"What does this mean?" Nangingiting tanong ni Trina nang makitang pinapahakot niya pabalik sa Villas lahat ng mga files at mga gamit niya na hinakot niya din galing doon.
"Troy is mad at me." Matipid lang niyang sagot dito habang inilalagay ang ibang papeles sa folder.
"At kelan ka pa naging affected pag nagagalit si Troy? Di ba dati ay nagdiriwang ka pa kapag napapagalit mo siya?" Napapantiskuhang tanong nito.
"It's different now. This is a matter of life and death, Trina!" Giit niya dito.
Napatawa naman ito habang tinutulungan siya.
"Don't tell me that you're doing this to save Bellafranco?" Usisa nito.
"Exactly." Masigla naman niyang sagot.
"Dapat matuloy ang kasal namin, Trina. Kung hindi, hindi ko alam paano ko pa mase-save ang kumpanya." Pagpapatuloy niya.
"I thought for real na talaga kayo ni Troy?" Tanong ng kaibigan.
"Right now, I don't know what's true or not, Trina. But one thing is for sure- Bellafranco must be saved. I have to save it whatever it takes." Matatag niyang wika.
Naiiling na lang si Trina saka siya tinulungan dalhin ang iba pang gamit sa kanyang kotse.
"You're back, huh." Nanunudyong ani ni Matt ng magkasabay sila sa elevator. Napatawa naman siya.
"I just want to Troy to miss me." Nakangiti niyang ani.
"That's effective I guess." Natatawa nitong ani.
"Really?" Hindi niya makapaniwalang bulalas niya.
"During those days na bumalik ka sa Bellafranco, Troy became a work machine and everyone here in the company. Everyone knew why he's acting like that." Paliwanag nito. Lihim naman siyang nasiyahan sa narinig.
Kumaway siya kay Matt habang naglakad palayo dito paglabas ng elevator saka dire-diretchong nagtungo sa opisina. Kitang-kita niya ang kasiyahan sa mga mukha ng mga empleyadong nadaraanan niya. Lihim din siyang napangiti ng makaramdam ng ginhawa sa naging desisyon.
Akala niya ay maabutan niya sa loob ng opisina si Troy dahil alam niya ang oras ng pag-iikot nito sa kumpanya ngunit naabutan lamang niya ang sekretarya nito.
"Miss Bellafranco?!" Gulat na wika nito ng makita siya habang nakabuntot sa kanya ang iba pang tauhan na may dala ng mga gamit niya.
Napakunot ang noo niya ng makita na wala na ang mesa niya at iba pang mga gamit sa opisina ni Troy.
"The CEO transferred your things to other office, Ma'am." Tila nahihiyang wika nito. "Please follow me, Ma'am" Pagpapatuloy nito saka iginiya siya sa top floor ng kumpanya.
Matapos ipaaayos ang gamit ay naiwan na siyang mag-isa doon. Pumikit siya mula sa pagkakaupo sa swivel chair kasabay ang pagsilay ng isang ngiti sa pag-iisip ng maaring maging reaksyon ni Troy kapag malamang bumalik na siya.
Maya-maya pa ay napaupo siya nang diretcho ng my kumatok sa pinto ng kanyang opisina.
"Come in." Ani niya ng tiningnan muna ang itsura sa harap ng salamin.
"Welcome back, Ma'am." Bati sa kanya ng kanyang sekretarya na si Beatriz pagpasok nito.
"Hi! Any news about the company, today?" Tanong niya dahil alam niyang magtatanghali na siyang dumating at tapos na ang board meeting.
"Here, Ma'am. Pinabibigay po ni Sir." Ani nito sabay abot ng envelop sa kanya at iniwan siya muling mag-isa.
Nanginginig ang mga kamay niya habang binabasa ang dokumento na nagtatransfer pabalik ng Bellafranco Company pabalik sa kanya. Sa totoo lang, dapat ay magtatalon siya sa tuwa dahil natupad na ang gusto niyang mangyari ngunit ngayon ay humahagulgol siya ng iyak.
Halos maubos na ang tissue sa kapupunas niya ng mga luha.
"Now tell me, are we going to continue with our wedding next week or not? If yes, then trust me. Sa akin ka lang makinig, Al. If not, then I'll give Bellafranco to you back as it is but I won't assure you if you can stop it from bankrupcy." Ito ang naalala niyang huling sinabi ng lalake sa kanya. At wala pa man ang kanyang desisyon, ay ibinabalik na ng lalake sa kanya ang kumpanya. Ibig sabihin, hindi na matutuloy ang kanilang kasal.
"'Can you be my wife, Al?" Tanong niya sa babae. Gusto niyang maramdaman na nais siyang pakasalan ng babae hindi dahil sa kumpanya, kundi dahil gusto nitong maging bahagi ng buhay niya.
Napapantiskuhan namang napatitig sa kanya ang dalaga at naiiling ng napatawa.
"Al, please...answer my question. I love you and I can't see myself marrying woman other than you." May pagsusumamo niyang wika dito.
"And I will not allow you to marry a woman except me." May diin namang wika nito.
Napalawak ang ngiti niya sa tinuran ng dalaga saka muling tumiim ang pagtitig niya dito.
"I am all yours, Al. And you are mine." Wika niya saka muling pinutol ang distansya ng kanilang mukha ng muli niyang bigyan ng mainit na halik ang dalaga.
Muli siyang napahagulgol sa mga alaalang iyon.
Alam niyang kasalanan niya ang lahat. Nasaktan niya ang lalake sa katotohanang wala siyang tiwala dito. Kinulong niya sa mga palad ang luhaang mukha.
"Ma'am, are you ok?" Rinig niyang tanong sa labas ni Beatriz dahil naririnig nito ang hagulgol niya.
"Don't mind me. I am ok." Sagot naman niya na pinatatag ang tinig.
Matapos maubos ang luha sa mga mata ay nag-ayos niya ang sarili sa harap ng salamin. Ngumiti siya na para bang walang nangyari.
"Where are you going, Ma'am? You have a lunch meeting with the CEO at 11:30." Ani ng sekretarya niya ng makitang nagmamadali siyang lumabas.
"Tell him I am not feeling well." Tila nanghihina niyang wika at halos takbuhin na niya ang hallway upang makalabas. Agad niya ring pinaharurot ang sasakyan ngunit inihinto niya maya-maya sa tabi ng daan ng tila maramdaman niya na nahihirapan siyang huminga.
Muling tumulo ang masaganang luha sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang envelop na pinabigay kanina ni Troy sa sekretarya niya.
Paano siya magiging masaya? Nakuha nga niya muli ang kumpanya ngunit nawala naman sa kanya ang lalaking iniibig. Oo. Iniibig na niya si Troy. Ito ang katotohanang pilit itinatanggi ng kanyang isip ngunit hindi ito maikakaila ng kanyang puso.
Lumabas siya sa kotse upang makalanghap ng sariwang hangin dahil parang di siya makahinga. Ngunit natigilan siya ng makita ang papalapit na lalakeng naka-black jacket. Ngumisi ito ng magtama ang kanilang mga mata.
"No!" Nagpapanik ang utak niya na nagmadali siyang humakbang patungo sa kotse. Malinaw sa kanya kung sino ang lalake. Ito ang stalker na pina-blotter na niya sa mga pulis.
Napahiyaw siya ng mahablot nito ang buhok niya saka tinakpan nito ng panyo ang kanyang bibig. Kasabay niyon ang pagkahilo niya hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng malay.