webnovel

His Concubine

Mairy Alois was once a happy princess of the Aeternam empire. She once had a complete and happy family, and a happy kingdom. But, Everything changed when a young boy named Ignis came into the picture. Her happy life was stolen from her. Ignis ruined her life. She was once a princess, but she ended up being his concubine.

imsinaaa · 历史言情
分數不夠
41 Chs

Chapter 18

"A-alois! Wait! Galit ka ba sa akin?" Pilit siyang hinahabol ni Ignis kaya mas lalo niyang binilisan ang pagtakbo.

"Will you please stop following me?!"

"You're mad..."

Huminto si Alois atsaka hinarap si Ignis. Namumula ang mata niya at nagbabadya na ang mga luha.

"Hindi ako galit..." She said dahilan para mapangiti si Ignis.

Ngunit ang ngiting 'yon ay kaagad ding nawala nang marinig ang sunod na sinabi ni Alois.

"Dahil galit na galit ako sa'yo Ignis! You green eyed monster! Sinadya mo ang lahat! Gusto mo talagang agawin sa akin ang pamilya ko! You attention seeker! Nawala na ang lahat sa akin simula nang dumating ka dito! Lahat na lang sila ikaw ang gusto! You're just a bastard so why did they even like someone like you?!" Lumuluhang sabi ni Alois.

Lumapit siya kay Ignis na nakatulala atsaka ito itinulak. Pinagduduro niya ito, she doesn't care kung may makakita sa kanila.

"You stole everything kaya ibabalik ko lang ang dapat na sa akin!" She said before she pulled his hair.

"S-stop Alois! Mairy let go of me please! I didn't stole anything from you! I'm sorry! I love you! Please forgive m— "

"You want my forgiveness, Ignis?" Putol niya sa sinasabi ni Ignis.

He nodded. "Please, don't break my heart. Don't leave me. I'll do everything." Pagmamakaawa ni Ignis. Lumuhod ito at niyakap ang bewang niya.

Ngumisi siya sa. "Then do whatever I say. You'll follow my orders. Kapag kontento na ako do'n kita papatawarin. Mamahalin ulit kita."

That day, Ignis changed. Tinanggap niya lahat ng pagpapahirap na ginawa sa kanya ni Alois.

...

Habol hininga si Alois nang magising siya. Napahawak siya sa dibdib niya. Umupo siya atsaka sumandal sa heardboard ng higaan. Ngayon niya lang din napansin na pawis na pawis pala siya. Hindi 'yon basta-bastang panaginip dahil isa itong ala-ala. Hinilot niya ang sentido niya.

Ang akala niya makakapagpahinga na siya ng maayos, hindi pala. Napahilamos siya sa sarili. Why does she kept on dreaming about the past? Damn it! Mas lalo lang sumakit ang ulo niya.

Naputol ng katok ang pag-iisip niya. Hindi rin nagtagal ay bumukas ito at iniluwa ang isang tagapagsilbi na may bitbit na kahon.

"What?" Inis niyang sabi. Hindi maganda ang gising niya. Wala siya sa mood at isa pa masama ang pakiramdam niya.

"P-pinapasabi ho ng prinsipe na mag-ayos ka at isuot po ang damit na 'to." Aniya bago ilapag sa maliit na lamesa ang hawak na kahon.

Kumunot ang noo ni Alois. "Hindi ba't sinabi ko na masama ang pakiramdam ko?"

"Pasensya na po pero kailangan mo pong maghanda para sa maliit na salu-salo. Pinapasabi rin ng mahal na prinsipe na puputulin niya ang kasunduan ninyo sa oras na hindi ka sumunod sa gusto niya. Pasensya na mahal na prinsesa."

Inis na bumangon si Alois. Muntik pa nga siyang matumba dahil bigla na lang umikot ang paningin niya. Curse him! Sinabi niya na masama ang pakiramdam niya pero pinipilit pa din siyang pumunta.

