webnovel

Ikaw ang GHOST-2 Ko

SecretSuperstar · 奇幻
分數不夠
56 Chs

Chapter 47: Punishment

PAULO'S POV

"Hi, mga baklush!" bati ko kina Aliya at sa dalawa na narito sa may table malapit sa may lutuan. Ito kasi ang favorite area namin. Anyway, kakauwi ko lang din ngayon galing school. Masyado kasing maraming ginagawa.

"Hi, Paula!" bati rin nila sa akin.

"Si Luna ba nandito na?" tanong ko. Hindi ko na kasi siya nakausap simula kanina.

"Si Luna? Kanina pa siya pero parang may problema 'yong friend natin na 'yon eh." si Chendy.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Kasi kanina tinanong ko siya kung bakit maaga siyang umuwi pero tuloy-tuloy lang sa kwarto niyo." Nangunot ang noo ko.

Ano na naman kaya ang problema ni Luna?

"Puntahan ko muna si Luna." Pahakbang pa lang ako nang may tumawag. Kinuha ko ang phone ko at si Jedda pala. Sinagot ko agad.

{ "Huy, Paula, alam mo ba kung ano ang nangyari kay Luna? Hindi na kasi siya bumalik sa klase simula nang magkahiwalay tayo kanina." }

"Hindi na siya pumasok?"

{ "Oo. Nakita mo ba 'yong naka-post sa school page?" }

"Hindi pa busy kasi ako kanina eh marami naming niluto."

{ "Ako nga rin eh kasi sunod-sunod ang klase namin kanina ngayon ko lang din nakita. Tingnan mo na lang ibababa ko na, bakla." }

Binabaan niya na ako ng tawag. Tiningnan ko 'yong page at nakita ko ang ilang mga pictures ni Luna kasama si Arif. Naka-hug siya kay papa Arif pero ang mas napansin ko ay ang namamagang mata ni Luna. Umiiyak siya sa lahat ng mga pictures.

Bakit kaya?

Tumuloy na ako sa kwarto namin at nasa labas pa lang ako ng pintuan nang marinig ko na agad ang pag-iyak ni Luna. Dinikit ko sandali ang tainga ko sa pinto at humahagulhol siya.

Kumatok ako at saka pumasok sa loob. Ibinaba ko na muna ang aking dalang bag at saka nilapitan si Luna na nakahigang padapa sa kama. Nakasubsob ang mukha niya sa unan habang umiiyak.

"Luna," malambing kong tawag sa kaniya. Hindi siya kumibo.

"Bakla, ayos ka lang ba?" Hindi na naman niya ako pinansin. Naupo ako sa may gilid niya at marahang tinapik-tapik ang likod.

"Sige, kung gusto mong mapag-isa lalabas na muna ako, huh? Basta kapag ready ka ng magsabi sa akin ng problema mo narito lang ako, bakla." Tumayo na ako at paalis na sana nang magsalita si Luna.

"Paulo." Napalingon ako sa kaniya na nakabangon na pala. Mugtong-mugto ang mga mata at basang-basa ang pisngi ng luha.

Paglapit ko sa kaniya niyakap niya ako agad. Umiyak lang siya sa balikat ko.

"Iyak ka lang, bakla." Napasinga pa siya sa damit ko. Kadiri talaga 'tong si Luna.

"O-Okay lang 'yan." Mga ilang minuto siyang naging gano'n.

"Ano ba'ng nangyari?" Maya-maya ay tanong ko. Nakasandal na siya sa gilid habang nakapangalumbaba sa tuhod at ako naman ay nakaupong papaharap sa kaniya. Hindi kaagad siya sumagot. Nakatingin lang si Luna sa ibang direksyon.

"Tungkol ba 'to kay... Azine?" Napatingin na siya sa akin pero sandali lang at tumingin muli sa ibang direksyon.

