"Since nandito na ang lahat, let's begin." Tumayo si Alex nang mapansin niya na lahat kami ay nasa loob na ng SSG room at binuksan ang projector sa kisame.
Nakabukas naman yung mga bintana at electric fan sa kwarto, pero for some reason, I felt hot. Tanginang trippings kasi ng bulateng babaeng yon! Isa parin akong lalaki sa gitna ng puberty, ano pa ba ang ineexpect niya?
Pero no matter, kailangan ko na magfocus muna sa meeting. Ilang saglit at lumabas din ang presentation na ginawa niya sa projector, kung saan nakalista ang mga bagay na paguusapan namin.
"Here's the agenda for today. Kailangan natin magdelegate ng tasks for Nutrition Month pati yung compilation ng proposals natin para sa PTA. Good thing at sinabi ni Sir Dom na namove yung PTA General Assembly ng last week ng buwan."
Oh, good. More time to prepare.
"Buti na lang! Hindi pa kami tapos sa canvass ng mga materials na needed." Ani ni Lorenzo habang naguunat ng kanyang mga kamay.
"Tama, may time pa, pero I want to finish this as soon as possible. Kailangan ko mafinalize yung proposal natin by at least next week." Pinaalala ni Alex sa kanila, which we all understood and agreed din.
Especially considering how hectic yung maggiging day-to-day activities namin moving forward, we should finish as much as we can immediately. Mahirap na kung magpile up na siya.
"Which reminds me, why not bring back yung SSG Suggestion Box natin and let's collate ano yung makukuha nating response from the student body?" Nagsuggest si Armi habang nagte-take down ng MOM.
"Pwede natin gawin yan and let our Marshalls broadcast sa kanila we are open for suggestions."
Tatlong ulo ang tumungo sa kanya.
"Which reminds me, JM, any update about sa proposal na isusubmit niyo ni Jamiel?" Bigla na lang ako tinuro ni Alex, nage-expect ng sagot mula sa akin.
Shit, nakalimutan ko yung proposal. Bakit pa kasi kami pa yung mag-partner? Andami namin sa council pero sa animal na yun pa ako napunta. Napatingin ako sa kabilang sulok ng kwarto, kung saan nakaupo si Jamiel, at imbes matakot, dumila pa sa akin.
Kung ililibing na ako ngayon, sasama kita sa hukay, gago!
"A-Ah, Alex... Kasi, nagku-kuwan pa kami... May idea na kami, kaso nga lang, ano... Pina-finalize na lang namin yung theme. Oo, yun nga ginagawa namin." Nauutal kong sagot. Sana hindi mahalata na gawa ko lang sa ere yung mga pinagsasabi ko.
Now, alam kong kilala si Alex bilang "Araw ng Paaralan" sa kanyang kabaitan, and that has always been true. Make no mistake, maganda ang reputation niya bilang isang student council president and he plans to make sure it stays that way.
Hard emphasis on make sure.
Kung kaya maraming nakaabang sa sinasabi niya, especially during meetings. Napakametikoloso pagdating sa mga specific information si Alex, kaya natatakot karamihan kapag siya ang ginawang panel mo. Daig mo pa ang nasa Korte Suprema!
Kaya nang tinitigan lang ako ng saglit ni Alex na walang salita, parang nararamdaman kong nanghina yung pantog ko. Umihi naman ako kanina!
"I understand naman na medyo on the spot nung binigay ko yung project, kaya you're still cleaning up details, pero I need a basis para magawa na yung deck. Do you have any notes for that one?"
...
...
FUCK! Hindi ako handa! PUTA!
"A-Ah, meron naman kami nasimulan."
"That's good! Pwede patingin lang kung ano napagusapan niyo?"
Holy shit! Kahit mukha kang maamo boss, nakakapanghina parin yung aura mo ngayon! Pagtingin ko naman sa mga kasamahan ko, karamihan nanahimik lang. Yung iba yumuko at umiwas ng tingin. Habang ang aking supposed 'partner' hindi mapigilan mapangisi.
Somebody help me!
"Ah, eh, medyo magulo yung notes ko kaya di pa namin mapresent ngayon. Sorry po."
