People who loves the moon considered their self as selenophile. I'm a selenophile,I considered myself as one. I'm so obsess to the moon, to the point that almost all my things here in my condominium have moon as its design. Starting from bed sheets, pillowcase, lamp, accessories, clothes amd anything I use or wear. I love watching the moon, just like now. I'm sitting on my veranda while sipping Vitamilk, one of my favorite drink. It may sounds weird but everytime I didn't see the moon, I feel sadness.
Naninirahan ako magisa sa condo ko habang nagtratrabaho. Nasa probinsya ang parents ko kasama ang kapatid kong babae na nagaaral pa. My parents owned a restaurant, they are both chef actually. Nais man nilang doon na lang ako magtrabaho ay hindi ako pumayag. Gusto kong matutong mabuhay magisa and I succeed. Two years na ako dito and I'm happy on my life. Paminsan minsan ay umuuwi ako don tuwing may okasyon but almost all the time ay dito lang talaga ako. Nakabili na rin ako ng sasakyan mula sa mga naipon kong pera. Ang trabaho ko ay tigasagot ng emails and calls sa kompanyang pinapasukan ko. Hindi ganoon kalaki ang sahod pero sakto naman para sa araw araw na gastusin ko. Binibigyan ako ng parents ko ng pera para daw kung kailanganin ko or kung may gusto daw akong bilhin. Dalawa lang kaming magkapatid kaya naibibigay nila ang lahat ng naisin namin kahit na ano o magkano pa iyan.
Nang lumalim na ang gabi ay tsyaka ko lang napagdesisyonang matulog. Nilagay ko sa isang tabi ang bote ng Vitamilk na ininom ko at nagtungo sa comfort room para magtooth-brush. Sa salamin ay pinagmasdan ko ang aking mukha, mahabang pilikmata, may katangusan na ilong na minana ko sa aking ama at natural na mapulang labi. Maputi ang aking balat at hanggang bewang naman ang maalon kong buhok. Wala akong soot na kahit anong panloob dahil bukod sa magisa lang naman ako dito ay sanay narin akong matulog ng walang soot na underwear.
Sinalampak ko ang sarili ko sa aking kama na pangdalawang tao at binuksan naman ang lamp na nakahugis bilog na tila buwan. Malaki ang condo ko para sa isang tao lamang. May sariling cr sa loob ng kwarto, may kusina at may sala kung saan nandoon ang tv kong bihira lamang magamit.
Matapos magisip ng kung ano ano ay dinalaw na rin ako ng antok.
Tamad kong pinatay ang alarm clock ko at nanatili pading nakahiga ng ilang minuto. Bago tuluyang makatulog muli ay umupo na ako sa kama habang kinukusot ang aking mata. Nang mawala ang antok ay sinumulan ko ng kumilos. Isang mini skirt at sleeveless shirt ang soot ko, dadalhin ko din ang coat ko sa pagpasok. Light make-up lang ang inilagay ko at isang simpleng black shoes na may takong ang sinoot ko. Dala dala ang bag ay sinarado ko ang pintuan at napaatras ng may makitang lalaki na nakasandal sa pader. Dali dali siyang lumingon sa akin dahilan para makita ko ang halos perpekto niyang mukha. Mula sa maayos na buhok, makapal na kilay,matangos na ilong at mapulang labi. Matangkad din siya na halos hanggang leeg lang ako. Mula sa aking kinatatayuan ay naamoy ko ang pabango niya.
Literal na lumaki ang mata ko nang yumuko siya sa akin habang ang isang kamay ay maayos na nakapwesto sa kaniyang likod, ang kabila naman ay nasa tiyan niya.
"Magandang araw, mahal na espiritu," magalang niyang aniya. Bumakas sa akin ang pagtataka.
"Huh?" Takang tanong ko. Ngumiti siya sa akin ng kalaki laki siyaka muling nagsalita.
"Ako ang inyong tagapagsundo, kagalang galang na espiritu." Napataas naman ako ng kilay sa sinasabi ng lalaking ito. Nababaliw na ba to?
"Ano daw?"
"Hayaan mong magpakilala ako sa inyo. Ako si Târa, isang taong nagmula sa buwan. Kinagagalak ko kayong makilala mahal na espiritu," ani niya at lumapit sa akin. Tumingin siya sa aking labi ganon rin sa aking mata. Kumalabog ng mabilis ang puso ko sa paglapit niya at bago niya magawa ang nais niyang gawin ay sinampal ko na siya. Nagulat man ay dumistansya siya sa akin. Paulit ulit siyang yumuko na tila humihingi ng pasensiya sa nagawa.