"Nakausap ko kanina sina Sky at Cloud. Sila 'yong Grim Reaper na kaibigan ni Azine. Para kasing may itinatago sila sa akin tungkol kay Azine kaya tinanong ko. Ang sabi ni Cloud mabuti pa raw na hindi ko alam kasi..." Sandali siyang napahinto at parang iiyak na naman. "Kasi hindi naman daw ako nakakatulong kay Azine."

"Whattt?" gulat kong bulalas. "Sinabi talaga no'ng Cloud 'yon?" Napatango lang si Luna.

"Bakit kaya siya nakapagsalita ng gano'n sa'yo? Hindi kaya may problema talaga si Azine at... at sangkot ka sa problemang 'yon? O di kaya baka... ikaw ang dahilan? Opinion ko lang naman 'to, bakla huh." Napaisip din si Luna.

"Kung may problema pala bakit hindi nila sinasabi sa akin?" tanong niya na nakatingin sa akin.

"Eh, baka naman ayaw lang nila na mag-alala ka. Alam mo iba lang talaga siguro kung mag-isip 'yang mga Grim Reaper na 'yan eh. Ang mabuti pa kalimutan mo na lang 'yong sinabi no'ng... no'ng Cloud na 'yon." Napabuntong-hininga na lang siya.

"Si Sky kasi parang may gusto talaga siyang sabihin sa akin eh tapos saktong dating ni Cloud kaya hindi na natuloy. Ano kaya 'yon?" nagugulumihanang tanong niya.

"Baka hindi pa panahon para malaman mo o baka may dahilan sila kaya hindi sinasabi sa'yo, bakla. Cheer up ka na, huh? 'Yokong makita kang umiiyak eh baka ako gyerahin ng nanay mo kapag pumanget ka." Hindi naman na siya nakipagtalo pa.

"Ang mabuti pa ipagluluto na lang kita ng masarap na hapunan. Huwag ka na umiyak, 'day. Iiwan na muna kita para makapagluto ako, huh?" Tumayo lang naman siya kaya lumabas na ako.

Naabutan ko pa silang tatlo dito sa may salas. Tinanong nila kaagad ako tungkol sa nangyayari kay Luna.

"Stress lang siya sa mga multo na sumusunod sa kaniya mga bakla. Huwag na natin siyang tanungin mukhang okay naman na si Luna." Napatango-tango lang naman sila.

"Guys, ako na taya sa pagluluto para naman makakain si Luna ng masarap na dinner."

CLOUD'S POV

"Ano na kaya ang nangyari kay Azine, Cloud?" Kanina pa kami naghihintay ni Sky dito sa Paraiso para malaman kung ano ang naging resulta sa ginawa ni Azine.

"Hindi ko rin alam." Mga ilang minuto ang lumipas lumitaw na si San Pedro kaya agad kaming lumapit sa kaniya. Nagbigay muna kami ng paggalang.

"San Pedro, ano na po'ng nangyari kay Azine? Ano po'ng desisyon ng mga taga-hukom?" tanong ko.

"Hay naku." Napabuntong-hininga pa siya.

"Wala na po ba siyang chance na makabalik sa katawan niya?" nag-aalalang tanong din ni Sky.

"Huwag na kayong mag-alala dahil makakabalik pa si Azine sa katawan niya."

"Talaga po?" si Sky. Natuwa kami sa sinabi niya.

"Mabuti naman pala." nakangiti kong turan.

"Kaya lang..." Natigilan kaming dalawa.

"Kaya lang ho ay ano?" tanong ko.

"Tinanggal na bilang Grim Reaper si Azine. Hindi na rin siya ang hahawak sa misyong ibinigay ko sa kaniya. At..."

"At ano po?" si Sky.

"Ipinagbawal ng hukom na bumaba siya sa lupa. Mananatili lamang si Azine dito sa Paraiso hanggang sa matapos niya ang isang buwan." Nakakalungkot para kay Azine pero mabuti na rin 'yon at least makakabalik pa rin siya sa katawan niya.

Ilang sandali pa napatingin kami sa paparating na si Azine. Napalapit agad kami sa kaniya.

"Azine!"

