webnovel

Hurting

Aliyah Neslein Mercado's Point of View

BIGO akong umuwi ng bahay mula kila Onemig. Nanlalabo man ang mga mata ko na tigmak sa luha ay nakuha ko namang maglakad ng maayos. Ipinagpasalamat ko na lang na nasa likod bahay sila tita Bless nung lumabas ako kaya walang nakakita sa pag-iyak ko.

Pagdating ko sa amin ay diretso lang ako sa silid ko. Mabuti at walang nakapuna sa akin dahil busy silang lahat sa kusina. Ayoko kasing makita nila ako sa ganitong sitwasyon. Umiiyak. Marahil namamaga na rin ang mga mata ko. Kahit naman malabo ang lagay namin ni Onemig ngayon, ayokong masira ang magandang pagtingin ng pamilya ko sa kanya. At ayoko ring nasasaktan ang pamilya ko ng dahil sa akin.

Nakatulog ako sa sobrang pag-iyak. Nagising lang ako ng tawagin ako ni lola Baby para sa lunch. Napansin nila ang pamamaga ng mata ko, ngunit nagdahilan na lang ako na nasobrahan lang ako sa tulog na ewan ko kung pinaniwalaan nila.

Buong maghapon na hindi ako pinuntahan ni Onemig. Iniisip ko na galit pa rin sya o marahil ito na yung paraan nya ng pagtatapos ng aming relasyon. Masakit. Nasasaktan ako pero titiisin ko at hindi ako maghahabol. Isang pagpapakababa sa sarili at bilang babae ang maghabol sa isang lalaki na umaayaw na.

Sabi nga, kung mahal mo ang isang tao, palayain mo. Kung babalik sya, para talaga siya sayo pero kung hindi na, ituring mo na lang na walang namagitan sa inyo.

Hindi ko yata kayang gawin yung huli. Kaya ko syang palayain dahil mahal ko siya. Mahal na mahal. Ngunit hindi ko maaaring kalimutan ang lahat ng namagitan sa amin. Yun na lang ang meron ako.

Nag-aagaw na ang liwanag at dilim ng mapagpasyahan ko na lumabas ng silid ko. Hindi makakatulong kung magmumukmok ako at iiyak na lang. Naisip ko na kahit maubos pa ang luha ko, kung ayaw na sa akin ni Onemig, wala na ring saysay. Inilagay ko na sa kamay ng Diyos ang lahat. As the scripture says, He is close to the brokenhearted and saves those who are crushed in spirit. And I know God is the only hope para maging magaan at madali ang lahat. Hindi solusyon ang pagluha.

Naupo ako sa garden chair at binalik-balikan sa isip ko yung pag-uusap namin ni Onemig kanina. Parang maiiyak na naman ako pero pinigilan ko.

Tama na. Husto na.

" Hi Liyah! " napatingin ako sa may bakod nung marinig ko ang pagtawag sa akin.

"Hi Gilbert! " bati ko rin. Pinilit kong ngumiti kahit na parang may biglang tumusok sa puso ko. Gilbert reminds me of Onemig, they are best friends.

" You okay ? " nag-aalalang tanong nya. Alanganin akong tumango. Nagulat ako ng bigla na lang syang mag ober the bakod at mabilis na umupo sa garden chair na nasa tabi ko.

" Hindi ka okay Liyah. Alam ko dahil mga bata pa lang tayo ay kilalang-kilala na kita. "

" Talaga ba Gilbert? Buti ka pa kilala mo ako pero yung best friend mo mas piniling paniwalaan yung iba. " malungkot kong sambit.

" Hindi pa ba kayo nag-usap? "

" Nag-usap. "

" Anong nangyari? "

I sighed. " Hayun mukhang hanggang dun na lang kami. " gulat syang napatingin sa akin.

" What? What do you mean? "gulat na gulat talaga sya. Parang wala pa nga syang alam sa nangyari sa pag-uusap namin ni Onemig.

" Hayun nga, nag-usap kami kaninang umaga. Pinaliwanag ko yung side ko pero imbes na maniwala sya, sinabi nyang niloloko ko daw sya at parang pinalalabas pa nya na sinungaling ako. Yung mga sinabi ko daw kay tita Bless ay sinabi ko lang para makahanap ako ng kakampi. Alam mo nasaktan ako dun sa mga sinabi nya. Pinaparatangan nya ako ng mga bagay na hindi ko naman ginawa. Yun ang pinapaniwalaan nya dahil sinabi yun ni Greta. Ang sakit lang na ako yung girlfriend nya pero sa iba sya naniniwala. " hindi ko na napigilan, napaiyak na ako sa harap ni Gilbert.

