webnovel

His Concubine

Mairy Alois was once a happy princess of the Aeternam empire. She once had a complete and happy family, and a happy kingdom. But, Everything changed when a young boy named Ignis came into the picture. Her happy life was stolen from her. Ignis ruined her life. She was once a princess, but she ended up being his concubine.

imsinaaa · 历史言情
分數不夠
41 Chs

Chapter 16

Mairy Alois Hernandez

Three days. Tatlong araw siyang nakaratay sa malambot at malaking higaan. Hindi pa rin gumagaling ang sugat sa palapulsuhan at kamay niya at hindi pa rin nawawala ang pasa sa leeg niya.

She was scared that time. Natatakot siya sa nakita niya, sa naranasan niya. Ignis tried to kill her. Akala niya mamamatay na talaga siya and that day she woke up inside her dream. Carrying someone— a child. Hindi niya alam pero sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. She wants to embrace that child forever, gusto niyang hawakan ang maliit nitong kamay.

Guilt, that's what she felt nang magising siya. Nagparamdam sa kanya ang sanggol na nasa loob ng sinapupunan niya. Na para bang ayaw nitong mawala, na gusto niyang makasama si Alois—her mother.

There's a part of her na gustong mawala ang bata sa sinapupunan niya, sino nga bang hindi? She's carrying Ignis' child— his heir. That man ruined everything, her perfect and happy life. He took everything. Binaboy siya, sinira, winasak at pinagsamantalahan. She doesn't want any of this.

Wala sa sariling hiniwakan ni Alois ang sinapupunan niya. Can she kill her own child? Alam niya hindi niya kaya but damn!

"I'm sorry." She whispered while caresing her stomach.

Magiging ina na siya.

Kaagad niyang inalis ang kamay niya sa tiyan nang biglang bumukas 'yong pintuan. Iniluwa nito si Thana—no, Lithana, nakasunod dito ang doktor.

"How are you, Princess?"

She forced a smile. "I'm not okay."

"Hindi ka pwedeng ma-stress, prinsesa. Makakasama sa bata."

Makakasama sa bata. Palihim niyang hinaplos ang sinapupunan niya.

"Kailan ako makaka-alis dito?"

"Bakit ka aalis Prinsesa? This is your home—"

"Not anymore." Putol niya sa sinasabi nito. Ngumiti siya, isang mapait na ngiti.

Bumuntong hininga na lamang ang doktor bago simulan ang kailangan niyang gawin. Nilinis nito ang sugat sa palapulsuhan at kamay niya bago palitan ng benda, pagkatapos ay nilagyan ng ointment ang leeg niya.

"Hindi ko inaasahan na magagawa kang saktan ng Prinsipe."

Napangisi siya. "He's a monster after all."

"Malapit na malapit kayo sa isa't-isa noong mga bata pa kayo. Ni hindi kayo mapaghiwalay. You protected each other…but why did it ended up like this?"

Nakagat ni Alois ang ibabang labi. Nanatili siyang tahimik, tila ba may bumarang kung ano sa lalamunan niya. Hindi naman masisira ang maganda nilang pagsasama kung hindi sinira ni Ignis ang buhay niya.

"I'm done here, princess. Babalik ako mamaya para painumin ka ng vitamins. Don't forget to drink your milk." Aniya.

Hindi siya umimik sa halip ay nanatili lang siyang nakasandal sa headboard ng higaan. Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pintuan.

"Ano pang ginagawa mo dito, Thana— oh sorry, it's Lithana nga pala." Sarkastiko niyang sabi.

"I'm sorry."

"Sorry? Pagkatapos niyo akong pagkaisahan?" Dinuro niya ito. "Tinuring ko kayong kaibigan! Totoong kaibigan, but you betrayed me. Tell me, Thana. All this time, do you and Rilen treated me like a friend?"

Natahimik si Thana. "Answer me." Hindi na napigilan ni Alois ang luha na kanina pa niya pinipigilan.

"Yes, I treated you like a friend, not a princess."

Mapait na ngumiti si Alois "I don't think I can forgive you now. You broke my trust. You ruined our friendship."

Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. Lithana said sorry, again before leaving the room. Hindi pa niya kayang patawarin si Lithana at Rilen. Not now, but soon. Malungkot na ngiti ang sumilay sa labi ni Alois. They are happy back then. Masaya si Alois na nakilala ang dalawa, na naging kaibigan niya ang mga ito. Kahit na masungit at hindi pala salita si Lithana, masaya siya. Kahit na walang ibang ginawa si Rilen kundi ang mambabae at asarin siya, masaya siya. Dahil nagkaroon siya ng kaibigan. But again, they betrayed her.

"I'm so done with this life."

"You can end your life pagkatapos mong iluwal ang anak ko. I won't stop you."

Naiyukom niya ang kamay nang marinig ang boses na 'yon. Tiningnan niya ng masama si Ignis na naglalakad palapit sa kanya. Paano ito nakapasok? Bakit hindi niya narinig ang pagpasok nito sa silid niya?

"What are you doing here you bastard?"

Tinago niya sa ilalim ng kumot ang nanginginig niyang kamay. She's scared, baka kung ano nanaman ang gawin sa kanya ni Ignis.

"Masama bang bisitahin ang ina ng anak ko? Is it bad to visit my Concubine?"

Umigting ang paa niya sa sinabi ni Ignis. Napaka-kapal talaga ng pagmumukha nito.

"You're an eyesore. Get out of my sight!"

Mas lalo niyang naiyukom ang kamay nang tumawa ito.

"Pinaglilihian mo ba ako? That's good."

Hindi makapaniwala niyang tiningnan si Ignis. "Fvck you!"

Napalunok siya ng lumapit ito at umupo sa gilid niya. He held her trembling hands.

"Next time, we'll fvck." Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya.

Humugot siya ng lakas ng loob para bawiin ang kamay niya. Napangiwi pa siya dahil biglang humapdi ang sugat sa kamay niya.

"Let me go, please. Hayaan niyo na ako."

Hinaplos nito ang pisngi niya na siyang ikinatakot ni Alois.

"I won't let you go lalo na't buntis ka na and I'm not done with you."

"Hindi pa ba 'to sapat?"

"No. Gusto kong maranasan mo ang ipinaranas mo sa akin noon."

Sasampalin niya sana si Ignis pero napigilan siya nito. Hindi mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya, sakto lang.

"Let's have a deal, Alois."

Napalunok siya. Deal, is he going to decieve her again?

"Hindi na ako makikipag deal sa 'yong hayop ka." Binawi niya ang kamay.

Gusto niyang tumayo at umalis sa silid na 'yon but she's too scared. Oo takot siya hindi lang kay Ignis kundi sa kaya nitong gawin.

"Listen to me first, you concubine." He paused. "Keep our child, alagaan mo siya sa loob ng sinapupunan mo, kapag naipanganak mo na siya then you're free to go. You can do whatever you want. Malaya ka na."

"You won't get rid of our child. You're just my concubine, sa oras na maipanganak mo siya ay papalayain na kita. Iiwan mo sa poder ko ang batang 'yan whether you like it or not."

Natahimik siya. Makakalaya siya sa oras na mailuwal na niya ang bata. Nanikip ang dibdib ni Alois. Iiwan niya ang bata at makakalaya na siya.

"Nine months, Alois. After nine months you're free."

She wants her freedom back. If leaving her child will set her free then she'll do it, hindi rin naman niya ginusto ang bunga na 'to.

"Don't lie to me, Ignis. I'm begging you." She said.

Ignis smiled before kissing her forehead. "Let's take care of our child then."

Sapilitan siyang tumango. Wala siyang ibang sinasabi sa sarili ngayon kundi ang salitang patawad.

...

Umalingawngaw sa buong pasilyo ang mga yabag ng paa. They bowed at her—at Alois kapag nakakasalubong nila ito.

She's wearing a dress na lagpas tuhod ang haba. Maganda ang malambot nitong tela. Maluwag naman ang nasa bandang tiyan ng suot niya. Ngayon na lang ulit siya nakapag-suot ng ganito kagandang damit.

Hindi alam ni Alois kung saan siya dadalhin ng mga paa niya. Bagot na bagot na kasi siya sa silid niya at sawa na siyang mag-drama. Huminto siya sa paglalakad, gano'n din ang mga tagapagsilbi na nakasunod sa kanya. Yumuko ang mga ito at bahagyang umatras.