"I'm okay." Halata namang hindi.

"Sandali... Paano ho 'yong misyon ni Azine, San Pedro?" Napalapit siya sa amin.

"Napagkasunduan ng hukom na sa inyong dalawa italaga ang misyon. Magmula ngayon kayo nang dalawa ang hahanap sa kaluluwang 'yon." Napatingin ako kay Azine na wala namang reaksyon. Napahinga na lang ako nang malalim.

Iniwan na kami ni San Pedro. Napaupo kami sa may gilid.

"Kayo na ang... bahala kay Luna." Napatingin kami kay Azine.

"Makakaasa ka, bro." si Sky.

"Ipinagtataka ko lang bakit kaya pinagtangkaan ng lalaking 'yon si Luna?" nagtatakang tanong ko.

"Oo nga. Hindi ba at balita ko ay may gusto rin 'yon kay Luna? Bakit nga kaya, bro?" naguguluhang tanong din ni Sky. Napatingin sa ibang direksyon si Azine.

"May ibang enerhiya akong naramdaman sa kaniya. Tingin ko hindi si Arif ang hinahanap natin kundi siya." saka siya tumingin sa amin.

"Bro, manmanan niyo siya kasi tingin ko ang lalaking 'yon ang hinahanap natin. Kapag tumagal pa baka kung ano na ang magawa niya kay Luna." Napatango-tango ako.

"Tungkol kay Luna makakaasa ka sa amin ni Sky. At tungkol sa misyon 'wag kang mag-alala kasi gagawin namin ang lahat para mahanap agad ang kaluluwang 'yon."

LUNA'S POV

Pagbaba ko ng dorm nakita ko si Viel na naghihintay sa labas. Nilapitan niya ako kaagad.

"Good morning, Luna." Nginitian niya ako.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" 

"Sinusundo ka syempre. Tara na?" Nangunot ang noo ko.

"Boyfriend ba kita?" Iniwan ko na siya do'n. Hindi na ba 'to natatakot sa'kin? Hinabol niya ako at sumabay sa paglakad.

"Nag-almusal ka na ba?" Hindi ko na siya sinagot at naglakad lang.

"Saan ang class mo ngayon, Luna?" Minadali ko pa ang paglalakad.

"Luna. Galit ka ba sa akin?" Maya-maya nakarating na kami sa may gate. Binati ako nang mga guwardya. Nagtuloy na ako paloob samantalang nakasunod lang naman si Viel.

"Mamaya susunduin kita, huh?" Napahinto ako sa paglalakad at napapikit muna sandali. Hinarap ko si Viel. Naririndi na kasi ako sa kaniya.

"Ikaw, tigilan mo na ako, huh? Matagal ko ng sinabi sa'yo na wala kang mapapala sa akin. Ang mabuti pa bumalik ka na lang sa pinanggalingan mo at 'wag mo na akong guguluhin." Saktong patalikod na ako at pahakbang na sana nang hawakan ako ni Viel sa braso kaya napalingon ako sa kaniya. Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa akin at saka sa kaniya. Sinubukan kong alisin pero mas hinigpitan niya pa ang hawak. Nainis na talaga ako.

"Viel, ano ba?! Bitawan mo nga ako." demanda ko sa kaniya. Mas nagulat ako nang ngumisi siya. Titig na titig lang siya sa akin. Nakakatakot.

"Hindi kita titigilan hanggat nangingialam ka sa mga plano ko. Isasama na kita sa kaniya." Nangunot ang noo ko at naguluhan. Parang biglang nag-iba ang ugali ni Viel. Bigla akong natakot sa kaniya. Pinilit ko pa ring tanggalin ang kamay niya sa braso ko.

Biglang may himula kay Viel papalayo sa akin at sinuntok siya. Si Arif pala. Hindi rin naman nagpatalo si Viel at ginantihan din niya ito.

"Tumigil na kayong dalawa." Marami na ang estudyanteng nagsilaitan sa amin. Marami na ang nanood pero walang umawat. May mga kumukuha na naman ng mga pictures at videos.

