webnovel

Hector I Love You

Matapos ang pitong taong pagdurusa dulot nang pagkamatay ni Hector ay natutunan ni Clarang bumangon at muling lumigaya. Sa kanyang puso at isipan batid niyang hindi na mibabalik pa ang lahat sa dati. Nagising siya mula sa bangungot at muling nagpatuloy sa buhay. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana, sa isang iglap ang nakaraan ay muling nagbalik. Hindi siya makapaniwalang nagbalik ito sa paraang unti-unting dinudurog and kanyang puso.

Aedecember · 现代言情
分數不夠
52 Chs

CHAPTER 40

Saturday morning at nasorpresa ako sa biglaang pagbisita ni Eric sa aking unit. Hindi kasi siya nag-text man lang.

"May okasyon ba?" I asked him. Nakatayo siya sa harap nang pintuan.

Naka royal blue polo shirt siya at khaki pants. Hindi eto yung usual niyang suot palagi na tees at denim jeans lang. Pumasok siya sa loob. "Sumama ka sa akin. May appointment tayo ngayon sa wedding planner,"

I felt disappointed, sinara ko ang pinto. I was about to leave na rin sana dahil may iba akong lakad ngayon. "Biglaan naman ata – and don't you think masyado pang maaga?"

"Ayoko kasing mamroblema tayo kapag malapit na yung araw nang kasal natin," humarap siya sa akin. Very commanding ang tono nang kanyang pananalita ngayon. "Since mukhang bihis ka na...lets go. Na inform ko na siya sa meeting place natin,"

"May appointment din kasi ako ngayon – " nagulat ako nang bigla niya akong hawakan sa kaliwa kong braso.

Mahigpit ito, bigla rin siyang nagalit. "Pupunta tayo ngayon! Cancel that God damn appointment!"

Hindi ako makakibo dahil natakot kasi ako. Bumitaw siya at huminga nang malalim, napapahawak siya sa kanyang sentido. Nararamdaman kong may nalalaman na talaga siya.

Bakit ganun, ang ganda naman ng hangarin ko sa aking plano pero bakit yung resulta niya is getting worser than I expected. Nagbago bigla si Eric sa akin at ngayon lagi nalang akong takot kapag kasama ko siya. Napatingin ako sa may kawalan dahil pumalpak ata ako.

Nasa harap ko na pala siya, bigla niya akong niyakap nang mahigpit. "Baby, I don't wanna hurt you – you just had to listen to me and follow,"

"Okay," matipid kong sagot, guilty tuloy ako.

Hinalikan niya ako sa noo and we both get off to my unit. Ang dami na namang naglalaro sa aking isipan sa sumandaling iyon. Pano na yung appointment ko? Ang bilis ni Eric makahalata, papaano niya nalaman ang lahat?

Tulala akong nakasakay sa kanyang kotse, napapansin kong panay ang sulyap niya sa akin. Bad girl ba ako? Gumagawa naman ako nang paraan para maayos ang lahat. Bakit mas lalong nagiging complicated lang?

Bigla akong nagbalik diwa nang tumunog ang aking android phone, tumatawag na si mommy Gloria sa akin.

I picked up my phone. "H – hello mom,"

Napalingon si Eric sa akin.

"Makikipagkita ka pa ba sa akin Ara?" tanong ni mommy Gloria sa kabilang linya.

"I'm sorry mom. May biglaan kasi akong lakad, kasama ko ang fiancé ko ngayon,"

"Ganun ba," sagot niya. Tumahimik siya pansamantala. Narinig ko pa ang pag buntong hininga niya. "Ara were leaving soon, sa states. Yun ang suggestion mo di ba?"

Hindi ako makasagot. Good, good, sa loob-loob ko. Pero a part of me is crying na habang buhay ko nang hindi makikita si Hector.

Nagsalita si mommy Gloria at tinatanong kung nasa linya pa ba ako, bigla akong natauhan. "Kaylan niyo balak bumalik sa states? Pumayag ba si Hector?"

