webnovel

Chapter 6

Acer Ash POV .

Payapa na ulit na natutulog si Mira si Ashtrid, mira nalang tawag ko masyadong mahaba pag Ashtrid binabantayan ko sya dahil baka mangyare nanaman yung nangyare nung una at kanina nag papahinga na din ang iba ako na lamang ang nandito pinag mamasdan ko si mira payapang natutulog ang aliwalas ng muhka nya ano ba ang hiwagang meron ka? naka upo lang ako sa tabi ng hinihigaan nya ngayon ko lang napansin ang ganda pala nya! dug dug dug napahawak ako sa parte ng puso ko ano to? siguro dala ng pagod aaminin ko kinabahan ako ng nakita ko sya na malalaglagan ng mga libro at wla ako magawa nainis ako sa sarili ko Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito ayst ano ba tong pinag iisip ko pinababantayan lang sya sa akin ni head master kaya ako nag kakaganto

"Hmmmn" nawala ako sa malalim na pag iisip ng marinig ko si Mira napatayo akong bigla unti unti nyang iminumulat ang mata nya

"Ah asan na ako?" nang hihinang tanong nya

"Nandito ka sa bahay, kamusta? may masakit ba sayo? anong pakiramdam mo? may gusto ka ba kainin? nagugutom ka ba?" pag tatanong ko sa kanya hindi ko alam kung bakit ako na tataranta ngumiti sya at sinabi "Ganyan ka pala mag alala hehe" humahagikhik na sabi nya napaiwas ako ng tingin "tsk oyy Biro lang! Nagugutom ako!" sabi nya pero may pilyang ngiti padin tsk akala mo walang nangyare sa kanya nakuha pa akong asarin sunugin ko kaya to tss "saglit lang kukuha ako nang makakaim mo" sabi ko at lumabas na sa silid nya

END OF ACEE ASH POV.

Mira) Sam POV

Lumabas na si Acer sa totoo lang nyan medyo masakit pa parte ng dibdib ko napapaisip ako ano ba talaga ang nangyayare sa akin simula nung napunta ako dito parang andami ng kababalaghan ang nangyayari ano ba talaga ang meron sa akin n naguguluhan na ako sa sarili ko

"Ehhhnnnggggkkk..."

Nawala ako sa malalim na pag iisi ng may pumasok sa pinto napatingin ako si Acer pala may dala na syang tray ng pagkain ng nakalapit sya inilapag na nya ang trey sa Side table ng hinihigaan ko inalalayan ako ni Acer na maka upo sa m totoo lang naiilang ako kaya lang wala ako magagawa gutom na ako no "ilang oras na ba akong tulog?" bigla kong tanong "kase diba kanina lang nangyare yung may mga ahas at babae na sumulpot sa harap ko?" natigilan si Acer at nag tatakang naka tingin sa akin "Anong Kanina ang sinasabi mo dyan? Isang araw ka nang walang malay" O___________O "ANO?" napa mulagat ako ng wala sa Oras sa sinabi nya kaya pla nang hihina ang katawan ko "Kaya pala ah ehh ga-ganun ba?" tumango lang si Acer inilapag na ni acer sa harap ko ang tray kukuhain ko na sana yung kutsara pero napa tingin ako kay acer ng umupo sya sa kalapit ko at inunahan ako sa pag dampot ng kutsara nagugutom din ba ang lalaking to at balak pa ata akong agawan nag pagkain, Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang itinapat nya ang kutsara na may laman itong parang soup napatingin ako sa kanya nakatingin lang din sya at mas inilapit pa sa bibig ko ang kutsara kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang ngumanga "ahhh" ganun lang ang ginawa nya hanggang sa matapos ako sa pag kain para naman akong baby sa ginawa nyang pag asikaso wla na imik sa aming dalawa nahihiya ako ewan ko kung bakit na katungo lamang ako "mag pahinga ka na bukas pupunta tayo kay head master" napatingin ako sa kanya "huh? bakit daw?" nag kibit balikat lamang sya bakit kaya hala baka papalayasin na ako ng kapatid ni Jericho dito wahhh babalik nanaman ako sa kalye wahhh "Mira" natigil ako sa pag iisip ng may binanggit na pangalan si Acer nag tatakang tumingin ako sa kanya "huh?" pag tatanong ko

