"Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita!"Bakit nakangiti pa siya,Bakit tila hindi siya nasasaktan?Aalis na siya,Iiwanan na niya ako!
"Nasasaktan rin ako,mahal ko!"Madamdaming aniya habang titig na titig sakin,Ako naman ay pinipigilan ang sariling huwag umiyak.
"Mahal na mahal kita simula pa lamang ng ako ay maatasang ika'y bantayan!"Sabi niya pa ngunit ako ay tulala lamang sakanya,Nilulubos na tingnan ang maamo niyang mukha dahil hindi ko alam kung makikita ko pa ba ang mukha niyang kaysarap pagmasdan.
"M-mahal na mahal din kita!"Utal na sagot ko sakanya tsaka yumuko dahil hindi ko tanggap na lilisanin na niya ako at babalik sa kung saan siya nagmula.
Ramdam ko ang kamay niyang nanginginig na humawak sa pisngi ko at iniangat ang ulo ko."Huwag kang iiyak,Mas masasaktan ako kapag nakita kitang umiiyak ng umiiyak dahil sakin."Saad niya kaya tumango na lang ako ng wala sa sarili kahit alam kong hindi iyon mangyayari dahil kapag tuluyan na siyang lumisan ay iiyak at iiyak pa rin ako.
Naramdaman ko na lang ang marahang paglapat ng labi niya sa labi ko kaya napapikit na lamang ako at dinama ang halik niya,Pero madalian lamang iyon at lumayo na ang mukha niya sa mukha ko kaya napaangat ako ng tingin sakanya at nakangiti siya ngayon pero kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"Patawarin mo ako,kung hanggang dito na lamang tayong dalawa,mahal ko!"Madamdaming sabi ng lalaking minamahal ko habang unti-unting nagiging kalapati ang kanyang katawan upang bumalik sa totoong pinagmulan niya,Kung kaya't bigla na lamang akong tumalikod dahil maiiyak na ako kahit sinabi niyang huwag daw akong iiyak dahil mas masasaktan siya kung kaya't minabuti kong tumalikod sakanya at doon na tuluyang tumulo ang mga luhang kanina pa gustong mag-unahan sa pagbuhos.
"Huwag kang iiyak,mahal ko!" madamdaming sabi na naman niya pero ang mga luha ko ay patuloy pa ring nag-uunahang bumuhos ngunit pinipigilan kong marinig niya ang hikbi ko kahit alam kong ramdam niya iyon dahil isa siyang anghel kung sana'y matagal ko pa siyang makakasama ay mas magiging masaya pa ako,Kung bakit kasi Isang daang araw lamang kami nag kasama?Isang daang araw ngunit sinayang ko ang limang araw na hindi siya pinapansin,Sinayang ko ang limang araw na unang pag sama naming dalawa dahil hindi ako nun naniniwala na isa siyang Guardian Angel na nag anyong tao!
"I-iiwan m-mo na ba talaga ako ng tuluyan?" mahinang garalgal na tanong ko.Masakit itanong ang salitang yun para sakin.
"Pangakong palagi kitang babantayan,mahal ko.Paalam!"pagkasabing-pagkasabi niya ng huling salita niya ay tuluyan na akong humagulhol ng malakas dahil ramdam kong wala na siya sa likuran ko,Wala na ang lalaking minamahal ko at mahal ako!
Humarap ako sa kaninang kinatatayuan niya at wala na ngang talaga siya.
Tuluyan na siyang bumalik sa langit!
"Mahal na mahal kita!" madamdaming sabi ko habang tulala sa mga kalapating lumilipad patungong itaas.
"Patawad kong sa una nating pagkikita ay masungit ako saiyo."mahinang bulalas ko habang patuloy pa rin sa paghagulhol.
Nakatulala ako sa langit at wala na roon ang mga kalapating kanina lang ay lumilipad pataas.
Nakabalik na siya sa langit!
Mahal kong anghel na aking tagapagbantay,mahal na mahal kita!
Ika siyamnapu't limang araw ngayon simula ng kita'y mahalin aking mahal na anghel!