Holymancers : I just want to say thanks for helping me reach the 10, 000 reads milestone.
...
Nabigla ang lahat sa pagkahulog ng tatlong hunter. Gulat sila dahil kanina lang puno ng siglang nakikipagbangayan pa ang tatlo kasama si Erin.
Pinaalala ng pangyayari ang mapait na reyalidad para sa mga hunters. Na sa bawat pagpasok nila sa dungeon, maaaring hindi na sila makalabas at makauwi pa ng mga mahal nila sa buhay. Kasi kahit pa ang isang malakas na tulad ni Jake ay naglaho din. Hindi rin imposibleng mangyari sa kanila iyon.
Ang Tres Marias ang pinakalubos na naapektuhan sa lahat, lalo na si Erin. Naestatwa ang babae sa kinatatayuan. Hindi s'ya makapaniwalang wala na ang lalaking gusto n'ya. Malakas na umagos ang luha sa kanyang mga pisngi. Nasurpersa rin s'ya sa sarili, sapagkat naapektuhan s'ya sa pagkamatay ng babaeng pinakamumuhian n'ya sa lahat.
Sa kawalan n'ya sa sarili, 'di n'ya namamalayang nakalapit na sa kanya ang isang nabuhay na puno o mas kilala sa tawag na treant. Ang sanga nito ay matuling papalapit sa kanya. Ngunit sumabog ang sanga bago pa iyon tumusok sa katawan n'ya. Sa tunog ng pagsabog ay napakislot si Erin.
Nahimasmasan s'ya. Sumulyap s'ya kay Riva at nakita n'yang tumutulo rin ang luha sa mga mata nito. Napapikit si Erin at bumuntong hininga. Sa muling pagdilat, bahagya s'yang tumango kay Riva bilang pasasalamat sa pagligtas sa kanya.
Hindi magawang gamitin ni Riva ang pinakamalakas na spell. Masyadong makipot ang kinaroroonan nila. Masyadong malapit sa mga kasama ang kumpol-kumpol na mga kalaban. Kaya naman ang pinakamahinang spell na lang ang gamit n'ya, ang mini burst. Isang single target spell na may bahagyang pushing effect sa mga tinatamaang target. Hindi rin ito mahirap gamitin kaya naman pwede n'ya itong i-spam. Pinaulanan n'ya ng mini burst ang lahat ng lumalapit sa kanilang tatlong magkakaibigan.
Si Sammie naman, habang lumuluha ay matinding naka-concentrate sa paggamit ng wall spells sa pagprotekta sa lahat ng kasamahan. Kahit tumatangis ang puso, alam n'yang kailangan s'ya dahil halos lahat ay hindi pa rin lubos na nakaka-recover sa pagkagulat. Ang bilis ng kanyang pagka-cast ay nilampasan na ang normal n'yang limitasyon.
"I will protect everyone." Mahinang sabi ni Sammie ngunit punong-puno ito ng kumpyansa.
Samantalang ang rank S hunter na si Dina ay seryoso na sa pakikipaglaban. Nakalabas na ang isang libong maliliit na ahas gawa sa awra n'ya. Mahigit sa kalahati rito ay tumatambang sa papasugod na mga limatik na mahirap makita sa kadiliman. Ang natitira naman, maliban sa sampu ay umatake sa iba pang uri ng dungeon monsters. Lahat ng makagat ng mga ito ay bumabagsak at nangingisay. Paglipas ng ilang segundo ay nalalagutan ng hininga ang mga nakagat. Ang effort ni Dina ang malaking dahilan kung bakit hindi namamatay ang natitirang mga hunters.
Ang natitirang sampung ahas ay pilit namang sinusugod ang boss ng dungeon na bigla na lang dumating at sumugod sa kanila kanina. Hindi makalapit ang mga ahas sapagkat hinaharang ito ng naglalakihang mga treants, palagi silang nagagapi. Kailangan pa uling i-manifest ang sampu dahil sa mga puno.
Sa ngayon, nasa isang stalemate ang labanan. Pero hindi iyon pabor sa panig ng mga hunters. Masisira ang balanse ng labanan dahil sa 'di maubos-ubos na mga kalaban. Sa tuwing may namamatay, agad napupunan ang puwang na iniwan ng namatay na halimaw.
Kaya naman nakasalalay sa ibang mga hunter ang kanilang kapalaran. At saktong 'yon din ang pinagtutuunang pansin ng isang hunter.
Habang nakikipaglaban, pilit n'yang binubuhay ang loob ng mga kasama. Aalis lang s'ya sa pwesto kapag nasiguro na n'yang nakabalik na sila sa rati.
Sa bawat pagalaw n'ya ay dalawang halimaw ang dumadaing sa sakit. Hinihiwa n'ya ang mga laman nila na parang butter.
Ang naturang hunter ay ang main tank ng party, si Kai. Hindi man kita dahil sa suot na helmet, nakasuot ng isang seryosong ekspresyon ang hunter na palaging nagbibiro.
Sa pagkalaglag sa bangin ng tatlong kasamahan sa party, s'ya ang pinakamatuling rumecover sa pagkakagulat.
Bagaman nanghihinayang s'ya sa buhay ng mga kasama, lalo na ang sa gusto n'yang maging kaibigang si Clyde, winaksi n'ya ang nararamdaman.
Hindi kinakailangan sa sitwasyon ang momentaryong kahinaan. Mas higit na kailangan ng isang madaliang solusyon sa mapanganib na sitwasyon. Kaya naman dali-dali n'yang inobserbahan ang sitwasyon. Inalam n'ya kung sino ang pinakanangangailangan ng agarang tulong.
Dahil doon isa-isang nagbalik ang ulirat ng mga kasama. Ang aksyong ginawa katulad ngayon ni Kai ang rason kung bakit s'ya ang isa sa main tank ng major parties ng The Company.
Ano nga ba ang pangunahing katangian ang dapat meron ang isang outstanding na tank? Ito ba ay tapang? Ito ba ay endurance? O ito ba ay proper judgement?
Ang mga nasabing katangian ay importanteng talaga. Pero ang pinakanararapat na katangian na meron ang isang tank ay kakalmahan. Bakit? Sapagkat ang kakalmahan ng isang tank ay nagbibigay ng kakaibang assurance para sa kanyang mga kasamahan. Kung makikita ng mga myembro ng party na nagpa-panic ang kanilang tank hindi sila mapapalagay. Hindi nito mapropretektahan ang dapat protektahan.
