webnovel

High School Zero

Tammy Pendleton has three goals. 1. To become King 2. To bring honor to her school 3. To find her childhood friend, Blue This is Tammy Pendleton's adventures to become number one! *Written in Filipino/Tagalog language*

AlesanaMarie · 青春言情
分數不夠
56 Chs

Chapter Thirty-Nine

Grand Hotel Les Troi Rois,

Basel Switzerland

Sa patio, tahimik na kumakain ng umagahan si Tammy habang nakatingin sa Rhine river. Makikita ang magandang tanawin mula sa kanyang inookupang kwarto sa hotel. Ang unique architecture ng mga gusali ay nakakapagbigay ng refreshing na pakiramdam.

Dalawang linggo na ang lumipas simula nang dumating siya sa bansang ito. Isang linggo siyang nag-stay sa isang palace hotel sa alps kasama ang kanyang grandparents na ngayon ay busy sa vineyard sa Satigy village. Pati ang wine industry ay pinasok na rin nila – ang workaholic niyang grandparents na mukhang walang balak mag-retiro.

Sa kanila siguro nakuha ng kanyang Mama nag pagiging workaholic nito.

Hindi niya mapigilan na maawa sa kanyang kuya Angelo – ang kanyang napaka-batang Tito. Siguradong malulubog ito sa responsibilidad sa oras na maka-graduate na ito.

Nang matapos kumain si Tammy, nag-desisyon siya na lumabas at mag-bike para mamasyal.

Maraming art museums sa Basel. Ang lugar na ito ay para sa mga taong mahihilig sa art. Maging ang hotel kung saan siya naka-check in ay minsan ding tinuluyan ni Pablo Picasso. Kahit na maglakad ka lang sa paligid ay maa-appreciate mo na kaagad ang kagandahan ng lugar na ito. Dahil sa picturesque design sa bawat streets, kahit si Tammy na hindi professional photographer ay masaya sa mga nakolekta niya noong mga nakaraang araw.

Sa rami ng tourist attractions, hindi ka magsasawa na mamasyal sa city na ito.

Gamit ang kanyang camera, kinunan niya ng maraming litrato ang mga nabisita niyang lugar.

Buong maghapon siyang namasyal. Pumunta siya sa Historical Museum, saglit siyang huminto sa Solitude Park, nakarating siya sa Petersplatz fleamarket at bumili ng mga souvenirs. Sa huli ay sa Marktplatz siya pinaka-nagtagal kung saan maraming street vendors. Pakiramdam tuloy niya ay bumalik siya sa Pilipinas. Naging abala siya sa pagpili at pagbili ng mga pagkain.

Ngunit hindi niya inaasahan na dahil sa pagbili niya ng higanteng cheese na hindi niya kayang ubusin, biglang magugulo ang kanyang tahimik na 'bakasyon'.

Nang makita ni Tammy ang isang lalaking nag-pickpocket, awtomatikong gumalaw ang kanyang katawan. Nang matauhan siya, hawak na niya ang braso ng lalaki na nakapilipit sa likod nito.

Nang tumingin siya sa paligid, pakiramdam niya ay may pumindot sa pause button. Lahat sila ay nakatingin sa kanya at manghang mangha.

"CUT!" sigaw ng isang lalaki na ikinagulat niya. "Ausgezeichnet!"

Isang malaking lalaki na kamukha ni Santa Claus ang lumapit kay Tammy. Nakangiti ito at biglang tumawa, ngunit hindi ang inaasahan niyang 'hohoho' trademark ang gamit nito. Pakiramdam tuloy niya ay na-scam siya. Ch.

Nagulat si Director Sunderhaus sa uri ng tingin na ipinupukol sa kanya ng dalaga. Puno iyon ng pagka-dismaya, bigla niyang naalala ang tingin na ibinigay sa kanya ng anak niya noong hindi siya nakaabot sa birthday party nito dahil sa delayed flight. Isang linggo rin itong hindi siya kinibo.

Masasabi na ito ang kryptonite ni Director Sunderhaus. Hindi niya kayang tagalan ang ganitong uri ng disappointment sa kanya. May nagawa ba siyang nakaka-offend sa dalaga? Kilala ba niya ito?

Sa hitsura nito, sigurado siya na asian ito. Maaaring mixed-blood dahil sa kulay abo nitong mga mata. Napaka-among mukha, ngunit napaka-liksi ng kilos. Tamang tama ito sa description na hinahanap niya. Napuno ng galak ang kanyang puso at hindi na makapaghintay na mahawakan ang kanyang camera.

May dumating na dalawang police officers at hinuli ang pickpocketer.

"Excuse me, thank you for your help. My name is Director Sunderhaus. Here is my card, are you interested in acting?"

"No." Diretsong sagot ng babae saka tumalikod at umalis. Sumakay ito sa bisikleta nito habang dala ang isang higanteng cheese. Mabilis itong nag-pedal at kaagad na nawala sa kanyang paningin.

"..." Sigurado siya na may nagawa nga siyang nakaka-offend. Ngunit hindi niya alam kung ano iyon.

"Director! Director Sunderhaus!" tawag ni Kristina sa tulalang director. Nahuli siya ng dating at hindi nasaksihan ang mga pangyayari. Hindi niya alam kung ano ang dahilan ng pagkakatulala ng direktor.

"Kristina, you are asian, correct?"

"Ah? Yes, Director. What is the matter?"

"Good. Good. That's good."

"What happened to you, Director Sunderhaus?"

"I found my angel! My heroine! We can finally shoot the commercial!"

"Really?!" Finally! Makakapag-shoot na rin sila! Good news!