"Nang i-open ko sa kanila yan – si Maya kaagad ang unang pumayag. Na convince niya lang si Hector,"

"Okay mom...sige, tuloy po ang plano,"

"Magkikita pa naman tayo bago kami umalis," sambit ni mommy Gloria.

Gusto ko nang tapusin ang tawag, naiiyak na kasi ako. "No – mom, mas maganda siguro na huwag nalang. It's my decision, dont worry about me,"

I let him go again, nagawa ko na naman ito sa ikalawang pagkakataon.

"I respect your decision Ara. Sige ibababa ko na ito, bye – salamat ulit hija,"

Naputol si mommy Gloria sa linya at binaba ko ang aking android phone. Hawak ko ito at nakalagay sa pagitan ng aking hita, my hands are shaking. Nakatingin ang aking ulo sa labas nang sasakyan. Pumapatak na pala ang aking mga luha.

"May problema ba?" dinig kong wika ni Eric.

Pinahid ko ang luha sa aking mga mata nang hindi niya nakikita. "Ah – wala,"

Pinilit ko pa ring magkaroon nang composure nang makipagkita kami sa wedding planner namin. Si tita Cecile raw ang nag-refer nito sa amin. Nakikinig ako sa mga idea niya at suggestion pero lumalabas lang ang lahat ng kanyang sinasabi sa aking kabilang tenga. Lutang na lutang kasi ang aking isipan, wala akong ibang ini-isip kundi, aalis na nang tuluyan si Hector sa buhay ko.

Panay ang tingin ni Eric sa akin at batid kong – nahahalata niya iyon. Siya ang sumasalo sa mga tanong nang wedding planner sa akin, para hindi kami mapahiya. Nilagay ko siya sa awkward na sitwasyon pero hindi ko kasi kayang magpanggap.

Hindi rin kami nagtagal, sinabi nalang ni Eric na masama ang aking pakiramdam. Nangako ang wedding planner na mag-set nalang ulit nang meeting. Matapos ang isang oras ay pauwi na kaming dalawa sakay nang kanyang ford ranger.

"Do you want to go to your clinic?" tanong ni Eric.

Nakatingin ako sa dinadaanan namin ngunit naririnig ko siya. "Gusto kong umuwi na," walang buhay kong wika.

"Shit!" biglang bulalas ni Eric, hininto niya ang sasakyan.

Hinampas niya ang manibela at nagulat ako sa kanyang ginawa. Muntik pa akong masubsob sa dashboard.

"Ano bang problema mo?" asik niya sa akin. Nakakatakot ang kanyang boses, bumilis tuloy ang tibok nang aking puso. "Answer me?"

Ayoko siyang tignan sa mukha, I kept a straight face sa aking harapan.

"Wala ako sa mood Eric," sagot ko na may halo na rin pagka-irita. "Ayokong makipag-talo – "

"Yung Hector ba – huh, yung Hector ba na may asawa!"

Sabi ko na nga ba, may alam na siya. Bigla niya akong hinawakan sa balikat at pilit na pinahaharap sa kanya dahil ayoko talaga siyang tignan sa mukha. Nagpupumiglas ako, bumaling ako sa pinto nang sasakyan.

Hinawakan ko ang lock. "Buksan mo ang pinto – lalabas ako,"

"Answer me!" mas lalo akong kinabahan dahil hinampas na niya ang dashboard. Napabulalas ako nang iyak sa takot.

Nagmaka-awa ako. "Eric please – buksan mo ang pinto,"

Nagmatigas akong huwag siyang tignan sa mukha. Naramdaman ko nalang na gusto naman niya akong yakapin ngayon. "Baby, I'm sorry,"

Kumalma ang kanyang boses pero I'm the one whose freaking out now. Nakabaling ako sa pinto at hinahampas na ito nang mahina. Iyak ako nang iyak, iniiwasan ko ang kanyang mga hawak.

Hanggang sa marinig ko ang pag-click sa bintana. Mabilis kong hinawakan ang lock nang pinto at binuksan. I get off quick and ambled away from him. I never looked back. Narinig ko nalang ang pagbusina nang kanyang sasakyan. Isang panaghoy, bumulalas na rin nang pag-iyak si Eric.