Kapag likas na kalmado ang isang tank, makakahingang maluwag ang mga nasa likuran nito. Kapag kalmado s'ya, madali s'yang makakapagdesisyon. Madali n'yang malalaman kung dapat bang umabante o umatras muna? Kung dapat bang kalabanin ng grupo n'ya ang kalaban? Kung dapat bang gamitin ang anong skills? Kung dapat bang sumangga o umilag?
Kapag alam nilang maasahan nila ang tank nila, tataas ang quality ng performance ng kanyang grupo.
Kaya nga kadalasang tumatayong de facto leader si Kai sa tuwing nahihiwalay sa grupo si Jake sa loob ng isang dungeon. Kahit na may kawirduhan ang tank, wala ng iba pang mas babagay na humalili kay Jake. Liban sa isa rin s'yang rank A ay hindi s'ya basta-basta nagpapadala sa emosyon.
Kaya kahit kailan hindi napipili si Erin na kahalili ni Jake dahil may pagka-immature ito na kasalungat ni Kai.
Habang tumatagal, habang dumadami ang napapadlang, habang nanunuot ang dugo sa uhaw na uhaw na kakayahan ni Kai ang espada, lalong dumadali ang pagkitil n'ya sa mga kalaban.
At si Kai ay hindi matatapatan sa mga dehadong sitwasyon tulad ngayon. Sa tuwing napapalibutan sila, hindi si Riva ang umaahon sa kanila sa putikan. Iyon ay si Kai.
Tuwing nagigipit sila, hindi magamit ni Riva ang kakayahan. Sa takot n'yang madamay sa pagsabog ang mga kasama.
Sa gipit na sitwasyon lumalabas ang kakayahang ang advantage ni Kai bilang offensive tank. Nang kanyang ability. Mas mabagal man, wala s'yang pangambang tulad ng kay Riva.
Nagising na ang lahat sa pagkakahimbing sa kalungkutan. Subalit kahit gan'on, namromroblema pa rin sila.
Pakiramdam nila sobrang tagal na nila sa pakikipaglaban gayong nag-uumpisa pa lang ang tunay na labanan.
...
Nakakapatid-litid na sigaw ang nagmumula sa kaibuturan ni Clyde.
Matinding takot at panghihinayang ang nararamdaman n'ya. Takot para sa sarili, ngunit mas higit na takot para sa maiiwang kapatid. Panghihinayang kasi umaayon na ang lahat ng bagay sa buhay n'ya. May pagkakataon na s'yang baguhin ang kapalaran. Sadya talagang mapagbiro ang tadhana. Kung kailan okay na ang lahat tsaka naman s'ya mamamatay.
Siguro dapat ko ng sabihin 'yon? Ngunit nagkuli s'ya sa nagisnan.
Nilingon n'ya ang mga kasamahang kasulukuyang nahuhulog mula sa mataas na parte ng Makiling. Kay Angel na nakapikit at matinis na sumisigaw din, na sa palagay n'ya ay mas lalong nagpapalakas ng appeal ng babae. At sa lalaking maingat na kumukulong sa bisig n'ya kay Angel. Sa mga braso nitong nakaputong sa t'yan at ibabaw ng dibdib ng babae. At sa mga mata nitong punong-puno ng pag-aalala habang nakatitig sa likod ng ulo ng dilag.
Hindi alam ni Clyde ang dahilan ngunit mas lalo pang sumama ang masama n'ya ng nararamdaman.
Nang daglian s'yang tumalon ng walang pag-aalinlangan kanina sa pagliligtas kay Angel, 'yon ay dahil alam n'yang sasagipin sila ni Jake. Hindi n'ya rin alam kung bakit parang nagsisisi s'ya sa pagtalon kanina.
Masama ba akong tao sa pag-iisip ko ng ganito? Naririmarim na pagkwestyon nya sa naiisip.
...
Walang anu-ano'y nabago ang kanilang paligid. Mahina silang lumagapak sa ibaba.
"Aray!" Humahalinghing na pagdaing ni Angel sa pagtama ng kanyang puwitan sa matigas na lapag.
May pagkalitong kinusot-kusot ni Clyde ang mga mata. Hindi ito makapaniwalang buhay pa s'ya. Kinapa-kapa n'ya ang katawan para malaman kung hindi ba s'ya naging multo. Kumurap-kurap s'ya at napatawa ng mahina. Hindi n'ya alam kung bakit o paano ang nangyari, ang alam n'ya lang, ang mahalaga ay buhay pa s'ya.
"Nasaan na tayo?" Pinutol ang pagbubunyi ni Clyde ng tanong ni Jake.
"Hindi ko rin alam." si Clyde.
Ang nakikita lang nila Clyde ay ang buong kasukalan. Tanging liwanag ng buwan ang nagbibigay tanglaw sa mapanglaw na gabi.
Ang nakakapagpatindig-balahibong pag-ihip ng malamig na hangin sa kanilang mga balat at ang nakakapangilabot na kaluskusan ng mga dahon ang pumupukaw sa katahimikan.
Pinataas lalo ng katahimikan ang tensyon sa tatlong naseparang mga hunter.
Tatatlo lamang sila sa hindi nila kilalang parte ng isang class A dungeon.
Wala ni isa sa kanila ang may dalang ilaw upang umibsan sa kanilang agam-agam sa pagsulong, maliban kay Clyde na may lighting skill. Ngunit kapag ginamit n'ya 'yon, mabubunyag sa kanila ang kanyang iniingatang sikreto. May tiwala naman s'ya sa mga kaibigan. Sadya lang gusto n'yang masigurong hindi sila malalagay sa panganib dahil sa sikreto. Kaya minabuti na lang n'yang manahimik. Kung talagang hinihingi na ng pagkakataon, hindi s'ya mangingiming gamitin ang tunay na kakayahan upang iligtas ang mga kaibigan. Sa ngayon oobserbahan n'ya muna ang mangyayari.
Wala silang nagawa. Napilitan silang umabante kahit walang pantanglaw sa babaybayin.
Mabibigat at mababagal na hakbang ang kanilang ginagawa. Sa paraang 'yon, mas madali silang makaka-react sa posibleng mga supresang atake.
Sa bawat paghakbang, malulutong na tunog ng naapakang nagkalat na tuyong mga dahon ang maririnig.
