webnovel

Her Downfall (tagalog)

Ang buhay at ang mundo ay pantay ngunit ang mga tao ang hindi pantay. Ang mga ito ang gumagawa ng ikakakomplikado ng buhay ng mga taong nakapaligid sa kanila. Binigyan tayo ng Diyos ng buhay upang magawa natin ang bawat misyon na nakalaan sa atin. Sa buhay ng bawat tao kasama na ang mga pagsubok na magpatatag sa atin, buhay na parang roller coaster ride minsan masaya, minsan malungkot. Hinahayaan ng Diyos na maranasan natin ang lahat ng ito upang mabalanse ang ating emosyon at maging matatag at matibay. Darating yung point na iisipin natin ang pagsuko kasi hindi na natin kaya. May darating na tao para maramdaman mo yung worth mo pero bigla ka lang iiwan kasi parte lang talaga siya ng buhay hindi habang buhay. Nicole Louise Anne Cole Madrigal ang babaeng invisible sa paningin ng mga taong nakapaligid sa kanya ngunit may darating na tao ang magiging sandalan at karamay niya sa mga problema. Sasaksihan ang mga mapapait na karanasan na magkukulong sa kaniyang madilim na mundo. Paano kung isang araw yung taong parang hangin lamang sa iyo ay matuklasan mong may malubhang sakit? Anong gagawin mo?

invisible_18 · 青春言情
分數不夠
20 Chs

Chapter 8

CHAPTER 8

PRE-PAGEANT

Louise

Maaga akong gumising para maghanda ng agahan ng pamilya ko kasi ngayon ang huling practice namin kaya maghapon ang practice. Pagkatapos ng klase mamimili pa kami nina ate Angel ng gagamitin na mga damit sa pageant. Kahit nakakapagod ay nag-eenjoy pa rin ako sa ginagawa ko na hindi ko inaakala na magugustuhan ko. Ang sabi ng karamihan lahat daw ng mga kababaehan ay nangangarap na maging beauty queen balang araw. Mahilig sumali sa mga pageants bilang stepping stone para sumali sa international contest. Ni minsan hindi ko naisip o pinangarap na maging beauty queen kasi sa palagay ko ay hindi ito nararapat para sa ganung bagay.

Kaya ngayon ang gusto ko ay mag-explore upang masubukan yung bagay na hindi ko pa nagagawa tulad ng pagtravel at mga extreme sports. Dumadating pala talaga tayo sa punto ng buhay na kailangan nating gawin ang bago pa lamang sayo yung mga hindi mo nakasanayan. Upang malaman kung magaling ka ba sa ganitong bagay, hindi dahil nagsasawa ka na mga nakasanayan kundi upang sumubok ng bago para sa panibagong kaalaman at experience.

Nang makatapos ako sa paghahanda ng almusal ng pamilya ko, naghanda naman ako sa pagpasok. Matapos ang labinlimang minuto ay tapos na akong magprepera para sa pagpasok ay hinanap ko si tatay upang magpahatid. "Tay, magpapahatid po sana ako inyo sa university kung ayos lamang po sa inyo?" tanong ko sa kanila ng may nahihiyang ngiti. "Bakit maaga kaya ngayon anak?" tanong ni tatay ng may bahid ng pagkabigla. "Maaga po kasi ang practice ko ngayon sa university. Pasensya na po. Naabala ko po ba kayo? Pwede naman po akong magtaxi" anas ko kay Tatay. "Ano ka ba naman anak, nagulat lamang ako kung bakit maaga ang alis mo ngayon. Hindi ka naman nakakaabala sa akin atsaka trabaho ko iyon" saad niya ng ngiti sa mga labi.