"Mag pahinga ka na" tanging sabi nya "si sino si.." "lalabas na ako" hindi na natapos Ang itatanong ko dahil nag salita din agad sya ano ba tong lalaki na to Baka nag kamali lang sya ng tawag sakin pero sino kaya yung Mira na yun

"Ahh sige salamat!" mahinang sabi ko nagtuloy tuloy na syang lumabas siguro hindi na nya ako narinig

END OF MIRACLE ASHTRID SAMANTHA POV.

Acer Ash POV

Patuloy na akong lumabas sa kanyang silid narinig ko nag pasalamat sya pero hindi ko na nagawang lumingon pa Hindi ko din alam Pero napangiti nalang ako tsk pumunta na ako sa aking silid para makapag pahinga na rin hindi pa ako nakakaramdam ng pagkaantok tsk. Pero hindi rin nag tagal naka tulog na din ako kinabukasan naghanda na ako para sa pag punta sa head office pumunta na ako sa sala pagka tapos kung mag gayak na abutan ko sila fleus at Athena mukhang kanina pa sila gising "yow!" bungad na pag bati sa akin ni fleus tiningnan ko lamang sya ngumiti lang naman si Athena hindi ba nag kakapanisan ng laway tong dalwa na to ang tahimik

"HELLOOOOOOOOOOOO!" "HOY ALISHA ANG INGAY MO!" napatingin kaming tatlo sa bagong dating andito na ang dalwang maingay "tsk" sabi ko nalng

"Ang aga aga ang ingay mo!" pag rereklamo pa ni lex

"Che" sabi naman ni lisha at inirapan pa si lex

"GOOD MORNING!"

lahat kami napatingin sa isa pang maingay

"Wahhhh SAM NAMISS KITA!" si alisha habang patakbong lumapit kay Mira at niyakap ito

"wahhhh! saan ako nanggaling lisha?" madrama at nag tataka namang tanong ni Mira

"HAHAHA para kayong mga baliw! gutom lang yan tara na nga kumain na muna tayo bago umalis" si fleus na parang engot

Tsk pagkatapos naming mag agahan pumunta na kame sa Head office ano kayang sasabihin ni head master

END OF ACER ASH POV

Mira Sam POV

Na andito na kame ngayon sa head office at gaya ng dati naka talikod nanaman ang inuupuan nya nang gigil na naman akong pisilin ang pisngi nya wahhh dahan dahang humarap si head master at "wahhhh!" hindi ko na naman napigilan ang sarili ko nanakbo ako palapit kay head master "Ang cute cute cute mo talaga wahhh!" ako habang pisil ko Ang pisngi ng kanilang head master "wahhh kapatid ni Jericho" "aray ko anchakit anchakit bwetaw bwetaw!" sabi ni head master pero masl alo akong nag gigil ang cute nya "wahahahaha .!"

"Ehem ehem .." Napatigil ako sa ginagawa ko dahil sa pag tikhem napa tingin ako sa mga kasama ko "ah ehh hehe sorry!" sabi ko at tumigil na pumunta ako kalapit ni Alisha

END OF MIRACLE ASHTRID SAMANTHA POV

Acer POV

Tsk . iba talaga ang babae na ito sya lang nakakagawa nyan Kay master ng manahimik na si Mira sinimulan na naming sabihin lahat kay head master ang lahat natahimik kaming lahat sa loob ng office ni head master naging seryoso ang mukha ni master 'dalwang araw mula ngayon umpisa na ng klase nyo ikaw Miracle Ashtrid Samantha kaylangan mo na ding pumasok sa academy wag kang mag alala makakasama mo ang rank A gold" sabi ni master l