Katagalan, marahil nakabulabog, nagkaroon na ng tunog ng mga kuliglig sa paligid. Mga pagaspasan at huni ng panggabing mga ibon sa tuwing dumadaan sila.
Tuloy-tuloy lang sila sa paglakad. Pero habang tumatagal, napapansin nilang may kakaiba. Masyadong mapayapa para sa isang dungeon.
Napahinto na lang bigla si Angel na ipinagtaka ng dalawang lalaki.
"Anong problema?" Sabay na nag-aalalang tanong nina Jake at Clyde.
"Nagpapaikot-ikot lang tayo." May kasiguruhang turan ng dalaga.
"Paano mo nasabi?" Kunot-noong tanong ni Clyde.
"Iyon. Kanina ko pa napapansin ang mga batong 'yon." Turo n'ya sa magkakapatong na bato.
"Maraming magkakapatong na bato na tayong nadaanan." sabi ni Jake kay Angel.
"Hindi. Iba ang isang ito. Hugis ulo ng isang golem ang mga batong 'yan. At may ekis na patagilid ang magkapatong na bato." Paliwanag ni Angel sa dalawa.
Nagkatinginan ang dalawang lalaki.
"Kumpirmahin muna natin ang hinala mo." sabi ni Jake.
Naglakad-lakad silang muli. Nagsisimula na silang mapagod. Nakumpirma nilang tama ang hinala ni Angel. Sa pagsubok nila, nakalimang balik sila bago maniwalang nagpapaikot-ikot nga lang sila.
"Anong gagawin natin?" May pag-aalalang tanong ni Clyde.
"Baligtarin na lang natin ang mga damit natin." Suhesyon ni Angel. "Wala namang mawawala kung susubukan." Dugtong pa n'ya.
"Pero--" si Jake.
"Tumalikod kayo." Utos ni Angel na pumutol sa pag-angal ni Jake.
Nagpipigil lang ng tawa si Clyde. Hindi kasi s'ya naniniwala sa pagbabaligtad ng damit. Pero sumunod na lang s'ya. Sabi nga ni Angel, wala namang mawawala.
Maya-maya pa narinig n'ya ang kaluskos ng pagbabaligtad ng damit. Binaling n'ya ang utak n'ya sa ibang bagay para hindi mag-imagine ng kung ano-ano.
Hindi rin effective. Ilang beses pa rin silang nagpaikot-ikot.
"Paano ang gagawin natin? May naiisip ba kayong ibang paraan?" tanong ni Angel sa dalawa.
"Sa tingin ko under illusion na tayo ni Maria Makiling. Kailangan nating hanapin ang daan palabas sa illusion." si Jake.
Tumingin ang dalawa kay Clyde.
"Para sa'kin naman, sang-ayon ako kay Jake. Pero sa palagay ko alam ko na kung ano ang hinahanap natin." Sagot ni Clyde.
"Nasaan?" Sabay na tanong nila.
"Sa pagpaikot-ikot ba natin, ano ang palagi nating nakikita?" Sa sagot na 'yon ni Clyde sabay na napatingin doon ang dalawa.
Nilapitan nila 'yon. "Anong dapat nating gawin?" si Angel.
"Sirain."
Nag-transform si Jake. Gamit ang mga higanteng kamay ay inatake n'ya 'yon. Sa pagkasira noon, narinig nila ang lagaslas ng tubig.
Sinundan nila 'yon hanggang sa makalabas na sila ng gubat. Isang batis na may dumadalisdis na tubig mula sa mga magagaspang na bato. Ang tubig sa batis ay nagniningning dahil sa sinag ng buwan.
Inobserbahan nila ang lugar. Sa pinakamataas na batuhan nakita nila s'ya. Nakasuot ito ng makalumang puting kamiseta. Ito ay morena. Tinatanggay ang buhok nito ng hangin.
"Naloko na! Humanda ka Clyde, mapapalaban tayong tatlo. Yan si Maria Makiling." Babala ni Jake.
Nag-transform na rin si Angel.
Sa isang kisapmata, nawala si Maria Makiling sa kinatatayuang bato. Lumingap-lingap ang tatlo para hanapin ito. Pero naputol 'yon ng biglang yumanig. Tumingin sila sa likod nila. Sabay-sabay na inaalis ng mga treant ang ugat nila sa lupa.
Sinalakay sila ng mga treant mula sa lahat ng tatlong direksyon. Sa harap, kaliwa at kanan.
Panay pag-atake ng mga treant gamit ang mga ugat. Hindi makalapit ang tatlo dahil sa marami at mahabang mga ugat na parang lambat sa pagkakadikit-dikit ang pagitan.
Sa kanilang tatlo, si Angel ang pinakanahihirapan. Dahil speed-base ang ability n'ya, mismatch s'ya sa walang mapapasukang mga pantusok na sanga.
Si Clyde naman, dahil sa hawak na espada ay nahihiwa n'ya ang mga sanga, pero hindi nito napapatay ang mga treant.
At ang pinakamataas na rank na si Jake ay nahihirapan din. Pero mas mainam ang sitwasyon n'ya. Paminsan-minsan, nakasasalo ito ng sanga at hinihila palapit ang treant upang puksain. Ngunit naooverwhelm din s'ya sa rami ng kalaban.
Nandyan ang lilitaw-litaw si Maria Makiling upang umatake. Sa tuwing umaatake ito, may lumalabas na bahay kubong gawa sa nipa sa likuran n'ya.
Nagpapatubo s'ya ng mga ugat mula sa lupa para hulihin ang tatlo. Ngunit dahil sa espada ni Clyde nagagawa nilang putulin 'yon.
Pero dahil na rin sa pang-aabala ni Maria Makiling unti-unti silang nacocorner ng mga treant.
At sa muling paglitaw ni Maria Makiling, nagawa nitong magpatama ng isang spells sa dalawa. Nagawang umilag ni Clyde dahil saktong may sinusugod s'yang treant sa panahong 'yon.
Napuno ng ginintuang alikabok mula kay Maria Makiling sina Jake at Angel. Bumagal ang kilos ng dalawa.
"Ayos lang ba kayong dalawa?" Nag-aalalang sigaw ni Clyde sa mga kaibigan.
"Nahihilo ako." Daing ni Angel. Pagkasabi niya noon ay ang s'ya namang pagtumba nilang dalawa ni Jake.
