"So, naka-move on ka na ba talaga sa kanya o kailangan mo pa ng prayer vigil namin?" direktong tanong ni JM sa akin habang hawak-hawak ang beer na binili nila ni Kiko sa labas.
"Hindi iyan sasagot for sure," naiinis namang sagot ni Mathias sa kanyang likuran.
"Okay nga lang ako. Mathias, bakit mo pa kasi pinag-alala itong sina JM, Kiko, at Vaughn?!"
"Kasi niloloko mo na ang sarili mo, Grey. Sinasabi mong okay ka lang pero buong magdamag ka diyang nakatunganga sa katapat na building," sagot naman sa akin ni Mathias.
"Ay, true! Nagsisipag kaming dalawa rito ni Mathias habang ikaw naman ay nagsisipag-yamot diyan sa isang sulok," sambit ni Kendra habang kumakain ng dalang lasagna ni Vaughn.
"Nagsisipag-tsismisan kamo," nakangiwi ko namang sagot sa kanya bago ako umirap. "Hayaan niyo na lang ako, guys. Bukas makalawa at okay na naman siguro ako," dagdag kong sabi sa kanila.
"See? Niloloko niya lang ang sarili niya! A few seconds ago, ang sabi niya ay okay siya, tapos ngayon naman ay magiging okay na naman siya bukas! Pagsabihan niyo nga iyang kaibigan natin," ika ni Mathias kina Vaughn at JM.
"Kaya nga kami nandito para maging okay ka na, hindi ba? Para ma-divert naman iyang sama ng loob mo sa ibang bagay kahit pansamantala lang. Hindi kaya nakakabuti kung dinidibdib mo iyang problema mo – lalo na't wala ka namang dibdib hindi katulad ni Kendra," sambit ni Vaughn sa akin bago silang lahat na nagsipagtawanan.
Lumapit si Mathias sa akin at hinawakan niya ang kaliwang kamay ko sabay sabi ng, "At isa pa, I asked you last time kung gusto mo pa bang ituloy natin 'tong project na ito. Ang sagot mo naman ay oo kasi gusto mong maging parte ng kasal ng ex-boyfriend mo. Ngayon na pinaplano na natin ang lahat-lahat, baka pwedeng ibigay mo na sa amin ni Kendra itong wedding nila at magbakasyon ka naman."
Sumagot ako ng, "Oo kasi unlike him, I'm committed to my job."
"Pero tama naman si Mathias, Grey," sagot ni Kendra sa likod. "Try mo sa Balesin. Maganda raw ang sunsets doon."
Nakita kong sabay-sabay na tinitigan ng apat si Kendra ng masama. Bumilis naman ang pagpintig ng puso ko dahil sa sinabi niya.
"Wait, may mali ba sa suggestion ko?" natatarantang tanong ni Kendra sa kanila, at nang nalaman nilang umiiyak na ako ay kaagad naman akong niyakap ni JM.
"Kakaltasan ko iyang sweldo mo, Kendra, dahil diyan sa bunganga mo, e," naiinis na sabi ni Mathias sa kanya.
Nang mahimasmasan na ako ay nakipagkwento na ako sa kanilang lima. I thanked them for comforting me during these trying times. Naki-inom na rin ako sa kanila at nakikanta – nagbabakasakaling sa gabing ito ay malimutan ko muna ang imahe ni Lee at ang kanyang fiancé.
"So, a little bird told me that you have a suitor. Totoo ba?" nakangiting tanong ni Kiko sa akin.
"Yes, meron akong manliligaw. His name is Griffin," I casually answered as I smiled at him.
"Bakit 'di mo pa sinasagot? Ayoko ng safe na sagot, Grey, ha?" mausisa niya namang dagdag.
"Kasi may hinihintay akong tao, but turns out, ako lang pala ang naghihintay." Nagpumilit akong ngumiti pero alam ko sa sarili kong hindi ko sila malilinlang.
"Why settle for a stream when you can have a river? Kasi the more chances that you give someone, the less they value you. Hindi sila matatakot na masaktan ka nila ulit kasi may tiwala sila sa iyo na babalik at babalik ka pa rin sa kanila kahit na niloko ka na nila, and I am certain that Lee is one of those people. Ayoko na sa huli, makikita kitang nagmamakaawa sa kanya kasi you're stronger than that. You deserve someone better than your ex-boyfriend," seryosong sagot naman sa akin ni Kiko.
"Why don't you give that guy a chance, Grey? Piloto naman siya. Gwapo. Mukhang mabango naman. Isa pa, ang sweet niya kaya sa'yo," dagdag na sabi ni Mathias.
