Now playing: Wildest Dream - Taylor Swift
Nicole POV
"Shit na ngiti yan! Parang nakita ko na 'yan nakaraan ah!" Biglang komento ni Autumn sa akin habang nagsasalin ako ng orange juice sa aking baso. "Kakabahan na ba kaming lahat?" Dagdag pa niya.
Nandito kaming magkakaibigan ngayon sa beach house kung saan nagsilbing sanctuary ng mama Breeze noon at kung saan nagsimulang mabuo ang pagmamahalan nila ni Mommy Cath.
Hindi ko napigilan ang mapatawa ng malakas bago inirapan si Autumn ngunit nakangiti naman.
"Shut up!" Tatawa-tawa na saway ko sa kanya.
Nahuli ko namang napapailing si Tabitha na sinusundan ako ng tingin habang abala ito sa kanyang pag-su-sunbathing, hanggang sa tuluyan akong makaupo sa kanyang tabi.
"What?" Tanong ko sa kanya.
"Wag mo'kong ma-what what d'yan. Ikaw nagsisimula ka nang magtago sa amin." Nahihimigan ko ang inis at pagtatampo sa kanyang boses.
"Guys, hindi naman kailangan lahat ng details sa buhay ko ay sasabihin ko sa inyo. Kailangan ko rin naman ng privacy 'no?" Sabi ko sa kanilang lahat. Agad naman na napatawa ng malutong si Skyler.
"Privacy, huh?" Pamimilosopong sabat nito.
Bakit ba ang KJ nilang kasama ngayon? Kung alam lang nila. Sino ba naman kasi ang hindi magiging masaya sa mas lumalalim na naming pagtitinginan ni Violet ngayon? Haaaayyy! Halos isang linggo na rin ang nakalipas magmula noong may unang mangyari sa aming dalawa.
Pero aaminin kong nasundan pa iyon ng nasundan, hanggang sa parang naging hobby na naming dalawa ang magkitang muli ng palihim at paulit-ulit na walang sawang ginagawa ang bagay na alam naming bawal naming gawin pero ang hirap nang pigilan.
Bagay na nakakaadik nang gawin kasama siya na sa bawat minuto at paglipas ng bawat sandali ay hinahanap-hanap ko na ang mga haplos niya.
Ganito pala ang feeling 'no? Ang sarap palang makipag-make love sa taong gustong-gusto mong pag-alayan ng lahat ng meron ka. Ang sarap lumiyad at bumukaka palagi sa harap niya lalo na kung alam mong gustong-gusto rin niya.
But even though we did that thing, I never felt from Violet that she disrespected me. Nandoon ang bawat pag-iingat, pagiging gentle niya sa tuwing ginagawa namin ang bagay na iyon. Something that made me admire her even more.
Mas naging sweet din siya ngayon, kahit na paminsan-minsan ay nadoon pa rin ang pagiging stubborn at moody niya like me.
Yes, masaya kami ni Violet.
Masaya kami sa kabila ng reyalidad na pilit at pareho naming tinatakasan. Masaya kaming gumagawa ng sariling mundo namin, sa mundo na walang ibang tao kundi siya lamang at ako.
Alam kong sasabihin ninyo na ang selfish ko. Ang tanga-tanga ko dahil sa kabila na pinagloloko naming mga tao ay nagagawa ko pa ring sabihin ang mga ito.
Pero sa ngayon, wala akong ibang gustong gawin kundi ang e-enjoy at sulitin ang bawat sandaling nakakasama ko siya. Hindi ko kasi alam kung hanggang saan at kung hanggang kailan kami magiging ganito. Alam ko kasi na darating din ang araw na matutuldukan din ang lahat ng ito.
"Guys, gusto n'yo?" Rinig kong pagtanong ni Kezia habang binubuksan ang kanyang nakuhang Piattos chips mula sa loob ng bahay.
"Oo naman!" Mabilis na lumapit sa kanya si Autumn habang hinihintay na tuluyan niya itong mabuksan. Lumapit din si Skyler sa kanya na handa na rin sa pagkuha.
Napapailing na lang ako sa kanilang tatlo bago natawa ng mahina. Ewan ko ba at kung bakit paborito naming lahat ang Piattos. Lalo na ang cheese flavor at sour cream and onion.
"Pahingi rin!" Excited na paghingi rin ni Gabby bago tumayo.