Nilapitan n'ya ang dalawa upang tingnan sila. Ngunit hindi s'ya binibigyan ng pagkakataon ng mga treant. Nang may atake ng papalapit sa mga kaibigan, nagpasya na si Clyde.
"Alejandro. Divine pull!" Wala na s'yang pakialam kung mabunyag ito sa mga kaibigan. Ang importante, mailigtas n'ya sila.
...
Sa kabilang banda, pagod na pagod na sa pakikipaglaban ang grupo nina Dina.
Hindi maubos-ubos ang mga kalaban. Hindi n'ya tuloy magawang atakihin si Maria Makiling. Naiinis s'ya dahil nagagawa ng diwata na mawala-wala sa paningin n'ya. Naiinis din s'ya sa pulos itim at walang emosyong nitong mga mata.
Habang nagtatagal, nakakaramdam ng mali si Dina. Napansin n'ya ang isang bagay. Sa tinagal-tagal ng labanan, ni kailanman hindi umatake si Maria Makiling.
Hanggang sa naramdaman n'ya ang biglaang paglabas ng malakas na enerhiya mula sa 'di kalayuan. Malakas ang pagnanais n'yang puntahan 'yon, pero may obligasyon s'yang iligtas sila bilang vice leader nila.
...
Nahila lahat ng treants patungo kay Alejandro. Naglaho rin si Clyde sa kinatatayuan n'ya. Ginamit n'ya ang conceal.
Sumusugal s'ya na palitawin ang kalabang si Maria Makiling. At 'di s'ya binigo nito. Lumitaw ito at nais tapusin ang mga nakahandusay na kaibigan ni Clyde. Marahil ay naengganyo ito sa pagkakataong kitilin ang dalawang walang kalaban-labang kalaban.
Lumabas ang kubong gawa sa nipa sa likuran n'ya. Hudyat ng pag-atake.
Ngunit ang paglitaw ang malaking pagkakamali n'ya. Sinummon ni Clyde ng sabay si Sylvester at Eba. Kasabay noon ang paggamit n'ya ng isang skill. Absolute zero : Mist-o mirage. Lumabo ang visibility sa may tabing batis.
Tumilampon si Maria Makiling sa pagkakasipa ni Sylvester patungo sa mga treant. Nagawa namang iligtas sa tamang oras ang dalawa. Itinago ni Eba ang dalawa sa loob ng dimensional realm n'ya. Walang inaksayang oras si Clyde. Ginamit n'ya ang pinakamalakas na atake. Ang Bouncing soul creepers. Sa pag-atake n'yang 'yon nakansela ang concealed state.
Pagkatapos tumira ni Clyde ay sunod-sunod na sigawan ang naganap.
Sumakit ang ulo ni Clyde dahil sa sunod-sunod na matitinis na tunog sa ulo n'ya. Inalog-alog n'ya ang ulo.
Matapon noon ginamit n'ya naman ang Snake eyes. Nagsimula s'yang makita ang hugis ng mga kalaban.
"Eh?" Nabigla si Clyde sa nakita.
Nakahandusay ang maraming treant, pawang wala ng mga buhay. Subalit ang higit na mas gumulat kay Clyde ay ang babaeng kasamang nakahandusay ng mga puno. Si Maria Makiling.
"Paano nangyaring na-one hit kill ko ang isang class A dungeon boss?" Napalunok pa s'ya. Hindi makapaniwala sa nagawa.
"Ibig sabihin ba nito equivalent na sa rank A mage ang kakayanan ko? Sa ikli ng panahon na naging ako ang Holymancer?" Huminga s'yang malalim para ikalma ang natutuwang damdamin.
"Masyado pang maaga magsaya. Kailangan ko munang tapusin lahat ng kalaban." Paalala n'ya sa sarili.
Ginamit n'ya ang area of effect na crowd control skill. Ang Lull me to the moon.
Sa paggamit n'ya noon sa mga treant, nakasaksi s'ya ng isang kakatwang pangyayari. Ang mga treant ay nagpagewang-gewang na parang mga nagsasayaw bago sila tuluyang magsibagsakan. Kasunod ay ang Bouncing soul creepers. Ilang beses n'yang inulit ang salitang gamit ng Lull me to the moon at Bouncing soul creepers hanggang sa matapos ang labanan. Hindi n'ya ginamit ang Lightning barrage dahil sa pangambang marinig iyon ng ibang hunters sa dungeon.
Ang sumunod n'yang ginawa ay ang pag-initiate ng soul cleansing sa mga kinitil n'yang dungeon monsters.
Kulang isang libo ang napatay na treant ni Clyde. Isang daan at labing-isa rito ang nais maging summon n'ya. Ang iba naman ay sumunod na sa puting liwanag. Pinatabi muna n'ya sa isang sulok ang mga bagong summon na balak n'yang i-bind.
Kinolekta at nilagay n'ya lahat ng bangkay sa system storage n'ya.
Tapos ang pinakahuling ginamita n'ya ng soul cleansing ay si Maria Makiling.
Ang kaninang walang emosyon at purong itim na mga mata n'ya ay napalitan ng isang nangungusap na mga mata.
"Maraming salamat sa'yo mortal." Pambungad ng pinakasikat na diwata sa mitolohiyang Pilipino.
"Bakit ka nagpapasalamat?" Takhang tugon ni Clyde.
"Sapagkat ramdam ko ang pagpapalaya mo sa'kin mula sa abominasyong sinapit ko. Pinalaya mo ako sa piitang nagkulong sa'kin." Nakangiting saad nito. Pero ang mga mata n'ya ay hindi maikukubli ang lungkot.
Dumagundong ang bilanggo sa dibdib ni Clyde sa nararamdamang kagalakan. May kung anong nagtutulak sa kanyang magtanong sa diwata.
"May naaalala ka ba kung paano naging isang dungeon ang bundok mo?" May kaba at takot sa pangamba ng kabiguan.
"Ikinatatakot kong mabigo kita mortal. Mukhang importante sa'yo ang impormasyon patungkol sa mga piitan. Ngayon pa lang, sasabihin ko na sa'yo ang totoo. Kakaunti lang ang rekoleksyon ko sa mga pangyayari. Nais mo pa rin bang pakinggan ang paglalahad ko?" Pasubali ng diwatang si Maria Makiling.