"Head master hindi po Ba parang hindi patas sa iba yun?" pag tatanong naman ni Athena umilimg lang si master "huwag kang mag alala Athena ako na ang bahala, sabi nyo ngang Lima kanina may babaeng naka manman kay miracle kaya importanteng mabantayan nyo sya tutal kaibigan nyo si miracle at hindi pa natin alam kung my rune ba sya pero hindi ba sa Tuwing nawawalan sya ng malay ay humahangin?" napaisip akong bigla sa sinabi nayun ni head master "Hindi kaya hindi palang lumalabas ang rune ni Mira at wind yun?" nawala ako sa malalim kung pag iisip ng muli mag salita si master "sige na makakaalis na kayo nagsi tayuan na kaming lahat at nag bow kay head master at nag si pag labasan na palabas na din sana ako ng nag salita si head master "bantayan mo ng doble si miracle dahil baka black knight ang babaeng yun at gusto nyang gamitin si miracle dahil mahina pa ito"

Napatango nalng ako sa sinabi na iyon ni master lumabas na ako ng tuluyan at yung mga kasama ko hindi ata ako napansin ayun ang layo na tsk

END OF ACER ASH POV

Mira Sam POV .

Grabe papasok din ako sa academy at kasama ko din sila Alisha ang saya ko pero wala naman akong rune eh Hindi pa nga nila sigurado kung isa din akong wind rune hayst dalwang araw na ang nakalipas mula nung pumunta kami sa office ni Jericho the second at ngayun ang Simula Ng pasukan wahh kinakabahan ako dahil may test pa daw muna para malaman kung tumaas ba ang level ng rune mo pano kaya ako mamaya baka mapahiya lang ako ayaw ko na ata pumunta dun

"TOKK tokk" "ay kalabaw!" napa talon ako sa kina kaupuan ko nakakagulat naman bigla bigla nalang may kakatok sa pinto

"Sam Labas ka na dyan malalate na tayo!" si Alisha pala yun ang lakas ng boses e

"oo susunod na ako!" sagot ko naman muli akong huminga ng malalim "miracle ashtrid Samantha mag tiwala ka kay Jericho!" mahinang bulong ko sa sarili ko at lumabas na sa aking silid na abutan ko sila na kompleto na ako nalang ang hinihintay

"SAM ANG TAGAL MO NAMAN TARA NA!" kahit kailan talaga ang lakas ng boses ng babae na to ngumiti nalang ako "pasensya na kinakabahan ako e!" pag amin ko lumapit sa akin si Athena kumawit sa braso ko "mag tiwala ka lang Kay master sya bahala sayo!" nakangiting sabi nya "andito naman pati kame Sam, Hindi ka naman namin papabayaan" masayang sabi naman ni fleus tumango akong muli "tara na!" pag aaya naman ni lex sabay sabay na kaming lumabas ang ganda talaga ng lugar na ito ang layo Sa mundong kinalakihan ko habang nag lalakad kame lahat nag titinginan sa mga kasama ko ikaw na ang mga kasama mo mukhang mga prinsesa at prinsepe oh diba anong lagay ko alalay wahh nag sisimula nang mag kaingay ang bawat nadadaanan namin nag bubulongan sila

"Sino yan? ang lakas nama ng loob na lumapit nyan sa mga prince at princess natin!"

"Oo nga sino ba yan? ang panget nya!

