webnovel

Heart's Desire

Have you ever felt desire for somebody? Have you ever been passionate to the point of obsession? Have you ever met someone who became the focus of your love? Here's a collection of stories about the people who were confused on what they felt for each other. Read about their Heart's Desire!

ecmendoza · 现代言情
分數不夠
24 Chs

Sweet Obsession - Chapter 2

NAGBUBUSA sa galit si Marissa nang bumalik si Nadine.

Mabuti na lang pala, may lumapit na kakilala si Teo sa lamesa nila.

Kaya nakaalis siyang mag-isa.

"Ikaw talaga! Bruha ka talaga! Bakit ba hindi ka na lang pumirmi dito? Gala ka ng gala!" Tinalakan agad siya nito, pagkakita sa kanya. "Siguro, may ka-date ka dito sa mall, ano? Isusumbong kita kay Papa!"

"Pasensiya ka na, Marissa. Nagutom kasi ako sa paghihintay. Kumain lang ako diyan sa--" She did not finish her half lie.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi.

"Letse ka! Hindi ko kailangan ang mga paliwanag mo! Mas inuna mo pa ang paglamon!" Lalong naggalaiti ang babae. "Nang dahil sa kagagahan mo, hindi ako makakarating sa shooting ko!"

Nagtiim-bagang si Nadine. Hindi iyon ang unang pagkakataon na sinaktan siya ng masungit na pinsan.

Palagi siyang nabubugbog nito sa kurot at sapok simula pa nung maliliit pa sila.

At katulad noon, wala siyang balak na gumanti ng pananakit.

Ang palagi niyang itinatanim sa isipan ay ang mga kabutihan na ipinakita ng tiyo at tiya sa kanya, sa loob ng labingtatlong taon.

Bearing the brunt of Marissa's spitefulness was just a small price to pay for the kindness that she had been shown since she had been orphaned at nine years old.

Hindi na umimik si Nadine. Ipinagbukas niya ng pinto ang pinsan, bago siya sumakay.

"Hah! Makikita mo, mapapalayas na kita ngayon sa bahay namin! Mawawala na rin sa paningin ko ang mukha mo!" Tuloy lang sa pag-alipusta si Marissa sa kanya kahit na umaandar na ang sasakyan. "Ang kapal-kapal mo! Mapagsamantala ka! Ayaw mo nang umalis sa amin. Ayaw mong huminto sa panghuhuthot sa Papa't Mama ko!"

Nagbingi-bingihan pa rin si Nadine. Thirteen years of sheer forbearance helped her to be patient and unperturbed.

Kaya lalo lang nagngingitngit si Marissa. "Ang kapal-kapal-kapal-kapal mo talaga! Sa sobrang kapal mo--hindi ka na matablan ng kahihiyan! Mahiya ka naman, Nadine. Habangbuhay ka na lang bang nakasandal sa amin?"

Nadine remained silent and composed.

Ang tutoo, disiotso pa lang siya noon, nagpapaalam na siya sa tiyuhin. Gusto na niyang magsarili.

Pero si Marissa ang naging sagabal. Tumutol ito na makaalis siya gayong suklam na suklam nga ito sa kanya.

Marahil ay naiinggit sa makakamtan niyang kalayaan.

Kaya kapag nagtagumpay ito sa pagpapaalis sa kanya, matutuwa pa rin siya.

Matutupad na ang matagal na niyang pangarap na makapamuhay nang mapayapa.

A, sino ba kasi ang nagpauso ng utang na loob?

Tama bang pati ang respeto sa sarili at ang dignidad ay maging kabayaran din sa utang na loob?

Palagi na lang siyang nangingimi. Nag-iingat. Ayaw niyang masaktan ang kalooban ng mga taong kumupkop sa kanya.

Hanggang kailan ba ako magbabayad sa kanila? tanong niya, pausal. Matagal na akong nagtitiis...

Sa wakas, napagod na sa kadadakdak si Marissa. Tumahimik na ito habang nakasimangot na nakatanaw sa labas ng bintana.

She knew that she did not hear the last of it.

Masyadong mahaba magsumpong ang pinsan niya.

Inaabot nga minsan ng isang linggo ang pagngingitngit nito.

Tama ang hinuha niya. Hindi pa rin nagbabago ang pinsan niya.

Paghintung-paghinto pa lang niya sa driveway, sa tapat ng malapad na front door, padaskol agad na umibis ang dalaga.

