webnovel

Here to Stay [Filipino]

Promises are meant to be broken. Iyan ang paniniwala ni Infinity. Simulat sapul kasi walang taong tumupad ng pangako sa kanya. Hanggang sa nasanay na rin siyang hindi na umasa, dahil sa huli ay hindi rin naman ito matutupad. Until one man change her beliefs. Lahat nang sinabi at pinangako nito sa kanya ay tinupad nito. Now she begin to hope, to believe, to trust, and to love once again. Pero masyado ata siyang mahal ng tadhana. The man behind her smiles and leaves her hanging. That turned her life to nothingness once again. Dahil dito ay tanging masasakit na istorya na lamang ang kanyang nasusulat. Kaya nga binansagan siyang The Tragic Writer ng The Journal. Pagkatapos noon ay sinimulan niyang buoin ulit ang sarili. From scratch and pain, kinaya niya…kinakaya niya. But the past keeps haunting her. Until someone came who made her feel alive again. Made her believe that she is not alone, that she was worth it. Na may bilang siya sa mundo. Is he her saving grace? Or he is another heartbreak?

RomanceNovelist · 青春言情
分數不夠
23 Chs

IX

CHAPTER 9

***

"ANONG tingin mo, Felice? Bagay kaya sa'kin 'to?" Tanong ni Angelica kay Felice habang hawak ang isang red long gown, simple lang ito. Pero mukang magiging pasabog kapag ito ang nagsuot.

"Bagay sa'yo, Angelica. Actually mukang lahat naman ng gown na isinukat mo bagay sa'yo. Iba na talaga ang maputi!" Sagot ni Felice.

"Hala hindi naman! Saka ikaw din naman. Bagay sa'yo 'yong mga gown na napili mo. Saka gusto ko 'yong pagka-morena mo! Lakas maka-Venus Raj!"

"Ay bet ko yung Venus Raj! Siya na talaga ang peg ko sa awards night! Balikan na'tin mamaya 'yong gown na kamuka ng gown niya! Lakas maka-Ms. Universe!"

Tahimik naman na nagmamasid lang sa isang tabi si Infinity.

She's not out of place or third wheel to the two. Mas gusto niya lang ang tumahimik lang sa isang tabi. Alam naman ito ng mga kasama niya. Minsang nakikitawa o sumasagot kapag hinihingi ng mga ito ang opinyon niya.

"Ikaw ba Infinity? May napili ka na?"

"W-Wala pa."

Kakikitaan naman ng pagkadismaya ang muka ng dalawang kasama.

"Talaga bang...ayaw mong um-attend ng awards night?" May lungkot na tanong sa kanya ni Angelica.

"H-Hindi naman sa ganoon."

"Eh bakit parang hindi ka naman excited? O sa tingin ko nag-iisip ka ngayon ng dahilan para hindi makapunta sa awards night." Sabi naman ni Felice.

The two have different personalities. One is fierce, while the other one is angelic...like her name.

"H-Hindi! Wala lang talaga akong mapili at magustuhan."

Halatang hindi binili ng dalawa ang palusot niya pero hindi nalang nagsalita ang mga ito.

After 3 hours of walking and non-stop fitting. Nakabili na din ang dalawa ng susuotin sa Awards Night.

While Infinity herself still doesn't pick any.

"Alam niyo...kumain na muna tayo. Mag-recharge muna tayo ng energy para makapili tayo ng damit for Infinity. Dahil hindi ako papayag na umuwi ng walang napipiling damit itong kaibigan na'tin." Suggestion ni Felice.

"Oo nga! Tara!" Segunda naman ni Angelica.

Napangiwi siya ng sinabi nitong hindi sila papayag na umuwi ng wala siyang napipili. She doesn't have a choice but to follow them.

Habang kumakaen ay nagpag-usapan nila hindi naman maiwasang mapag-usapan ang kanilang trabaho.

"Mas gusto ko 'yong genre ko ngayon, kaso may kaunti akong problema. Medyo nahihirapan akong masulat ngayon. Ewan. dahil siguro wala pa akong experience? Pero nag-e-enjoy akong magsulat ng erotica." Daing sa kanila ni Felice habang ngumunguya ng burger.

"Bakit hindi ka magbasa ng mga erotic novels? Hindi mo naman gagayahin, parang kukuha ka lang ng idea." Suggestion naman ni Angelica.

"I've already tried! Kaso medyo na-disappoint ako kasi parang ang boring. Kulang sa puso. Ay! Ewan! Pero ayokong magbago ng genre." Na-fru-frustrate nitong sabi.

"Kausapin mo si Tatay June, o kahit si Louise. They can help you." Suggestion naman niya.

"Nagawa ko na! Si Louise malapit na akong sukuan sa sobrang kulit ko. Si tatay June naman sobrang matalinhaga. Hindi ko alam kung anong gusto niyang gawin ko to get the proper idea to write such explicit scenes."

"And then why not find some inspiration." Singit niya dito.

"Tama! Find an inspiration. Parang 'yong ginagawa ni Lyra!" Suggestion naman ni Angelica.

Muntik na niyang mabuga ang iniinom na juice ng marinig ang sinabi nito. Si Felice man ay natigilan.

"Ahmm… Angelica. Papaalala ko lang sa'yo ang genre ni Felice huh. Erotic. Papaano siya maghahanap ng research subject sa ganoong topic? At papaano niya gagawin 'yong research? Sasama siya sa session?" Inosente niyang tanong.