Sigurado pinag pipilitan nya lang ang sarili nya na isama sya ng mga prince and princes

Hindi nga sya pinapansin oh" ilan lang yan sa mga bulungan na naririnig ko akala ko mababait lahat ng na andito sa crystal light siguro mga sikat tong mga kasama ko kaya nila tinatawag na prince and princess napayuko nalang ako "wag mo silang pansinin inggit lang yang.mga yan" naka ngiting sabi ni Alisha napa ngiti din ako sa kanya oo nga naman paki ko ba sa kanila inggit lang sila nakarating na kami dito sa grand hall ng light academy dito daw gaganapin ang rune test nang lahat pumwesto kami sa bandang unahan "maligayang muling pagkikita mga runer, mga mag-aaral ng light academy, isang bagong taon nanaman ng pag-aaral, pagsasanay at pagpapalakas ng inyong mga rune ang magaganap ngayong taon,

Pero bago tayo mag simula, let's all welcome our head master" masayang sabi ng Mc nag palak pakan naman ang lahat umakyat na ng stages si Head master nag speech sya ng sandali pag katapos nyang I welcome lahat ng student ng light academy bumaba na ulit sya pero bago yun my ibinulong sya sa mc hala ano kaya yun kinakabahan talaga ako nanlalamig mga kamay ko muli nang umakyat sa stage si mc

"Bago tayo muling mag simula let welcome the prince of fire kingdom!"

"Kkkkkkyyyyyyyaaaaaaaaaaaahhhhh." pagka banggit ng mc nun bigla nalang nag iritan mga babae dito "hala anong nangyayare? sino yun?" takip tengang tanong ko kay Alisha pero ngumiti lang sya at ngumuso yung parang itinuturo nya yung stage O_______O si. Acer napatingin ako kay lisha muli pero humagikhik lang sya

"Prince Acer pansinin mo naman ako!" "prince kyahhhh" ilan lang yan sa mga nakakabinging tilian nila

"And now let's have another warm welcome the princess of wind kingdom!" masiglang sabi ng mc

"Kkkkkkkyyyyyyyaaaaahhhhhhhhh." Napatakip nanaman ako sa tenga ko napakaingay "lisha

Si n..." Hindi ko na natapos ang itatanong ko kay alisha ng pag harap ko sa pwesto nya wala sya hala san nag punta yun

"PRINCESS ALISHA ANG GANDA MO!" isang sigaw ng lalaki pero hano daw Alisha O_____ O napalingun ako sa stage si Alisha na andun "pri-princess pala sya ba-bakit Hindi ko alam?" nauutal na tanong ko nakakagulat kase

"And for the earth kingdom fle.." "Kkkkkkkyyyyyyyyaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhh!" Hindi pa natatapos sa pag salita ang mc nag nagkaingay na agad hala nakatakip lang ako sa tenga ko mabibingi ata ako sino kaya yung prince of earth wag nyong sabihin si fleus . °o° "si, si fleus!" napaturo pa ako nyan "wag mong sabihing.." napatingin ako kay Athena at lex "kayo din?" tanong ko at tumango sila "wahhhh nakakahiya sa inyo, bakit Hindi nyo sakin sinabi?"

"Haha ano kaba Sam kaibigan ka na namin wag ka maiilang!" masayang sabi ni lex "Oo nga Sam hindi ka naman gaya ng iba" nakangiting sabi naman ni athena napangiti din ako "salamat!" sabi ko sa kanila at tinawag na din si Athena at gaya ng iba Ang lakas ng mga iritan nila princess of water kingdom pla si Athena at si lex naman ang prince of weapon controller kingdom of warrior

Kaya pala ganon sila kasikat kaya pala ganun nalang ako pag bulongan kanina ng mga engkanto na inggitero prinsesa at prinsepe pla talaga mga kasama ko kamusta kaya magiging buhay ko dito?

"OUR FIVE ELEMENTS, LET ALL WELCOME!"

