webnovel

I am a Rebound

Lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo, ikaw ang magbe-benipisyo. Tama man o mali ang gawin mo, ikaw pa rin magdadala nito. Sa mundo ay maraming choices. Iba-iba... Malaya kang pumili kung alin, saan, ano, at sino. Pero bago mo ariing iyo, kikilatisin mo. At pag nakita mong maganda nga, kukuhanin mo. Iingatan mo, at mamahalin mo. Subalit mapanlinlang ang mundo. Hindi lahat ng magandang nakikita mo ay tunay, matibay, at magtatagal. Nasisira din ito sa kalaunan. Pero dahil may importansiya ang lahat ng bagay, ay gagawin mo lahat ng paraan para yung nasira ay maayos at muling mapakinabangan. Hanggat naman naayos hindi ka maghahanap ng kapalit diba? Pag alam mo nang wala na, saka ka lang hahanap ng iba. Tama ba? Pero iba ang sitwasyon ni Yen. Isang lalaking bigo din sa pag ibig ang napili niyang mahalin. Papano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung ang taong napili niya, ay alipin pa rin pala ng nakaraan? Papano niya aangkinin ang taong inakala niyang kanya ngunit ang puso nito ay pag aari pa rin pala ng iba? Papano niya haharapin ang katotohanan na siya ay hindi naman minahal kundi panakip butas lamang? Rebound. Maipapanalo mo ba ang laban kung rebound ka lang?

nicolycah · 现代言情
分數不夠
129 Chs

One of a Kind.

Hindi na nagawang itext o tawagan ni Jason si Yen. Nakahiga na siya sa kama niya sa sarili niyang kwarto nong ito ay maalala. Hindi niya alam ang schedule ni Yen. Pero nasabi nito ang address ng bahay nito kaya naisip niya na ito ay hanapin.

Mabuti naman na ang pakiramdam niya. Ayaw niya na maghilata at isang linggo na siya nakahilata sa ospital.

Nairecord niya ang huling pag uusap nila ni Yen. Kaya naman nabalikan niya ang binanggit nitong address. Yong tawag niya na yon ay para talaga alamin kung saan niya ito mahahanap kaya naman sadyang nirecord niya ang pag uusap nila.

Ginamit ni Jason ang kanyang motor. Dahil mas mabilis at convenient yon sa paghahanap.

Hindi naman siya nahirapan at nakita niya ito kaagad.

Nasa bungad lamang ito ng binanggit nitong village. Maganda ang pagkakadesenyo ng bahay na iyon. Naiiba ito sa lahat ng bahay na naroon. Katamtaman lamang ang laki nito at ang design ay bagay na bagay kay Yen. Maging ang kulay nito.

Tiningala niya ang bahay ni Yen.

Nakasalampak si Yen sa sahig ng kanyang kwarto. Kinakalikot ang bagong circuit ginawa niya para lights and sound effect sa kwarto niya. Oo kung anu-ano ang ginagawa niya sa kwarto niya. Nang nasiyahan siya dito ay isa-isa na niyang niligpit ang kalat .

Kapag si Yen ay nasa bahay at nasa mood ay ginugugol niya ang oras sa pag aayos at paglilinis ng kwarto. Kasama yung pagdedecorate at paglagay ng kung anu-anong electronic related concept. Nong araw na iyon ay ginugol niya ang oras sa paglilinis ng bahay. Dalawa sila ni Manang Doray na nagtulong sa pag gi-general cleaning. Pati ang labada ay pinagtulungan din nila.

Totoo. Kahit na may kasambahay siya ay hindi nito inaasa ang lahat dito. Isa pa, kumuha lang naman siya ng kasambahay hindi lang para may maiiwan sa bahay niya pag nasa trabaho kundi para matulungan niya din si Manang. Matanda na ito at walang pamilya.

Masipag si Yen sa gawaing bahay. Ayaw niya ng kalat at hanggat may panahon siya ay naglilinis siya. lalo sa kwarto niya. Siya ang personal na nag aayos niyon. Kahit si Manang Doray ay di pa nakakapasok doon.

Kakalabas lang niya ng banyo at kasalukuyang nakatapis lamang ng tuwalya. Nang marinig niya ang mahihinang katok sa pinto niya.

" Nang Bakit??!!" sigaw ni Yen.

Bahagyang sumungaw ito sa kanyang pintuan.

" May naghahanap sayo. Jason daw ".

Bigla ay umusbong muli ang kakaibang "dug-dug" sa kanyang dibdib.

" ah...patuluyin mo po Nang, at bigyan mo po ng maiinom. Pababa na po ako. Naliligo kamo." sabi niya dito.

Halos kalahating oras ang ginugol ni Yen kakaikot sa salamin. Nae-excite na kinikilig. Mabilis lang niya binanggit ang address niya at sumingit pa si Trixie sa usapan nila kaya di niya inasahan na makukuha ni Jason yon.

Gayunpaman ay nandito na ito. Ibig sabihin ay malaki talaga ang puwang niya sa puso nito. Kinikilig na niyakap ni Yen sarili. Para siyang teenager na dinalaw ng ultimate crush niya.