Yumuko ang babae bago lumabas sa silid niya.

Saglit lang siya. Pupunta siya pero hindi siya magtatagal. Ano ba kasing pakulo ang gagawin ni Ignis? Bakit kailangan pa niyang pumunta sa salu-salo? Tsk!

Mahigit isang oras ang itinagal ng pag-aayos niya. She didn't even bother putting some make-up basta inayos niya na lang ang suot at ang buhok niya. Kasalukuyang tinatahak ni Alois ang pasilyo papunta sa dinning hall. Saktong pagliko niya ay ang siyang pagsulpot ng kanyang ama— ng hari. Parehas pa silang napahinto nang makita ang isa't-isa.

Nakatitig ito sa kanya hanggang sa bumaba ang tingin nito sa impis niyang tiyan. Biglang umusbong ang galit sa kanyang dibdib. Kasalanan din ng ama niya kung bakit siya nabuntis, sigurado siya na may kinalaman ito sa ginawa ni Ignis sa kanya. He wanted her to give Ignis a child.

"Masaya na ba kayo?" Puno ng pait ang boses niya.

Hindi umimik ang Hari. Sa halip ay ipinagpatuloy na lang nito ang paglalakad. Nanatili si Alois sa kinatatayuan niya.

"I'm finally pregnant, katulad ng gusto mo. You want to me to be his concubine and you wanted me to bear his child. Wish granted my dear King." She said bago maglakad.

Sinalubong niya ang kanyang ama. Hindi na niya ito tiningnan, sa halip ay itinuon na lang niya ang tingin sa pasilyo.

She's no longer the princess, she's now a concubine.

She's no longer the king's daughter, she's now a nobody.

"You look exactly like your mom."

Naiyukom niya ang kamay. Hindi na niya ito pinansin. Wala sa sarili niyang hinawakan ang kulay pilak na buhok.

Ingay ang bumungad sa kanya nang makarating siya sa dinning hall. Tawanan, sigawan at kwentuhan, ngunit biglang natahimik ang lahat nang makita siya. Naibaling ni Alois ang tingin sa mga babae na katabi ni Ignis. Nakapulupot ang mga kamay nito sa kanya.

"What are you all lookin' at?" She said.

Ramdam na ramdam niya ang matalim na tingin sa kanya ni Ignis.

"Watch your mouth, Alois."

Napairap siya. Why would she do that? Alam niya ang nais ipahiwatig ni Ignis, gusto nitong galangin ang mga bisiti niya at hindi niya 'yon gagawin. Wala sa bokabularyo niya ang salitang 'Respeto'.

Binalingan niya ng tingin si Ignis. "Can I go back to my room now?"

Hindi nagsalita si Ignis, pinaalis nito ang isa sa nga babaeng kalamupungan nito bago siya senyasan na umupo sa tabi niya.

"Not now, Ignis. Masama ang pakiramdam ko, excuse me." She was about to turn her back ng marahas na hampasin ni Ignis ang lamesa.

Hindi makapaniwala niya itong tiningnan. "What the heck is wrong with you?!"

"You sit here."

"Bakit hindi mo pabalikin sa upuan na 'yan ang kalandian mo?" Tiningnan siya ni Ignis ng masama. Fine! Bumuntong hininga siya. Labag man sa loob niya ay sinunod niya na lang ang gusto ni Ignis.

"Happy?" Aniya nang maka-upo.

Naghari ang katahimikan. Ni isa ay walang nagsalita, para bang napipe ang lahat.

"She's Mairy Alois Aeternam, right? She's the princess." Pagbabasag ng isa sa mga lalaking bisita ni Ignis.

She want to cut his tongue off dahil sa sinabi nito. She's a Hernandez, hindi Aeternam.

"Yes, she is but she's no longer the princess of this kingdom."