"That's alright. I'll give you time to reorganize them." Pauna niyang sabi. Hihinga na sana ako ng malalim pero may kasunod pala siyang tanong "At least give me insight what is the whole idea? Para lang may idea ako."
This is the time I realized, may pagkasadista din pala ang aming maamong pangulo.
"Ah, eh, kasi ganito yun... Yung kuwan, y-yung plano namin is... Ano..." Nauutal na naman ako habang sinusubukan magisip kung ano plano namin.
Dalawang beses na nagshutdown utak ko in the span of 30 minutes, ayoko na maulit pa yung nangyari kanina. TANGINA TALAGA, BAKIT KASI SA LAHAT NG PARTNER KO, YUNG KUMAG NA MUKHANG KULUGO NA MAY NANA PA YUNG NAPILI SA AKIN?
"JM, are you okay?" Napansin ni Ariel na medyo namumutla ako kaya bumulong siya sa akin, pero siguro dahil nagpapanic na ako, hindi ko siya narinig.
SHET! Ano na gagawin ko? Paano ako lulusot kay Alex? Nag-eexpect sila ng sagot ko, so dapat masabi ako! Ano-
"If I may, Alex, ganito yung naiisip naming plano para sa beautification project."
"Oho? Sure, what's your plan?" Bumaling ng atensyon si Alex mula sa akin papunta sa nagsalita sa akin.
At sa isang iglap, lahat ng mata namin ay tumingin patalikod, at nakita kong napatayo si Jamiel mula sa kanyang upuan, nakataas ang kanyang kamay. At imbes na takot ang nakita ko, isang malaking ngiti ang pinakita niya sa amin.
Wow.
"Well nagusap kami ni JM agad after mo i-assign yung proposal sa amin, and luckily, dala ko yung notepad na pinagsulatan ko." Pinakita niya sa lahat ang isang maliit na notepad sa kanyang bulsa.
Teka, anong pinagsasabi niyang nag-
"Good, so give me the gist of the plan that you two have?" Tumuon paharap si Alex habang pinagsama niya ang kanyang kamay sa ibabaw ng lamesa, tila interesado sa mga sasabihin ni Jamiel.
"So we tried to canvass yung costing and availability ng materials and resources that we can use, pati narin how we can execute yung plans. What we settled for is we proceed with the mural painted by both students and local painters."
Huh? That doesn't make sense! Paano-
"Huh, can you elaborate more on the plan?"
Nakakunot ang noo ni Alex, pero imbes mangamba, ngumiti lang si Jamiel at sumagot "We can have the local painters to give a fresh coat sa mga school walls pati yung pinakamalapit sa gate. Meanwhile, we can have the other walls be painted a la poster making per class."
May mga ulo na tumutungo, senyales na sumasang-ayon sila sa kanyang plano. Personally, I can see the merits of her plan, kahit na mamamatay muna ako bago sabihin yan sa harap niya. Mas efficient parin to have painters do their job instead of just recoating the walls, and it also gives the student body a chance to interact with the school physically.
Mas importante syempre ang school front, so let the professionals do their work.
"Hmm... Pwede rin natin gawin yan as an extra-curricular activity." Bumulong sa sarili si Armi habang nakahalumbaba sa lamesa.
"Pero since we are having students paint the walls, wouldn't hiring painters defeat that purpose? Why even bother hiring kung gagawin din naman natin?" Nagtanong si Alex sa kanya, and for a moment, nakita ko na medyo kuminang ang mga mata niya.
It is almost as if he is already testing her.
"Well, what we've talked here is si painter gagawa nung mural that is near the school gates since yun naman yung pinakaimportant na part. It also has the sense of integration mula sa community kaya we plan to have them supervise yung mural making then cleanup afterwards. That way, we preserve the works nung classes better."
...
...
Wow, am I hearing things or is this the first time that I listened to her and she said things that made sense?
"Yes, we can raise that point sa kanila if they ask..." Alex nodded his head, somehow convinced with her explanation.
"True, and what JM mentioned para mas effective yung mural is we also plan on doing urban farming as decoration sa inside naman ng wall."
...
...
Wait, kailan ko nasabi yan?
And just like that, lahat ng mata nila ay bumalik sa akin na akala mo ako si Celine. It's all coming back to me now.
"Really? I suppose you can explain to us yung idea mo, JM." Mahinahon na tanong sa akin ng SSG President sa akin.