At padabog na pumasok sa loob ng bahay.

Ilang sandali pa, umaalingawngaw na ang matinis na boses nito habang pasigaw na nagsusumbong at nagrereklamo sa ama't ina.

Nagkatinginan na lang sila ng mayordoma. Sabay pa ngang napailing-iling.

Magkatuwang nilang hinakot sa itaas ang mga shopping bags and boxes.

Habang nagtatrabaho, pigil-hininga si Nadine sa paghihintay ng magiging verdict ng Uncle Peping niya.

She was hoping for the worse.

Ipinatawag siya ng tiyuhin nang matapos na ang makamandag na litanya ni Marissa.

"Tuloy ka, iha. Upo ka," utos ni Uncle Peping matapos siyang kumatok sa medyo nakaawang nang pinto.

Nakatitig siya nang diretso sa mukha ng tiyo, habang naghihintay ng sasabihin nito sa kanya.

Bumuntonghininga muna ito bago nagsimula. "Heto na naman ako, iha. Humihingi na naman ako ng dispensa sa 'yo." Umiling-iling ito. "At patuloy na nagpapasalamat sa ipinakikita mong pasensiya sa pinsan mong si Marissa."

"Malaki po ang utang na loob ko sa inyo, Uncle. Maliit na bagay lang po ang pagpapasensiya kay Marissa," pahayag niya sa malumanay na tono.

"A, napakabuti mo, Nadine. Nakikita ko sa 'yo palagi ang iyong nasirang ama. Mahaba rin ang pasensiya ni Kuya Nardo."

"Hindi naman po masama si Marissa, Uncle. Nagseselos lang po siya sa atensiyon na naibibigay n'yo sa akin," paliwanag niya.

"Alam ko," sambit ng matandang lalaki. Nagsindi ito ng matabang tabako atsaka sumandal para maghitit-buga ng puting usok.

"Kaya mas makabubuti po sigurong umalis na ako dito sa poder n'yo," dugtong niya.

Sunud-sunod na iling ang itinugon ng kaharap. "Hindi kita puwedeng pabayaang mabuhay mag-isa. Ano na lang ang sasabihin ni Kuya sa akin? Baka multuhin pa niya ako."

Nadine knew a sinking feeling--again.

Hindi lang niya masabi nang tuwiran sa tiyuhin na mas matutuwa pa siguro ang kanyang nasirang magulang kung papayagan siyang magsarili.

Ayaw niya kasing ma-misinterpret ang kanyang pagnanais ng kalayaan.

Baka isipin pa ng mga nagpalaki sa kanya na nagiging palalo na siya dahil matitigas na ang mga buto niya.

Marami pang sinabi ang tiyo ngunit hindi na siya nakikinig.

She was only half-listening as she daydreamed about a certain man called Teo Montes.

Napakasarap kausap ng taong iyon. Halos hindi niya namalayan ang paglipad ng mga sandali.

He made her feel beautiful.

Kay Teo niya naramdaman kung paano maging isang indibidwal.

Kung paano maging isang babae...

What was she thinking!

"Buweno, iha, magpahinga ka na. Medyo umiwas ka na lang muna sa pinsan mo habang sinusumpong pa siya, ha?"

"Opo," was all she said as she stood up to go.

Nagtuloy siya sa kusina para tumulong sa mga trabaho bago magpahinga sa gabi.

Dinampot niya ang drying towel nang makitang naghuhugas na ng mga pinggang pinagkanan ang mga katulong.

"Kumain ka na ba, Ate Nadine?" usisa ng pinakabatang alila, si Nena.

"Oo, Nena. Sumabay ako kina Aling Dada kanina."

"Kuu, hindi ka naman gaanong nakakain, a?" sabad ng mayordoma. Naglabas ito ng isang pinggan na may takip mula sa microwave oven. "Heto, iha. Ipinagtira kita ng hapunan."

"Hindi na sana kayo nag-abala, Aling Dada," wika niya. "Kaya hindi ako nakakain nang husto, busog pa kasi ako. Nagmeryenda ako sa mall bago kami umuwi," paliwanag niya.

Lumapit ang magkapatid na hardinero, sina Jun at Mario. "Kami na lang ang kakain niyan, Aling Dada," prisinta ng mga ito, sabay pa.

"Aba, hindi para sa inyo ito," tanggi ng mayordoma.

"Ibigay n'yo na sa kanila," pangungumbinsi ni Nadine. "Busog pa talaga ako."

