webnovel

Heart's Desire

Have you ever felt desire for somebody? Have you ever been passionate to the point of obsession? Have you ever met someone who became the focus of your love? Here's a collection of stories about the people who were confused on what they felt for each other. Read about their Heart's Desire!

ecmendoza · 现代言情
分數不夠
24 Chs

The Chained Heart - Chapter 3

"Pasensiya ka na sa akin, sweetheart. Hindi kita mabigyan ng mas maraming oras. Medyo tambak kasi ang trabaho ko. Huwag ka sanang maiinip sa paghihintay sa akin." Ganito ang malimit sambitin ni Maximillan sa tuwing magkikita sila. Puno pa ng pagmamahal ang tono. Kaya naman napapawi agad ang lahat ng mga hinampo niya.

Basta't kasama na niya ito, ang kahit na anong bagay ay nawawalan na ng halaga. Para siyang inilulutang sa alapaap...

Numulas ang isang impit na hikbi sa mga labi ni Terry. Sabik na sabik na siya kay Maximillan. Mahigit tatlong buwan na nang huli silang magkita.

Iyon na ang pinakamatagal na pagkawala ng lalaki, sa loob ng isang taon ng lihim nilang relasyon.

Mauunawaan niya ang pagpapabaya nito, kung dati pa rin ang sitwasyon niya.

Kailangang gumawa siya ng paraan upang magkatagpo sila ni Maximillan. Kailangan!

Ibinuyo niya nang ibinuyo ang sarili upang muling magkaroon ng sapat na lakas ng loob na bumalik sa bahay nito.

Gamit ang bagong scooter na binili ni Don Simon, kasabay ng kotse ng Papa niya, nagtungo siya sa Santa Rosa.

Nagsuot siya ng malalaking sunglasses at bullcap para maitago ang mukha at ang mahabang buhok. Naka-jacket at pantalong maong din siya.

Nagmistula siyang isang karaniwang tinedyer na namamasyal lamang sa paligid. Kaya malaya siyang nakapagpabalik-balik sa lugar ng mga Sanvictores. Panakaw niyang sinisipat ang loob ng bakuran, pati ang bahay.

Hindi niya namalayan ang pagdaan ng mga oras. Nagtiyaga siya sa pagpapaikut-ikot habang nagmamatyag. Habang tumatagal kasi'y lumalakas ang kutob niya na may magandang ibubunga ang ginagawa.

Natupad ang kahilingan ni Terry, nang magtatakipsilim na.

Nakasalubong niya ang kotse ni Maximillan sa may pagliko ng kalsada mula sa highway.

Halos tumalon siya mula sa scooter para makuha ang pansin ng lalaking nagmamaneho.

"Maximillan! Maximillan!" sigaw niya habang inaalis ang suot na salamin at sumbrero.

"Terry!" ang pabulalas na salubong ng lalaking nagdumali sa pag-ibis. "Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Hinihintay kang umuwi," tugon niya, pahikbi. Agad siyang yumapos dito nang mahigpit. Isiniksik niya ang mukha sa malapad na dibdib. "Oh, Maximillan! Maximillan!"

"Sandali lang, Terry. Huwag kang umiyak." Marahan siyang itinulak nito upang matingnan siya. "Bakit ka nagpunta rito? Hindi ba't may kasunduan na tayo?"

"A-alam ko, Maximillan, pero--" Napahinto siya sa pagpapaliwanag nang may dumaan na malaking trak. Bumusina pa ito nang mapatapat sa kanila.

"C'mon, Terry, ihahatid na kita sa inyo," pakli ng lalaki. Tila ilang na ilang na makita silang magkasama. "Sumakay ka na."

Sumulak ang mga hinanakit na kaytagal na naipon. Pumiksi siya para mabitiwan nito ang braso niya.

"M-may dala akong sasakyan," bawi niya. "T-talaga bang mahal mo ako, Maximillan? O ginagawa mo lang akong palipasan ng oras?" tanong niya, pausig.

"For chrissake, Terry! Hindi ko kailangan ang ganitong eksena ngayon. I'm bone-tired now. Puwede bang bigyan mo muna ako ng kaunting panahon para makapagpahinga?"