Fuck, paano ko ilulusot ito?
...
...
...
I can't believe I am saying this, pero Jamiel, please save me! Kung tutuusin, she bought me time para maicompose ang sarili ko, kaya to hell with pride! Bahala na si Batman kaya tumingin ako sa kanya pabalik.
But instead of teasing, she flashed me a bright smile. Tinaas niya ang kanyang kaliwang kamay at nagfistbump siya. Sa kabilang kamay naman ay hawak niya ang isang papel.
U CAN DO IT!
...
...
...
How reassuring. The fuck you mean I can do it? Kailangan ko ng information!
...
...
...
Whatever, bilang lalaki, kailangan ko ipakita that they can depend on me. Kaya huminga ako ng malalim at nagumpisa magsalita "W-Well, naalala ko lang yung suggestion previously about sa flowers. What I suggested kasi is we can tie-in yung upcoming Nutrition Month with urban agriculture."
This is not a new topic since ito rin yung laging sinasabing plataporma ng nanay ko tuwing eleksyon. Kilala ang baranggay namin bilang isa sa mga pinakamalinis na lugar sa lungsod, kaya suki siya sa DENR office para awardan siya.
Dati may planong gawing isang park ang harapan ng barangay hall. Nagtatalo ang mga kagawad kung ano ang mga halaman ang gagamitin. Panahon pa ito ng krisis kaya maraming gutom sa may barong-barong na malapit din sa opisina.
Kaya ano ang plano niya? Imbes na bulaklak ng gumamela, bulaklak ng kalabasa ang tinanim. Ginawa niyang maliit na hardin ang park. Pwede kumuha ng libre ang mga taga-baranggay mula sa maliit na farmer's market na tinayo sa gitna.
Ito rin ang dahilan bakit siya parin ang punong barangay ng 3 termino.
"Instead of ornamental flowers, we can integrate yung sa Nutrition Month and have them plant vegetables instead. Tapos we can have it donated sa Food Tech and sa Coop para may steady supply sila."
I hope it works! Lahat ng mga bathala sa kalangitan, pakinggan niyo ang hiling ng isang mortal na ito!
"Hmm... Sounds interesting." Nakahanap ako ng kakampi mula kay Kei. Nag-agree siya sa mungkahi ko at nagdugtong "Malaking tulong din siya sa feeding program namin."
Mas maraming ulo naman ang tumungo sa sinabi niya. Yes, so far so good! Mukhang makakayanan ko lagpasan ang challenge na ito. Isa na lang ang kailangan ko kumbinsihin.
"And may plano ba tayo for logistics on this one? Syempre may dapat nakatoka sa pag-aani and pagmaintain nito." Bumato ng tanong ulit si Alex.
Sasagot sana ako pero biglang humirit si Jamiel "Yan po yung pinaplantsa namin pero ang main idea is Agriculture Department can shoulder maintaining produce while Food Tech will handle stockpiling. We can submit yung details once we finalize everything."
...
...
...
Walang anumang sinabi pa si Alex sa aming impromptu panel discussion. Para akong defendant na malapit sentensyahan ng reclusion perpetua. Sana nakumbinsi ko ang hukom na ngayo'y pinapanood kami ng taimtim.
Please!
Tila pinagiisipan niya ang mga sinabi namin dalawa, bago sumagot ng nakangiti "Okay, no pressure. You can have the time later para masettle yung beautification project. Buti na lang yung idea nyo in-line with PTA's comment na inclusive. Good job!"
...
...
...
WOOOOOOOOH! THANK GOD!
Ito na yata yung pinakatense na experience ko sa buong tala ng high school life ko. Napalakpak ang mga kasamahan ko sa SSG habang napaupo ako sa upuan. Finally, sweet sweet victory!
"It looks like my worries were misplaced. Tama nga hinala ko na you two make a good team. I can create a framework dun sa proposal nyo, so pafinalize nung details. Deadline ng next week para may time ako magedit."
Usually, hindi ko matatanggap yung comment niya na magkakasundo kami, pero dahil high pa ako sa aking panalo, wala na akong nasabi pabalik sa kanya.