Umigting ang panga niya sa sinabi ni Ignis. Mas lalo pang nadagdagan ang galit na nararamdaman niya nang tumawa ang mga babae.

"She's just a dirty, low and useless concubine who's going to bear my child. You can call her by names, I don't care. She's just one of my concubine anyway."

Palihim na naiyukom ni Alois ang kamay niya. He called her here para lait-laitin. Ganito rin ang ginawa niya noon sa kanya. Gumaganti ito.

"How did that happened? Paano nagawa ng hari na gawing concubine ang sarili niyang anak?" Aniya ng isa pa.

Nanatili ang atensyon niya sa plato na nasa harap niya. Ayaw niyang tumingin sa mga 'to. Nanginginig ang buong katawan niya sa galit. Nangingilid ang luha sa kanyang mata. Hindi naman siya iyakin pero dahil sa buntis siya, nagiging emosyonal na siya.

Narinig niya ang pag-ngisi ni Ignis dahilan para makagat niya ang labi.

"She was born to by my concubine. That's her role in this world. Hindi siya ang anak ng hari, it's me. Ako ang anak ng hari."

"Shut up, Ignis." She said.

"Why? Ayaw mo bang malaman nila kung ano na lang ang silbi mo sa palasyong ito?"

Humigpit ang pagkakahawak niya sa suot niyang dress.

"You don't want them to know how low and useless you are."

Galit niyang itinaas ang tingin niya and there she saw Ignis, grinning at her.

"I forgot to introduce you properly." Tumayo si Ignis atsaka tiningnan ang mga bisita niya. "This woman beside me is my Concubine. Just a Concubine."

Padabog na tumayo si Alois. Natumba pa nga ang upuan niya.

"I know, i'm just your Concubine. Huwag mo ng ulitin pa at huwag mo ng ipamukha sa akin na ipinanganak lang ako para iluwal ang anak mo. Please excuse me. Enjoy your stay here in this hell everyone." She said.

Dali-daling naglakad palayo sa lahat. Kasabay ng pagtalikod niya ay ang pagbagsak ng luha sa kanyang mga mata. Pinapunta siya ni Ignis dito para kutyain, para ipamukha sa kanya kung ano lang siya.

Nakalabas na siya ng dinning hall nang bigla nanamang umikot ang paningin niya. Napahawak siya sa pader nang makaramdam ng matinding sakit mula sa sinapupunan niya. Pinilit niyang maglakad palayo ngunit mas lalo lang nanakit ang sinapupunan niya.

"H-help...me." Nahihirapan niyang sabi.

Sapu-sapo niya ang tiyan nang may dumaan na tagapagsilbi. Nanlalamig ang buong katawan niya ng mas lalong tumindi ang kirot na nararadaman. She's now pale.

Nabitawan nito ang hawak na basket at kaagad na lumapit sa kanya.

"Prinsesa! Anong nangyayari sa'yo?!"

Mariin niyang ipinikit ang mata. "I-it h-hurts..." Aniya bago tuluyang bumagsak sa bisig ng babae.

Walan na siyang ibang narinig kundi ang pagsigaw nito at ang paghingi nito ng tulong. Is she going to lose Ignis' child?

"Y-your majesty! Ang prinsesa!"

She wants to shut her up pero huli na. Naramdaman niya na lang ang pagbuhat sa kanya ng kung sino— ni Ignis.

"What's wrong with you!?"

Hindi siya umimik. She's going to be free.

"Y-your majesty, a-ang sabi ng prinsesa ay nananakit ang tiyan niya. Baka napano na ang bata sa sinapupunan niya—" hindi na natuloy ng babae ang sinasabi nito dahil bigla na lang tumakbo si Ignis habang buhat buhat si Alois.

"We're not going to lose our child, Alois! Never!"

Sa oras na 'to wala ng ibang hiniling si Alois kundi ang mawala ang bata sa sinapupunan niya...na pati siya ay mawala na rin para makalaya na siya.