Baliw! sigaw ng kanyang konsensiya.

Muli niyang tiningnan ang sarili sa salamin. Nang masiyahan ay saka lang siya nagdesisyong bumaba.

Sa hagdan palang ay nakita na niya ang magandang ngiting salubong aa kanya ni Jason. May dala itong rosas. Bahagyang natawa si Yen. At syempre kinilig.

" hi!" bati niya kay Jason.

Tumayo ito sa pagkaka-upo at sinalubong siya ng halik sa noo.

" kumusta ka na?" tanong ni Yen

" kakalabas ko lang kahapon. Di na kita na-update sorry."

" ok lang.. Nabusy din ako." sagot ni Yen.

Inikot ni Jason ang kanyang paningin.

" ang ganda ng bahay mo."

" mas maganda ba sa bahay mo?"

At nagtawanan sila.

Inikot ni Yen si Jason sa bahay niya.

" mag-iisang taon palang ako dito. Yung mga gamit kelan ko lang nakompleto."

" ikaw ba nagdesign ng interior"

" haha oo. ok ba? kahit ung bahay ako ang nag desenyo." sabi ni Yen

" wow talaga? maganda.. bagay sayo."

" haha salamat."

" ipapakita ko sayo ang sanctuary ko." mahinang tumawa si Yen. Doon sa aking kwarto.

Umakyat sila sa taas. Doon ay may dalawang kwarto. Ang masters bedroom na kwarto ni Yen, at isang bakanteng kwarto.

Pagpasok palang nila sa kwarto ni Yen ay napansin na ni Jason ang maliliit na tila camera ng CCTV sa apat na sulok ng kwarto.

" CCTV?"

" hmmm meron pero yang nakikita mo ay speakers."

" ah... "

" simple lang ang kwarto ko. Halos katulad lang ng sayo. Pero para sa akin extraordinary ito. Marami akong ginawa dito na akma sa katamaran ko. Tingnan mo ang gilid ng kama ko."

Napatuon amg tingin ni Jason sa gilid ng kama ni Yen. Plane lang naman ito pero parang may maliliit na buttons doon. Kumunot siya.

"Sa kwarto ko ay may sensor. Kapag lumubog ang araw, o isinara ko ang kurtina basta dumilim, magbubukas din ang ilaw. At magkukusa itong mamatay pag nagkaroon ng liwanag."

Napamaang siya sa wirdong side ni Yen.Wala siyang idea na meron itong ganoong side. Kahit hindi niya maintindihan ang tinutukoy nito ay mataman pa din siyang nakinig. Bigla niya kaseng naramdaman na halos wala pa sa kalahati ang pagkakakilala niya dito. Marami pa siyang hindi nalalaman.

" hindi tipikal na ilaw ang lumalabas dito. Nasa gilid ng pinto ang switch ng main light."

May pinindot si Yen at nagsara lahat ng kurtina. Namangha si Jason pagkakita nito. Muling pumindot sa gilid ng kama si Yen at lumantad ang kakaibang light effects. Wow! ang ganda sa mata. Para kang nasa ibabaw ng ulap. Kasabay ng malamig na thermostat ng aircon yung ambiance ng mala langit na tanawin. Payapa at nakakarelax.

" Subukan mo humiga sa kama. Para madama mo." wika ni Yen.

Humiga nga siya. Ang mga paa niya ay nakalaylay pa din sa sahig. Ang ganda sa pakiramdam. Hindi gumagalaw ang kama pero para kang idinuduyan. Para kang nakahiga sa ulap habang nagmamasid sa mga bituin na kumikislap. Ang galing! Sa isip ni Jason ay wala pa siyang nakilalang babaeng ganon ka wirdo pero nakakamangha. Gawa lang iyon ng lights effect??

"Pag nandito ako, napapayapa ang isip ko. At mabilis ako makatulog lalo pag may music ako." Biglang pumainlanlang sa loob ng silid ang malumanay na awitin. Ngayon lamang niya yon narinig. Pero masarap sa tenga at talaga namang masarap mamalagi doon.

Nagugulat siya na may ganoong kakayahan pala si Yen. Simple iyon pero bihira ang babaeng ganon. Parang gusto niya din ng ganito sa kanyang kwarto.

Bilang bumukas ang ilaw. Nawala din ang mala-ulap na ambiance. Naisip niya na nasa gilid lang din ng kama ang switch ng ilaw ni Yen dahil hindi naman ito umaalis sa pwesto. Nakapwesto ito malapit lang gilid ng kama nito. Natawa siya, perfect sa mga taong tamad. Pero reasonable. Kahit siya kase ay may ganong pakiramdam. Tamad tumayo para lang magpatay ng ilaw.

Kakaiba talaga si Yen...one of a kind.

Karamihan sa mga babaeng nakilala niya ay inaabala ang sarili sa pagpapaganda. Pagsa-shopping. Mas malaking oras ang ginugugol sa pananalamin kesa sa ibang gawain. Gala...kain...mag-enjoy sa buhay samantalang si Yen kuntento nang nasa kwarto lang?