webnovel

His Unofficial Boyfriend

When Greyson Alleje came into the metropolitan to start his college life, he initially expected to acquire freedom from his austere parents, but things got a little bit different when he met his heedless Korean roommate, Lee, whom he loved to bicker with even on the pettiest reasons that they can think of. Lee, on the other hand, wanted to get to know Greyson more because of how distinct he was from his former roommates. As much as he hated Greyson’s arrogance and tactlessness, he found security in him – a thing that most people could not bestow ever since that one particular incident from his past happened. When Lee detected that Greyson was in great dilemma that could potentially ruin his college life as well as his reputation, he offered something impulsive that even Grey did not consider to come, and that is to be his pretend boyfriend. Will they be able to succeed on this plan considering that they aren’t attracted to guys? Or will they just fall into their own trap considering that a person is not exactly falling for the gender?

whatrwerds · LGBT+
分數不夠
24 Chs

Jealousy is a Familiar Friend

After our Filipino Literature class, Lee and I decided to go to the cafeteria to unwind. Pareho kami ng vacant at malapit lang naman ang pagitan ng classrooms namin for the next subject, so pumayag na siya sa gusto kong sumabay na lang kami.

Pre-occupied pa rin ako sa ginawa niyang poem para sa akin. Sa taong hindi natutuwa sa mga bagay na cheesy, nasiyahan ako sa tula niya. Kung ano ang kinatutuwa ko ay gan'on naman ang kinasisimangot niya.

"What's wrong, Lee?" I asked him.

Natigilan siya sa kanyang ginagawa at tsaka siya sumagot ng, "Wala. Sige, kumain ka lang diyan."

"Ang sungit naman," I answered back. "Nga pala, 'yong sa poem mo kanina—"

"What about it?" mabilis niyang pagtatanong habang naka-kunot ang kanyang noo. Kinamot ko na lamang ang batok ko bago ako sumagot ng, "Patapusin mo muna kasi ako."

He sipped on his chocolate drink as he bowed his head.

"'Yong sa poem mo kanina . . . totoo ba iyon?" Tinignan ko siya ng maigi at nakita kong nag-iba ang mood niya. 'Yong kaninang nakasimangot niyang mukha ay naka-smirk na ngayon.

"Oo naman. Bakit, nagustuhan mo ba?"

Hindi ko alam ang isasagot ko kasi kapag sasabihin kong nagustuhan ko — which is definitely true — baka pagtatawanan niya lang ako. On the other hand, I didn't want to lie since I'm bad at it.

I chuckled before I told him that his piece was okay at best. Then I saw him rolled his eyes at tsaka siya nagsalita ng Korean.

"Ano 'yon, Lee?"

He was still looking down as he replied, "Wala, Greyson. Huwag mo na lang akong pansinin."

After that, wala na siyang inimik. Ako nama'y parang nakikipag-usap lang sa hangin dahil tango lang siya nang tango as his response to my questions.

Pagkatapos ng last subject ko ay pumunta muna ako sa grounds ng Arellano Hall para kunin kay Lee ang susi ng kwarto namin since nawala ko ang spare key ko. I texted him to meet me on the wooden bench under the kalachuchi tree, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya.

Ang nakapagtataka lang ay dapat nandito na siya since 'yong class niya ay magsa-start na in five minutes. But who am I to know? Marami siyang back subjects despite of his noticeable wit and intelligence. Baka tamad lang talaga siyang pumasok.

I texted him once again nang nakita kong pumasok na ng classroom nila ang classmates niya from Political Science but he wasn't still replying to my message.

I decided to go to the nearest restroom na lang para maghilamos, pero laking-gulat ko na lang nang maabutan ko siya roon na may kahalikang babae.

I was dumbfounded. Namutla ako sa kinatatayuan ko hindi dahil sa aktong nakita ko, pero hindi ko kayang tignan si Lee na may kahalikang iba.

I think my speculation was right: I'm starting to like him.

Umiwas ako ng tingin sa kanila nang tumigil na sila sa kanilang ginagawa. "You didn't lock the door," I told him as I was staring at myself in the mirror. "Don't cry," I whispered to myself nang makita kong parang tutulo na ang mga luha ko.

"Uhm —" the girl stuttered. Magsasalita pa sana siya when Lee cut her off.

"Greyson, this is Reese," he said while holding the girl's hand. "Reese, that's Greyson, my friend," he added before he smiled shyly.

Friend. I am just a friend to him.

The reality sinks in: This make-pretend fiasco between us could not turn into a reality.

"Nice to meet you, Greyson," Reese greeted after that. Akmang pupunta siya sa akin pero pinigilan siya ni Lee. Naramdaman kong namumula na ang mukha ko dahil sa inis kaya nagdali-dali akong pumunta sa pinakamalapit cubicle. I grabbed my handkerchief and poured out my emotions as I tried my best na hindi nila ako marinig na umiiyak doon.

