RUPERT MATTHEW MANALILI POV
"Bungangera pala yung bago mong kapit bahay!! Hahahaha!", sabi ni gie sa kin. At nag tawanan sila.
"wag niyo na siyang pansinin malamang fan lang natin yon", pag papaliwanag ko habang naka cross arms.
"fan?? Di nga tayo kilala", sabi ni micko.
"nag ppretend lang siguro na hindi tayo kilala", saad naman ni jason.
"hayaan na nga lang natin siya. Ang dapat nating intindihin kung sino yung misteryosang hater ni math", sabi ni aelo sa amin.
tama siya. Malaki yata galit non sa kin. Ako lagi pinupunterya. Lagi ng nag ppost sa wall ko. Dapat nga iprivate ko na fb ko kaso ung mga fans ko baka malungkot pag ginawa ko yun.
"nag reply na ba sayo micko?", tanong ni gie. Kachat niya kasi kanina, nakikipag kaibigan yata si micko dun sa babae.
"naka offline na ko ehh" , sagot ni micko.
"akin na!!!", sabi ni gie habang inaagaw yung phone ni micko.
"ano na namang gagawin mo?? Ako na makikipag usap!", sabi naman ni micko.
kulit ng dalawang to.
"nag reply siya", sabi ni micko habang nakatingin sa phone niya.
"tanungin mo kung anong pangalan niya", sabat ni jason.
"may toyo ka ba?? Sasabihin niya ba ang totoong pangalan niya kung alam niyang baka mapahamak lang siya", sabi ni aelo at binatukan si jason.
"aray naman!! Batok pa!!", sabi ni jason na nakakunot ang noo.
"isa pa?? Gusto mo?", tanong ni aelo. At umiling naman si jason.
"wag na lang tayo mag aksaya ng oras sa babaeng yan" , sabi ko sa kanila habang naka cross arms.
"kung sabagay tama ka naman", pag sang ayon ni gie.
"malay niyo naman mabait siya", sabat ni micko.
"mabait ba yan?? Eh halos isumpa na si math ng babaeng yan!! Hahahaha!", sabi ni aelo at tumawa na naman sila .
"kilalanin muna kasi", pangangatwiran ni micko.
"mainlove ka pa dyan!! Tapos ang panget naman pala hahahaha!", pang aasar ni jason kay micko.
"tama!!", sang ayon ni aelo.
"mas nakakainlove ang personality ng isang tao", pag papaliwanag ni micko.
"edi inlove ka na??", sabi ko.
"aba. Nandyan ka pa pala hahaha!", sabi ni gie.
"natural!!!", sambit ko.
"di ka kasi nag sasalita", sabi ni micko.
*scroll* *scroll*
matignan nga kung sino ang friends ng haters ko.
scroll.scroll.scroll. Panay fan girls tapos yung kapitbahay ko friend niya, di kaya magkakilala sila??
"kala ko ba wala kang pakialam kay misteryosang hater?", tanong ni jason ha
ng nakatingin sa phone ko.
"na ccurious lang ako", pag papaliwanag ko.
"akin na nga!!", inagaw niya yung phone ko.
Kung ano ano pinag gagawa niya.
"siya to ahh!!", sabi ni jason.
tapos nag lapitan sila kay jason at tinignan kung ano yun.
"ahh?? Yung bungangerang kapit bahay ni ruru!", sabi ni gie.
"friend nung hater niya", sabi ni jason habang nag sscroll.
"baka magkakilala sila??", sabi ni micko.
"mag bestfriend??",sabi ni gie habang nakahalumbaba na tipo na nag iisip.
"aah?? Alam ko na!! Baka fan girl mo yung kapit bahay mo!! Tapos pinag tatanggol ka niya dito sa hater mo!", sabi naman ni aelo.
"oo nga no!! Genius ka talaga pre!!", sang ayon ni jason at nag apir sila.
"akin na nga yang phone ko!!", inagaw ko sa kanila.
"damot naman nito!!isusumpa kita!! Mag kakagusto ka sa hater mo whahahaha!!", sabi ni jason at may kulog at pag patay bukas pa ng ilaw ang kasabay nito.
"ganda ba ng effects !!", sabi ni gie. Ano ba yan. May toyo talaga sila. Si gie lang pala yung nag patay bukas ng ilaw.
"samahan mo pa ng ringtone na kulog!!", sabat naman ni aelo.
"mga baliw talaga kayo!", sabi ko sa kanila.
"gutom na ko!!!", sambit ni jason habang hawak hawak ang tiyan niya.
"kaya ka tumataba ehh!", sabi ni aelo sa kanya at bahagya siyang pinalo sa tiyan.
"kanina ka pa!! Inggit ka lang ehh!", sabi ni jason sa kanya.
"mag luluto lang ako tas kakain na tayo", sabi ni gie ang cook namin.
"movie marathon tayo ha!!", sabi ko sa kanila.
"o sige!!", sang ayon nila.
"12 tayo matulog ha!!", sabi naman ni micko.
"go kami dyan!", sabi ni aelo ulit .