Para namang batang nagising sa katotohanan si Angelica. Bigla itong tumawa na sinundan naman nilang dalawa.

Their laugh is echoing throughout the whole restaurant and the customers were already looking at them.

"That sound absurd, by the way." Sagot naman ni Felice ng makabawi na sa pagtawa.

Para namang may anghel na dumaan sa kanila ng bigla silang matahimik tatlo.

"You know, I just want to be honest with you two." Basag ni Felice sa katahimikan. "Sa totoo lang, masama man, na-i-ingit ako kay Lyra."

She immediately snap her eyes to Felice. Ganoon din ang ginawa ni Angelica.

"Bakit naman?" Tanong ni Angelica dito.

"Kasi…" Felice is fidgeting, as if looking for the right words to complete and explain what she really felt. "Kasi ang swerte niya? Tignan niyo. She's now married to sir Jhezz. Tapos magkaka-anak pa silang dalawa. Para kasing hinugot sa storya 'yong buhay niya. Alam mo 'yon? 'Yong akala mong sinusulat lang natin na storya, nagyari sa kanya."

Sandali naman silang natahimik.

"Kaya nga minsan...minsan naiisip ko. Kaya siguro ang gaganda ng mga storyang nagagawa niya kasi ang ganda ng nagyari sa kanya."

Hindi naman niya alam kung anong i-re-react sa sinabi ni Felice.

She have been with Lyra and Louise since na beginning. Silang tatlo ang naging haligi ng The Journal ng nagsisimula pa lang ito. Kaya alam na alam nila ang istorya ng isa't-isa, kung papaano nila narating ang kinalalagyan nila ngayon.

"Naaalala niyo 'yong sinabi ni Lyra the day after ng may kumalat na blind item sa kanila ni Sir Jhezz?"

"Alin Infinity? 'Yong bagong simula pa lang siya sa project niya with sir Jhezz?" Tanong ni Angelica.

Tumango naman siya dito para makumpirma na tama siya.

"Oo, naalala pa namin. Bakit?"

Tinignan niya ang dalawa.

"Hindi ko na maalala 'yong exact word pero naalala ko 'yong sinabi niyang, fiction is far differ from our reality. Nandito tayo bilang instrumento para gumawa ng mga storyang nakaka-entertain at pwede ding kapulutan ng aral. Pero malayong malayo sa mga sinusulat natin ang reyalidad na'tin."

Kitang-kita sa muka ng dalawa na naalala na ng mga ito ang sinabi ni Lyra noon.

"I've been with Lyra and Louise for a long time. Kami halos tatlo ang bumuo ng The Journal ng nag-uumpisa pa lang ito. Alam na alam namin ang kwento ng isa't-isa. Kaya ako na ang nagsasabi sa inyo, Felice, Angelica. Maaring kaingit-ingit nga ang buhay ngayon ni Lyra. Pero sa likod ng saya niya ngayon ay balde-baldeng luha.

All of us have different story behind our laptops and notebooks. Huwang kang maingit, Felice. Kung ano man ang pinapangarap mo ngayon...mararating mo 'yon. After all, everything can be possibly get with hard work and perseverance."

Nanahimik ang dalawa dahil sa sinabi niya.

"S-Sorry, Infinity. Alam kong...alam kong bago pa lang ako sa pagsusulat. Isang taon pa lang naman ako sa The Journal. Hindi ko naman gustong palabasin na...na ang dali ng naging buhay ni Lyra. Sorry talaga." Nahihiyang sabi ni Felice.

"Hindi naman kita pinapagalitan dahil ganoon ang nararamdaman mo. We have different opinions. Ang gusto ko lang na sana maintindihan niyo ay, we have different lives to live. May iba't-ibang paraan si Lord nang pagbibigay sa'tin ng surprise that could help us to write more. Or to become successful in life."

Bigla namang natawa si Angelica na kinagulat nilang dalawa.

"S-Sorry, Infinity. I don't want to sound disrespectful pero kasi kaya ako natawa dahil I never imagine you're like this."

Kumunot naman ang noo niya.

"Like this?" Puno ng pagtataka ng tanong niya.

"Yep! Like this. Madaldal? Alam mo kasi kanina 'nong kasama ka namin habang namimili. I thought you're a type of person na hindi mahilig magsalita at magbigay ng opinyon. 'Yong tipong introvert. Now I know why Louise really praises you and your works. Once kasi na magsalita ka, every words you'll say has a meaning. No nonsense." Sabi nito na sinang-ayunan naman ng isa.

Tinawanan niya ang mga ito sabay sabing:

"Masyado na kasing maraming opinyon ang mundo. Mas iingay lang kung dadagdag pa ako."

For a better reading experience, the writer urges you to play the songs included per chapter. Please visit my Facebook page for the Playlist on Spotify, feel free to listen to them while reading!

Please wash your hands regularly, humans!

Thank you so much for giving time to my story! Appreciated! Will work hard more for your reads :) Please do leave a rating/comment! I am reading them :)

Comments? Reactions? Feel free to comment on them down below :)

Follow me on my social media platforms!

Facebook Page: RNL Stories

https://www.facebook.com/RNLStories

Twitter: @RomanceNovelist

Instagram: @romancenovelist_wp

e-mail: romancenovelistlady@gmail.com

RomanceNovelistcreators' thoughts