"Tama na 'yan. Arif. Viel." Sinubukan ko silang awatin. Saktong si Viel ang nahawakan koo pero tinulak niya lang ako kaya medyo napasubsob ako sa semento. Napansin ko pa na nakailalim na si Viel habang nakahawak naman sa kwelyo si Arif. Parang may sinasabi siya kay Viel pero hindi ko na narinig.

May lumapit na mga guwardya at inawat silang dalawa. Naramdaman ko na may kumirot sa braso ko pero hindi ko na lang pinansin at napatayo ulit. Hingal na hingal silang pareho. Pati ako parang napagod na din. Nilapitan ko si Arif. Nakatingin lang siya kay Viel gano'n din naman ito kay Arif. Hinila ko na lang si Arif kaya napatingin siya sa akin.

"Tapos na. Umalis na kayo." Pinaalis na no'ng mga guwardya 'yong nanonood.

"I'm sorry, Luna." Hindi agad ako nakaimik.

"May sugat ka." Hinawakan niya ang braso ko at tiningnan ang sugat daw na sinasabi niya. Napatingin din ako sa tinutukoy niya. May sugat nga ako sa may siko. Kaya pala may narandaman akong kumirot kanina.

"Halika." Hinila niya ako. Dinala ako ni Arif sa clinic.

"Maupo ka muna." Naupo ako sa clinic bed.

"Ano'ng nangyari?" tanong ni nurse Laila.

"Nasugatan lang siya."

"Sandali kukunin ko 'yong first aid." Pagbalik niya dala niya na nga ito.

"Ako na."

"Sige." Iniwan niya na kami. Naupo si Arif sa may tabi ko.

"Sabihin mo lang kapag masakit, huh?" Napatango lang ako. Kinuha niya ang braso ko at sinimulan na akong gamutin. Napangiwi ako nang dampian niya na.

"Sorry." Hinipan niya agad ang sugat. Napatingin lang ako kay Arif. Caring naman pala siya. Dahan-dahan niya ulit na ginamot. Nilagyan niya na ng bandage pagkatapos gamutin.

"Ayan. Okay na." Sandali akong napatingin sa bandage at saka sa kaniya.

"S-Salamat."

"Sorry. Hindi ko napigilan ang sarili ko kanina. Nakita ko kasi na parang nasasaktan ka dahil sa Viel na 'yon eh."

ARIF'S POV

Napangiti si Luna.

"Gusto ko ding... magpasalamat sa'yo, Arif. Kanina kasi si Viel parang biglang..." Napahinto sa pagsasalita nang tumunog ang kaniyang cellphone na nasa bulsa niya. Kinuha niya muna saka ako tiningnan.

"Sagutin ko lang 'to, huh?"

"Sige lang. Ibalik ko lang 'to." Napatayo na ako at ibinalik sa may cabinet 'yong kit. Napahinto ako sandali. Naalala ko 'yong sinabi ko kay Viel kanino.

"Tigilan mo si Luna kundi ako ang makakalaban mo. Layuan mo siya. Hindi siya ang kailangan mo."

Alam kong hindi siya si Viel. Isa siyang kaluluwa na sumapi sa katawan nito. Ilang beses niya ng pinagtangkaan si Luna at hindi ako papayag na ipahamak niya ulit ang babaeng nagugustuhan ko. Mapapatay ko siya kung guguluhin niya pa si Luna ulit.

"Maria Luna Del Mundo!" Napatingin ako sa mga dumating. Mga kaibigan ni Luna.

"Hello, nurse Laila." Napatingin din silal sa akin. Nagtuloy na sila sa nakaupong si Luna. Napasunod na lang din ako sa kanila. Alalang-alala sila sa kaibigan.

"Napa-trouble ka na naman, Luna." si Jedda.

"Balitang-balita na naman sa buong campus ang nangyari sa inyo. Kaloka." Tiningnan ako ni Paulo.

"Papa Arif okay ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo?"