"Hoy! Sa iyo ba yan?" Tanong naman ni Sydney bago lumapit na rin kay Kezia para makiagaw na rin.
"Hindi!" Sagot ni Kezia bago naunang kumuha noong tuluyan na niya itong mabuksan. Sumunod naman sa kanya si Skyler at Autumn.
"Eh ba't mo kinuha?" Tanong ni Sydney habang nakikidukot na rin. "Kay Nicole yan eh!" Sabay lingon nilang lahat sa akin.
"Sige lang, kukuha lang ako pagtapos na kayong lahat d'yan." Sabi ko naman sa kanila bago muling napa-inom ng juice mula sa hawak ko pa ring baso.
"Guys, ang daming food sa lamesa bakit nagtitiyaga at nag-aagawan kayo riyan sa chichiria." Napapairap na saway ni Tabitha sa kanilang lahat.
"Ayaw mo ba?" Tanong ni Autumn. "Ang arte mo naman. Ikaw rin ang sarap pa naman." Dagdag pa niya.
"Kinuha niyo lang naman yan sa pantry drawer ni Nicole eh. 'Yung may ari siya na itong di nakakain dahil nag-aagawan kayo riyan." Naiinis na muling sagot niya bago napa-cross arms.
"Ang sarap!" Pang-aasar pa rin ni Autumn sa kanya. "Kapag di ka pa kumuha, latak na lang maiiwan sa'yo."
"Bakit kaya gano'n 'no? Kapag hindi sa'yo ang sarap-sarap lantakan." Biglang singit ni Skyler dahilan para mapatawa kaming lahat, not until napasulyap siya sa akin at tinignan ako ng may ibig sabihin.
"Yeah, right." Pagsang-ayon naman ni Kezia habang ngumunguya. "Mas masarap kapag nakiki-share ka lang. Mas nakakasabik at mas nakaka-excite tikman." Dagdag pa niya.
Napatawa silang muli habang ako naman ay napapailing na lamang.
"Pero totoo, mas masarap nga talaga kapag nakiki-share lang. Yung nakikitikim ka lang sa hindi naman iyo, tapos mabibitin ka kaya hahanap-hanapin mo ulit." Singit ni Gabby.
"Ay bet!" Biglang wika ni Tabitha na kanina lang naiinis sa kanila. Bago ito tumayo at kumuha na rin ng piattos na hawak pa rin ni Kezia. Napapapikit pa ito habang ninanamnam ang lasa ng kanyang kinakain.
Halatang nang-aasar.
"Di ba? Ang sarap maki-share at tumikim kahit hindi naman talaga sa'yo at hindi mo pag-aari." Muli naman silang nagtawanang lahat, iyong tawa na malutong kaya pati ako ay nahahawa na rin. Kahit na ang totoo naman ay pinaparinggan lamang nila akong lahat.
"Bakit kaya 'no?" Kunwaring tanong ni Sydney na nakikisakay na rin.
"Eh kasi nga, hindi naman iyo. Mas nakaka-challenge 'yung nakiki-share ka lang. Tapos sa huli iyong naki-share ay siya pa 'yung mas maraming nakain, siya pa 'yung mas maraming napakinabangan." Muling naman saad ni Gabby.
"At siya pa ang pinaka-nag-enjoy." Dugtong ni Tabitha.
"AT NASARAPAN! HAHAHAHAHAHA!" Chorus nilang lahat sabay nagtawanang muli ng mas malutong.
Napapailing naman na tumayo na lamang ako at lumapit sa kanila. Hindi naman ako na-o-offend pero...
"Piattos pa rin ba 'yang pinag-uusapan niyo o ako?" Sabay-sabay naman silang lahat na napatingin sa akin, sabay-sabay din silang napailing na parang mas nang-aasar pa lalo.
"Hindi ba halata?" Chorus na naman nilang lahat at pagkatapos ay muling nagtawanan kaya napatawa na lamang din ako ng tuluyan.
"Mga siraulo!" Sabay walk out ko sa kanilang lahat ngunit tumatawa naman.
Kahit naman ipagtanggol ko pa ang sarili ko, gano'n na ang tingin nila sa akin. Hindi ko na iyon mababago pa. Ngunit hawak ko ang desisyon na pwedeng mangyari sa sarili ko.
