webnovel

I'm Your Ultimate Hater

Chace_Gonzales · RPS同人
分數不夠
8 Chs

Masamang Hangin

CHRISSY CARLEY POV

sa wakas awas na kami sa trabaho. Ito namang si alondra gusto ng meryenda kaya kung saan saan kami pumunta.kakastress para sa aking beauty. XD para namang may beauty ako hahahah

"gusto ko non!! Tara bili tayo CC", aya sa kin ni alondra at hinila ako dun sa ale na nag titinda ng sinaludsod.

"ano pong tawag dyan ale?", tanong niya dun sa nag titinda.

"saludsod o sinaludsod na kamote", sagot nung ale.

"pabili po dalawa!", sabi ni alondra dun sa nag titinda.

--

"alam mo ayoko ngang kumain nito tas pinakain mo pa ko", reklamo ko sa kanya.

"hayaan mo na. Say thank you na lang!", sabi niya sa kin na kain pa rin ng kain.

"thank you!! Mauutot ka dyan mamaya sinasabi ko sayo", pag papaalala ko sa kanya tapos tumawa siya.

"bakit naman? Hahaha."

"may kamoteng lahok yan. Pang pautot!", tapos tumawa ako.

"kaloka ka naman! Mas mabuti ng umutot kesa sumakit yung tiyan!", paliwanag niya.

Tumingin ako sa wrist watch ko. Kailangan ko ng umuwi. Ayokong abutin ako ng gabi.

"alonds, uuwi na ko baka kasi ako gabihin", paalam ko sa kanya.

"sige. Ingat ka!!", paalam niya.

"ingat ka rin"

--

Habang nag lalakad ako hawak ko yung tiyan ko. Geezzz. Ako yata ang nauutot. O utot!!! Layuan mo ako!!! XD tama na ang kanta! Baka umulan pa.

Tingin sa paligid.<_<>_> wala namang tao. Kaya pwede na kong mag palabas ng masamang hangin sa aking kaloob looban. XD carbon dioxide na lang for short.

Maya maya lang..... Ayy, may dumaang bata. Kaya pinigilan ko na lang. Oh shete naman. Isusumpa ko!! Di na ko kakain ng saludsod na yon! Takte naman oh!!

Malapit na ko sa bahay konting tiis na lang! Konting konti na lang. Di ko na muna pinansin kung nakatambay man ang face off sa labas ng bahay ni rupertong kapre , dahil kailangan ko ng maglabas ng masamang hangin!!! Kundi sasakit ang tiyan ko o baka sa tenga ko lumabas xD whahah pwede ba yon?

"woy!! Ms.piggy!", tawag sa kin ni gie.

takte naman oh!! Tinawag pa ko. Pero di ako lumingon.

"hoy!! Ms.piggy!!", si jason naman tumawag sa kin.

Lumingon na ko. Kaya ko pa naman siguro. Konti pa!! Fighting!!!

"bakit??", maikli kong tanong.

"lumapit ka nga dito", utos ni aelo.

Wala yata si micko. Oo nga pala. Umalis siya, baka mamaya pa dadating.

"kayo na ba ni rupert??", tanong ni jason na may halong pang aasar ang tono.

"ha!!!?", sabay namang reaksyon ni rupertong kapre.

"whahaha!! Ang o.a naman!!", sambit ni gie.

"f.y.i di ko yan papatulan no!! Wit na wit!!", sabi ko sa kanila.

"para namang interesado ako sayo! Wag kang mag assume di ka maganda. Saka isa pa, choosy ka pa, eh ang gwapo ko", seryosong sabi sa kin ni rupert.

ohhsht!! Yabang mong kapre ka!! Dun ka sa kaharian mo! Mag sigarilyo ka na lang!!

"hahaha!!tama nga naman rupert! Choosy pa! Eh ang gwapo mo nga!", sabi ni aelo.

Ito na nararamdaman ko na.. >.< this is it.. Konting tiis pa pero...

lumabas na siya, wala na kong magagawa.Buti na lang tahimik yun, at walang sound whahaha. Kung baga sa phone eh, naka silent mode xD

"jasoooon!!!!!", sabay na sigaw ni gie at aelo.

"bakit ako!! Eh hindi naman ako yon!", tanggi niya.

'ang baho naman ehh!! Ikaw talagang taba ka!", sabi ni aelo.

"makaalis na nga dito masyadong mabaho ang paligid", sabi ko.

"aishh!! Ang baho nga!!", reklamo ni rupertong kapre.

--

shemssssss naman. Umutot pa ko dun whahha. Nakakahiya! Buti di nila alam na ako yun. Pasalamat ako naka silent mood. Whahaha.

feeling ko, mag mmeeting na kami ni inang kalikasan sa banyo xD.

--

Hayysss. Salamat na ilabas rin xD.

--

tagal ko ng di nakakapag status.

xD maitag nga sa post si ruru.

BAKLA ITONG OPPA NIYO. XD DAIG PA ANG BABAE SA PAG GAMIT NG BB CREAM.

whahaha. XD daing nag react. Nag commnet sila.

"kala ko di ka na nang bbash"

"buhay ka pa pala , dapat mamatay ka na eh!" (takte ka! Ikaw ang mamatay na)

"di na nag sawa sa pang bbash may gusto yata to kay ruru"

"ano ba naman yan!! Baka nga ikaw tomboy!" (ate anong connect)

Di ko na tinapos basahin yung mga comment, naiistress ang aking beauty xD.

JASON MANUEL POV

"ako na naman pinag bintangan niyo ehh!", reklamo ko sa kanila.

"sino bang madalas ang mag palabas sa atin ng masamang hangin?? Di ba ikaw lang naman ", sabi ni gie. Tapos tumawa silang tatlo.

"andyan ang banyo jason nag iintay sayo", sabi ni aelo sa kin. Nag tawanan na naman sila.

"sa kusina na lang ako pupunta! Gutom na ko eh!!", sabi ko sa kanila.

"lagi ka namang gutom!!", sabi ni rupert.

"nga pala, asan si micko?", tanong ni rupert.

"may pinuntahan lang sila, family bonding kaya di siya makaattend ng practice natin", sagot ko sa kanya.

"bakit namimiss mo?", tanong ni gie.

"ang babakla niyo naman ehh!", sabi ni rupert tapos tumawa kaming apat.