Kinuwento ni mommy Gloria ang lahat sa akin at hindi ako makapaniwala. Hindi sila natuloy papuntang U.S, bagkus bumili sila nang isang row house unit sa Paranaque at doon na tumira.
"Pasensya na Ara huh," malungkot na wika ni mommy Gloria.
"Mom, walang kaso sa akin iyon. Pero bakit niyo ginawa yun?"
"Si Maya ang naki-usap sa amin," singit ni daddy Ben. Na sorpresa ako sa sinabi niya. "At dahil sa nangyaring gulo sa ospital, sinunod namin ang kanyang gusto,"
"Ara, alam na niya ang tungkol sa nakaraan ninyo ni Hector," wika ni mommy Gloria. Natigilan ako. "Hindi niya sinasadyang marinig tayong nag-uusap minsan nang ma-confine siya. May nahulog na picture sa photo album, nakita niya ito at doon niya nalaman ang lahat,"
Huminga ako nang malalim, lumapit sa akin si mommy Gloria at hinawakan ako sa kaliwang kamay. "Alam mo bang pinalaya na niya si Hector, tinanggap niya rin matapos niyang malaman ang tungkol sa inyo," kumunot ang aking noo. Mas lalo akong naguluhan.
"Na – nasaan na si Maya mom?" I asked her and there was a long silence.
Nagkatinginan pa sila ni daddy Ben bago siya bumaling nang tingin sa akin. "She passed away last week,"
Napatakip ako nang aking bibig. Na-alala kong muli ang naging itsura niya nang huli kaming magkita, it makes sense to me now.
"Nung araw na nagkita si Ben at Hector, kina-usap kami nang doctor na sumuri kay Maya," paliwanag ni mommy Gloria. Napalingon ako sa direksyon ni Hector, nauunawaan ko na kung sino ang kanyang tinutukoy. "Sinabi niya na may ovarian cancer siya at stage four na. Nang malaman ni Maya ang tungkol sa inyong dalawa, naki-usap siya sa amin na lumipat nang ibang ospital. The last time na nagkita tayo kung saan nagkagulo, yun na rin ang huling araw na nakipag-appointment kami. We grabbed the opportunity na lumayo na nang tuluyan at since yun din naman ang gusto mo sinunod namin si Maya, nagulat nalang kami nang sabihin niyang sumusuko na siya at huwag nang mag-undergo pa sa treatment. Hindi ko alam kung bakit, siya rin ang nag-request na huwag kaming matuloy sa U.S, masaya na raw siyang makapiling ang mag-aama niya kahit sa huling sandali nang kanyang buhay,"
Hindi na ako maka-kibo, nagulat kasi ako at hindi ko expect na mangyayari iyon.
"Kahit pabugso-bugso ang pagkalimot ni Hector," singit ni daddy Ben. Napalingon ako sa kanya. Naka-akbay siya kay Hector na nakatingin sa may kawalan. "Nasaktan pa rin siya nang sobra sa nangyari and even our apo, Marco,"
Nabigla si Hector na parang nagbalik-diwa. "M – Marco? Anak ko yun di ba?" nagkatinginan kaming tatlo.
That is a good sign, may nakikilala pa rin siya kahit papaano. Si Marco nalang ang bukod tanging bumubuo nang kanyang pagkatao.
"Oo Hector, anak mo siya," maluha-luhang wika ni daddy Ben. Umiiling siya at niyakap ito.
"Ngayon alam ko na ang nangyari sa kanya," wika ko. Nabaling sina mommy Gloria at daddy Ben sa akin.
"Is there something wrong with him again Ara?" tanong ni mommy Gloria, bakas ang takot sa tono nang kanyang pananalita.
"May psychogenic amnesia naman siya ngayon," sagot ko, tumingin ako sa kanilang dalawa. Napatakip nang bibig si mommy Gloria. "Yung labis na emosyon na binuhos niya sa pagkamatay ni Maya, nag triggered nang traumatic stress. Ngayon tuluyan nang nawala ang lahat nang kanyang ala-ala. Hindi na niya kayo kilala maski ako. Tuluyan nang nawala ang pagkakakilanlan niya sa kanyang sarili, sa kanyang pagkatao,"
"Ara don't talk to us like that," singit ni daddy Ben.
"Dad, ask him kung sino siya. Hindi na niya kilala kung sino siya, I've already asked him a hundred times. Akala ko nga nagkaroon siya nang psychosis, pero salamat naman at hindi,"
Bumulalas nang pag-iyak si mommy Gloria. Lumapit siya kay Hector, niyakap niya ito nang mahigpit. Binabatukan ni Hector ang sarili niya at bakas sa kanyang facial expression ang kalituhan sa nangyayari sa kanyang paligid.
He still had his awareness pero hindi naman niya kilala kung sino ang mga nasa paligid niya. Alam niyang may umiiyak pero wala siyang idea kung sino ang umiiyak na iyon. Nakarating siya nang Greenhills dahil sa dissociative fugue. Ngayon, mas delikado na ang kalagayan niya ngayon.
Should I blame myself kasi hinayaan ko silang itigil ang treatment, should I felt guilty?
Lumapit ako sa kanila. "Mom, dad, huwag na huwag ninyong iiwan si Hector. Malaki ang chance niyang maging suicidal lalo na't kapag dumating sa puntong gulong-gulo na siya sa sarili,"
Bakit parang ako ang mas takot habang sinasabi ko iyon?