Ano ba namang mga luha ito, sabi ng tama na eh.

" Shhh. I'm sorry Liyah. " pag-alo nya sa akin habang pinupunasan nya ang mga luha ko na ayaw paawat sa pagpatak.

" Wala ka namang kasalanan sa akin Gilbert. Bakit ikaw ang nagso-sorry? "

" Kasi nga wala akong nagawa. Hindi ba nung mga bata pa tayo, ako ang nagtatanggol sayo kapag inaasar ka ni Onemig? "

" Malalaki na tayo Gilbert at may sariling isip yang si Onemig. Alam naman nya kung ano ang ginagawa nya. Siguro lang talagang mas malaki ang tiwala nya kay Greta kaysa sa akin dahil ito ang first nya. "

" Hindi Aliyah. Nagkakamali ka.

Bata pa lang tayo mahal ka na nya, maaaring kay Greta nya unang na-experience ang pakikipag- relasyon pero hindi ito ang first love nya. At hindi nya ito minahal. Ikaw yung hinihintay nya. Ikaw ang first and official girlfriend nya at alam kong mahal na mahal ka nya." mapait akong napangiti. Hindi ko kasi maintindihan. Kung mahal ako ni Onemig bakit hinayaan nya akong masaktan sa nangyayari?

" Hindi ko alam Gilbert. Hindi ko maintindihan. Kung mahal nya ako,hindi nya sasabihin yung mga nasabi nya. Papakinggan muna nya ako. Kakausapin nya ako. Hindi nya hahayaan na mangapa ako sa dilim at hulaan kung ano ang nasa isip nya pagkatapos kong ipaliwanag yung side ko. "

" You know, Onemig's really like that. " nangunot ang noo ko sa sinabi nya.

" He's like that? What do you mean? " nagugulumihanan kong tanong.

" Maybe you don't know that side of him. But being his best friend since our diaper days, I knew that side of him. You know, Onemig, when he's hurt, he usually shut down. He didn't want to talk to anyone. He's stoical and never cared about anything at all. Kahit sila tita Bless walang magawa. Parang may pader na nakaharang sa tuwing susubukan nilang lumapit sa kanya. Huling naging ganyan sya five years ago and until now hindi ko alam yung naging reason noon. " napatingin ako sa kanya. Alam ko yung reason kung bakit naging ganoon si Onemig five years ago but that's not my story to tell.

" Siguro kaya nasabi nya yung mga nasabi nya sayo kasi sobrang nasaktan at nagseselos sya. Hindi sa kinakampihan ko sya but I think you should give him time to think and consider things. Wag kang mag-assume, hintayin mo syang magsalita. Wag mong isipin na nakikipag-break sya sayo dahil sa pananahimik nya. Nagpapalipas lang yon. Just be patient. He will get over it eventually. " natagpuan ko ang sarili ko na tumatango sa sinabi ni Gilbert. Marahil nga tama sya, hindi ako dapat nag-aassume kaagad na wala na kami. Tutal naiintindihan ko naman si Onemig, gaano na ba yung magbigay ako ng konting panahon para sa pagpapalipas nya ng sentimyento nya. If he wanted to think, I'd give him time.

" Thank you Gilbert, medyo gumaan na yung bigat na nararamdaman ko at nabuhayan ako ng pag-asa dahil sa mga sinabi mo. "

He looked at me and smiled.

" Ikaw pa ba eh malakas ka sa akin. Ako ang kuya nyo di ba? Kayong tatlo nila Richelle at Anne. Walang pwedeng magpaiyak sa inyo kundi sa akin mananagot. " napangiti na ako sa sinabi nya. Ang sarap lang sa pakiramdam na may kaibigan ka na maaari mong paghingahan ng sakit na nararamdaman mo. Kinabig ako ni Gilbert at isinandal sa balikat nya. Humilig na lang ako sa kanya gaya nang ginagawa ko nung bata ako kapag umiiyak ako na si Onemig din ang dahilan.

KINABUKASAN naging busy na sila mommy sa pag-aayos sa lahat ng gagamitin ko sa pageant. Mula sa gown hanggang sa susuotin namin ni Derrick para sa talent portion ay si mommy ang nag-asikaso. Lahat yun ay sa bayan nya pinagawa, dun sa sikat na designer na kaibigan nya. Kaya nandun sila ngayon ni lola Paz para kuhanin yung mga gagamitin ko. Napagkasunduan na sabay-sabay na kaming luluwas the following day para kasama na rin sila lolo Phil at lola Bining. Naisip ko si Onemig. May usapan na sila ni lolo Franz na sa kanila sya sasabay.

