinili kita kesa ang mabuhay ulit."
"Azine."
"Luna, mahal na mahal kita." Bumuhos lalo ang luha sa pisngi ko. Napapikit ako nang ilapat niya ang labi sa aking noo at halikan ako.
"Paalam." Halos pabulong na lang na sabi ni Azine sa'kin. Bigla na siyang naging maliliit na kumikinang at saka tinangay sa kung saan.
Azine, mahal din kita.
_______________________________________________________
I just noticed na nag-one year na pala ako dito sa wattpad last January. Ayo! Almost 2 years na akong writer ☺️ Happy firt 'SUPER LATE' Anniversary kay SecretSuperstar. He-he. Thank you all sa support and pagsubaybay ng mga stories na ginagawa ko. Thank you! Blue heart for you, guys. 💙💙💙
The ending is near...