"But what if kagaya rin siya ni Lee? What if aalis din siya once the delight and excitement depart?" I asked him. "There are still risks, Mat, and I don't want to hurt myself again."
"What if you try to find it out by yourself? Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan, hindi ba? Take some risks this time, maybe? You're already 24, Grey. Don't let one bad relationship ruin your outlook on love, kasi iba-iba ang mga tao," answered Mathias. JM and Vaughn also nodded their heads sa kanyang sinabi sa akin as Kiko clenched my hand. "Subukan mo lang, Grey."
"Are you going to live a life of risks or regrets? Pumili ka sa dalawa," dagdag na sabi ni JM.
"Meron nang Cobi si Mathias, ang tibay rin ng relationship nina JM at Kiko, ako naman ay merong Bortang ML Player na rin. Ayaw naming maging pambansang third wheel ka na lang sa aming apat. Give that guy a chance and you might thank us later," ani Vaughn.
"Wala rin akong boyfriend, Grey. Pwedeng tayong dalawa na lang ang magpatulan?" biglang tanong ni Kendra sa akin.
"Yuck, Mathias! Maghanap ka na nga sa Linkedn ng bagong assistant kasi nakakadiri 'tong babaeng ito," nakangiwing reklamo ni JM habang hawak-hawak ang isang slice ng pizza na galing kay Vaughn, pero nagtawanan lang kami nina Mathias dahil sa sinabi ni Kendra.
Kinabukasan ay umalis na rin sina Vaughn, JM, at Kiko rito sa condo ko. Napag-planuhan na rin nina Kendra at Mathias na hindi muna sila pupunta ng office bilang tutok dapat kami rito sa mga bagong kliyente namin.
Dahil sa sinabi nila sa akin kagabi, I decided to give Griffin a chance. I called him at 9 in the morning to ask him kung pwede kaming lumabas at mag-dinner which he gladly agreed to. Natuwa naman ako kasi kahit na sa cell phone lang kaming dalawa na nakikipag-uusap ay naramdaman kong masaya siya.
Pagdating ng hapon, habang ang dalawa kong workmates ay may kanya-kanyang ginagawa about sa first stage ng preparation ng kasal nila Heather at Lee ay nag-ring na naman ang cell phone ko. It was from an unknown caller, but I still answered it anyway.
"Hello?"
Malalim na paghinga lang ang narinig ko sa kabilang linya kaya nalito ako. Akmang tatapusin ko na ang call nang may nagsalita na. "Hello, Greyson?"
It was him. Ngayon ay ako naman ang hindi makasagot.
"Greyson?" pag-uulit niya pa, nagbabakasakali sigurong makasagot na ako.
"Lee?" I answered. "How did you get my number?"
"I got your number from Heather. Can we talk?"
"We're talking right now," I cynically answered. "What is this about?"
"I mean pwede tayong mag-usap nang personal?"
"About what?"
"About the wedding, of course," he answered. What could it be?
"Pwede kang pumunta ng Metropolitan Museum of Manila within an hour to meet me?"
I pretended to act as cool as I can be, pero parang tinutusok ng karayom ang buong katawan ko habang naririnig ko ang boses niya.
I wanted to hear his raspy voice again – that's what I was wishing for n'ong nawala siya, but right now I'd rather be deaf. If I were to hear his voice again, not right now that I'm defenseless and weak.
"Pwedeng sumama si Mathias o kaya si Kendra sa akin?" I asked him.
"Pwede bang ikaw na lang? I need to talk to you about some other things."
"Like what?"
"To make our break-up official, and for closure na rin."
I closed my eyes upon hearing those words. Nanikip na rin ang dibdib ko dahil doon, pero pinilit kong ngumiti para hindi niya malaman na nasasaktan ako. "Yeah, right," I casually answered. "I'll be there in an hour."
*****
Pagpunta ko sa MET ay nakita ko kaagad siyang nakatutok sa isang painting ng isang pastel-colored na orchid. Like what I had noticed when I saw him on the diner, he never really changed.
He was wearing a white sleeveless undershirt and khaki pants – one of his usual outfits back when we were inside our dorm room. 'Yong pagkakaiba lang ay marami na siyang tattoos sa kanyang braso ngayon.
If I were dumb enough, I would probably run at him and hug his back kahit na ang laki ng atraso niya sa akin – but I know that it is not possible. Hindi ko kayang mahawakan ang nakikita ko ngayon dahil hindi na kami tulad ng dati.
"Hi," nakangiti kong bati sa kanya na siya namang ikinagulat niya.
"Hi," sagot niya naman bago siya umatras.