"Oo. Kahit katiting na impormasyon ay ikalulugod ko." Nakangiting sagot ni Clyde.
"Malinaw pa sa aking alaala ang araw na 'yon. Na tila baga'y ito'y kahapon lamang. Sa panahong 'yon, patuloy lang ang aking pang-araw-araw na gawain. Ang pagbabantay sa aking mga kinasasakupan. Ang paniniguradong maayos ang kanilang kalagayan. Tinitiyak ko ring walang masasamang-loob ang mapanamantalang nakakatuntong sa aking kabundukan. Ni sa sapantaha ko hindi ko mahinuhang mangyayari ang trahedyang 'yon." Tumaas ang tono ng boses nito dahil sa kinukubling galit. Kasabayan noon ang biglaang pagdagundong ng kulog sa langit.
"Isang araw naramdaman ko ang pangyayaring 'yon. May kung anong kapangyarihan ang bumalot sa buong bundok. Bilang tagapangalaga ng buong kabundukan, sakop ng aking kapangyarihan ang lahat ng nilalang dito. Narinig ko ang sabay-sabay na pagsamo ng mga nasasakupan ko. Ang nararamdaman nilang takot at pasakit. Isa-isa silang nilalamon ng kadiliman. Isa-isang sinasakop ang kanilang mga personalidad ng pwersa ng kadiliman. Sinubukan ko silang iligtas. Ngunit nawala na silang lahat sa katinuan. Inaatake nila ako. Wala akong magawa kundi ang tumakas para humingi ng tulong sa ama. Pilit kong kinalilimutan ang sigawan nila. Nakakabaliw ang aking nasaksihan. Habang pabalik sa aking santuario, nawala na ako sa aking sarili. Hindi ako makapaniwalang may mga nilalang nakayang ginawa ng ganoong abominasyon. Hindi ko rin alam kung sino sila." Pagtangis ng diwata.
"Patawad." Malungkot na sabi ni Clyde. Sa natuklasan mas lalong umigting ang pagnanasa ni Clyde para wasakin ang mga dungeons.
"Wala kang dapat ihingi ng paumanhin mortal." Sagot ng nahimasmasang diwata.
"Maria Makiling, maraming lugar at mga nilalang ang katulad ng iyong kabundukan. Mga payapang lugar na bigla na lang naging dungeon tulad ng sa iyo. Gusto mo ba akong tulungan sa pagpuksa ng mga ito? Pinapangako ko rin sa'yo na pag nagkaroon ako ng kakayanan, pagbabayarin ko ang gumawa ng masamang bagay na ito." si Clyde.
Tumahimik si Maria Makiling. Kinakabahang tiningnan ni Clyde si Maria. Sa palagay n'ya malaki ang maitutulong sa kanya ng isang diwata tulad ni Maria Makiling. Lalo na ang mga illusions n'ya.
"Tunay akong nagnanais na makarating sa piling ng Ama. Gusto ko rin s'yang tanungin kung bakit nangyayari ang ganitong uri ng mga pasakit." Umpisa ni Maria na pumatay ng katiting na pag-asa ni Clyde.
"Subalit sa kabilang dako, ikaw ang aking tagapagligtas. Sa kabila ng iyong pagiging mortal, nagawa mo akong palayain sa aking pasakit. Nais ko mang mamahinga sa aking mga tungkulin, ikalulugod kong pagsilbihan ka. Pumapayag ako." Nakangiting pagsang-ayon ng diwata.
Napakuyom si Clyde sa kasiyahan."Sinisugurado kong hindi mo pagsisisihan ang pagtulong mo sa'kin."
"Oo nga pala. Isang minuto mula ngayon, darating na ang pangalawang pinakamalas sa grupo n'yo." Dagdag ni Maria Makiling.
Nagmamadaling ginamit ni Clyde ang ikatlong slot ng Holymancer generals. Matapos noon inunsummon n'ya si Maria Makiling.
May naalala rin si Clyde. Tinawag n'ya si Eba. Pinabuksan n'yang muli ang dimensional realm ng batang mangkukulam. Doon lumabas si Kaiyo, ang binili n'yang Hapon na alipin. Na pinangakuang n'ya ring aalisin ang pagiging alipin kapag nagkaroon na s'ya ng kakayanan. Magkasunod nitong inilabas sina Angel at Jake.
Kinausap ni Clyde si Kaiyo. "Sorry for the late introduction. Ako nga pala si Clyde. Due to some circumstances, hindi ako nakapagpakilala sa'yo sa black market. Hindi rin kita mapalabas sa dimensional realm ni Eba. At mukhang hindi pa rin, may mga kalaban kasi ako. At sikreto ang kapangyarihan ko. Maging sa dalawang inilabas mo. Mga kaibigan ko sila. Pasensya na talaga."
"Wala 'yon. Naiintindihan ko, master." Medyo nauutal na pananagalog ni Kaiyo.
"Wag mo na kong tawaging master kung pwede lang." Pakiusap ni Clyde.
"Okay, master." Sagot na nagpasakit sa ulo n'ya.
"Gagawa ako ng paraan sa lalong madaling panahon para mapalabas ka." Pangako ni Clyde. Tumango si Kaiyo at pumasok na sa dimensional realm ni Eba.
Sinuri ni Clyde ang mga kaibigan. Napalagay s'ya ng matuklasang tulog lang sila.
Pinapasok n'ya rin ang isang daan at labing-isang treants sa loob ng dimensional realm ni Eba. Inunsummon n'ya ang lahat.
Nang makatapos, humiga s'ya sa tabi ng mga nakahandusay na kaibigan. Nagpanggap s'yang nakatulog din.
...
May kabigatan na ang lahat ng katawan ng mga hunter.
Maging si Dina ay nagsisimula na ring maubos ang pasensya. Kanina kasi nawala ang pakiramdam n'yang masama sa pinaglalabanan nila. Sa tingin n'ya, may kinalaman iyon sa naramdaman n'yang enerhiya mula sa bandang kanluran n'ya kani-kanina lang. Pinag-transform n'ya ang ilang maliliit na ahas. Naging tatlong higanteng mga ahas iyon. Inumpisahan n'ya ang isang matinding opensiba.
Nadiskubre nilang sa pagkakataong 'yon na hindi na nadadagdagan ang mga kalaban.
Nagbago rin ang paligid nila. Hindi iyon ang Haring Bato.
Sumiklab ang isang balitaktakan sa pagitan ng mga hunter.