"Nice to meet you, Reese," I told her. "At Lee, baka matatagalan pa ako rito. Could you just put the key malapit sa hand dryer diyan?"

"Sige, lagay ko lang 'don," he responded in a monotonous approach. Ilang minuto pa ang lumipas at may bumukas ng pinto. There I assumed that they left the restroom already. Doon na ako nag-umpisang humagulgol dahil sa nararamdaman kong sakit.

Hindi tama ito. Lalaki ako! Bakit ba kasi ako nahulog sa sarili kong patibong?

Bigla akong natigilan nang may narinig ulit akong may nagbukas ng pinto. Hinintay kong may magbukas ng isang cubicle dito, pero wala akong narinig kahit na ano.

Doon ko napagtanto na kakalabas niya lang ng restroom dahil pinauna niya si Reese.

Dahil doon ay mas lalo akong umiyak dahil sa magkahalong galit, selos, at hiyang nararamdaman ko ngayon.

*****

Pag-uwi ko ng dormitory namin ay agad akong nagpalit ng damit at pumunta sa room ni Mathias to unwind. Hindi ko kayang makipag-interact kay Lee right now and the thought of it alone just makes me want to cry. Baka maguguluhan siya o kaya naman ay lalayuan niya ako kapag makita niya akong nagmi-meltdown sa harap niya.

I found out that Mathias will hang out with Vaughn and his other friends kasi meron daw gig si JM sa bagong bar dito malapit sa university namin. Nakakahiya man ay ako na ang pumilit kay Mathias na sumama sa kanila as I told him that sa afternoon pa naman ang class ko the following day which was certainly a lie. Good thing he agreed to it since his friends like me naman daw.

I rushed to my room after akong payagan ni Mathias to change my clothes at umalis na kaagad kami pagkatapos n'on. When we were at the bar, niyakap kaagad ako nina Vaughn at ng boyfriend ni JM. I smiled a bit because I realized that I couldn't remember the name of my favorite person from their group.

"Kumusta ka na? Hindi ka namin nakikita sa school, ah," nakangising tanong ng boyfriend ni JM. While I was smiling at him, I was still trying to remember his name.

"I'm okay," I lied to him. "Ang laki kaya ng L.U. for you us to see each other," I added before we laughed.

"That makes sense," he countered. "Anyway, Mathias told us that you have a boyfriend now. Is it true?"

"Yes, an unofficial boyfriend whom I regret having right now," I muttered to myself.

"Ano raw?" Vaughn and JM's boyfriend asked in unison. Ngumiti lang ako while scratching the back of my head as I told them that I do have a boyfriend.

"Patanong-tanong ka pa sa amin dati about our lifestyle. Turns out, you're one of us as well," Vaughn remarked before he poked my waist.

Kinonyat ng boyfriend ni JM si Vaughn as he told him that what he just said was dense. "Have you heard of bisexuals and queers?"

"Ikaw 'tong dense, Kiko! 'Yong na-mean ko sa sinabi ko is the whole community," sagot naman ni Vaughn sa kanya habang nakataas ang kaliwang kilay niya. I wanted to thank Vaughn kasi naalala ko na ulit ang pangalan ni Kiko, but that would be inept.

Mathias, who was just chilling awhile ago in the corner, chimed in and told them not to fight kasi nasa comedy bar kami. "Para kayong mga bata riyan. Uminom na lang kaya kayong dalawa," he said.

"Uminom na lang tayo. Gusto kong magpakalasing ngayon," Biro ko naman habang tumatawa sa kanilang tatlo. Nagtinginan naman sila sa isa't isa at tsaka nila ako tinanong kung may problema ba ako ngayon.

"Kanina ko pa napansin na namumugto iyang mga mata mo, tapos ngayon sinasabi mo na gusto mong magpakalasing. May problema ba?" Kiko asked me. "Don't be afraid to tell us what it is. Kahit na kakakilala pa lang natin, we consider you as our friend," he added.

"W—Wala naman akong p—problema," nauutal kong sagot kay Kiko. Nagtinginan ulit silang tatlo ng ilang segundo bago nagsalita si Mathias ng, "If you say so."

"But if you need us, andito lang kami. We won't judge you. What are friends for," said Vaughn before he swigged his cold beer.

"What friends are for, Vaughn," Kiko corrected him while he was flinching.

I tapped their heads as I told him, "Kiko, Vaughn, it should be what are friends are for."

The four of us laughed it off kahit na pinipilit ko lang maging masaya at halatang nahihiya naman sina Kiko at Vaughn dahil sa mga sinabi nilang grammatically incorrect.