Nag palakpakan ang lahat napatayo sa stage silang lima ng umakyat din si head master ang cute talaga ng bubwit na yun ibinigay ng mc ang Mike Kay master everyone gusto Kong makilala nyo si

"MIRACLE ASHTRID SAMANTHA!" napatingin ako Kay head master ako naka turo pa sa sarili ko tumango si master pumunta ako sa stage Samot sari na naman ang narinig Kong bulungan

"Diba sya yung kasama ng mga prince and princess natin? hala ano kaya sya ng mga princess at prince natin?" "baka alalay haha" "Oo nga pangit e!" ilan lamang yan sa bulongan nila nang maka akyat na ako sa stage nag salitang muli si master sya ang bagong makakasama ng rank A gold dahil... "Bakit sya makakasama ng mga gold ano ba ang kaya nyang gawin mukha namang lampa yan" Hindi pa natatapos mag salita si master nag umpisa nanaman silang mag ingay bawal ba makasama sila alisha kaibigan nila ko no hello sabi ko sa isip isip ko "tumahimik kayong lahat!" siryosong sabi ni head master kaya agad namang nanahimik ang lahat "inaalam pa ni miracle ang kanyang rune kaya sya makakasama ng mga gold A sila ang tutulong Kay miracle dahil galing sya sa mundo ng mga mortal" pag katapos nun sabihin ni master bigla ulit silang nag ingay "anong klaseng runers yan? yuck nakakasuklam sya ewww!" yan ang mga sinasabi nila sa akin para naman aking isang sakit napatungo ako bigla baba na sana ako ng may humawak sa kamay ko napa tingin ako dito si ace hawak nya kamay ko wag mo silang pansinin sabi nya at hinila na ako pababa ng stage ganun din sila Alisha bumaba na din sila naiiyak ako sa mga pang aalipusta nila sa akin Hindi naman nila ako kilala pero kung makapag salita sila akala mo may nakakahawa akong sakit nang makababa na kame bumalik kame sa dati naming pwesto and mga mata ng karamihan Hindi pa din na aalis sa amin

Muling nag salita ang mc at sinabing mag uumpisa na ang rangking test Hindi na din pala kasali sa pag test sila Acer dahil gold A na ang level nila edi sila na napatingin ako sa kamay ko na hawak pa din ni Acer maging sya napatingin din dun nag katinginan kami bigla nya binitawan ang kamay ko napaiwas ako bigla ng tingin ano bayan nakakahiya nanuod na lamang ako sa mga students na nag papakita ng mga rune nila grabe iba't ibang rune ang pinakita nila namamangha ako manghang mangha ako sa panonood ng isang babae ang tinawag, isa syang same fire runers gumawa sya ng fire ball sa kamay nya at kinuha nya ang bow and arow nya salikod pag sasamahin nya ata yung fire ball na ginawa nya at yung pana nya pero parang Hindi nya ata macontrol kaya para itong dumaplis O____________O papunta sa direksyon ko ang apoy napapikit ako at itinakip ang kamay ko para proteksyunan ang sarili ko, nung malapit na sa akin yung apoy, di ko alam ang gagawin ko, may naramdaman akong enerhiyang dumadaloy sa akin at inaantay na lumapat sa akin ang apoy pero wala akong naramdaman, iminulat ko ang mata ko pero laking pagka gulat ko ng magkaron ng shield sa harap namin tumingin ako Kay Alisha at nginitian nya ako.

END OF SAMANTHA'S POV

ALISHA'S POV

Nagulat kaming lahat sa nangyari, lalo na ng sinadya nung babae na patamain Kay Sam ang fire ball, pero ang kinagulat namin ay nang biglang magkaroon ng shield sa harap namin at ramdam ko Kay Sam galing yun dahil imposibleng galing sakin yun, napatingin sa'kin si Sam sa pag aakalang galing sa akin ang shield, nginitian ko sya at dahil sa inis ko sa babae sa ginawa nya Kay Sam pinaulanan ko sya ng air blades, kung Hindi lamang ako pinigilan ng mga kaibigan ko pupulbusin ko ang babaeng yun. Pero dahil sa ginawa ng babaeng yun lumabas ang rune ni Sam at posibleng galing din sya sa Wind kingdom, at bilang princess kailangan ko syang protektahan habang Hindi nya pa kayang ilabas ng tama ang rune nya.

END OF ALISHA'S POV

~~~~~~~~~~~~~~