Nang matapos ang labanan, sumibad si Dina pakanluran. Hindi na n'ya inalintana ang nag-aalalang mga sigaw ng mga kasamahan.
Sinubukan s'yang sundan ng iba ngunit isang rank S hunter ang pinag-uusapan dito. Nasa ibang dimensyon ang kakayahan nila kumpara sa iba.
Walang nagawa ang mga naiwan kundi pakalmahin ang mga sarili, kolektahin ang mga bangkay maging ang nilaglag na gamit ng ilang naglahong mga bangkay.
Maya-maya pa narating ni Dina ang isang batis. Doon nakita n'ya ang tatlong nahulog sa banging mga kasamahan. Ngunit nakahandusay ang tatlo. Marahang n'yang nilapitan ang mga ito. Alerto si Diba kung isa man iyong patibong.
Napabuga ng hangin si Dina. Lumuwag ang nararamdaman n'yang kabigatan kanina lang. Buhay ang mga kasama. Pero nangunot ang kanyang noo nang may napansing kakaiba. May mga bakas ng labanan pero malinis ang lugar.
Inikot n'ya ang lugar para mag-imbestiga. 'Di nagtagal napatunayan n'ya ang hinala. May naganap ngang labanan kani-kanina lang. May mga bakas ng hukay sa lupa gawa ng mahabang bagay. Napansin n'ya rin ang mga lupang kakabakante lang ng mga nabunot na puno. Napansin n'ya rin ang pamamasa ng lupa.
Tubig batis? Tanong ni Dina sa sarili ng kinapa ang kabasaan ng lupa.
Hindi! Masyado itong malamig para maging tubig ng batis. Itinuturo rin ng malamig na basang lupa na bago pa lang natatapos ang labanan.
Ang mga ebidensya ay pinupuntong bago lang natapos ang labanan.
Naniningkit na tiningnan ang nahihimbing na si Clyde. Malakas ang kutob n'yang si Clyde ang may gawa noon.
At mukhang nang nag-reawaken s'ya, naging isa s'yang mage. Not bad! Kumbinsidong konklusyon ni Dina.
Ginising ni Dina ang tatlo. Tuwang-tuwa ang mga ito nang nagisnan nila si Dina. Lubos silang nagpapasalamat sa pagliligtas sa kanila ng vice leader. Hindi na n'ya itinama ang maling pagkakaintindi nila. Nakita kasi n'ya ang matinding pagpapanggap ni Clyde. Wala rin naman s'yang ebidensya. Binigyan ni Dina si Clyde ng isang matinding titig at pagtaas ng kilay na parang sinasabing buko ka na.
Hindi 'yon nakalampas sa mapagmasid na mata ni Angel. Nilapit n'ya ang bibig sa tenga ni Clyde at hinipan 'yon. Sa ginawa ni Angel, natuod sa kinatatayuan si Clyde.
"Kita ko 'yon." Sabi ni Angel sa isang mapang-akusang tono.
"Anong ginawa mo sa vice leader nang tulog pa kami ni Jake? Gaya ba ni Dina ang mga tipo mo? Hanep ka rin d're. Saludo ako sa tapang mo." Napalunok si Clyde, 'di dahil sa maling akusasyon ngunit sa lapit ng mukha ni Angel sa kanya. Kung tutuusin, kapag lumingon s'ya gahibla lang ang magiging pagitan ng mukha nila. Doon s'ya tunay na kinakabahan.
"Hi-hindi sa gano'n 'yon, Angel." Medyo nauutal na pagtanggi ni Clyde sa paratang.
"Wag ka ng mahiya. Wag mo ng itanggi. Matagal na tayong magkakilala. Okay lang 'yan Clyde. Binata ka na." Tusko pa ni Angel kay Clyde. Tumingkayad pa ito para akbayan ang mas matangkad na kaibigan.
Tumikhim sa kanilang tabi si Jake. "Masyado yata kayong nagkakasiyahan sa pinag-uusapan n'yo. I-share n'yo naman."
Lumapit si Angel kay Jake at kwinento ang nadiskubre.
Nang malaman 'yon ni Jake ay nakisali na rin ito sa panunukso. "Hindi nga gano'n 'yon." Kung alam mo lang, Angel.
Nang makabalik muli sa party, masaya silang winelcome ng grupo. Natuwa ang party dahil buhay na nakabalik ang mga kasama.
Namahinga muna sila sa nakakapagod at halos walang katapusang labanan.
Matapos ang isang oras, muli nilang binaybay ang Makiling. Sa pagkakataong ito, hindi na sila maloloko kung nasaan na ba talaga sila. Patay na ang boss ng dungeon.
Nagsimulang umulan. Dahil isang rainforest ang Makiling, malimit talagang umulan dito.
Mas naging agresibo ang mga limatik sa mamasa-masang lupa.
Sa bawat akyat, mas lalong tumatarik at kumikitid ang daanan. Isang tao na lang talaga ang makakaraan. Sa bandang kanan kasi ng lahat, naroon ang matarik na bangin.
Maya-maya pa kinailangan nilang sumuot sa dalawang magkadugtong na ugat. Isang tao lang ang kakasya sa makipot na bilugang hugis nito. Ito lang din kasi ang tanging daan patungo sa tuktok.
Nakarating silang muli sa Haring Bato. Sa pagkakataong ito, totoo na at hindi na dahil iyon sa isang ilusyon.
Muli silang umabante. Narating nila ang pinakamahirap na parte na akyatin. Ang Melkas ridge. Pagkatapos ng Melkas ridge ay ang tuktok na ang kasunod.
Sa Melkas ridge kinailangan pa nilang gamitin ang mga nakahandang lubid sa daanan. Bilang pagsuporta sa mga umaakyat na hunter, pinauna ni Dina ang higanteng mga ahas para ilayo ang mga halimaw na nananambad sa mga aakyat na hunters.
...
Matagumpay nilang naakyat ang tuktok ng Makiling, kung tawagin ay Peak 2.
Agaran din naman silang bumaba.
Ilang oras simula sa pagtahak ng buong party sa pababang daan, biglaan na lang nag-iba ang naaamoy nilang hangin. Amoy bulok na itlog.