Tila pagud na pagod na nga ang tinig ni Maximillan. Saka pa lang niya nabakas ang panlalalim ng mga mata nito matapos matitigan nang husto.

"I--I'm sorry," pahayag niya. Pigil ang tono.

"Ako ang dapat na humingi ng tawad sa 'yo, sweetheart," bawi ng lalaki. "Napabayaan na naman kita. I'm sorry."

Dagling naglaho ang mga sama ng loob ni Terry. "Pasensiya ka na, Maximillan. Nasasabik na kasi akong makita ka kaya nangahas na akong magpunta dito."

"Nasasabik na rin akong makita ka, Terry," pag-amin ng lalaki. Mahina at medyo paos na ang boses. "Ikaw lang ang dahilan ng pagmamadali kong makauwi dito."

"Oh, Maximillan!" Sumuray siya sa pagkakatayo. Nais na naman niyang yumakap sa lalaki. Kailangan niya ng lakas nito, ng proteksiyon.

Ngunit maliksing nakaatras si Maximillan. Hinaplos ng isang kamay nito ang makinis na pisngi niya bago nagsalita. "Bukas ng tanghali, magkita tayo sa tabing-ilog," wika nito. "Magdadala ako ng pagkain."

"Magpi-picnic tayo?" Pinilit niyang lagyan ng sigla ang tono.

"Oo. Buong araw tayong magkakasama. Promise."

Sapat na ang munting pangakong iyon para mapuno ng panandaliang ligaya ang naghihingalong puso ni Terry.

"Darating ako nang maaga, Maximillan," pangako niya. Seryosong-seryoso ang tono.

"Goodbye for now, sweetheart," paalam ng lalaki. Ni hindi siya hinalikan kahit na sa pisngi man lang bago sumakay sa kotse.

Inihatid niya ito ng tanaw hanggang sa tuluyang mawala sa paningin.

Kakaba-kaba si Terry habang naghihintay sa pagdating ng nobyo. Palakad-lakad siya sa damuhan. Hindi siya mapakali.

Kagabi pa niya pinag-iisipan kung paano aakitin ang lalaki. Masyadong malaki ang respeto nito sa kanyang pagkababae.

Maalab ito kung humalik ngunit palaging alam kung kailan dapat huminto. Paano kaya niya mapag-iinit nang husto ang dugo nito? Paano kaya niya mararahuyo ang lubos na pagkalimot?

Nang dumating ang lalaki, nakaupo siya sa nakatumbang katawan ng punong mangga at tahimik na pinapanood ang paglangoy ng mga isdang maliliit sa malapit sa pampang.

Nalingaan niyang pumaparada ang sasakyan nito sa lilim ng mga punong kawayan. Hindi siya kumilos agad. Minasdan muna niya ang makisig na kabuuan ng binata.

Kaswal pero elegante pa rin ito sa suot na jeans na kupas at blue polo na naka-tucked-in. Malaki ang ipinangayayat nito ngunit lalo lang nakadagdag sa taglay na karisma. Tila lalong naging seksi dahil nagmukhang mapanganib.

Hinubad nito ang suot na brown leather shoes bago lumakad palapit sa kanya.

"Penny for your thoughts?" tanong nito sa malambing na tono. May nakasilay na masuyong ngiti sa matiim na bibig. "Tila napakalalim ng iniisip ng prinsesa ko, a?"

Saka lang siya tumayo at tumakbo palapit dito. "Mabuti't dumating ka nang mas maaga, Maximillan!" Hindi niya ikinubli ang kasiyahan sa tinig. "Salamat!"

Ikinulong siya ng matitigas na bisig nito matapos siyang yumapos sa matipunong katawan. Nagtalik agad ang kanilang mga labi.

Isang malalim at maapoy na halik ang pinagsaluhan nila. Nag-angat lang ng ulo ang lalaki nang mapupugto na ang kanilang mga hininga.

"God, I missed you so much!" anas nito habang pinagagapang ang bibig sa kanyang leeg. Saglit na kinagat-kagat ng mapuputing ngipin ang isang punong-teynga bago muling binihag ang kanyang mga labi.

"Maximillan..." ungol niya nang matapos uli ang isang pasisid na halik nito. "Oh, Maximillan, mahal na mahal kita!"