Sa sobrang pihikan kasi ni Director Sunderhaus ay ilang linggo na silang delayed sa shooting. Walang pumapasang modelo sa kanya. Ngayon ay nakita na ng direktor ang hinahanap nitong muse. Sino ang hindi maiiyak sa tuwa? Siguradong matutuwa ang buong crew!

"So, where is she? Who is your muse? Did she sign the contract already?"

"She's...gone."

"That's alright. Can you give me her phone number? I'll just contact her and give her the schedule for the shoot."

"I... don't have it," mahinang sagot ng direktor.

"...Pardon?" Nagkaroon ng masamang kutob si Kristina. "Did she at least tell you her name?"

"She did... not," halos hindi na marinig sa sobrang hina na sagot ng direktor.

"..." WHAT. THE. BUCK?!

"But no worries! Basel is a small city. I am sure I can find her again," kumikislap ang mga mata na sabi ng director. Tumango tango pa ito na tila sumasang-ayon sa sinabi ng sarili.

"Director, please don't tell me she turned down your offer."

"What nonsense?! I am Director Sunderhaus! I have won so many awards. What nonsense are you saying, Kristina?! Was für Unsinn! She just did not hear me correctly. No worries. Next time, I will make myself clear. Hmph!"

"..." 'You don't have to be so defensive, Director. You are so obvious.'

Napa-buntong hininga si Kristina. Kailan pa kaya matatapos ang commercial na ginagawa nila? Hindi. Kung sino man ang nagustuhan ni Director Sunderhaus, kailangan nila itong mahanap! Dito nakasalalay ang kanyang bonus!

Come hell or high water, mahahanap nila ang muse ni Director Sunderhaus at matatapos nila ang commercial shoot!

***

Dela Cruz Residence,

Villa Merah

*Slam!*

Malakas ang sarado ng pinto na sinundan ng harurot ng sasakyan sa labas ng bahay ang inabutan ni Blue nang lumabas siya mula sa kanyang kwarto. Sumilip siya mula sa ikalawang palapag at nakita niya ang kanyang ama na naiwan sa sala. May kapansin pansin na pulang marka sa kaliwang pisngi nito.

Tumunog ang cellphone nito at may kinausap. Nakangiti ito at tila nakalimutan na ang nangyari kanina. Maya maya ay lumabas ito ng bahay suot ang office attire nito.

Muling natahimik sa loob ng bahay. Naiwan si Blue kasama ang Yaya niya.

"Blue, gising ka na pala. Ano'ng ginagawa mo dyan sa may hagdan? Halika na. Kumain ka na ng almusal," tawag ng Yaya niya sa kanya - isang babae na nasa kwarenta anyos ang edad.

Bumaba ng hagdan ang pitong taong gulang na si Blue at pumunta sa hapag-kainan. Tahimik sa loob ng bahay at tanging kubyertos lang ang maririnig sa dining room. Mahaba ang lamesa at maraming pagkain na pagpipilian. Dahil dito, mas kapansin-pansin ang nag-iisang pigura ng bata.

Nakaramdam ng awa si Yaya Salve para sa kanyang alaga. Hindi ito nakakapag-salita at mas gustong mag-isa. Hindi ito nakikipaglaro sa ibang bata at palagi lang nakakulong sa loob ng kwarto nito. Hindi tuloy niya alam kung paano ba ito pasasayahin. Maski sa kanya ay ilag ito.

Kung magkakaron lang sana ng asawa ang kanyang Sir at magkakaroon ng isa pang anak, siguro ay mas sisigla ang alaga niya. Ang kaso... ang mga babae na inirereto ng ina ni Sir Jared sa anak nito ay hindi nagtatagal.

"Hiwalay na ba si Sir Jared at yung Miss Isabelle?" tanong ng isang housemaid sa Yaya ni Blue.

"Hindi ko alam," sagot ni Yaya Salve.

"Tingin ko, may sumpa itong si Ser. Gwapo naman siya, mayaman pa, mabait din, pero bakit palaging iniiwan?" sabi ng isa pang housemaid.

"Baka isinumpa siya nung naging ex niya dati?"

"Sino'ng ex ni Ser?"

"Malay ko. Baka ex niya noon? Ilan na ba ang naging ex nitong si Sir?"

"Si Ser naman kasi, nandito naman ako naghahanap pa ng iba," biro ng babae.

"Tigilan ninyo nga iyan. Baka marinig kayo ng alaga ko," saway ni Yaya Salve sa dalawa. "Puro kayo kalokohan."

Nagpatuloy ang tahimik na buhay ni Blue. Ang kanyang buong maghapon ay umiikot lang sa mga libro. Wala siyang gaanong gusto. Wala siyang ibang hiling.

Hindi niya maintindihan kung bakit nag-aalala sa kanya ang mga katiwala sa bahay. Para sa kanya, kung iiwan siya ng mga ito nang mag-isa, mas masaya siya.

Masaya? Hindi alam ni Blue kung ano ba ang salitang iyon. Siguro para sa kanya, ang salitang masaya ay pagiging komportable. At sa katahimikan niya iyon nahahanap. Sa kanyang pag-iisa, nagiging malaya siya.

Walang mga kasambahay na papanoorin ang mga kilos niya. Walang mga estranghero na dinadala ng kanyang ama para kausapin siya.

Ang katahimikan ang kanyang kasiyahan. At ang mga libro ang kanyang mga kaibigan.

Ngunit hindi nagtagal ay nagbago rin ang kahulugan ng 'saya' para sa kanya.

Isang araw, biglang dumating sa buhay niya ang isang batang babae na nagngangalan na Tammy Pendleton. Ang una niyang kaibigan.