webnovel

Chapter 27

"Let's go home?" Aya pa ng binata at muling tumango ang dalaga.

Sa paglipas pa ng mga araw ay lalong dumami nang dumami ang mga tambak na trabaho na ibinibigay kay Christy. Simula sa marketing hanggan sa ibang department ay kung anu-anong trabaho ang ibinibigay sa kanya. Halos mangayayat ito sa sobrang puyat at pagod at ni hindi nito magawang kumain ng tanghalian kapag nasa trabaho na siya.

Hanggang sa dumating ang nalalapit na anniversary ng kompanya at nakatanggap siya ng invitation galing mismo sa opisina ng CEO. Tuwang-tuwa naman siya nang matanggap niya ito at halos ipangalandakan niya sa kanyang mga kaopisina ang kanyang natanggap.

"Manager bakit si Christy nakatanggap ng invitation, kaming mga baguhan eh wala." Wika ni Mica na isa rin sa mga kasabayan ni Christy na pumasok sa kompanya.

"Oo nga Manager, bakit naman ganon. Napaka-unfair."

"Hindi ko din alam, nagulat din ako dahil galing mismo iyan sa may-ari ng kompanya." Wika naman ng Manager nilang si Dorothy.

"Baka naman palihim niyang inaakit ang may-ari kaya ganun." Pabulong na wika ni Mica at tumango naman ang iba nilang kasama. Napataas lang ng kilay si Christy at tinawanan ang mga ito.

"At kelan niyo naman ako nakitang lumabas ng opisina habang nandito ako? Sa dami kong trabaho wala na akong oras para diyan." Umiirap na wika ni Christy sabay hawi sa kaniyang mahabang buhok.

Paisa-isa namang lumayo sa kanya ang kanyang mga kasama habang nagbubulungan pa rin ang mga ito. Naging laman ng usapan ng buong kompanya si Christy.

"Sir, naibigay ko na kay Miss Torres ang invitation, siya ba ang magiging escort mo sa party?" Tanong ni Celia, ang head ng kanyang mga secretary.

"No, iba ang magiging escort ko. I invited her for another reason. I prepared something for her." Makahulugang wika ni Sebastian at napaawang naman ang bibig ng ginang. Hindi naman ito nakaimik dahil sa isip-isip niya ay ganoon naman talaga ang mga mayayaman minsan. She was about to say something when Sebastian cut her off.

"I also want you to prepare a dress for her. " Wika ni Sebastian at lalong lumakas ang hinala nito, magkaganun pa man ay sinunod niya pa rin ang utos nito.

Kinabukasan ay lubos ang kasiyahan ni Christy nang makatanggap na naman siya ng regalo galing sa opisina ng may-ari. Pinagkumpulan naman siya ng mga kasamahan niyang babae at hindi maalis ang inggit at mangha sa mga mukha nito. Di naman mapalis-palis ang ngiti sa labi ni Christy, pakiramdam niya ay nasa langit siya.

"Wow, iba na iyan ha. Alam niyo ba, ito ang unang pagkakataon na nagregalo si Sir Sebastian sa isang empleyado. Mukhang natipuhan ka nga ng boss natin Christy." Wika ng isang babae.

"Oo nga, dinig ko pa pihikan sa babae iyang si Sir. Napakaswerte mo naman Christy. Baguhan ka pa lang ay nakuha mo na agad ang atensyon ni Sir." Sambit naman ng isa na lalong nagpalapad sa kanyang ngiti.

"Ano ba kayo, marahil ay nagustuhan lang nito ang aking pinapakitang kasipagan." Pa humble na wika niya pero sa isip-isip niya ay isa-isa na niyang minum*ra ang mga kasamahan niyang nakikipagplastikan lang sa kanya.

'Makikita niyo, kapag talaga naging boyfriend ko si Sir Sebastian, isa-isa ko kayong pahihirapan."

Naging matunog ang usap-usapan tungkol kay Christy at kay Sebastian na ipinagkibit-balikat lang naman ni Mira. Nagbabasa siya sa forum ng kompanya kasama si Veronica na noon ay sobrang gigil na.

"Sino ba iyang Christy na yan?"

"Pinsan ko . Dito siya ngayon nagtatrabaho." Wika pa ni Mira. At napataas ang kilay ni Veronica.

"Mira, why did you let Sebastian hire her? Hindi ba niya alam ang pananakit ng pinsan mo sayo?" Tanong ni Veronica at napangiti namna si Mira. Pinatay na niya ang cellphone at sumandal sa sofa.

"Alam niya. Sabi niya may ihahanda daw siyang sorpresa para kay Christy sa anibersaryo nitong kompanya. At sabi pa niya, makakabawi na daw ako sa lahat ng pang-aapi nila sa akin." Sambit pa ni Mira at doon lang natauhan si Veronica. Napangisi ito at tumabi sa kaibigan.

"Iba din si Sebastian ha, kaya ikaw, bumawi ka ng bongga sa araw na iyon. Hindi na uso ngayon ang maging mabait. Ang kabaitan ay ipinapakita lamang sa mga taong karapat-dapat." Humahalakhak na turan ni Veronica.

Kinahapunan ay muli nang sinundo si Veronica ng pinsan nitong lalaki. Tulad ng dati ay inihatid naman ni Mira ito sa labas ng kompanya. Matapos maihatid ang kaibigan ay muli na siyang bumalik sa taas upang tingnan kung tapos na ba ang trabaho ni Sebastian. Nang papaakyat na siya ay muli niyang nakasalubong si Veronica. Nakangisi ito sa kanya na tila ba nangungutya.

