webnovel

Her Downfall (tagalog)

Ang buhay at ang mundo ay pantay ngunit ang mga tao ang hindi pantay. Ang mga ito ang gumagawa ng ikakakomplikado ng buhay ng mga taong nakapaligid sa kanila. Binigyan tayo ng Diyos ng buhay upang magawa natin ang bawat misyon na nakalaan sa atin. Sa buhay ng bawat tao kasama na ang mga pagsubok na magpatatag sa atin, buhay na parang roller coaster ride minsan masaya, minsan malungkot. Hinahayaan ng Diyos na maranasan natin ang lahat ng ito upang mabalanse ang ating emosyon at maging matatag at matibay. Darating yung point na iisipin natin ang pagsuko kasi hindi na natin kaya. May darating na tao para maramdaman mo yung worth mo pero bigla ka lang iiwan kasi parte lang talaga siya ng buhay hindi habang buhay. Nicole Louise Anne Cole Madrigal ang babaeng invisible sa paningin ng mga taong nakapaligid sa kanya ngunit may darating na tao ang magiging sandalan at karamay niya sa mga problema. Sasaksihan ang mga mapapait na karanasan na magkukulong sa kaniyang madilim na mundo. Paano kung isang araw yung taong parang hangin lamang sa iyo ay matuklasan mong may malubhang sakit? Anong gagawin mo?

invisible_18 · 青春言情
分數不夠
20 Chs

Chapter 9

CHAPTER 9

PAGEANT

Louise

It is the most awaited day of the students were in the pageant will presents. Maaga pa lang sinundo na ako ni Ate Angel upang pagpunta ko daw sa university may ayos na ako at ireretouch na lang. Kinakabahan ako kasi ito ang unang pagkakataon na magpeperform akong muli sa harap ng maraming tao. Siguro iniisip ng iba anong pinagkaiba ng pagsali sa quiz bee o conferences sa pagpeperform ng talento sa maraming tao. Malaki ang pinagkaiba sa pagsali sa quiz bee o conferences marami kayong pagtutuunan ng pansin ng mga manonood kasi magkakasama kayo sa isang lugar. Samantala ang pagsali sa pageant rumarampa ka ng mag-isa at kung nanaisin mo pwede kang magperform mag-isa ng talent.

Pagdating namin sa venue marami ng mga esrudyante ang nag-aabang upang makapanood. Ang mga dumadating na contestant ay sinasalubong ng kanilang mga block mates at professors upang ihatid sa dressing room nito. Maaliwalas ang paligid marahil ay excited sa event ang mga suppoters ng mga contestant ay may mga hawak na banner para ipakita ang kanilang suporta. Habang iba naman ay may dalang drum upang patugtugin mamaya at ang entablado ay mayroong magarang kagayakan. Ang mga upuan at lamesa ng mga hurado ay nakahanda na at may magarbong ayos.

Lahat ng mga estudyante na makikita mo ay mayroong suot na tshirt na nakalagay kung sino ang sinusuportahan nitong kandidato. Pagkalipas ng ilang minuto ay ipinaalam sa amin na dumating na ang mga hurado upang maihanda ang aming sarili sapagkat makalipas ang sampung minuto ay magsisimula na ang pageant. Nakabihis na kaming mga kandidato kaya iniretouch lamang kami ng aming mga kasama sa loob ng dressing room.

Rumampa na si candidate no.1 kaya't naghiyawan ang kanyang mga supporters hanggang sa dumating ang pagkakataon na ako naman ang rarampa. Kinakabahan man ngunit rumampa ako ng iniisip ko ay ako lamang ang tao yung walang nanood at nagawa ko naman ng mahusay. Maraming tumili sa mga blockmates ko na nagbigay sa akin nang lakas ng loob. Huling rumampa ang kapartner ni Kristoffe na si Princess tinilian nilang lahat sa iksi ng suot na uniform. She walks confidently on the stage at bago siya umalis sa stage kumindat siya sa mga manood at nagbigay ng flying kiss pagkatapos ay nagflip ng buhok. Hindi ko ipinagkakaila na magaling siya at malaking posibilidad na manalo.