"I love you, too, Terry," tugon ng lalaki, paungol din.

Sinapo ng mga palad niya ang magkabilang panga nito upang magkatitigan sila nang diretso.

"Kailangan kita, Maximillan," bulong niya. Puno ng pagkasabik ang kanyang tinig. "I want you," dagdag niya, pabulong pa rin.

"Oh, Terry, Terry! Don't tempt me, please!" Pumikit ito matapos mabasa ang sensuwal na paanyaya sa kanyang mga mata. "You're still young. Hindi mo pa alam kung ano ang sinasabi mo."

"Believe me, Maximillan. Alam ko na ang gusto ko, ang kailangan ko," pamimilit niya. "At hindi na ako bata. Handa na akong maging ganap na babae para sa 'yo, Maximillan. Hayaan mong patunayan ko sa 'yo kung gaano kita kamahal, mahal ko."

"Terry--"

"Maximillan, please," pagsusumamo niya. "Ipadama mo sa akin kung gaano mo ako kamahal. Angkinin mo ako ngayon--kung tunay ngang iniibig mo ako!"

Kinalas ng mga daliri niya ang butones ng asul na polo nito. Hinagod ng mga kamay niya ang malapad na dibdib. Agad niyang ginawaran ng masusuyong halik ang malapad at mabalahibung dibdib.

Nasorpresa ang lalaki sa ginawa niya. "Terry, stop it," tutol nito, ngunit walang tigas ang paos na tono.

Humawak ito sa magkabilang braso niya ngunit hindi para itulak siyang palayo.

"Huwag mo sanang tanggihan ang tanging bagay na maibibigay ko sa 'yo, mahal ko," pakiusap niya.

"Terry, I respect you," pahayag ng lalaki. Tila nahihirapan nang makipagtalo sa sariling budhi. "Hindi tamang samantalahin ko ang sandali ng kahinaan mo."

"Make love to me, darling," utos niya.

"Listen to me, sweetheart. Nangulila lamang tayo nang husto sa isa't isa. Kailangan nating magpakahinahon--"

"Take me, darling. Take me now," anas niya. Hindi niya pinapansin ang mga sinasabi ng lalaki. Ipinagpatuloy lang ang pagpapaalab dito.

Ginaya niya ang paraan ng paghalik nito sa kanyang leeg, balikat at dibdib.

Hinaplos ng mga palad niya ang matipunong katawan ni Maximillan. Hanggang sa mag-igtingan ang matitigas at siksik na mga kalamnan.

Ngunit hindi pa rin siya huminto. Determinado siyang pagngalitin ang unos ng pagnanasa nito.

"Terry, hindi ko na kayang magkontrol," wika nito. Pangamol ang pagsasalita. Para bang nalasing sa matapang na alak.

Saka lang siya nag-angat ng tingin. Kapwa namumungay ang kanilang mga mata.

"Huminto ka na bago ako tuluyang makalimot, sweetheart," utos nito. Halos hindi makilala ang boses dahil sa sobrang pagkapaos.

"Nais kong makalimot, Maximillan," bulong niya.

"Terry, mahal na mahal kita. Iginagalang... Nais kong manatili kang malinis--bago tayo humarap sa damdana."

"Mahalin mo naman ako, please. Ibigin mo ako--kahit na ngayon lang..."

Idinampi-dampi niya ang mga labi sa isang sulok ng bibig nito. Sinundan ng dulo ng dila ang matiim na hubog. At kinipit ng mga ngipin ang ibabang labi bago tuluyang pinaghinang ang mga basang init.

Isang mapanrahuyong halik ang huling baraha niya, kalakip ang tamis at init ng pagmamahal niya para sa kasintahan.

At nagtagumpay naman siya.

"Oh, God!" bulalas nito, kasabay ng isang paos na ungol. Hudyat iyon na tapos na ang pagtitimpi. "Woman, I can't take much more of these!"

Kinuha nito ang kontrol ng sitwasyon sa kanya. Kaipala'y siya naman ang pag-aalabin.

Sinundan ng mga labi nito ang kanyang blusa na dumadausdos nang dahan-dahan pabagsak sa damuhan.

"Beautiful, so beautiful..." anas nito sa bawat makinis na ukab at kurba ng balingkinitang kahubdan.