"I'm okay. Si Luna nga itong nasaktan eh."

"Ay nakita ko 'yon. Dahil kay shunget na Viel." Tiningnan siya ni Luna.

"Paano mo nalaman eh wala ka naman do'n?"

"Hay naku para ka namang bago nang bago diyan. Syempre uploaded na naman sa internet. Kalat na kalat na nga eh." Napangiwi na lang si Luna.

"Alis na tayo. May klase pa tayo eh."

"Okay ka na ba, Luna?" tanong ko. Napatingin sila pare-pareho sa akin.

"Kaya ko na. Gasgas lang naman 'to eh." Napatango na lang ako.

LUNA'S POV

Habang naglalakad kami sa hallway halos lahat ng nakakasalubong namin ay napapatingin sa aming dalawa ni Jedda. Si Paulo naman ay bumalik na sa classroom niya.

"Grabe. Para akong may kasamang superstar. Kulang na lang magpa-autograph sila sa'yo." Napatawa pa si Je.

"Tss." Tiningnan ako ni Jedda.

"Ano talaga ang nangyari kanina? Bakit nauwi sa suntukan 'yong dalawa mong manliligaw?"

"Kanina kasi nangulit na naman si Viel sa akin. Sinabihan ko siya na tigilan na ako pero..." Natigilan muna ako gano'n din si Jedda na naghihintay sa kwento ko.

"Bigla niya na lang akong hinawakan nang mahigpit sa braso. Tiningnan niya ako ng nakakatakot. Parang bigla siyang naging ibang tao sa harap ko. Pakiramdam ko parang hindi... parang hindi na siya si Viel." Nakangunot ang noo ni Jedda.

"Parang bigla akong kinilabutan sa sinabi mo, Luna."

"Ako din eh." Naglakad na ulit kami.

"Pero in fairness sa beauty mo, huh. To the rescue naman agad si Arif sa'yo. Parang eksena sa teleserye ang galawan."

"Tss. May malisya ka na naman eh."

" Bakit, wala ba?"

"Ewan ko sa'yo. Ha-ha!" Naglakad na ako ng mabilis. Sinigawan niya pa ako pero hindi ko na siya binalingan kaya humabol na lang ito.

AZINE'S POV

"Azine." Napatingin ako sa nagsalitang si Sky. Magkasama silang dalawa at kadarating lang nila dito sa Paraiso.

"Ano'ng balita sa baba?" Hindi kaagad sila nakapagsalita.

"May nangyari ba?"

"Azine." Napatingin ako kay Cloud.

"Tama ka nga. Mukhang 'yong kaluluwang sumasapi kay Viel ang hinahanap natin. Kanina kasi gumawa siya ng eksena. Nagsuntukan sila ni Arif sa harap ng mga estudyante dahil kay... kay Luna." Napalunok na lang ako.

"Dinala ni Arif si Luna sa clinic at ginamot. Nagkasugat yata eh pero maliit lang naman. Paano kung mahulog si Luna kay Arif? Hindi malayong mangyari 'yon, di ba? Mabait naman pala ang isang 'yon eh."

"Tumahimik ka na nga lang diyan. Okay na 'yong kwento ko hiniritan mo pa. Pinagseselos mo pa si Azine eh." saway ni Cloud kay Sky.

"Sinasabi ko lang naman 'yong nakita ko eh." depensa niya. Napailing si Cloud at saka ako tiningnan.

"Huwag mong seryosohin ang sinabi ni Sky. Kumustaka naman dito?"

"Ayos lang."

"Maghintay ka lang tatlong linggo na lang naman eh. Madali na 'yon." Nawalan bigla ako ng gana sa mga sinabi nila. Alam kong gagawin ni Arif ang lahat para mas mapalapit kay Luna.

"Siya nga pala. Babalik kami ulit sa lupa para manmanan si Viel. Kailangan na ring matapos ang misyon." si Cloud.

"Mag-iingat kayong dalawa." Umalis na rin sila. Naiwan akong nakatingin sa kawalan. Napabuntong-hininga ako.