*****

The four of us were already tipsy when a dragged up JM walked into the stage with another drag queen. Nagpakilala silang dalawa with their drag names, and I almost choked my beer when it was his turn to introduce himself.

"Good evening, tops and bottoms! I'm Choke-ahontas at your service," he said and the whole room chuckled. "If you are wondering kung bakit Choke-ahontas ang pangalan ko, you can ask my boyfriend about it," he added before he pointed his finger at Kiko. Nagsipag-tawanan kaming tatlo habang si Kiko naman ay nakayuko lang habang may binubulong sa kanyang sarili.

"Ang ganda ng outfit mo ngayon, partner," sabi naman ng kasama niya. "Tugmang tugma ang fuchsia at white dress mo sa face mo. Mukha kang bougainvillea," dagdag pa niya.

"Bougainvillea? Bakit?" nagtatakang tanong naman ni MJ sa kanya.

"Kasi ang outfit mo ay parang mga bulaklak ng bougainvillea habang ang mukha mo naman ay parang mga tinik nito," sarkastikong sagot ng kanyang partner bago nagtawanan ang karamihan. "Nakaka-nostalgic talaga ang mukha mo. Mukha kang test paper ng kindergarten pupils na puro connect the dots ang laman," he added.

"Ano kaya ang ibig sabihin n'on?" I asked Vaughn because unlike me, the three of them were laughing.

"Ino-okray ng isa ang acne niya," sagot naman ni Vaughn sa tanong ko. When he noticed that I was cringing, he told me that drag queens tend to insult each other on stage. "It's a certain humor that they do to please their audience," he added.

Then it was JM's turn to talk. "Kahit na marami akong craters sa mukha ko, aminin natin na mas maganda pa rin naman ako sa'yo ngayon, partner," he sarcastically told his partner while looking at him in an offensive manner.

"Totoo ba iyon, mga beks?" tanong naman ng partner niya sa mga tao na nasa harap. Wala naman silang nakuhang matinong sagot kasi halo ang reaksyon ng mga tao sa tanong niya.

"Patunayan mo nga, Choke-ahontas," paghahamon ng isa sa kanya.

"Ayon sa kwentong bayan sa probinsya ninyo, nang pinanganak ka raw ay hindi ka matanggap-tanggap ng nanay mo na nag-request kaagad ito ng full refund sa tatay mo. Ang tatay mo naman, imbes na sabihin na hulog ka ng langit sa mga kaibigan niya, palagi niyang sinasabi na baka raw isinuka ka talaga ng impyerno."

Nagsitawanan ang lahat ng mga tao dahil sa sinabi niya. "Naaalala mo pa ba noong kabataan mo na binibigyan ka ng treats ng mga nakakasalubong mo sa daan?" he asked his partner while his partner nodded in return.

"Halloween Night iyon."

"Lecheng JM," natatawang sabi ni Mathias habang hinahawakan ang tiyan niya.

"Naaalala mo rin ba noong nag-swimming tayo sa Subic, tapos tinuruan kitang mag-float? Nang marunong ka na, hinayaan na kita sa dagat na mag-isa. Nagulat na lang ako nang nagsi-sigawan na ang mga bata ga gilid mo ng, "Tulong! May lumulutang na tae!"."

Doon may narinig kaming mga palakpak galing sa audience. "Ang husay ng boyfriend mo, Kiko!" wika ni Mathias habang si Kiko naman ay nakangisi lang.

"Naalala mo rin ba nang pumara ka ng taxi, tapos huminto ang taxi driver para bigyan ka ng limang piso? Eh, 'yong nagpa-picture pa para sa graduation photo mo tapos sinabihan ka ng photographer ng, "Mamaya na po ang wacky, ma'am!" Tapos 'yong pumunta ka ng park kasama ang aso mo, may nakasubong kang matandang lalaki na nagsabi na, "Ang cute naman ng kasama mong unggoy," tapos pinuna mo siya kasi aso ang pet mo at pinagalitan ka niya kasi hindi naman daw ikaw ang kinakausap niya," diretso niyang insulto sa kasama niyang namumula na sa kahihiyan.

"At last na, naaalala mo ba noong nag-celebrate ng birthday ang anak ng kaibigan mo, tapos nang dumating ka, nagsihiyawan na ang lahat kasi akala nila ikaw ang mascot?"

Nagsipalakpakan ulit ang mga tao sa pambabara niya sa kanyang partner. Even I was impressed on how he singlehandedly insulted the other performer without stuttering.

"Ano'ng masasabi mo sa boyfriend mo, Kiko?" I asked him while I pat his back.

"Nakaka-proud," diretso niyang sagot habang nakangisi.