webnovel

His Concubine

Mairy Alois was once a happy princess of the Aeternam empire. She once had a complete and happy family, and a happy kingdom. But, Everything changed when a young boy named Ignis came into the picture. Her happy life was stolen from her. Ignis ruined her life. She was once a princess, but she ended up being his concubine.

imsinaaa · 历史言情
分數不夠
41 Chs

Chapter 14

Mairy Alois Hernandez

"Kumain na po kayo mahal na prinsesa."

Umigting ang panga ni Alois sa narinig. It's been three weeks at ilang linggo na siyang nakakulong sa impyernong ito— sa imperyo ng kanyang ama.

"Alisin mo 'yan sa harapan ko kung ayaw mong ibuhos ko 'yan sa 'yo." Nabahiran ng takot ang mukha ng tagapagsilbi niya. Ibinalik ni Alois ang tingin sa labas ng bintana, sa syudad.

"P-pero magagalit po ng prinsipe kapag hindi ka kumai—"

Hinawi niya ang tray na hawak nito, dahilan upang matapon lahat ng pagkain. Hindi lang pagkain ang nagkalat sa sahig, pati na ang basag na plato.

"Sabihin mo sa prinsipe niyo na mas gugustuhin ko pang mamatay sa gutom kaysa sa makulong sa impyerno na ito. GET OUT!" Alois shouted.

Nagmamadalin lumabas ang tagapagsilbi. Muntik pa nga itong madapa sa sobrang pagmamadali. Mas lalong nadagdagan ang galit na nararamdaman niya nang marinig niya ang pag-lock ng pintuan.

"Princess my ass." Sinipa niya ang pader. Gusto niyang tumakas pero hindi niya magagawa 'yon dahil kinukulong siya sa silid na 'to, kahit anong gawin niya ay hindi niya mabubuksan ang pintuan atsaka may mga nakabantay sa labas kaya hindi din siya makakadaan sa bintana.

She was forced to stay here— sa palasyo. She was forced to be his concubine. Napakaswerte niya talaga. Hindi namalayan ni Alois na tumutulo na pala ang luha sa kanyang mata. Kailan ba magigin maganda ang buhay niya— no scratch that. Kailan ba siya magiging malaya? Nagsasawa na siya sa buhay niya.

She wants to end her life, ayaw niya ng makaramdam ng sakit. Wala naman ng dahilan para manatili sa mundong ito. Her life's ruined by Ignis. Sirang-sira at binaboy pa siya.

Marahas na pinunasan ni Alois ang luha sa kanyang mata. She wants to kill herself ngunit wala naman siyang magagamit dahil inalis lahat ni Ignis ang mga kagamitan sa silid na 'to, pwera na lang sa higaan, isang sofa, dresser at lamesa.

"I should've died with mom. Mas gugustuhin kong masunog kaysa sa manatili sa mundong it— " Napadaing si Alois nang maramdaman niya ang pagbaon ng kung ano sa talampakan niya.

Do'n niya lang naalala ang nagkalat na bubog. Saglit siyang natigilan. Wala sa sariling niyang pinulot ang malaking bubog, humigpit ang pagkakahawak niya do'n.

Nanginig ang kamay niya. Nanatiling nakatuon sa bubog ang kanyang tingin. Makakasama na niya ang kanyang ina. Makakalaya na siya, sa wakas. Itinapat niya ang matulis na parte ng bubog sa palapulsuhan niya. She was about to slice her wrist nang bumukas ang pintuan.

"Alois! What the fuck are you doing?!"

Umatras siya. "Huwag kang lalapit sa akin!" Humigpit lalo ang pagkakahawak niya sa malaking bubog dahilan para magdugo ang kamay niya.

"Don't come near me, Ignis." madiin niyang sabi. Patuloy sa pag-agos ang mga luha sa kanyang mata.

Tiningnan siya ng masama ni Ignis. She can see anger in his eyes pero nakikitaan niya rin ng pag-aalala ang mga mata nito. Magulo ang buhok pati na ang suot ni Ignis, senyales na nagmadali ito para makapunta sa silid ni Alois.

Ibinaling ni Alois ang tingin sa may pintuan. She saw Thana and Rilen at ang iba pang tauhan ng kanyang ama. May doktor din sa may bukana ng pintuan.