Napahinga ako ng malalim. Kailangan ko nang mag-decide. Kailangan ko nang mamili at ituwid ang kagagahan na meron ako. Dahil kung hindi, baka mas lalo lang akong masaktan sa dulo, mas lalo lang akong makasakit at lalo lang maging magulo ang lahat.
---
Violet POV
Nakapag-usap na kami ni Nicole at parehas kaming nagdesisyon na ipagtatapat na namin ang lahat sa mga partner namin ang tungkol sa aming dalawa.
Sasabihin na namin magmula umpisa. At mangyayari ang araw na iyon pagkatapos ng date namin ngayong araw.
Yes! We are on a date now. She suddenly planned to go out of town because we don't have much work to do right now and she doesn't have much schoolwork either. Kaya pinag-off nito ako ng disoras sa aking trabaho.
Well, she's the boss.
Dinala niya ako sa lugar kung saan malayo sa City, malayo sa ingay at mapolusyon na hangin ng lansangan. May mga inihanda siyang blanket, basket na punong-puno ng aming pagkain at ipa pang gamit na kakailanganin namin.
No, actually it's a picnic date. Sa lugar na nabili ng kanyang mga magulang at iniregalo sa kanya noong nag-sixteen years old siya.
We traveled for five hours just to reach the perfect place na paulit-ulit niyang kinukwento at sinasabi sa akin.
Sinabi niya na ako lang daw ang kauna-unahang tao na dadalhin niya rito. Dahil kahit na minsan, never niyang dinala pa rito si Chase katulad na lang ng pagdala ko sa kanya sa paborito naming spot ni Mama Pearl.
Sinabi niya rin na gusto niyang magpagawa ng maliit na bahay rito. Bahay kung saan kaming dalawa ang titira. Kung saan magbubuo kami ng aming pamilya. Ang dami niyang plano at pangarap para sa aming dalawa. Ang dami niyang sinasabi na gustong-gusto niyang gawin na ako ang kasama.
At habang sinasabi ni Nicole ang lahat ng iyon, hindi maitago ang saya at ngiti sa mga mata at labi niya. Makikita na seryoso at talagang gagawin niya ang lahat mangyari lamang ang mga pinapangarap niya para sa aming dalawa.
Bagay na mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Palagi niya rin akong tinatanong kung anong gusto ko. Anong mga pangarap at palano na walang alinlangan ko ring sinasabi sa kanya. Wala akong naririnig kay Nicole na pagkontra kundi lahat ay pagsuporta.
Never kong naramdaman na may mali sa akin, sa sarili ko. Never kong naramdaman at never niyang pinaramdaman sa akin na kailangang may baguhin ako. Wala akong ibang narinig kay Nicole kundi ang salitang, "Kasama mo ako sa lahat at tutuparin natin lahat nang magkasama."
Sobrang napaka-suportive niya. Hindi pa kami niyan ha? Wala pang malinaw talaga sa relasyon naming dalawa, dahil hangga't mayroong Chase at Katie, hinding-hindi kami magkakaroon ng commitment sa isa't isa.
Alam niya ang risk at alam niya rin kung ano ang pwedeng mangyari pero binabalewala niya ang lahat ng iyon mapatunayan lamang sa akin na ako talaga ang gusto niyang makasama. Na hindi hadlang ang lahat ng namamagitan sa amin.
Gosh! Hindi ko mapigilan ang aking sarili kundi ang lalong mahulog at mabaliw sa kanya. Napaka-pure at genuine ng kanyang puso.
Pagkatapos naming kumain ay naglakad kami sa may unahan, ninanamnam at sinusulit ang napakagandang view ng kabundukan na aming natatanaw mula sa may 'di kalayuan. Iyong nagbeberdehang mga punong kahoy sa kapaligiran at ang malamig na preskong simoy ng hangin, grabe! Napaka-perfect lalo sa pakiramdam.
Habang magkahawak-kamay at iginagala ko ang aking paningin sa kapaligiran, hindi mapigilan ng mga mata ko ang manlaki noong makita ang tatlong kabayo sa may unahan.
"Woah! Nicole!" Hindi ko mapigilan ang mapatakip ng aking bibig bago lumapit sa mga ito.
Narinig ko namang napatawa si Nicole.
"Those are our horses." Nakangiting sabi nito sa akin bago ako hinila palapit sa mga kabayo at agad na hinaplos niya ang mukha nito noong kanyang mahawakan.
"Our?" Nagtataka na tanong ko. Napatango siya.
