webnovel

Chapter 42

Kinabukasan, halos tanghali na nang magising si Mira. She felt sore all over, pakiramdam niya ay binagsakan siya ng malaking tipak na bato dahil sa sakit. Dahan-dahan siyang tumagilid at nakita niya si Sebastian na noo'y nakatitig sa kaniya.

"Bastian..." Hindi na naituloy ni Mira ang sasabihin dahil mabilis na sinakop ng binata ang kaniyang mga labi. It felt like eternity but to her surprise she didn't fainted like before.

"You were so beautiful last night Mrs. Saavedra." Nakangiting wika ni Sebastian.

Mira's heart skip a beat when she saw him smiled. Napatulala lamang siya sa guwapong mukha nito na tila ba ito ang unang pagkakataong nakita niya itong ngumiti. Napakaganda kasi ng ngiti nito na animo'y nanalo ito sa lotto.

Bahagya siyang gumalaw mula sa pagkakayakap nito at napangiwi naman siya nang sumidhi ang sakit sa kanyang balakang. Agad din namang binitawan siya ni Sebastian nang makita nito ang kanyang naging reaksiyon.

"Are you okay, I'm sorry, did I hurt you?" Nag-aalalang tanong ni Sebastian at mabilis na binuhat si Mira at dinala sa banyo. Naitakip naman ni Mira ang kamay sa kaniyang mukha dahil sa sobrang pagkahiya.

Pagdating sa banyo ay agad na inilapag ni Sebastian si Mira sa ibabaw ng sink at tiningnan kung may sugat ba ito sa parteng iyon. Napasinghap naman si Mira sa ginawa nito at lalo siyang pinamulahan ng husto.

"Wait here," sambit nito at may kung ano itong kinuha sa medicine cabinet na malapit lamang sa sink. Napatingin naman dito si Mira at nakita niya itong kumuha ng isang maliit na garapon. Binuksan ito ni Sebastian at lumapit na sa kanya.

"Mira open your legs." Utos nito at napanganga lang siya.

"Mira, I will just put some medicine to make it better," wika nito at muling namula ang kaniyang pisngi.

"Ako na ang maglalagay." Untag niya at umiling si Sebastian.

"You are hurt because of me,let me do this," muling turan ng asawa niya at wala na siyang ginawa kundi ang magpa-ubaya rito.

He slowly spread medicine to that part and she felt a soothing and cooling effect which made her sigh. Muli na siyang ibinalot ni Sebastian sa kumot at saka sila bumalik sa higaan.

"Magpahinga ka na muna, I know you are tired. I'll have the kitchen prepare something for you. Anong gusto mong kainin?" Tanong nito at napaisip naman siya. Nangislap ang kaniyang mga mata nang maalalang kagabi pa niya gustong kumain ng fried chicken na maanghang.

Natawa naman si Sebastian nang marinig ang request nito dahil sa isip-isip niya ay parang batang sabik si Mira habang binabanggit ang fried chicken.

Mabilis na bumaba si Mira nang makalabas n ng kuwarto si Sebastian at kumuha ng damit na kaniyang maisusuot. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang may nangyari na sa kanila ni Sebastian. Although, kasal na silang dalawa ay hindi pa rin niya maiaalis sa kaniyang sarili ang hindi mahiya rito.

Ngunit ang ipinagtataka niya ay siya din naman ang kusang nagsindi ng apoy kagabi. Marahil ay dala pa rin ng nainom niyang alak iyon. Nang makabihis na siya ay muli siyang bumalik sa higaan upang magpahinga.

Lumipas ang tatlongpung minuto ay bumalik na si Sebastian dala-dala ang isang plato mg fried chicken, nakasunod naman dito ang dalawang katulog na may bitbit na kanin at juice.

Inilapag ng dalawa ang mga dala sa mesa at agarang din nilisan ang kwarto.

"Let's eat, habang mainit pa. " Tawag ni Sebastian sa kanya habang inaayos ang pagkain sa mesa.

"Bastian, how's Veronica?"

"She's alright, naihatid siya ng maayos ni Gunther kagabi."

"Mabuti naman. Natakot talaga ako kagabi nang makita ko iyon. Bastian, si Veronica ang isa sa mga unang naging kaibigan ko at ayokong napapahamak siya. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko noong gabing iyon pero isa lang ang natatandaan ko, I wanted to k*ll them. Kapag naiisip ko iyon, kahit ako ay natatakot sa sarili ko." Mahabang wika ni Mira.

"Ayos lang yan, hindi ba't sinabi ko na sayo kagabi na kahit anong mangyari , nasa likod mo ako palagi. Kaya kumain ka na, bago pa lumamig at maluma itong fried chicken mo." Sabi ni Sebastian at nakangiting tumango si Mira.

Matapos kumain ay muli na silang nahiga para magpahinga. Nakasandal si Sebastian sa magkapating na dalawang unan habang nagtitipa ito sa kanyang laptop na nakapatong naman sa gilid niya, habang si Mira naman ay tahimik na nakahiga sa binti ng binata habang nakatingin sa cellphone nito at naghihintay ng mensahe galing kay Veronica.

Mayamaya pa ay muli na siyang nakatulog dahil sa sobrang pagod at hindi na niya namalayan ang oras. Halos magdadapit-hapon na nang muli siyang magising at nakita niyang nakagayak na si Sebastian.