"Lorenzo, Ariel, Erika, pakipasa yung canvassing report niyo about sa nauna nating proposal. Kailangan ko muna ireview bago bigyan ng approval. Marshalls, pakiannounce yung suggestion box tomorrow kapag ready na. Clear?"
"Yes/Sure/Okay boss!" Sabay-sabay sumagot ang mga tinawag ni Alex.
"Good, any questions or clarifications about today's agenda?" Umikot ang paningin ng SSG President sa buong kwarto, naghahanap ng magtataas ng kamay. Once he's sure na walang tanong ang student council members, pumalakpak siya ng dalawang beses at sumigaw.
"Alright, thank you so much sa time! It's already lunch kaya kumain na kayo and return back to your classes."
Nawala kaagad ang mabigat na pakiramdam na nakapalibot sa kwarto. Nakangiti na ulit ang lahat. TOTOONG MAY HIMALA!
"Thank you bossing!" Ngumiti ako kay Alex habang sumaludo sa kanya.
"Haha, good job kanina JM! You can call me Alex na lang."
"No can do. Ikaw na ang bossing ko. Sabihin mo lang kung may nang-aano sayo, sisiguraduhin kong papatumbahin ko at isisilid sa isang drum!"
Tumawa lang si Alex sa akin bago ako lumabas ng kwarto. Kahit na ginisa niya parin ako kanina, never once ko naramdaman ang inis sa kanya. Ganito pala talaga kapag karismatiko ang isang tao.
Siguro tadhana talaga sa kanya maging pulitiko.
Anyway, lunchtime na, kaya aakyat na muna ako pabalik sa classroom ko. Ginanahan magluto ang aking mahal na ina kaya bacon, spam at egg ang ulam ko.
Hehehe, boiiiii! Kainan naaaaa-
"Baka nakalimutan mo, so paalala ko lang sayo, you should've said thank you~" Halos kinanta na ni Jamiel yung sinabi niya habang pumunta siya sa harapan ko.
"Thank you? Kung hindi dahil sayo, eh di sana nakapagprepare ako ng-" Hihirit sana ako pero bigla siyang nagsalita kaagad.
"But still, I gave you enough time to compose yourself."
...
...
...
And of course I wasn't able to retort dahil alam kong tama siya. She has been a constant thorn on my side, pero give credit where credit is due. Kung hindi dahil sa pauna niyang sabi, malamang patuloy lang ako ginisa ni Alex.
...
FUUUUCK! I HATE MY RATIONAL SELF!
"... Sige na nga. Thank you Jamiel." Halos masuka ako sa mga salitang nabitaw ko, pero I have no choice. Nacheckmate ako ng hayop na babaeng nasa harap ko.
Lumaki ang ngiti nito at nilagay ang kamay sa taas ng ulo ko. Akala ko noong una ay hahampasin niya ako pero nagulat ako ng bigla niya akong hinaplos ng dahan-dahan
"See? Was that so hard to admit?" Ngumisi siya sa akin, and I really, really hate that look on her face. Pero saglit lang ito dahil for the first time, her grin morphed into a sincere smile and continued "And you're welcome JM. Diba nga partner nga tayo?"
"Hah, first time hearing that from you. Kailan pa tayo naging partner?"
"Starting from the moment you begged for my help kanina."
...
...
Shit, wala ako mabalik sa kanya! I swear one day mahuli ko lang siya magkamali, ingungudngod ko pagmumukha niya para hindi niya makalimutan sa buong buhay nya!
Whatever. I'll just do what she want.
"... Alright, you win. You're my savior. I am so grateful to have you in my life. Hindi ko kaya mabuhay ng wala ka. Sayo na umiikot mundo ko, yadda yadda. Anong gusto mo?"
...
...
...
For a moment, napatulala lang siya sa akin, so at first I was confused. Pero bigla ko na lang naisip na any second she spent shutting her mouth is worth it in my mind. But before she regained composure, I noticed something.
Is it me or medyo namumula yung pisng-
"What I want? Gusto ko lang naman ng value meal sa coop tapos tatlong chocolate bars pati isang malaking baso ng-"
"Bakit hindi mo na lang orderin lahat sa coop? Tangina yung kaya ko lang bilhin!"
Awiieee! Magpartner na sila.
Anyway, don't forget to vote and like this story. Let me know what you think. Thanks for reading!