"Can you please stop following me?" Inis niyang sabi.

"Hindi maaari, ipinaguutos ng prinsipe na bantaya ka lalo na't buntis ka mahal na prinsesa."

Sarkastiko siyang tumawa. "Sabihin niyo sa prinsipe niyo na aalagaan ko ang bata na nasa sinapupunan ko. Tell him not to worry, hindi ko na ipapalaglag ang batang 'to."

Namutla sila nang sabihin 'yon ni Alois.

Nagkibit balikat na lamang siya bago ipagpatuloy ang paglalakad. Tatlong araw na niyang hindi nakikita ang hayop na 'yon— si Ignis. Mas okay na nga 'yon eh, ang hindi ito magpakita.

Paliko na sana siya nang makita niya si Rilen at Lithana kasama si Ignis. Kakalabas lang ng mga ito sa isang malaking pintuan.

Kumunot ang noo niya nang makita ang itsura ni Ignis. Magulo ang damit at buhok nito. Medyo namumutla rin at may sugat ang pisngi nito. What the heck? Anong nangyari sa kanya?

"Pinatawag ko na ang doktor, your Majesty." Rinig niyang sabi ni Rilen.

"I don't fvckin need a Doctor, Rilen."

Tumaas ang kilay ni Alois.

"But your Majesty, paano na ang mga sug—"

Nagulat ang lahat nang bigla nitong suntukin ang pader. Bigla ngang napahawak si Alois sa tiyan niya dahil sa gulat.

"I said, I don't need a Doctor." Umigting ang panga nito.

Pinagmasdan lang ni Alois ang kilos ni Ignis. Nahihirapan ito, tila ba may iniinda.

Pinagkrus niya ang kamay niya bago tumikhim. Napatingin sa kanya si Ignis. Bakas sa mukha nito ang gulat.

"What are you doing here?" He asked.

"You forced me to stay here, Bastard." Umigting lalo ang panga ni Ignis sa sinabi niya.

Umatras lalo ang mga nakasunod kay Alois nang lumapit si Ignis sa kanya. They felt this black aura between Alois and Ignis. Nakakakilabot.

"You're just my concubine so you better respect me."

Ngumisi siya. "Yeah right, but i'm carrying your child."

Mariin niyang ipinikit ang mata niya. Panay din ang pagbuntong hininga niya. Hinawakan ni Alois ang pisngi ni Ignis na may sugat. Huli na nang mapagtanto ni Alois ang ginawa niya. Hindi lang siya ang nagulat, pati na si Ignis.

"What happend?" She asked.

Ibababa niya sana ang kamay ngunit pinigilan siya ni Ignis. He held her hand. Nakapikit ang mata nito at dinama ang init ng malambot na kamay ni Alois.

"I miss this." Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya.

Lungkot at sakit. Iyan ang nararamdaman ni Alois ngayon. Bakit hindi makalimutan ni Ignis ang meron sa kanila noon? Why does he kept on reminding her about the past?

"Ignis…" Tawag niya rito.

"It hurts so much." Inilipat nito ang kamay niya sa dibdib nito. Nararamdaman ni Alois ang pagtibok ng puso ni Ignis.

Wala siyang ibang makita sa mukha ni Ignis kundi ang sakit at lungkot. Nag-iwas siya ng tingin.

"L-let go of my hand."

Nakatingin sa kanilang dalawa ang mga tauhan na nasa likuran nila. Pilit na binabawi ni Alois ang kamay ngunit ayaw talaga siyang pakawalan ni Ignis.

"I don't love you anymore."

Kumirot ang puso ni Alois. Ganun rin naman siya. Pero bakit? Bakit nasasaktan siya sa sinabi nito?

"…pero bakit nasasaktan pa rin ako." pagpapatuloy ni Ignis sa sinasabi niya.

Buong lakas nang binawi ni Alois ang kamay niya. Tumalikod siya at nagsimula ng maglakad palayo. Dumapo ang kamay niya sa dibdib. Kinagat niya ang ibabang labi. Nasasaktan siya. Parehas silang nasasaktan. Kung hindi sana nasira ang lahat, edi sana magkasama pa rin silang dalawa. Hindi sana nasira ang relasyong mayroon sila noon. Hindi sana nasira ang mga puso nila.