"O, siya, siya, heto na. Ang sisiba n'yo talaga!" anang matandang babae, pero nakatawa na.

Nilapitan siya ng mayordoma at tumulong na rin sa pagpupunas ng mga kubyertos at mga pinggan.

"Ibang-iba ka sa pinsan mo, Nadine," wika nito nang mapunang humahaba na ang katahimikan.

Silang dalawa na lang pala ang natitirang okupante ng malawak na kusina.

Hindi niya namalayan na nagsialisan na ang ibang mga kasambahay.

Walang isinagot si Nadine. Dahil alam na niya kung ano ang susunod na sasabihin ng kaharap.

"Oo, magkamukhang-magkamukha kayo. Puwede na nga kayong mapagkamalang kambal," patuloy ng kasama. "Pero hanggang doon lang. Pagdating sa ugali, naku, taub na taob siya sa 'yo."

"Kulot si Marissa at diretso naman ang buhok ko, Aling Dada," wika niya. "Perpekto ang katawan niya. Makinis ang kutis, magmula ulo hanggang paa. Maganda at maamo ang mukha."

"Hmp! Panlabas na kagandahan lang ang lahat ng mga 'yan, Nadine. Ilang panahon lang ang dadaan, maglalaho na ang kariktan ng palalong si Marissa!"

"Huwag naman sana mangyari," usal ni Nadine.

Pinanlakihan siya ng mga mata ng kausap. "Bakit ba kahit na anong gawin sa 'yo ng masungit na pinsan mo, nakukuha mo pa siyang ipagtanggol?" pang-uusig nito. "Heto ako't kinakampihan ka na nga, tapos ikaw naman ang kakampi sa malditang pinsan mo?"

"Tsk! tsk! Aling Dada, huminahon kayo. Baka marinig tayo nina Uncle at Auntie. Nakakahiya naman sa kanila," paalala niya.

Tila nahimasmasan naman ang nag-a-alsa boses na mayordoma. "Concerned lang naman ako sa 'yo, Nadine."

"Naiintindihan naman natin kung bakit nagkakagan'on si Marissa, hindi ba?" salo niya.

"Alam mo naman na napamahal ka na sa akin, hindi ba?" dugtong ni Aling Dada.

"Alam ko 'yon, Aling Dada. Kayo man, kayong lahat dito, ay napamahal na rin sa akin."

Muling naghari ang katahimikan habang patuloy sa pagtatrabaho ang kanilang mga kamay.

"Pinagpapala ang mga taong katulad mo, Nadine. Napakahaba ng pasensiya mo. Kaya tiyak na napakalaking suwerte ang naghihintay sa 'yo," pahayag ng kausap. "Magiging mahaba ang panahon ng kaligayahan, kapag dumating na sa buhay mo."

Ngumiti lang ang dalaga sa prediksiyon ng mayordoma.

She had been realistic eversince her parents' untimely death.

Oo, marunong din siyang mangarap--pero iyung abot-kaya lang niya. Ng isang katulad niyang mahirap lang.

Nakatapos din siya ng kolehiyo, pero sa isang pipitsuging eskuwelahan lang.

Hindi niya tinanggap ang alok ng kanyang mga tiyuhin na mag-aral sa unibersidad ni Marissa.

Tiyak niyang magwawala lang lalo ang pinsan.

May talino naman si Nadine pero ordinaryo lang ang mga kakayahan niya.

Mas nasanay siya sa mga gawaing bahay.

She could cook, bake and prepare a full-scale, five-course meal single-handedly.

Alam niya kung paano mag-alis ng halos lahat ng klaseng mantsa sa damit, kurtina, kumot o karpet.

Eksperto na din siya sa flower arrangement. Sa pananahi ng kurtina o ng seatcovers man.

Ang kaunting talento na meron siya ay ginagamit niya sa pagbuburda ng mga pan-display, katulad ng popular na cross-stitching.

Her skills could only be useful to a rich household.

And as she could never be a housewife for a wealthy man--because she had no money and great talents--she would be a perfect housekeeper.

Kailanman, hindi siya nagkaroon ng mataas na ilusyon sa sarili niya.

For Nadine herself, she was just a plain girl with simple looks.

Hindi siya dapat makalimot sa katotohanan.

Kaya dapat na niyang kalimutan ang isang binatang taga-ibang mundo na unang nagpakita ng paghanga sa isang katulad niya...