Sa ginawa nilang pagbaba, mas naging madali na ang paglalakbay. May mga sumusugod pa ring mga halimaw subalit manaka-naka na kumpara nang paakyat pa lamang sila. Maliban na lang sa mga limatik. Isang rainforest ang Makiling kaya naman paulan-ulan dito. Sa tuwing nababasa ang daanan ay mas nagiging agresibo ang mga ito.
"Malapit na tayo sa mudspring." Sabi ni Jake kay Clyde.
Pagdating doon, nakita nila ang warning at ang bakod na gawa sa barb wire. Maging ang umaasong puting usok mula ng mudspring. Ang kulay tsokolateng tubig dahil sa putik. Hindi napansin ni Clyde ang isang maliit na sanga sa lupa. Naapakan n'ya 'yon na gumawa ng ingay.
Naglabasan ang mga 'yon. Mula sa tubig, mabagal 'yong nagsiangat. Malalaking tipak ng putik na may mga mata. Pag-ahon noon mula sa mudspring, mabagal na gumapang ang mga ito patungo sa grupo nila Clyde.
"Maghanda sa paglaban." Malamig na utos ni Dina.
"Mag-ingat kayo sa binubuga nilang mga putik. Madikit 'yon at tumutunaw ng balat. Pag nadikitan kayo noon mahihirapan kayong lumaban." Paalala ni Jake sa grupo.
Maingat at marahan nilang dinispatsa ang mababagal na nilalang na putik.
...
Kasunod noon ang flatrocks. Isang magandang rock formation na dating attraction para sa mga hikers ng normal pa ang dungeon.
At nang narating nila ang agila campsite, maliwanag na sa ikalawang araw ng pamamalagi nila sa dungeon. Ang agila campsite ay ang ika-labing-isang istasyon mula sa trail.
Ang Makiling trail ay ang daanan mula sa paanan ng Makiling papuntang tuktok galing sa Laguna ng normal pa ang dungeon.
Sa kabuuan, merong 60 istasyon. 30 sa Makiling trail. At ang natitirang 30 ay mula MakTrav trail, ang daanan mula sa Batangas.
Ang Makiling trail ay 'di hamak na mas madaling akyatin kesa sa Maktrav.
Simula sa station 11 hanggang pababa ay galbanisado na ang daanan.
Nakita at napatay rin nila ang dungeonized version ng mga Raflesia sa Makiling.
Sa patag na daanan, nakaengkwentro rin sila ng mga ahas.
Pagdating nila sa ibaba ng Makiling, tirik na tirik na ang araw.
Sa opisyal na pagtatapos ng kanilang raid, maaaring sabihing naging perpekto ang kanilang grado. Marahil ay may mga nasugatan sa ekspedisyon, ngunit isa itong mahirap na class A dungeon. Ang paglabas nila rito ng kumpleto at walang namamatay ay isa ng pambihirang bagay. Lahat sila ay nagbubunyi liban sa dalawa. Sina Erin at Dina.
Si Erin ay walang siglang nararamdaman. Naliligalig ito sa natuklasan. Na nalungkot s'ya ng inakala n'yang namatay ang kinamumuhiang si Angel. At hindi lang 'yon, napawi rin ang bigat sa dibdib ng nalamang buhay pa ito. Hindi s'ya makapaniwala. Dapat ay naging masaya s'ya. Giit ni Erin sa utak. Hindi pwedeng magkaroon s'ya ng pakialam sa isang hindi n'ya ka-level na tao. Pangungumbinsi nito sa sarili.
Inalok s'ya nina Riva at Sammie upang mag-party sa bar na madalas nilang gawin matapos ang isang successful na raid. Nagkatinginan ang dalawa ng tangihan sila nito sa pamamagitan ng isang matamlay na ngiti.
Napansin 'yon ni Angel at ininis si Erin. "Anong nakain mo at nawalan ka ng gana, Baka?"
Tinapunan lang s'ya saglit ng tingin ni Erin at napabuntong-hininga.
Nagkatinginan ang tatlong babae na ngayon ay naguguluhan sa ikinikilos ni Erin.
Si Dina naman ay mas lumalakas ang suspetsa kay Clyde. Sa grupo s'ya lang ang tanging nakapansing ilusyon lang ang nilabanan nila.
Kung ilusyon 'yon, sino ang tunay na gumapi sa dungeon boss na si Maria Makiling?
...
Sa top floor ng The Company, sa penthouse ng guild leader na si Paul, seryosong nag-uusap ang dalawa sa iilang rank S hunters ng bansa.
"Sinasabi ko sa'yo Paul, ilusyon lang ang napatay naming Maria Makiling. Sigurado ako ro'n. Sa tingin ko, tama talaga ang hinala kong isang reawakened hunter si Clyde. Isang reawakened strong enough to solo clear a class A boss. Possibly he is one of us. Isang Rank S." Seryosong paliwanag ni Dina kay Paul.
"I see. Then, we should do everything to recruit him kapag napatunayang rank S s'ya." Sagot na ikinakunot ng noo ni Dina. Sumandal pa si Paul sa kanyang swivel chair, itinaas ang paa sa mesa ay pumikit.
"Umayos ka ng upo Paul Rich Mahusay!" May pagbabantang utos ni Dina sa leader. Senyales ng pagkainis, tinawag nito ang buong pangalan ng guild leader.
"Chill ka lang Dina Manahan." Natatawang sagot ni Paul. Halatang nag-eenjoy sa galit ng kanyang vice leader.
"Chill? Ire-recruit mo ang Clyde na 'yon? Ni hindi pa nga natin sigurado kung isa s'yang rank S." Reklamo ni Dina.
"Ikaw na ang nagsabing malaki ang posibilidad na rank S s'ya. Tapos ikaw itong nagdadalawang-isip. Huwag mong sabihing natatakot ka sa Dark Resurgence?" Nakangising pambubuska ni Paul kay Dina.
"Heck no!" Paangil na sagot ni Dina sa kanya.
"Then case close. Isipin mo na lang, kung makaka-recruit tayo ng pangatlong rank S, ikukumpara pa ba tayo sa Dark Resurgence na 'yan? We're the stronger one's from the beginning. To shut everyone up, we need a third rank S hunter. Magkaka-chance rin tayo to vie for the top spot. We can even pull those weirdos from the throne. Our business will thrive even more." Nakangising paliwanag ni Paul.
Tumango na lang si Dina bilang pag-ayon.
"Oo nga pala. Tumawag si tita. Pinauuwi ka na sa bahay." Dagdag pa ni Paul na nagpabago ng timpla ni Dina.
