webnovel

Chapter 43

"Tapos na kayo?" Bungad na tanong ni Dylan. Kumakamot ito sa ulo at bahagyang napapahikab na. 

"Mmm... Matulog ka na. Maaga pa tayo bukas, sasama ka sa amin ni Mira sa opisina," wika ni Sebastian at tumango naman si Dylan. Tahimik na itong pumanhik sa kwarto nito at naging seryoso naman ang mukha ng dalawa.

"Gumagalaw na ang Orion, hindi ko alam kong paano nila nalamang buhay si Dylan pero ang hinala ko may kinilaman dito si Antonio. Naaalala mo ba ang unang imbestigasyon natin na nahinto dahil pinabulaanan ito ng Matandang Kristoff?"

"Tungkol sa haka-haka na si Dylan lang ang totoong anak ng mga Kristoff at isang huwad lang si Antonio? Paano kong malilimutan iyon?" Nakangising tanong ni Sebastian at napatingin sa binata. Hindi niya makakalimutan ang mga panahong iyon dahil doon unang nagkasalubong nag kanilang mga landas.

"Ano ang tungkol dun?" Tanong ulit ni Sebastian.

"May rumors na kumakalat, na nakipagkasundo si Antonio sa Orion? Ayon sa spy natin, binago ng matandang Kristoff ang kaniyang Last Will at sixty percent ng assets ng matanda ay mapupunta kay Dylan." Sagot ni Jacob at uminom ng wine.

"Alam ba ito ni Dylan?"

"Hindi pa niya alam, ang lolo lang naman niya ang mabait sa kaniya sa pamilyang iyon at baka kapag nalaman niya ay bigla siyang sumugod sa mansyon at mapahamak pa sila pareho," Tugon ni Jacob.

Lalong umigting na naman ang galit ni Sebastian kay Antonio dahil sa narinig. Ito ang pangalawang beses na kinanti niya ang mga taong mahalaga sa kanya. He treat Dylan as his younger brother at hindi siya papayag na ang isang tulad lang ni Antonio ang sisira sa mga taong pinahahalagahan niya.

Kinabukasan ay maaga pa lamang ay nasa building na sila ng Saavedra Corps. Hindi ito ang unang pagkakataong nakapunta dito si Dylan dahil noon pa man ay madalas na rin siyang isinasama dito ni Sebastian. Bukod sa pagtambay ay minsan na rin niyang nasubukan ang manatili sa mga departments upang matuto. Isa rin ito sa mga paraan ni Sebastian para ihanda si Dylan sa hinaharap. Alam niyang balang araw ay magiging isang tagapagmana si Dylan ng sarili nitong kompanya at ngayon pa lamang ay ini-expose na niya ang binata sa mga dealings na nangyayari sa mga ganitong kalaseng tarabaho.

"Sir Dylan, buti naman at nakabalik ka na ulit dito. Good morning Ma'am Mira." bati ng isang empleyado. Simula noong araw ng anniversary celebration nila ay nag-iba na ang pakikitungo ng mga empleyado kay Mira. Hindi na din nakabalik si Christy sa trabaho at tuluyan na itong na-ban sa lahat ng mga kompanyang pagmamay-ari ng Saavedra at sa iba pang kompanyang affilliated dito.

"Good morning, Mira na lang ang itawag niyo sa akin, hindi naman ako isang superior sa kompanyang ito. Bisita lamang ako." Nahihiyang wika ni Mira at napangiti nag empleyado. Paglisan nila ay agad na nagbubulungan ang mga ito.

"Napakabait talaga ng asawa ni Mr. Saavedra. Paano kaya sila nagkakilala. Ang akala ko talaga noon bakla si Sir. Yun pala may tinatago na siyang asawa. "

"Oo nga ako rin. At bukod sa maganda na, mabait pa . Ang swerte naman ni Ma'am Mira. "

"Palagay ko mas maswerte si Sir Sebastian."

Bulungan ng mga ito na . Nagkatinginan naman si Mira at Dylan nang makasakay na sila sa elevator at natawa.

"Sa tingin mo magagalit ba ang Kuya mo kapag narinig niya ang mga bulungan ng mga empleyado niya?" Tanong ni Mira.

"Tingin ko, sasang-ayon pa siya," simpleng sagot ni Dylan at nagkibit-balikat.

Lumipas pa ang maraming araw at muli nang bumalik sa paaralan si Mira at Dylan. Naging maayos naman ang pagbubukas ng kanilang klase at may iilan silang mga kaklase na lumipat na ng America para doon na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Sa pagkakataong ito at hindi na si Matthew Vonkreist ang kanilang magiging guro ngunit ito pa rin ang magiging pangunahing adviser nila hanggang sa makatapos sila.

"Grabe ang tagal ng isang buwan, na-miss ko kayo!" Wika ni Rose at yumakap kay Veronica at Mira. "Nakakalungkot dahil kailangan lumipat ni Yumi at Rica." dagdag pa nito bago sila naupo sa kani-kanilang upuan.

Napatingin naman si Mira sa mga bakanteng upuan at maging siya ay nakaramdam din ng kalungkutan. Isang buong taon din nilang nakasama ang dalawang iyon at masasabi niya napalapit na rin ang loob niya sa mga ito.

Natapos ang klase nila nang walang naging problema at tahimik nilang iniusad ang bawat araw ng klase nila sa kanilang paaralan. Sumapit ang pagtatapos ng unang isang buwan nila sa sekondarya at pare-pareho na silang gumagawa ng mga nakaatang na takdang gawain nila.

Sa isang banda, hindi naman mapakali si Veronica dahil sa kaniyang kakaibang nararamdaman. Noong isang linggo pa siyang nakakaramdam ng panghihina at kadalasan ay wala siyang ganang kumain. May mga araw din na kapag kumakain siya ay nasusuka siya.