"Ipagpaumanhin mo ang aking nagawa, nakalimutan kong hindi maaring halikan ang espiritu. Nasanay lang ako na kapag may bagong kakilala ay hinahalikan. Hindi na muling mauulit ang aking ginawa," wika niya. Hinahalikan niya ang mga bagong kakilala? Anong klaseng tao to?
"Unang una, baliw ka ba? Pangalawa, may boyfriend ako kaya wag na wag mo akong hahalikan," mataray kong aniya sa baliw na ito. Ngayon ko lang napansin na nakasoot ito ng black na polo at pantalon at hindi ko mawari na kahit simple lang ang kaniyang soot ay napakalakas ng dating nito.
"Pasensya na mahal na espiritu, hindi na talaga mauulit," wika niya at muling yumuko. Inangat ko ang kaniyang ulo dahil ayaw kong makakuha ng atensyon ng mga taong dumadaan.
"Can you please stop calling me 'mahal na espiritu'? May mental hospital na malapit lang dito, dalhin na kita doon. Ang gwapo mong baliw sayang ka," may panghihinayang ang boses ko.
"Mental hospital? Ano ang mental hospital mahal na espiritu? Ilang buwan na akong naninirahan dito sa inyong planeta ngunit ngayon ko lang narinig ang salitang iyong binanggit. Totoo ngang ikaw ang mahal naming espiritu, ako ang inyong tagapagsundo," wika niya. Onti nalang ay tatawag na ako ng guard at tatanungin kung bakit may gwapong baliw ang nakapasok dito. At isa pa, tagapagsundo? Mamatay na ba ko?
"What the? Gwapo nga adik naman. Nakashabu ka no? Sayang ka talaga, nawalan ang isang babae ng gwapong jowa dahil sa kabaliwan mo,"nakataas ang kilay kong aniya. Kumunot naman ang makinis niyang noo.
"Jowa? Anong ibig sabihin ng salitang iyon? Gaya ng mental hospital ay ngayon ko lang din iyon narinig. Tunay ngang matalino ka mahal na espiritu," magalang niyang tanong at papuri.
"Kaibigan ang ibig sabihin non," aniya ko habang tinatago ang munting mga halakhak. Ngumiti naman siya sa akin, ngiting kita ang mapuputi niyang ngipin.
"Jowa na kita ah, mahal na espiritu?" Maganda ang ngiti niyang aniya. Naniwala siya don? Nasapo ko nalang ang noo ko sa kaniya. Nawala sa utak ko na kailangan ko pang pumasok sa trabaho ko.
"You're unbelievable, and again wag na wag mo na akong tawaging 'mahal na espiritu' baka may makarinig pa sayo at sabihing pati ako ay nababaliw na," wika ko at nilagpasan na siya. Narinig ko ang mga hakbang niyang sumusunod sa akin.
"Kung ganon,ano ang nais mong itawag ko sayo mahal na espiritu?" Napapikit nalang ako ng mariin sa pinagsasabi nito.
"Hina. Hina ang pangalan ko," may iritasyon kong sabi. Nasa elevator na kami at dahil maaga pa ay kami pa lang ang sakay nito. Pinapanatili niya ang distansya niya sa akin at tila ikamamatay niya kung muling lalapit siya sa akin.
"Kailangan na nating makapunta sa buwan para mapaghandaan ang iyong pagaalay," biglaang sabi niya. Seryoso niya iyong hinayag dahilan upang mas magtaka ako.
"Buwan? Pagaalay? Ni hindi nga kita kilala tas kung ano anong bagay ang pinagsasabi mo sa akin," lubos akong naguguluhan sa inaakto at sinasabi ng lalaking aking nasa tabi.
"Hayaan mong isalaysay ko sayo ang lahat, mahal--- hina," sabi niya. Bago pa siya muling magsalita ay pinigilan ko na siya.
"Tigilan mo na please, nakakabaliw ka. Dinadamay mo pa ako sa kabaliwan mo," iritado ko nang aniya. Kahit na gwapo at mukhang modelo ito ay hindi ko naman nais maging baliw gaya niya. Pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay inunahan ko na siya sa paglabas at sinuguradong hindi na siya makakasunod sa akin. Nang makaupo na ako sa driver's seat ng kotse ko ay napailing nalang ako.
Ano bang pinagsasabi non? Pupunta kami sa buwan? Astronaut ba siya at gusto niyang isama ako?