"Naka-burol ang labi ni Maya ngayon sa Paranaque," wika ni mommy Gloria. Tumayo siya habang pinapahid ang luha sa mata. "If you want, you can come with us,"
Tinitigan ko si Hector, ngayon parang bigla kong kinain lahat nang mga sinabi ko noon, ang planong mapalayo siya. Ngayon may nabuo na namang muli sa aking isipan. Kaylangan kong nasa tabi na niya palagi, his life is on stake, babalik ako sa aking naunang goal. Binalik ko ang tingin kay mommy Gloria, pursed my lips and nod.
***
Monday morning, nakarating kami sa isang malaking funeral home sa Paranaque. Nagtungo kami kaagad sa kabaong ni Maya. Sumilip ako at nakitang maaliwalas ang kanyang mukha.
May kumurot sa aking puso at heto na naman ang guilt dito. Bakit hindi siya nagpagamot? She sacrified so much sa kanyang mag-aama ngunit mas pinili pa rin niyang iwan sila.
Napalingon ako kay Hector, hindi na siya gumagalaw mula sa pagkakatayo. Hindi matinag-tinag ang pagkakatitig niya kay Maya. Nararamdaman niyang may umiwan sa kanya pero hindi niya kilala kung sino and I felt sorry for her.
Iniwan naming tatlo si Hector sa harap. Umupo ako sa mahabang upuan sa left side. Wala halos katao-tao sa loob nang chapel kung kaya't maluwag ang paligid. Kinuha ko ang android phone sa white tote at inusisa. Napuno ito nang text message at miss calls mula kay Eric, huminga ako nang malalim at pinatay ito.
Tumabi sa akin si mommy Gloria at mahinang nakipag-usap. "Gagaling pa ba ang anak ko?"
"Yes mom, makaka-recover pa siya. Maraming klase nang treatment na pwede ko kayong ulit tulungan. Sa ngayon kinakaylangan palagi tayong nasa tabi niya,"
Huminga nang malalim si mommy Gloria at bumaling nang tingin kay Hector. Tumingin siya muli sa akin. "May ibibigay ako sa iyo hija, halika lumabas tayo rito,"
Sumunod ako sa kanya na may halong pagtataka. We ended up sa isang tahimik na sulok nang gusali.
"Pinabibigay ito ni Maya sa iyo," wika ni mommy. Nasorpresa ako nang may ibigay siyang maliit na envelope. Kinuha ko ito sa kanya without a word. "Don't worry hindi ko sinilip o binasa yan,"
Tinapik niya ako sa balikat at saka niya ako iniwang mag-isa. Binuksan ko ang envelope at nalamang may ginawa siyang liham sa akin, binasa ko ito.
"Hi Clara, binuhos ko ang natitira kong lakas ng loob para sa sulat na ito. Alam kong huli na ang lahat at hindi na tayong magkikita pang muli. Nang mga huling araw na ma-confine ako sa ospital ay kusa kong nalaman ang tungkol sa nakaraan ninyo ni Marco, sa totoo lang nasaktan ako, doon ko rin lang naisip kung bakit naging malapit ka sa kanya, sa akin at sa aming anak. Nang tanungin ko si mommy Gloria tungkol dito, kinuwento niya sa akin ang lahat, ang istorya ninyong dalawa na kung papaano kayo pinaghiwalay nang kapalaran, please sana mapatawad mo ako kung nagalit ako sayo. Nag-selos ako nang palaging naging bukambibig ni Marco ang pangalan mo matapos siyang ma-opreahan, ngayon alam ko na kung bakit.
Alam mo ba, sarili kong desisyon ang hindi pagpapagamot, kasi napapagod na ako. Bata palang ako ay marami na akong naranasang paghihirap sa buhay kaya naman nang malaman kong may cancer ako ay natuwa ako at nagpasalamat pa sa Diyos. Matagal ko nang gustong takasan ang buhay kong ito, cancer din ang dahilan kung bakit na-ulila ako sa ina, hindi na rin ako nagulat kung nagkaroon ako nito. Masakit man sa puso ko pero kailangan kong sumuko. Matapos ang muling pagkikita nila Marco at nang kanyang mga magulang ay napanatag na ang puso ko. Nagpapasalamat ako kasi tuluyan ng matatapos ang mga agam agam ko kapag iniwan ko na sila, lalo na ng malaman ko ang tungkol sa inyong dalawa.
Clara, hinabilin ko na ang mag-aama ko kina mommy at daddy. Pwede ko rin ba silang ihabilin sayo, sana palagi kang nasa tabi ng dalawa kong Marco. Tulungan mong gumaling ang asawa ko, alagaan mo sila. Kaylangan ko siyang palayain kasi naniniwala akong kayo talaga ang itinadhana sa isa't isa, bumalik ka sa kanya gaya nang ipinangako ninyo noon. Ipangako mo ito sa akin para naman mapanatag ang puso ko kapag wala na ako. Salamat at naging mabuti ka sa akin,"
Napansin kong napapatakan na nang aking mga luha ang papel na aking binabasa. Lumingon ako sa itaas patungo sa kalangitan.
Na-iinggit ako kay Maya, kasi minahal niya si Hector nang walang pag-aalinlangan. Ganito pala dapat ang pagmamahal, handa kang palayain ang taong iyon kasi naniniwala kang doon siya liligaya.
Dapat ba akong matuwa kasi malaya na si Hector? Papano na kami ni Eric? Ang kasal namin. Bakit mas lalong naging kumplikado ata ang lahat? Naiipit tuloy ako ngayon sa dalawang lalakeng may malaking ginagampanang papel sa aking buhay. Hindi ako makapag-decide, pero mag-isa pa rin akong tumango na tila ba nauunawaan ko liham ni Maya.
"Pangako Maya,"
Mas mainam sigurong sundin ko nalang ang nilalaman nang aking puso.