"Ilang beses ko bang sasabihing wala akong balak bumalik sa lugar na 'yon? Nang umalis ba ako sa lugar na 'yon maraming taon na ang nakakalipas, pinabalik ba nila ako? Kung kailan naging rank S ako tsaka sila magkakaganyan. I hate that rotten house and those disgusting people na puro ang political ambition lang ang iniisip." Ngitngit ni Dina.
Tinaas ni Paul ang mga kamay sa pag-surrender kay Dina.
"If looks could kill, I've probably died a hundred times because of you." si Paul.
"Nga pala hanggang ngayon nirereto pa rin ako sa'yo ng mama mo." Natatawang sabi ni Paul.
"Never mention that bullshit. If you mention it again, I'll castrate you for real." Napatakip si Paul sa pagkakalaki n'ya na para bang pinoprotektahan n'ya ito sa kapahamakan.
"So fierce. Pero ayaw mo no'n? Imagine your new name, then. Dina Manahan, Mahusay! Palakpakan."
Magkababata ang dalawa. Parehong galing sa maiimpluwensyang pamilya. Si Paul ay mula sa pamilya ng mga negosyante. Samantalang si Dina ay mula sa isang political clan.
Mga bata pa lang pilit ng nirereto ng mga magulang n'ya si Dina kay Paul. Tipikal sa mga politikong angkan, ginagawa nila iyon ng may dahilan. Nais nilang makuha ang suporta ng mga Mahusay. Hindi lang suportang pinansyal ang pinag-iinteresan nila maging ang maraming koneksyon ng negosyanteng pamilya.
Napahimas si Dina sa sentido. Nasagad na ang pasensya n'ya sa mga 'di nakakatawang biro ng kababata. Pinalabas n'ya ang pitong higanteng mga ahas na gawa sa kanyang awra. Sa laki ng mga ito, nauumpog sila sa kisame ng penthouse.
Napalunok ng matindi si Paul. Napasobra yata ang pang-iinis n'ya sa kababata.
"Pinagsabihan na kita. Huwag ka ng manlaban, para hindi ka na masyadong masaktan." Nakangiting turan ni Dina.
Pakiramdam ni Paul may nakangising demonyo sa harapan n'ya.
"Heto na--" sabi ni Dina sabay pag-atake ng kanyang mga higanteng ahas.
"Ano?" 'Di makapaniwalang bulalas ni Paul. Nanlalaking-matang tiningnan n'ya si Dina. Humihingi ng paliwanag sa babae gamit ang mata.
"May bubwit na nakapasok. At ang lakas ng loob makinig sa usapan natin." Paliwanag ni Dina sabay turo sa sirang kisame ng penthouse.
"My money!" Naghihinagpis na turan ni Paul para sa nasirang kisame.
Si Dina naman ay umakyat sa likod ng isang higanteng ahas para dahil s'ya sa ibabaw ng penthouse. "I'll catch the rat so that you can reimbuse."
Sa itaas ay naramdaman n'ya ang sobrang preskong ihip ng hangin. Hinanap n'ya ang mapangahas na dagang may lakas ng loob pasukin ang tirahan ng guild leader ng The Company. Pero kahit anong hanap ay hindi n'ya iyon mahagilap.
Weird, sigurado akong may nagmamatyag talaga. Nalilitong turan ni Dina.
Nagkamali lang ba ako?
Wala s'yang nagawa kundi bumaba at humingi ng pasensya sa kababata.
...
Sa kalagitnaan ng kambal na gusali, sa dugtungan ng dalawang gusali naroroon si Mark Liu. S'ya ang isa sa pinakamagagaling na hitman na hunters ng Dark Resurgence.
Nakabitin s'ya sa ilalim ng dugtungang daanan. Nasa invisible state s'ya. Ang rare ability n'ya para maging invisible ang isa sa tatlong dahilan ng pagiging top hitman n'ya ng Dark Resurgence sa kabila ng pagiging rank C hunter.
Sinimulan n'yang pauguyin ang katawan. Paharap at palikod na pag-ugoy. Pinalakas n'ya iyon ng pinalakas. Nang sapat na ang lakas, kinuha n'ya ang bwelo mula sa likod papunta sa harapan.
Bumitaw s'ya.
Sa pagbitaw, diretso sa itaas ng dugtungang daanan ang bagsak n'ya. Ang ikalawang dahilan ay ang likas na galing n'ya sa parkour. Isang talentong meron na s'ya bago pa man magising bilang hunter. Ang kakayahang ito ay ilang beses na s'yang naililigtas.
Gumapang s'ya sa ibabaw ng dugtungan ng dalawang gusali. Doon ay nangapangapa s'ya.
"Nasaan na 'yon?" Paghahanap n'ya. At nakita na nga n'ya ang hinahanap. Ang daanan papasok sa gusali.
Sigurado s'yang ang bawat gusali ay may gano'ng mga daanan. Ginagawa ang mga gano'n kung sakaling kakailanganin.
Binuksan n'ya 'yon at pumasok. Nang nakapasok na sa loob, naging madali na sa kanya ang pagtakas.
"Maganda rin talaga ang vice leader ng The Company, lalo na kung nagagalit s'ya." Nakangiti ito na parang isang hangal.
Nakapamulsang lumukso-lukso si Mark nang unti-unting s'yang naglaho.
...
"Bukas aaksyon ang guild kay Clyde. Narinig ni Mark mula sa bibig mismo nina Paul at Dina na balak nilang i-recruit si Clyde. Pinaghihinalaan nila na nag-reawaken si Clyde bilang isang rank S hunter." Pag-uulat ng espiya kay Joseph mula sa telepono.
"I see. Good job. You'll be rewarded later on." si Joseph na mula sa hunter association.
"Rather than the payment, sir. Just keep 'that' promise to me." sabi ng espiya sa kabilang linya.
"Of course. Given na 'yon. As long as matapos mo ang misyon mo sa Dark Resurgence." Ultimatum ni Joseph sa espiya.
"Makakaasa ka." Pagtatapos nila ng usapan.
"Kailangan kong konsultahin ang presidente ng asusasyon sa bagay na 'to. Masyado ng malaki ang nakataya. Maaaring magsalpukan ang dalawang higanteng mga guild." Seryosong sabi ni Joseph at tumayo sa kanyang opisina.
...