webnovel

Heal My Wounds Once Again

"Magka-iba ang 'Tama' sa 'Mabuti': Ang 'tama' ay ang pagpili at paggawa ng wasto batay sa isang partikular ng konteksto, kagaya ng lugar, panahon at sitwasyon at ang 'mabuti' naman ay anumang bagay na nakaka-ambag sa pagbuo ng sarili. Ang gabay upang malaman na ang isang bagay ay mabuti ay kapag ginagamit ang isip at puso para suriin at kilatisin ang isang bagay." isa ito sa mga sinabi ni Gussion kay Ezekiel kung bakit alam niya na alam ang pagsubok sa buong mundo.

MicroIsLife · 奇幻
分數不夠
26 Chs

We Met Again

Ng maka-uwi na si Gussion ay agad niyang tinawag at hinanap ang kuya niya.

"Kuyaaa!" pasigaw na tawag ni Gussion kay Gin.

"Ohhh, bakit?!" pasigaw na tanong ni Gin kay Gussion at pumunta na ito sa kusina kung saan niya narinig ang boses ni Gin.

"Hmmm, mukhang masarap 'yan ahh" pambobola pa ni Gussion.

".. Sus, 'musta 'yung school mo" tanong ni Gin sa kanya habang nagluluto ng meryenda nila.

"Kuya.. hehe 'wag ka sana magagalit ahh.." kamot ulo na sinabi ni Gussion kay Gin.

"Bakit?" tanong ni Gin na may tawa ng kaunti.

"Haha ano kase ehh.. Pinapatawag ka sa school" kamot ulong pasagot ni Gussion kay Gin.

".. Bakit?" dagdag tanong pa nito

".. Nakipag-away ako.." kamot ulong pasagot ni Gussion kay Gin.

"Sino nakaaway mo?"

"Hahaha si Kiel, Brando, Tristan, tapos 'yun dalawang classmates ko pa.." patawa na sumagot si Gussion.

"Ibig sabihin lima sila isa ka lang? Ano, nanalo ka ba sa kanila?"

"Haha syempre naman. Aha kuya!"

"Ano nanaman?"

"Si kuya Lann, teacher na siya" sabi ni Gussion kay Gin at nagulat ito.

"Haha, teacher na pala siya. Ibig sabihin naka-graduate na siya sa pagiging teacher sa Haitake University"

"Siguro, ikaw kuya? Kailan ka ga-graduate?" dagdag tanong pa ni Gussion.

"Haha this year na ako ga-graduate sa Senior High.."

"Eh, ilang araw na ba kayong huling nagkita ni kuya Lann, kuya?"

"Last month lang.."

Flash back.

".. Kuya Lann?" patawag na patanong ni Gin kay Lann.

"Hmm?" lumingon agad ito sa kanya.

"Talaga bang.. Gusto mo maging teacher?"

".. Oo naman, gusto ko kase na turuan ang mga bata na magkaroon ng disiplina"

"Pero ganon din naman ginagawa ng ibang teacher ahh, ba't.."

"Kase 'di nila kaya, kailangan nila ng marami pang teacher o kapwa guro din nila na magtuturo ng magandang asal sa mga istudyante nila." dagdag sagot ni Lann sa tanong ni Gin.

"Kuya.. Mahilig ang mga Sonata sa musika at sa paglikha ng musika.."

"Haha alam ko 'yan, pero 'eto talaga 'yung gusto ko eh at ng puso ko. Ang pagtuturo"

'Di na nagtanong si Gin kay Lann at nagpatuloy lang sila sa paglalakad.

"Ikaw? Anong pangarap mo 'pag naka-graduate kana ng college?"

".. 'Di ko muna binibigyan ng pansin 'yun kuya, basta ang priority ko ay ang alagan si Gussion at gampanan ang pagiging hero ko."

"Haha, sinabi mo na ba sa kanya 'yung totoo?"

"Alin?"

"Tungkol kina tito at tita"

"Hihintayin ko nalang 'yung tamang panahon bago ko sabihin sa kanya 'yun"

".. Oh papa'no? Dito na 'ko, ingat nalang sa pag-uwi"

"Haha sige kuya. BYE!"

"Bye!"

Present Day.

"Kuyaaa 'yung niluluto mo!"

"Haaa, oo nga pala."

"Hayyy, 'di na masarap 'yan"

" 'Wag kang mag-alala, masarap pa rin 'yan"

"Grrr, mamaya ka sa'kin sa labas"

"Haha, sige lang, dapat matalo mo ako ulit"

"Sige ba!"

*******

The Next Day

"Kuyaa, papasok na ako!"

"Sige, ingat!"

Habang papasok si Gussion sa room nila, ang mga istudyante sa hallway ay parang natatakot sa kanya. Lahat sila natatakot sa kanya at napaka-amo ng titig nila dito.

"Gussion!!" sabay na tinawag nina Chelsea at Ezekiel si Gussion.

Habang papunta si Gussion sa upuan niya ay nakita niya ang mukha ng limang naka-away niya.