"Bakit ka umatras? Parang nakakita ka naman ata ng multo," natatawa kong sabi sa kanya. Tumawa rin siya at tsaka siya sumagot ng, "Ginulat mo kasi ako."
I pouted as I looked at him. "Dapat nga ako ang magulat kasi ikaw ang parang multo sa ating dalawa."
He bitterly laughed at what I said. "Look, I'm sorry, Grey –"
"Iyong buong akala ko talaga ay namatay ka na. I couldn't find you anywhere after mong umalis. Hindi kita mahanap sa social media o kahit sa mga lugar man lang na pinuntahan natin dati. On the day that we first met, we didn't even say our hellos, and ironically, we didn't also get a chance to bid our goodbyes at each other. We did not even have a proper break up. You just left me without any warning or any sign. Kung meron man sa atin na dapat magulat, ako dapat iyon. Sa ating dalawa, ikaw ang nanggu-ghost. Kusa ka na lang kasing nang-iiwan," I said before I smiled at him. "But I know that you're genuinely sorry about what happened. Do you mind if I ask you kung bakit mo ginawa iyon?"
He bowed his head down as he countered, "I couldn't give you exactly what you needed to hear, pero para maliwanagan ka, natakot ako. Naduwag ako. Nagmahal lang naman ako sa'yo, pero bakit parang ayaw ng mundo sa ating dalawa?"
"Hindi kita maintindihan."
He sighed heavily as he clenched his hand. Nakita kong puno ng mga sugat ang isa niyang kamay kaya tinanong ko siya kung ano ang nangyari riyan in which he said that it was an accident during his work.
"You don't need to understand anything for now, Grey. May panahon din para riyan."
"Alam mo, Lee, nakakasawa nang umasa pagdating sa'yo. Naghintay na ako ng anim na taon para masagot mo ang mga tanong ko and right now you are only giving me perplexing answers. If you don't want to tell me, that's fine. Right now, my purpose is to be one of your wedding planners."
"That's why I need you here. Kailangan nating mag-usap regarding sa kasal namin ni Heather because it's our job to make her happy. Dito ko siya gustong pakasalan."
I grimaced as I shifted the topic. "So, is being Heather's groom a job for you?"
He just beamed while he was looking at the painting in front of us. "It's my obligation, Grey. I love her that's why I wanted to give her the wedding that she deserves, and I know that you're capable of that."
"Wow," I said to myself. How could he say those words to his ex?
"Pwedeng humingi ng pabor sa iyo, Lee? Ibigay mo na lang ito sa akin para maging patas naman tayo," I asked him.
"A-ano iyon?" pag-uutal niya namang sagot.
"Lee, kapag sawa ka na o hindi kaya ay natakot ka, pwede bang huwag mong gawin sa kanya ang ginawa mo sa akin? Pwede bang kahit na ano ang mangyari, ipadama mo sa kanya na worth-it siyang ipaglaban? Kasi hindi ko naranasan iyon galing sa'yo and words could not express how hurt I was when you left me. Binuo kita pero sinira mo ako. Sinira mo ang taong walang ibang ginawa kung hindi ay mahalin ka. Ngayon na ikakasal ka na, sana'y sigurado ka na kasi ayokong may isang tao ka na namang masasaktan kasi natatakot ka lang."
Nakita kong namumula ang mga mata ni Lee pagkatapos kong magsalita, pero wala siyang isinagot sa akin kung hindi ay isang direktong, "Oo."
"That's good to know. So, is this the part that we are officially breaking up?"
He shyly smiled at me. "Yes, this is our official break-up."
Kung alam niya lang talaga kung gaano kasakit ang kanyang sinabi, sana pinuna ko na siya. Sana umiiyak na ako rito ngayon, pero ayoko siyang malito. At ayaw ko siyang makita akong naghahabol pa sa kanya kasi hindi na iyon tama.
"Great. Ngayon ay malaya na tayo sa isa't isa."
The moment that I left the museum, I felt that I was carrying the whole world. Ang bigat sa puso na wala na talagang pag-asa na namamagitan sa aming dalawa – that we are now just as close as strangers who are just associated because of our wedding responsibilities.
Pinilit kong ngumiti habang naglalakad ako rito sa may parking lot kasi ayokong pagtinginan ako ng mga tao, but as soon as I locked myself in my car, doon ko na ibinuhos ang lahat ng sama ng loob ko. Sa anim na taon, nagpakatanga lang ako sa isang taong isang 'sorry' lang pala ang kayang ibigay sa akin.
But I should be happy for him, shouldn't I?
From this day forward, I'll forget that we were once attached.
From this day forward, I'll learn to finally let go.