Habang nasa biyahe sinabi ko kay Tatay na malalate ako ng uwi muli kaya huwag na niya akong sunduin. Pagkarating sa gate nagpasalamat ka agad ako at nagmamadaling pumasok sa loob hindi kasi ako sanay na malate. Habang naglalakad may nakabunggo naman ako sa magmamadali. Kung kaya't nag-angat ako ng tingin kung sino ang nabunggo ko at nakita ko si Kristoffe na tinulungan akong pulutin ang mga gamit ko na nalaglag. "I'm sorry nagmamadali kasi ako" anas ko at nagbaba ng tingin. Hindi man lang siya sumagot kaya nag-angat muli ako ng tingin nakita ko siyang tumingin sa relo pagkatapos tumingin muli sa akin. "Hindi mo kailangang magmadali mayroon pa tayong fifteen minutes bago mag-umpisa sa practice" sabi niya sa akin ng nakapokerface pa rin. "Hindi lamang kasi ako sanay na malate" sagot ko ng nahihiya pa rin kasi naman lagi ko siya nakakabungguan. "Don't worry we still have fifteen minutes to get there. It's better to be late than never. Let's go" sabi niya at kinuha ang mga gamit na dala ko.

---

It's 2 o'clock in the afternoon and were practicing for the last time because the day after tomorrow will be the time that the pageant will be perform. Tomorrow is our rest day or for them it is what they called 'beauty rest' for the contestants. Sa totoo lamang I'm not aiming for the title ginagawa ko lamang ito upang maranasan ang sumali sa pageant. Laging sinsabi ng instructor namin na dapat laging nakangiti habang rumarampa ngunit hindi naman nila mapangiti si Kristoffe. Samantalang yung partner niya pakiramdam ko laman siya lagi ng beauty contest coz the way she moves it looks like she's used to it.

Sa tingin ko siya ang mananalo ng title kung sa bagay sa tingin ko deserve naman niya kung sakali. Isa siya sa mga sikat at hinahangaang estudyante sa university dahil sa kanyang magandang mukha ngunit magaspang na ugali. The other students are excited to know who will win the title, so the contestants are, except for me. I'm used to joining the competition that's why I'm not excited nor nervous.

Pang-siyam kami sa walongpung contestant kaya hindi na talaga ako umaasa na mananalo ako. Tapos na rin kami magpractice ng gagawin para sa talent portion kasi nagpapractice kami tuwing break time sa general practice. Nagpapractice kami ng nakaheels mula noong mga nakaraang araw so sanay na ako pero noong una natatapilok talaga ako habang naglalakad. Pinagpractice kami ng instructor ng may libro sa ulo habang naglalakad ng may suot na heels. Pakiramdam ko tuloy yung Miss Universe ang sinalihan ko hahaha.

Alam ko na ngayon kung bakit ang ate ay gustong sumali sa pageant kasi kapag ang isang bagay ay ginagawa mo ng may passion mararamdaman mo yung fulfillment. May mga bagay na ginagawa natin may kasamang pagmamahal ay maganda ang kinakalabasan. Kung kaya't hindi ko maintindihan ang iba na gumagawa ng mga bagay na out of passion. Pagkatapos ng practice namin ay dumiretso kami sa mall upang mamili.

Nagtaxi na lamang ako pauwi kasi ayaw ko ng maabala pa si tay alas diez na kami natapos mamili ng mga gagamitin na mga damit. Sinabi pa ni Ate Angel na kailangan kong pumunta sa kanya bukas upang mapag-aralan kung paano ang gagawin sa aking ayos para sa pageant. Siya na rin ang nag-uwi ng mga pinamili namin upang siya na rin daw magdala sa mismong araw na gaganapin ito. Hindi na rin kami tumanggi ni Michael kasi hassle pa kung kami ang magdadala ng mga ito.

Kinabukasan nagpunta ako kay ate maghapon kaming nagbonding matapos niyang tingnan kung ano ang mga magandang ayos na babagay sa akin at sa mga damit na isusuot. Masaya ako kasi nagkaroon na naman ako ng bagong kaibigan at ate. Hindi ko kasi naramdaman kung paano magkaroon ng kapatid even though nandyan si ate Loraine. We never get along coz she always saw me as a threat and a contender.

She never made me feel as part of her life coz for her I'm just a trash. It's so hard because I thought having a sibling is like having your half. I mean you will have someone when you needed one and a best friend. Yet, I'm wrong it happen only to those people who love dearly their siblings. I hope she change coz I want to feel how is it to have a sister.

---