LUNA'S POV

Tahimik kaming lahat habang nagkaklase ang aming propesor nang mapatingin ako sa labas ng bintana ng classroom namin. Nakita ko na naman si Arif. Napatayo ako at lumabas matapos makapagpaalam sa propesor. Hindi ko na sinagot si Je. Tiningnan ko agad ang nilakaran ni Arif at nakalayo na. Hinabol ko na siya.

"Arif." tawag ko sa kaniya. Hindi niya ako nilingon. Napaliko na ito sa may corridor kaya minadali ko ang pagtakbo palapit sa kaniya. Nakita ko siyang nakahinto sa harap ng isang room at nakaharap doon habang parang may sinisilip. Napapangiti pa siya. Napalapit ako kay Arif pero hindi niya yata ako napansin. Tiningnan ko kung sino ang sinisilip niya. Nakita ko sa loob sina Maxine at ang mga kaibigan nito habang kausap ang isang professor. Napatingin ako sa katabi ko ng si Arif.

"Tinitingnan mo na naman si Maxine." Gulat siyang napatingin sa akin.

"You startled me. Ikaw na naman?" May napadaan at nalampasan lang si Arif. Napataas  ng bahagya ang kilay ko.

Kaluluwang Arif.

"Pwede ba tayong mag-usap? May mga gusto lang akong itanong sa'yo." Ini-snub niya lang ako.

"Wala tayong pag-uusapan. I don't even know you."

"Meron. Marami tayong pag-uusapan."

"Ayoko." Paalis na sana siya.

"Tutulungan kita kay Maxine." Napahinto siya pero hindi agad ako tiningnan.

"Alam kong may gusto ka kay Maxine. Matutulungan kita sa kaniya." Napaharap ulit siya sa akin. Tiningnan niya lang muna ako.

"Ano'ng kailangan mo?" Napangiti ako. Alam kong nakikipag-deal na siya sa akin.

"9 PM. Sa labas ng St. Mariz dormitory. Magkita tayo do'n. May klase pa kasi ako eh."

"Okay."

"Luna." Napatingin kami sa nagsalita.

"Maxine." Napasulyap ako kay Arif. Bigla siyang nailang at hindi makatingin kay Maxine.

"Hindi ka niya nakikita, okay?" bulong ko sa kaniya.

"Shut up." Naglaho na siya.

"Luna. May sinasabi ka ba?" Napaharap ako kay Maxine.

"Ah. Wala naman. Sige, dito na ako kasi may class pa ako eh. Sige, huh." Tinalikuran ko na sila.

"By the way, Luna." Napaharap ako ulit sa kanila.

"Hmm?"

"May practice nga pala tayo bukas ng umaga sa gym."

"Ah. Sige. Salamat." Nginitian niya lang ako.

Bumalik na ako sa classroom. Pag-upo ko sa tabi ni Jedda nakatingin lang siya sa akin na parang nagdududa.

"Hindi ka talaga sa cr nagpunta, ano?" 'Yon kasi ang ipinaalam ko kanina sa prof. Mahina lang ang boses niya dahil nagkaklase pa rin si sir. Nginitian ko siya.

"Galing mo talaga."

"Ako pa. Saan ka nagpunta, aber?"

"Nakipag-deal ako." Na-curious siya bigla.

"Kanino?"

"Sa isang multo."

"Baka naman isinanla mo na 'yang kaluluwa mo, huh? Natatakot na ako sa mga ginagawa mo."

"Huwag kang mag-alala sa akin alam ko ang ginagawa ko. Sasabihin ko na lang sa'yo kapag nakausap ko na siya."

"Sino?"

"Basta. Makinig na tayo."

"Huwag mong kalimutan na sabihin sa akin kung anuman 'yan, huh?"

_______________________________________________________

Hopefully mahanapan ko na ng ending 'tong story na 'to. May ginagawa kasi akong next story at nai-excite na akong i-publish dito. Hays! See you sa next chapter. 💙💙💙