Papanoorin pa rin kaya nya ako kahit hindi pa kami ayos?

ARAW ng pageant, mabigat ang loob ko na sumunod sa kila mommy para ayusan ako. Hindi rin ako nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip ko kay Onemig at sa estado ng relasyon namin. Kagabi, nasabi ko na sa pamilya ko na mayroon kaming hindi pagkakaunawaan ni Onemig. Hindi ko na sana sasabihin pero nakahalata na sila. Nakakapagtaka naman kasi talaga na simula ng umuwi kami nila dad hindi pa sya nagpapakita. Which is very unusual of him. Sinabi ko na hayaan na muna nila kami. Kung maghihiwalay kami, no regrets, talagang ganon. At kung kami talaga ang meant to be, gagawa ng paraan ang langit.

Nakikita ko na nalulungkot ang pamilya ko sa nangyayari sa amin ngayon ni Onemig. Kahit hindi nila sabihin alam ko na nasasaktan sila para sa amin. Kaya naman hindi ko pinapakita sa kanila na umiiyak ako at nasasaktan kasi alam ko na doble ang sakit nun sa kanila.

Sa kabila ng pagiging durog-durog ng puso ko, buong tapang akong lumaban sa pageant ng may ngiti sa labi. Na kahit na sa likod ng mga ngiting yon ay may itinatagong pait ng pagkabigo. Hindi ko yun alintana. Ginawa ko ang best ko para manalo kami ni Derrick.

Sa katapusan ng pageant ay kami ni Derrick ang itinanghal na nanalo. Mr. Campus Hearthrob at Ms. Campus Sweetheart. Nagkagulo ang mga nanonood lalo na yung department namin. Dahil ito ang kauna-unahang panalo ng Business Ad simula ng itatag ang patimpalak na ito. Panay ang palakpak nila at hiyawan. Pinagkaguluhan na kaming dalawa pagbaba pa lang namin ng stage.

Lumapit sa akin ang pamilya ko gayun din ang kay Derrick. Masayang-masaya sila sa pagkapanalo namin. Habang isa-isa nila akong binabati, hindi ko maiwasan na suyurin ang paligid, umaasa na baka sakaling kahit galit siya ay pumunta pa rin sya.

Ngunit wala akong nakita. Wala na nga sigurong kami kaya hindi na sya nag-abala pa na pumunta. Malungkot akong tumungo ng dressing room para magpalit na ng damit. Ang pamilya ko ay dumiretso na ng parking lot para doon ako hintayin.

Sa loob ng dressing room ay panay pa rin ang pagbati sa akin ng mga kasamahan ko. Hinanap ng mata ko si Greta pero hindi ko na sya nakita. Ayon sa kanila ay nauna na itong lumabas. Mabuti na rin siguro na hindi kami nagpang-abot kundi baka hindi ako makapag-pigil, mapatulan ko sya sa ginawa nya sa amin ni Onemig.

Paglabas ko ng dressing room ay nasalubong ko si kuya Theo, bitbit nya sa kanang kamay ang isang malaking stuff toy ng paborito kong cartoon character at sa kaliwang kamay naman ay isang malaking plastic bag ng paborito kong fastfood.

Nakangiti ko syang nilapitan at niyakap.

" Congrats princess. You deserve it. "

" Thank you kuya. Alam na alam mo talaga ang mga paborito ko. "

" Ikaw pa ba? Alam mo naman na malakas ka sa akin. Halika na at hinihintay na nila tayo sa parking lot. "

" Sasama ka kuya? " gulat kong tanong. Alam ko kasing busy sya ngayon.

" Oo niyaya ako ni lolo Franz, may celebration daw. Nahihiya naman akong tumanggi and besides miss na miss ko na rin naman sila. "

" Talaga? " masaya kong tanong. Tumango lang sya tapos iginiya na nya ako palabas ng building upang tumungo na sa parking lot.

Nung malapit na kami, may napansin kaming dalawang pigura sa medyo tagong bahagi ng parking lot. Nakilala kong si Greta ang isang bulto.

May kahalikan sya. No, actually they're making out.

Natutop ko ng palad ko ang bibig ko ng makilala ko ang ka make out nya.

Awtomatikong namalisbis ang luha ko at kumirot ng matindi ang puso ko.

Wala na. Wala na talaga. . .