Natagpuan niya ang sarili ng gabing iyon sa harap ng mansion ng mga Villas. Mula sa malaking pintuan nito ay naririnig niya ang malalakas na tugtugan at tawanan. Pagpasok niya ay tila may dumaan na anghel sa pagtahimik ng lahat kasabay ng mga matang nakapukol sa kanya.
"Alaire Rotchielle Bellafranco!" Masayang bati sa kanya ni Mrs. Villas, ang ina ni Troy.
"I'm dying to see you again, my future daughter!" Bulong nito sa kanya ng yakapin siya nito ng mahigpit.
"Thanks, Tita! You look even more gorgeous!" Pilit naman niyang pinasaya ang tinig at pinatamis ang mga ngiti lalo pa ng makitang papalapit sa kinaroroonan nila ang kanyang ina.
"Thanks, my dear! Let's go! I'll introduce you to my amigos & amigas." Pagyayaya nito sa kanya. Isang kindat naman ang ibinigay ng ina sa kanya. Nasulyapan niya ang paglapit ni Troy sa kanyang ina at tila seryoso ang mukha nito.
Laking pasalamat niya ng hindi muna nagkrus ang landas nila ni Troy. Naging abala siya sa pakikipag-usap sa mga prominenteng tao na dumalo sa party nito. Hindi na niya namalayan ang oras at napukol ang atensyon niya sa stage ng umakyat ang lalake at kinuha ang microphone. Nilagok niya ang alak sa hawak na kopita at muli pang sumenyas sa waiter kaya muli pa siyang binigyan ng isa pa na agad din niyang nilagok lahat.
"Tonight is not just a party to celebrate my business deal success in the US but also to make a big announcement that will change not just my company but my whole life." Paunang wika nito na ikinasamid ni Al. Muli siyang nagsalin ng alak sa kanyang kopita at nilagok ito.
"I'm very happy to tell you that I'll be marrying the woman who captures my heart- Alaire Rotchielle Bellafranco! Come here, babe!" Pagtawag nito sa kanya kasabay ang malalakas na palakpakan at hiyawan.
"This is not happening!" Bulong ni Al sa sarili na mahigpit na kumapit sa kinauupuan.
"Babe?" Muling pagtawag sa kanya ni Troy.
"I'm here!" Malakas niyang sigaw na ikinatahimik na lahat. Halatang nakainom siya dahil sa pagpungay ng kanyang mga mata at bahagyang pagbuway ng kanyang pagkakatayo. Agad siyang inalalayan ni Troy.
"Are you in your right mind, Al? Haharap ka sa mga tao ng nakainom?" Bulong nito sa kanya habang paakyat sila ng entablado na matamis pa rin ang pagkakangiti upang hindi ipahalata sa tao ang pagkairita.
"For them to see who's the real woman you're marrying to." Sarkastiko naman niyang wika na mas lalong pang pinalawak ang ngiti sa harap ng mga taong nakatunghay at sa kanyang ina na halata ang pag-aalala.
"You are the woman I'm marrying." Muling bulong sa kanya ng lalake kasabay ang mariing pagsakop nito sa kanyang mga labi. Mabilis lamang iyon ngunit pakiramdam ni Al ay lalong umikot ang kanyang paningin.
"Cheers!" Balewala namang baling ng lalake sa mga tao matapos nitong palayain ang kanyang mga labi.
Muling malalakas na hiyawan at sigawan ang namayani sa buong mansion.
"That's so sweet, Troy. I am so happy for both of you." Maluha-luhang salubong sa kanila ng kanyang ina pagbaba nila ng stage. Hindi pa rin inaalis ng lalake ang mga braso nitong nakapulupot sa kanyang bewang. Alam niyang kailangan niya muna itong sakyan lalo pa at lahat ng atensyon ngayon ay nasa kanila.
"Thanks, Tita for trusting me with this." Nakangiting ani ni Troy.
"Ofcourse. I know you'll take care of my daughter." Ani ng kanyang ina.
"I assure you, Tita." Sagot naman ng lalake na lalo niyang ikinairita.
"So ma, can Troy & I leave this party for a while. We need to talk." Putol niya sa pag-uusap ng dalawa.
"Are you ok, anak?" Nag-aalalang tanong ng ina.
"She's drunk, Tita. I'll bring her to a room here where she can rest." Paalam ni Troy sa ina niya saka siya iginiya paakyat sa pangalawang palapag ng mansion. Dahil nakarami siya ng inom ay tila gumagalaw ang paligid sa paningin niya. Halos buhatin na siya ni Troy ng ipasok siya nito sa isang malaking silid na may napakalaking kama sa gitna na tila higaan ng isang hari dahil kulay ginto na disenyo na sinabayan pa ng mga mamahaling palamuti.
Napangiwi siya ng pabalandra siya nitong ibinagsak sa carpeted na sahig.
"Really?!" Inis niya na singhal dito saka pilit na tumayo.
Nakangisi lamang itong tumalikod sa kanya at humiga sa malambot na kama. Doon lang niya napagtanto sa dinala siya nito sa silid nito.
"So this is your room, huh?" Ani niya na iginala ang paningin sa silid. Napukaw ang atensyon niya sa napakalaking portait painting ng isang babaeng napakaamo ng mukha. Pamilyar sa kanya ang itsura ng babae ngunit hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita.
"'Meus Aeternus Amor' is the name of that painting, a gift I received from a good friend in Europe." Ani ni Troy na makitang pinagmamasdan niya ang larawan.
"I don't think you like paint-" Naputol ang iba pa niyang sasabihin ng paglingon niya ay iisang hibla na lamang pala ang layo niya sa lalake.
"Troy!" Inis na singhal niya dito saka humakbang palayo.
Isang mapang-asar na halakhak naman ang ibinigay nito sa kanya saka siya biglang binuhat at inihagis sa kama. Agad din itong nahiga sa tabi niya.
"What do you think you're doing?!" Muling singhal niya dito. Akmang babangon siya ngunit mabilis siya nitong niyakap ng mahigpit.
"You said you want to talk. This is the way I talk to women." Bulong nito sa kanya. Pilit siyang pumipiglas ngunit sadyang malakas ang lalake dagdag pa ang laki ng katawan nito na kalahati lamang ng kanyang katawan.
"And I'm not any of those women of yours!" Inis na wika niya kasabay ang pagpwersa niyang kumawala dito. Imbis na bitawan siya nito ay itinukod nito ang mga braso sa pagitan ng kanyang katawan at halos wala ng distansya ang kanilang mga mukha.
"Listen, Al. Next month, we should be married because I have to go back to US for some unfinished deals. It's then we have to end this. So for now, pretend you love me." Seryoso nitong wika saka siya mabilis na kinintalan ng maliit na halik sa labi at iniwan siya sa loob ng silid. Napapikit na lamang si Al at nagdasal na matapos na ang lahat ng ito.