"DON'T COME NEAR ME IGNIS!" she shouted nang magtangkang lumapit si Ignis.

"You're going to kill yourself huh Alois? Are you out of your mind?!"

Natawa siya. "Sirang-sira na ang buhay ko Ignis, there's no fvckin reason to stay here! I wan't to die! I should've died back then! Namatay na lang sana ako no'ng nasaksak ako dati just to save your life! Namatay na lang sana ako kasama si mommy! Nasunog na lang din dapat ako! Kung alam ko lang na magiging ganito ang buhay ko edi sana nagpakamatay na lang ako!"

Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa kanyang mata habang si Ignis naman ay gulat na gulat sa narinig. Kinuha niya ang tyansa na 'yon para hiwain ang palapulsuhan niya.

"ALOIS! FVCK!"

Napaupo si Alois sa sakit. Ang sakit na nararamdaman niya sa oras na 'yon ay walang-wala sa sakit na nararamdaman niya sa buong buhay niya.

Dumadaloy ang dugo sa kanyang palapulsuhan and she doesn't mind.

Inagaw ni Ignis ang hawak niyang Bubog atsaka ito tinapon sa kung saan. She can't hear anything. Nanlalabo na ang mata niya. Naramdaman niya na lang ang pagdampi ng tela sa sugat niya at ang pag-angat niya sa ere.

"Don't s-save me." nanghihina niyang sabi.

"Shut up, Alois! Shut up!"

"L-let me d-die..." She said bago siya mawalan ng malay.

...

"How is she?"

That voice.

"Maayos na ang lagay niya mahal na hari. Mabuti na lang at naagapan kaagad."

Mahal na hari? She's dreaming right?

"Thanks god."

Alois wants to open her eyes but she cant. Naramdaman niya ang paghawak ng kung sino sa kamay niya, kasunod nito ay ang paghalik ng taong 'yon sa noo niya.

"I'm sorry."

Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Do'n niya lang din naidilat ang mata niya. Guniguni niya lang naman ang lahat hindi ba?

"Oh you're awake."

Tumango siya. "M-may pumunta ba dito?" She asked.

Napansin niya ang pag-aalangan. Hindi rin ito nakasagot kaagad.

"Tayong dalawa lang ang nandito, prinsesa."

Mapait siyang ngumiti. Guni-guni niya nga lang. Sino ba naman siya para puntahan ng hari? Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya. Ibinaling niya ang tingin sa palapulsuhan niya, may benda ito pati na ang kanang kamay niya.

"Why?"

Kunot noo siyang tiningnan ni doc lily. "Bakit mahal na prinsesa?"

"Bakit buhay pa ako?"

Narinig niya ang pagsinghap nito. Bakit? Bakit palagi na lang sinisira ni Ignis ang buhay niya? She fvckin wants to end her life pero laging nanghihimasok si Ignis. Hindi pa ba ito sapat sa ginawa niyang pagsira sa pamilya niya?

"Mahal na prinsesa!" sigaw ng doktor ng bigla itong bumangon. Lumapit ito sa lalagyanan ng mga kagamitan sa pang gagamot. She needs something sharp, she'll end her life.

Nagwawala na siya. She can't find something. Walang mga gamit! Inalis ba nila lahat?

"Let me die!" Sigaw niya.

"Tulong! Ang prinsesa!"

Sinabunutan niya ang sarili. "I want to be with my mom. Please, I want to end this."

Napa-upo siya sa sahig. Hindi tumitigil sa pag-agos ang mga luha sa mata niya. she's broke, useless, dirty and unwanted.

Dumiin ang pagkakahawak niya sa palapulsuhan niya dahilan para mas lalo itong magdugo.

"Let me di—"

Hindi na niya natapos ang sinasabi nang may humawak sa kanang kamay niya. Dahan-dahan nitong inalis ang pagkakahawak niya sa palapulsuhan.

It was Ignis. Malamlam ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. He's no longer the Ignis who always have this cold eyes and no emotions to be seen. At this point, she saw the old Ignis she loved.

"I won't let you die. Not now, Alois lalo na't magkaka-anak na tayo."

Nalaglag ang panga niya sa narinig.