"Vee, ayos ka lang ba?" Tanong ni Mira nang makita ang pamumutla ni Veronica.

"Ayos lang ako, masama lang ang tiyan ko. Di ko alam kung bakit." nakasimangot na wika ni Veronica habang nagtitipa sa kaniyang cellphone, ka-chat niya noon si Ethan na nagtatanong rin kung kamusta na siya.

"Sigurado ka? Mukha kang di okay, gusto mo bang pumunta muna tayo sa clinic para makapagpahinga ka? Wala naman tayong klase sa next period natin." Suhestiyon ni Mira na agad din namang sinang-ayunan ni Veronica.

Tinungo na nila ang clinic at saktong wala naman taoo roon kaya naman komportableng nahiga si Veronica sa isa sa mga higaan doon. Nagbantay naman si Mira habang nakaupo sa gilid ng higaan ni Veronica. Hinayaan lang niya itong makatulog, habang siya naman ay nakatuon ang pansin sa kanyang cellphone.

Kinahapunan ay sabay-sabay na din silang nagsi-uwian. Bago umuwi ay sinigurado muna ni Mira na maayos na ang pakiramdam ni Veronica. Nakangiting yumakap naman sa kaniya si Veronica bilang pasasalamat sa pag-aalaga nito sa kaniya.

Pagdating sa bahay ay agad na naligo at nagbihis si Veronica upang maagang makapagpahinga. Hindi na siya kumain ng gabing iyon dahil wala din naman siyang ganang kumain.

Lumipas ang gabi na hindi nagung maayos ang tulog ni Veronica. Hindi niya maintindihan pero masama talaga ang pakiramdam niya. Yung tipong para siyang lalagnatin pero hindi naman. Kinabukasan ay napabalikwas siya ng higa at patakbong tinungo ang banyo. Halos ilabas niya ang kaniyang buong sikmura dahil sa pagsusuka.

Napakapit siya sa dingding habang pilit na pinapakalma ang sarili.

"Ano ba talaga ang nangyayari sa akin?" Tanong niya sa sarili habang naghihilamos. Gumaan ang pakiramdam niya nang maramdaman ang malamig na tubig sa kaniyang balat. Napatingin naman siya sa kaniyang repleksiyon sa salamin at isang alaala ang muling nanumbalik sa kaniyang isipan.

"Hindi kaya..." Nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa mga alaalang iyon.

Noong gabing nawalan siya ng malay dahil sa kalasingan magdadalawang buwan na ang nakalilipas ay isang nakakahiyang pangyayari ang kaniyang naranasan. Nang magising siya kinabukasan ay wala na siyang nagawa kundi ang tanggapin ang pangyayaring iyon at ibaon sa limot. Katulad na lang ng napag-usapan nila. Hindi na rin naman malaking problema ang pangyayaring iyon dahil sa moderno na din naman ang paniniwala ng mga tao ngayon hindi katulad noong una.

Subalit, kung tama ang hinala niya...

Napasabunot si Veronica sa kaniyang buhok at dali-daling naligo at nagbihis. Hindi pwedeng kalimutan ang nangyari dahil paniguradong pap*tayin siya ng kaniyang Lolo sa palo. Kailangang malaman ito ng taong batong iyon , hindi pwedeng siya lang ang mag-isip ng solusyon.

Matapos magbihis ay dali-dali niyang kinuha ang kaniyang sasakyan sa garahe at pinaharurot iyon. Sa kalagitnaan ng byahe ay nag-iwan siya ng mensahe kay Mira na liliban muna siya sa klase dahil masama pa rin ang pakiramdam niya. Pagdating niya sa building na nais niyang puntahan ay napatingala lamang siya rito at napalatak.

"Tsk. Talagang pahihirapan pa ako." Inis na sambit niya sa kaniyang sarili habang nakatingala sa napakataas na building sa kaniyang harapan. Bumungad sa kaniya ang malaking karatula na nakapaskil doon at muli siyang napalatak.

"Heinrich Corp., Tsk." Napailing na lang siya at tuloy-tuloy na pumasok sa building na iyon. Agad siyang nagpadala ng mensahe sa kaniyang naisa katagpuin at dire-diretsong tinahak ang landas patungo sa elevator. Wala siyang pakialam kung busy man ito. Mas mahalaga ang problema niya ngayon at hindi ito maaring ipagpabukas pa.

Pagdating niya sa pinakamataas na palapag ay mabilis niyang tinahak ang opisina nito. Sinubukan pa siyang pigilan nang mga taong naroroon ngunit huli na ang lahat. Malakas na sinipa niya ang pinto at lumikha iyon ng kapangi-pangilabot na epekto para sa mga taong naroroon. May iilan pa ngang napapapikit dahil paniguradong mapapagalitan silang lahat dahil hindi agad nila napigilan ang babaeng ito na bigla na lamang sumulpot sa kanilang building.

"Sir hindi na po namin siya napigilan." Hinging paumanhin ng isang babae na nakasalamin na siyang nakaupo naman malapit sa pintuan ng opisina.

Napalingon naman dito ai Veronica at napataas ng kilay.

"No one dared to stop me. Not even your boss!" Nakataas ang kilay na wika ni Veronica at muling ibinaling ang tingin sa binatang prenteng nakaupo sa upuan nito habang nakatingin lamg sa kaniya na animo'y nakakita ito ng isang kakatuwang bagay.

"Ms. Triaz, what brings you here?" Kampanteng tanong ng binata at tila ba lalong uminit ang dugo ni Veronica. Masamang tinitigan niya ito at padabog na lumapit sa mesa niya bago pabalang na isinara ang pinto.