"Look who's here again? Bakit ba lagi kang pakalat-kalat dito? Dito ka din ba nagtatrabaho? Imposible, dahil hindi kapa nakapagtapos." Pakutyang wika ni Christy, kasama nito ang isa niyang naging kaibigan sa kompanyang iyon.

"Wala kang pakialam kung pakalat-kalat ako dito, hindi naman ikaw ang may-ari ng lugar na ito, di ba?" Palabang tugon ni Mira. Hinarap niya ito nang buong tapang habang nakakuyom ang palad niya sa likod ng kanyang palda.

"Aba, at lumalaban ka na ngayon. Bakit, may ipagmamalaki ka na ba? Palamunin ka pa rin naman hanggang ngayon di ba? Hindi ka ba nahihiya?" Tanong nito.

"Sino ba yan Christy?"

"Yan? Siya lang naman ang bastardong anak ng kapatid ng nanay ko. Ni hindi namin alam kung sino ang tatay niya. Basta nalang yang dumating sa buhay namin kasama ng kanyang nanay." Sagot naman ni Christy at napangiwi ang kasama nito ngunit hindi ito umimik.

"Christy, naturingan kang nakapagtapos subalit sa ugaling ipinapakita mo, mas masahol ka pa sa mga taong walang pinag-aralan. Bakit, ganyan ba ang itinuro sayo sa paaralan dahil kung oo, mas nanaisin ko nalang na hindi makapagtapos kisa maging katulad mong walang modo. " Wika ni Mira sabay talikod sa mga ito. Hindi pa man din siya nakakalayo ay naramdaman niya ang pagsabunot at paghatak nito sa knayang buhok. Dahil sa gulat niya ay napaatras siya at marahas na nilingon ito at hinawakan ang kamay nitong nakahawak sa kanyang buhok. Mabilis niyang pinilipit ito at napasigaw si Christy dahil sa sakit.

"Ito na ang huling pagkakataong hahayaan kitang saktan ako. Sa susunod hindi na ako magdadalawang isip na ibalik sayo ang lahat ng sakit na ibinigay mo sa akin." Naluluhang wika ni Mira at muling tumalikod.

"Pinagbabantaan mo ba ako? Sino ka ba para pagbantaan ako, anak ka lang naman sa labas ng nanay mong malandi. " Pasigaw na wika ni Christy na saglit na ikinahinto ni Mira sa paglalakad. Mabilis siyang lumingon at lumapit dito sabay sampal sa pagmumukha nito. Dahil sa lakas ng pagkakasampal ni Mira ay dumugo ang gilid ng bibig at ilong ni Christy. Napasigaw naman ito nang makita ang dugong iyon. Maging ang kasama nito ay nagpanic na dahil sa pangyayari. Hindi naman niya alam kung paano aawatin ang mga ito dahil hindi niya alam kung kanino ba siya dapat kakampi.

"Christy, tama na. Baka mapagalitan tayo at magkarecord. Tayo na." Aya ng kasama nito sabay hatak sa kanya papalayo.

Nang mawala na sa paningin ni Mira si Christy ay napatingin naman siya sa namumula niyang palad at bahagya siyang nakaramdam ng kaginhawaan dahil sa ginawa niya. Ganoon pala ang pakiramdam nang nakakabawi sa kaaway. Pakiramdam niya ay nabunot ang isang malaking tinik na matagal nang nagpapahirap at nagpapasikip sa kanyang dibdib.

Nang tuluyan nang humupa ang kanyang nararamdamang tensyon ay minabuti na niyang bumalik sa opisina ni Sebastian. Naabutan niya itong nakaupo sa kanyang upuan habang nakasandal doon at nakapikit. Bahagya niyang inayos ang mga folders na nakakalat sa mesa nito at inilagay sa bandang dulo ng kanyang mesa.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya sa binata.

Napamulat naman ng mata si Sebastian at bahagyang ngumiti sa dalaga.

"I'm alright, hinihintay lang kita. Nakauwi na ba ang kaibigan mo?" Tanong ni Sebastian ay bahagyang uamyos ng upo.

"Yes, naihatid ko na siya sa labas. Siyanga pala Sebastian, bukas na ang party niyo di ba?" Tanong niya at tumango naman ang binata bilang tugon.

"Pwede ba akong umatend?"

"Of course, ikaw ang magiging kapareha ko. You are my wife, you have all the right to attend the party. At ipapakilala na din kita sa mga empleyado ko. This way, they will know who you really are."

"Okay." Sang-ayon lang naman niya. Alam niyang hindi siya ipapahamak ni Sebastian. It would also be beneficial to her dahil malalaman ni Christy na hindi na siya ang dating Mira na madali lang nilang masasaktan. Tama si Veronica, Sebastian will be her strongest backer on this fight.

"Bastian, kapag ba may ginawa ako bukas sa party, hindi ka magagalit sa akin?"

"Why would I be mad at you?"

"I'm going to have Christy taste her own medicine. Siya at ang kanyang buong pamilya ."

"I told you before and I will tell you again. You can do whatever you want, you have me , there's no need to worry. " Sagot ng binata at hinalikan ang dalaga sa labi nito.

"Paano kung maging masama ako?, What if I ruined the party?"

"This party is for you. I don't care if you ruin it as long as you are happy. " Sagot naman ng binata. A brilliant smile curved on her lips as she hugs Sebastian on the waist. Having someone's support was best thing she can wished for.

"Thank you Bastian. " Wika niya at bahagyang napabuntong-hininga.