Sumunod na inirampa ay sports wear kaya ang inirampa ko ay uniform ng volleyball team sapagkat kabilang din ako roon. Rumampa ako suot iyon habang may dalang bola at maraming tumili na ikinailang ko sapagkat maigsi lamang ang suot kong short. Rumampa si Princess suot ang cheering squad uniform habang may suot na pompoms sa mga kamay. Maraming tumitili at sumusuporta sa kanya sapagkat sikat siyang talaga.

Ang sumunod ay casual wear kaya ang ipinasuot sa akin ni ate Angel ay isang crop top na kulay pink, high waist short na itim, at puting rubber shoes. Maraming namangha sa suot ko at kinagiliwan ng karamihan. Ang suot naman ni Princess ay sleeveless blouse na manipis kulay itim, mini skirt na puti, at silver stilletos. Tuwang-tuwa ang mga kalalakihan sa mga isinusuot niya kaya sobrang dami ang tumitili.

Pagdating ng talent portion unti-unti ng nawawala ang aking kaba ng bigla kaming tawagin upang magperform. Sabay kami ni Michael na lumabas lumapit ako sa piano sa may gilid at siya sa guitara sa gitna. Nagsimula na akong tumugtog ng piano ganun din naman si Michael sa gitara. Nagsimula kumanta si Michael habang naggigitara at nakatingin sa mga manonood.

I found a love for me

Oh darling, just dive right in and follow my lead

Well, I found a girl, beautiful and sweet

Oh, I never knew you were the someone waiting for me

Habang kumakanta siya ay nakatingin siya akin samantalang tumingin ako naman sa mga manonod at ngumiti habang tumutugtog ng piano. I saw ate Angel giving us a thumbs up so I smile at them pagkatapos ay tumingin muli kay Michael.

'Cause we were just kids when we fell in love

Not knowing what it was

I will not give you up this time

But darling, just kiss me slow, your heart is all I own

And in your eyes, you're holding mine

He singing it smoothly with a wonderful voice that's why the audience are so quite to hear it carefully. Maraming mga kababaehan ang tumitingin sa kanya ng may paghanga kung kaya't hindi nakakapagtaka kung dumami ang mga babaeng nagkakagusto sa kanya.

Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms

Barefoot on the grass, listening to our favourite song

When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath

But you heard it, darling, you look perfect tonight

Nagsimula akong kumanta habang nakatingin sa mga nanood hanggang sa nahagip ko ng tingin si Kristoffe na nanood sa baba sa tapat ni Michael. Seryosong nakatingin akin na may kakaibang kislap sa mga mata.

Well I found a man, stronger than anyone I know

He shares my dreams, I hope that someday I'll share his home

I found a love, to carry more than just my secrets

To carry love, to carry our children of our own

I keep singing while looking at him na hindi naman halata ng iba dahil kung titingnan sa baba ay si Michael ang tinitingnan ko sapagkat sa tapat lamang siya ni Michael nakatayo.

We are still kiss but were so inlove,

Fighting againsts all odds

I know that we be alright this time

Darling just hold my hand

Be my man, I'll be your girl

I see my future in your eyes

Tumingin ako ng diretso sa mga mata ni Michael habang kinakanta yung chorus ng kanta na umani ng malakas na tilian. While we are singing he gave a wink na nagpalakas ng hiyawan ng mga manonood.

Baby, I dancing in the dark with you between my arms

Barefoot on the grass, listening to our favorite song

When I saw you in that dress looking so beautiful

I don't deserve this, darling you look so perfect tonight

Nakikita ko sa peripheral vesion ko na nakatingin pa rin si Kristoffe sa akin ng diretso na ikinailang ko ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang.

Baby, I dancing in the dark with you between my arms

Barefoot on the grass, listening to our favorite song

I have faith in what I see

Now I know I have met an angel in person

Hindi ko maipaliwanag kung bakit bumubilis ang tibok ng puso kapag nakikita ko siya at malapit sa akin. Wala naman akong sakit sa puso kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganun. Kung kaya't naisip kung manghingi ng opininyon kina nanay at tatay.

And she looks perfect

I don't deserve this

You look perfect tonight

Natapos namin ang kanta ng maayos at magkahawak ng kamay na nagbow sa harap ng mga manonood. Samantalang sina Kristoffe naman ay nagsayaw ng napakahusay sa tugtog na Rewrite the Stars. Hindi ko alam pero habang nagpeperform sina Kristoffe ay hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Madaming humahanga sa husay niya magsayaw sapagkat miyembro siya ng dance troupe since high school.

----