"Yep. Sa magulang ko at sa akin." Sagot nitong muli. "Wanna ride?" Sabay kindat na dagdag pa niya.
Tatanggi pa sana ako, ngunit mabilis niya yatang nabasa na gusto ko ring subukan dahil sa kinang ng mga mata ko. Ito kasi ang kauna-unahang makakasakay ako ng kabayo.
Nakakatawa pero totoo. Takot na takot ako sa mga ito kaya hindi na ako sinasama noon ng mga magulang ko kapag pumupunta sila sa aming farm dahil umiiyak ako. Pero ngayon, with Nicole, para bang hindi ko kailangang matakot.
Para na lang akong nakaharap sa maamong pusa ngayon.
Nabigla ako noong biglang sumakay si Nicole at nilahad nito ang kanyang kanang kamay para alalayan ako sa pagsakay sa likod niya.
"Come on! It's fun!" Kaya naman wala na akong nagawa kundi ang sumampa na rin sa kabayo.
Hindi ko na maalala pa kung kailan ako huling tumawa at naging masaya ng ganito. Iyong tipo na parang luluwa na ang ngala-ngala at puso ko sa sobrang pagtawa. At uulitin ko, nagiging ganito lamang ako ka-saya at totoo sa sarili ko kapag si Nicole ang kasama ko.
Pagkatapos ng halos kalahating oras ay hinihingal at tumatawa pa rin na muling bumalik kami sa aming pwesto kanina kung saan nakalatag ang aming blanket.
Habang tumatawa si Nicole, bigla na lamang akong napatulala sa kanyang magandang mukha. Tila ba naging mabagal din ang pag-ikot ng mundo, habang nakatitig lamang ako sa kanya. Rinig na rinig ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso.
Hindi ko mapigilan ang mapalunok ng mariin at marahan na hinapit ang kanyang beywang palapit sa akin. Noon din ay natigilan siya sa kanyang pagtawa at nagtataka ang mga matang napatingin sa akin, habang dahan-dahan kong inilalapit at ipinagdidikit ang aming mga labi.
Hindi naman nito napigilan ang mapasinghap at agad na gumanti sa aking paghalik noong magsimulang gumalaw ang mga labi ko sa kanya.
This is the perfect feeling for me. Kissing her in a perfect place like this habang walang ibang maririnig kundi ang malakas na pagtibok ng aming mga puso habang kinakapos sa kami sa paghinga.
Gosh! I can't help myself but slowly lay her down on the blanket. My brain can no longer function because my thoughts are consuming me too much, iniisip na walang ibang tao ang nandito kundi siya lamang at ako. At ayaw ko ng palampasin ang perfect moment at lugar na ganito.
Habang mas idinidiin ko pa ang aking labi sa kanya ay siyang naglalakbay din ang kamay ko sa buo niyang katawan, hanggang sa tuluyang nahanap nito ang kanyang malusog na hinaharap at marahan na minasahe ko siya roon. Naka-tube lamang kasi siya at summer skirt naman sa ibaba kaya easy access lamang sa akin lahat.
Dahilan din para mapaliyad siya at naging pagkakataon ko para iangat ang telang tumatakip sa hinaharap niya. Lalo akong nang init pa noong sandaling tumambad sa akin ang napakasarap lasapin niyang dibdib at nagtatayuang nipple.
"Hmmmmm..." Hindi ko mapigilan ang mapaungol noong sinimulan kong ipasok ito sa bibig ko habang ang kabilang nipple naman nito ay nilalaro ng daliri ko at minamasahe ang kanyang dibdib roon.
Making love with Nicole is so addictive, like every minute of the day I crave her taste...
I sucked her nipple soundly while I put my knee in the middle of her womanhood. Habang sinasabayan ng pagsipsip pa rin sa kanyang nipple, making her moan softly.
"Ahhhhhh....Nicole...I--I love it." She begged.
How many times has she begged me? Mas lalo akong ginaganahan na paligayahin siya kapag nakikiusap siya.
Kaya naman nagpatuloy kami sa aming ginagawa, sinulit at nilasap ang bawat sandaling walang ibang iniisip kundi kami lamang dalawa at pinapaligaya ang bawat isa.
Dahil pagkatapos ng araw na ito ay kapwa namin haharapin na ang katotohanan na naghihintay sa aming dalawa. Katotohanang magpapalaya sa aming dalawa o ang katotohanang maglalayo sa amin sa isa't isa.