"Buwahahaha" tumatawa si Gussion habang paupo sa upuan niya.

"Ba't ka tumatawa?!" sabay na tinanong ni Chelsea at Ezekiel si Gussion habang nakaub-ob ito at pinipigilang tumawa.

"Yung mukha nung limang bata kahapon, hahaha, mukhang mandirigma"

"Hahahaha oo nga ehh, kanina pa namin sila pinag-uusapan" dagdag sabi pa ni Ezekiel.

"Lubak lubak yung mukha nila lalo na si Kiel, buwahaaha" dagdag sabi pa ni Chelsea at pinipigilang tumawa.

Ng magbell na ay pumasok agad ang mga istudyante at makalipas ang ilang minuto 'pagkatapos magbell ay hindi pa rin pumapasok si Sir Josh.

"Ang tagal naman ni Sir" naiinip na boses ng kaklase nila.

"Nandyan ba si Sir?" tanong ng kaklase nila.

"Wala 'ata ehhh" dagdag tanong pa ng kaklase nito.

"Andito ako, bakit?" sagot ni Sir Josh na agad agad na pumasok at binati ang mga istudyante niya, "Good morning class."

"GOOD MORNING SIR JOSH, WELCOME TO GRADE 5 MAHOGANY"

"Nabalitaan ko may nakipag-away raw dito" seryosong tanong ni Sir Josh sa kanila.

"Sina Takeshi po Sir!" pasigaw na sinagot ng kaklase ni Sir Josh at nilingon lingon niya ang mata sa sa mga istudyante niya at nakita ang limang bata na puro pasa at puro bandage ang mukha. At tumawa ito ng kaunti pero 'di nagpahalata, "Ok, let's start now. What did you learn about our lesson tomorrow?"

"Takeshi, 'di mo papapuntahin guardian mo?" tanong ni Ezekiel sa kanya.

"Papapuntahin, bakit?" sagot ni Gussion at nagtanong rin ito sa kanya.

"Wala lang, natanong ko lang"

********

"Si Sir Lann na sunod teacher natin" sabi ni Brando sa apat nitong kasama.

"Kinakabahan ka ba?" tanong ni Tristan kay Brando.

".. Hindi ahhh, ba't na-naman ako kakabahan"

"Halata kaya sa boses mo" sabi ni Kiel sa kanya.

Ng matapos na mag-usap ang limang bata ay dumating na ang parents at gurdian nila sa time ni Sir Lann.

Si Gussion? tanong ni Gin sa sarili niya at sinilip ang room ni Gussion at nakita siya nito.

"Kuya mo ohh" sabi ni Chelsea sa kanya.

".. Oo alam ko.." sagot ni Gussion kay Chelsea.

Makalipas ang isang oras na pag-uusap ng parents at gurdian's ng anim na bata ay nagka-aregluhan na ang mga ito at saktong nag-uwian na sila.

"Kuya ay Sir Lann"

"Hahaha, tawagin mo akong KUYA kapag nasalabas tayo ng school"

"Hahaha"

"Pwede ba tayong mag-usap tungkol kay Gussion"

"Oo ba, haha long time no and long time no talk tayong dalawa simula nung naka-graduate ka"

"Oo nga ehh, alam mo ba si Gussion.."

"Ano?.."

"Ngumingiti na ulit si Gussion ahh"

"Oo nga ehh... Lahat gagawin ko kay Gussion para sumaya siya"

"Mahal na mahal mo talaga 'yung kapatid mo"

"Syempre naman, nangako ako kina mama't papa na aalagaan ko siya ehh"

Ng sinabi 'yun ni Gin ay natahimik silang dalawa.

"Kuyaaa, sabay ba kayong uuwi ni Sir Lann?" tanong ni Gussion kay Gin na naglalakad papunta sa room nila.

"Haha 'di kami magsasabay ni Gin, may gagawin pa ako ehh, sige na, ma-una na kayo" sagot ni Sir Lann kay Gussion. "Mag paka-bait ka na ahh, 'wag ka na makikipag-away ulit" paalala ni Sir Lann kay Gussion at hinawakan ito sa ulo.

"Opo kuya— ay Sir Lann pala"

"Haha oh pa'no? Mauna na po kami Sir Lann, sa susunod na lang ulit" paalam ni Gin kay Sir Lann.

"Ohh sige!"

Habang pauwi sila Gussion at ng kuya niya ay sabay naman na umuwi si Ezekiel at Chelsea.

"Dito na ako, Ezekiel"

"Haha sige, BYE!"

"Bye!"

Parang may nakalimutan akong sabihin kay Gussion kanina? Dapat mag.., "Papaturo ako sa kanya!" biglang sumigaw si Ezekiel.

salamat po sa mga nagbigaw ng powerstone hahahaha

Cherry_Limpin_ll

Im_Aljon

Rawstar

Allen_Fernandez

tsaka sakin hahahh salamt po sa lahat ng nagbabasa, i hope na magustuhan niyo po ito. :)

MicroIsLifecreators' thoughts