Bumalik ako sa sarili nang marinig ko ang phone kong nagriring.
Babe
Agad ko iyong sinagot at nakangiti siyang binati kahit alam kong hindi niya iyon makikita.
"Hi babe!" Masigla kong bati.
"Pakisabi nalang kay boss na hindi ako makakapasok, may hang over ako e,"wika niya na pinagtaka ko.
"Ilang araw ka nang absent dahil sa kakainom mo babe. Ako ang napapagalitan ni boss," ani ko. Parehas lang kami ng kompanyang pinapasukan. Magiisang taon na kami at kahit kelan ay hindi nagbago ang ugali niya, lasingero pa din ito.
"Basta sabihin mo nalang... sabing wag kang maingay tessa," narinig kong bulong niya. Hindi ako ta())) para hindi malamang babae ang nagsalitang iyon.
"Sino yang kasama mo? Tessa?" Galit ang aking tono ngunit sakit ang aking nasa loob. Ngayon lang nangyari na may ibang babae kasama ito bukod sa akin at sa pamilya niya. Ngayon nga lang ba o ngayon ko lang nalaman?
"Huh? W-wala akong kasama dito, ako lang magisa. Ano bang pinagsasabi mo babe?" Nauutal niyang tanong. Nanginginig ang aking kamay dahil nahahalata kong nagsisinungaling siya.
"Let's do it again tommorow baby," mahina ang salitang iyon pero sapat na para marinig ko. Hindi na ako nagsalita at biglaan na lamang binaba ang phone at inoff ito. Napatungo ako sa manobela at kagat labing umiyak. Kilalang babaero si Ky ngunit akala ko ay nagbago na siya dahil umabot kami ng sampung buwan. Hindi ako makapaniwalang bumalik na naman siya sa dating siya. Ilang beses na ako nagkaroon ng kutob pero hindi ko iyon pinapansin dahil wala pa akong ebidensya. Ngayon sinampal na ng hangin ang ebidesya sa mismong mukha ko.
Iwinaksi ko ang luha sa aking mata at inayos ang sarili. Hindi ko dapat iniiyakan ang lalaking babaero. Hindi niya deserve yon. Kahit na alam kong hindi ako makakapagtrabaho ng ayos ay papasok pa din ako. Kabisado ko si Ky, mamaya lang ay pupunta iyon sa akin at hihingi ng tawad. Kailangan ko ng lakas ng loob para hindi na muli siyang patawadin. Inaaksaya ko lamang ang oras ko sa kaniya at hindi ko na hahayaang paulit ulit niya akong lokohin. Tama na ang sampong buwan.
Natigil ako sa pagaayos ng may kumatok sa bintana ko. Napatingin ako doon at namukhaan ang lalaking baliw na nakausap ko kanina. Iritado kong binaba ang bintana at tinaasan siya ng kilay.
"Ano na naman bang kailangan mo?"
"Ipagmamaneho na kita, Hina." Agad akong umapila.
"Hindi ko hahayaang isang baliw ang magmaneho ng sasakyan ko,"wika ko at mabilis na pinatakbo ang sasakyan kahit na nakasandal pa siya. Magkahalong galit at sakit ang namumuo sa aking puso, sapat para mataboy sa aking isipan ang lalaking kanina ko lang nakilala. Pumasok ako na namumula ang mata at ilong.
"Narinig mo ba ang tsismis? May bago tayong makakasama at narinig ko pang gwapo yon," narinig kong pagkwekwentuhan ng mga katrabaho ko. Wala ako sa mood para makipagusap sa kanila kaya dumiretso nalang ako sa P.C. ko at tumulala doon. Wallpaper kasi non ang picture namin ni Ky na magkayakap. Kinuhanan iyon sa Baguio at hindi ako pwedeng magkamali dahil iyon ang una naming date bilang kami. Sa galit ay pinalitan ko iyon ng ibang wallpaper.
Ang buwan,
Naramdaman kong kumalma ako matapos makita ang litrato ng buwan. Kakaiba talaga ang epekto nito sa akin na miske ako ay naguguluhan na.
Napatingin ako ng marinig na nagsasalita ang head namin. Mataba, ito at may maliit na height. Ginagalang ito dito sa amin dahil sa matanda na ito.
"I'd like you all to meet Târa, ang bago nyong makakasama," wika niya at kasabay ng pagpasok ng gwapong baliw na kanina ko lang nakilala. Nagsitilian naman ang mga kababaihan ganon din ang dalawang bakla naming kasamahan. Napaupo nalang ako at napapikit ng mariin.
What a day.