Bumangon na siya at tinungo ang banyo para maligo. Bahagya pa siyang napangiti nang makitang nandoon na ang kanyang bathrobe at mga gagamitin sa paliligo. Matapos maligo ay lumabas na siya para tuyuin ang kaniyang buhok at dali-daling nagbihis ng damit.

Pagbaba nila ay sumalubong naman ng yakap si Mira sa kaniyang ama.

"Dad, ma-mi-miss kita, mag-iingat kayo palagi. At yung diet mo, huwag mong kalimutang kumain sa tamang oras at ang gamot mo. "

"Itong batang ito, dinaig mo pa ang Mommy mo." Natatawang wika ni Liam ngunit sa kaloob-looban niya ay lubos siyang natutuwa sa mga paalala nito.

"Dad, masanay ka na, dahil palagi na akong mangungulit at magpapaalala sayo. Dadalaw ako kapag nalibre na ang oras ni Bastian," wika pa niya at muling tumango si Liam. Ibinaling naman nito ang tingin kay Sebastian at tinapik ang balikat nito.

"Ingatan mo itong prinsesa ko. Sebastian, kaoag may problema ka tumawag ka lang. Dad will come back soon at nais niyang maikasal kayo ng pormal ni Mira. This time as a Vonkreist. I will talk to your grandparents one of this days," suhestiyon ni Liam at agad ding sumang-ayon si Sebastian.

Mira deserve a proper and an unforgettable wedding. She deserve everything that the world has to offer.

Matapos magpaalam ay agad na ding lumisan sila Sebastian at Mira upang bumalik sa kanilang tahanan.

Madilim na ng dumating sila at agad na din silang nagpahinga, nang makatulog na si Mira ay dahan-dahang bumaba sa kama si Sebastian at tinungo ang bahay ni Dylan di kalayuan sa bahay nila. Naabutan pa niya ang dalawang nakaupo sa sofa, si Dylan ay nakatuon ang mata sa pinapanuod nitong cartoons sa tv habang si Jacob naman ay abala sa nilalantakan nitong tsitsirya.

"Kamusta ang mga bisita?" Tanong ni Sebastian at pasimpleng itinuturo ang isang pintuan.

"Ayon, kahapo pa bored. Nami-miss ka daw." Kumakaing tugon ni Jacob. Sumunod naman ito sa kaibigan nang makita nito ang pagtahak ni Sebastian sa pintuan itinuro niya.

Pagbukas ng pinto ay tumambad sa kanila ang isamg hagdan patungo sa baba. Madilim ang daanan ang bumungad sa kanila sa pagdating nila sa baba ng hagdan. Sebastian clap his hand and the lights went on. Doon ay kitang kita ni Sebastian ang mahabang hallway na siya namang tinahak nila ni Jacob.

This place was their playground. Ito din ang luhar kung saan nila ikinukulong ang mga taong magkakasala sa kanilang grupo. Sa kanilang paglalakad sa loob ay narating nila ang isang malawak na seldaa na siyang pinagkukulungan ng mga lalaking bumastos kay Mira at Veronica.

"Dumaan dito si Gunther kanina. Wala kayong pinagkaiba sa pagpapahirao sa mga taong may atraso sa inyo," salaysay ni Jacob at ibinigay sa kaibigan ang susi na siyang magbubukas ng selda ng sampong lalaking iyon.

Napansin niya ang mga nagdurugong mga kamay ng mga ito senyales na isa-isang binunot ni Gunther ang mga kuko ng mga ito.

"Tsk... Mukhang nagsaya ng husto si Gunther ah." Naglalakad na wika ni Sebastian at sinipa ang isang lalaki na nakahandusay sa sahig.

"Sinabi mo pa, hindi ko alam na may tinatagong bangis pala ang apo ni General Vonkreist." Umiiling na tugon ni Jacob.

Muli niyang tinitigan ang mga sitwasyon ng mga ito at tila ba nawalan ng gana si sebastian na galawin ang mga ito at isang ideya ang pumasok sa kanyang isipan.

"Dumating na ba ang mga aso ni Dylan?"

"Saktong-sakto ang dating." Tugon ni Jacob at napangisi si Sebastian. Hindi kasi ordinaryo ang mga asong iyon ni Dylan. Kundi mga gutom sa laman na mga hyenas.

"Pakiwari ko ay gutom na sila. Dalhin mo dito at nang makakain na." Utos ni Sebastian at muling lumbas sa selda at ikinandado iyon. Wala na din kasing silbi na parusahan pa niya ang mga ito dahil madudumihan lang ang mga kamay niya ng dugo ng mga ito.

Ayaw niyang maamoy ni Mira ang dugo aa katawan niya.

"Dalhin niyo na dito ang alaga ni Dylan, may inihandan piging ang boss niyo." Wika ni Jacob habang tumatawag sa kung sino.

Agad na din silang bumalik sa taas, bago pa man nila naisara ang pintuan sa basement ay narinig nila ang mga iyak ng hyenas at ang katakot-takot na sigaw ng mga kalalakihan. Pagkasara ng pinto ay agad din nawala ang mga sigawang iyon na animo'y walang nangyayaring karumaldumal sa bahay na iyon.