Wala na siyang nagawa kundi pumayag dito. Ito na rin ang nag-utos ng mga tauhan na mailipat lahat ng mga gamit niya mula sa dati niyang opisina.
"Woah! I never thought na ganyan karami ang gamit mo. And the colors-" Nanlalaki ang matang ani nito habnag ipinapasok at inaayos ang mga gamit niya na puro kulay pink at yellow.
Hindi naman mapigilan ni Al ang mapatawa lalo na at plain gray ang kulay ng opisina nito.
"This is what you want. And besides, nagkaroon ng kulay ang opisina mo." Natatawa niyang wika.
"That's an understatement, Al." Tila reklamong himig nito habang sinusundan ng tingin ang babae na inaayos ang mga bulaklak sa vase ng mesa nito.
"So…" Ani niya habang nakatunghay sa lalake na iniikot ang paningin sa pagbabago ng opisina nito.
"So I feel like I should not have asked you about this." Sagot nito na ikinatawa niya ng malakas. Napahinto siya ng mahalatang napatitig ito sa kanya.
"I'm sorry." Hindi pa rin niya mapigilan ang mapahagikgik.
"You look more beautiful, Al, pag tumatawa ka. And I love to make you happy all the time." Nakangiting wika nito.
"Why? Do you feel guilty thinking of the times you made me upset?" Pagpapaala niya dito sa mga panahong matindi silang magkalaban.
"Yes. And I want to make up with you for those times. How about dinner?" Maaliwalas ang mukhang ani nito.
"I'll think about it." Nakangisi naman niyang ani saka naupo sa kanyang swivel chair at nagpasimulang buklatin ang mga folders na nakapatong doon.
"Al-" May langkap na pakiusap na wika nito.
"Fine." Tipid naman niyang sagot habang nakatunghay pa rin ang paningin sa mga papeles kaya hindi niya nakita ang kakaibang kislap sa mga mata ni Troy.
Naging abala sila dalawa sa meeting sa buong araw at maging sa pagpirma ng kung anu-anong papeles. Hindi na namalayan ni Al ang oras habang abala siyang nakatutok sa monitor ng kanyang laptop. Mahigit isang oras na ring wala si Troy sa opisina dahil sa meeting nito.
"Mr. Villas is waiting for you at the parking lot." Ani ng sekretarya nito. Tumango naman siya at isinara na ang laptop at isunot ang kanyang coat.
"I went to Boitz Hills, Al. I've just dropped by to pick you up for the dinner." Bungad sa kanya ni Troy pagpasok niya ng kotse nito. Sinensayan nito ang driver na paandarin na ang sasakyan.
"So why are you telling me this, Troy?" Tanong niya na ang mga paningin ay natauon sa bintana ng sasakyan.
"I want you to understand, Al, that I want this to work out." Sagot nito. Sinulyapan niya ito at sinalubong siya ng matiim nitong tingin.
"Ofcourse, we have to. Our companies depend on us, right?" Paglilinaw niya dito. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi nito.
Yes. That's right." Tila wala naman sa sariling ani ni Troy. Paano ba niya sasabihin sa dalaga na hindi lang ang kumpanya ang tinutukoy niya. Gusto niyang maging totoo na lahat ng palabas na kanilang gagawin. Nais niyang alisin lahat ng pagkamuhi sa puso ng dalaga at maitama ang lahat ng nagawa niya na nakasakit sa kalooban ng dalaga.
"Dinner on a party, huh?" Sambit ni Al ng bumungad pagkababa nila sa isang ekslusibong bar ang malalkas na musika, hiyawan at tawanan.
"You don't like here? We can move to another place." Ani ni Troy.
"Ofcourse, I like this." Nakangiti niyang ani. Hilig niya ang mga night outs lalo na ang clubbing. Nawawala ang stress niya at pagod sa mga naririnig na tawanan at hiyawan.
"Good. Let's go." Yaya sa kanya ni Troy na inalalayan siya papasok ng bar. SInalubong sila ng makukulay na ilaw sa loob.
Huminto ang musika pagpasok nila kasabay ang pagtahimik ng lahat. Pumukol ang mga mata sa kanilang dalawa.
"So here are the soon-to-be Mr. & Mrs. Villas! Let us welcome them everyone!" Sigaw ng nakangiting lalake sa entablado kasabay ang muling pagtunog ng musika at mga hiyawan.
"Thanks, pare!" Nakangiting bati ni Troy sa lalakeng bumaba mula entablado at lumapid sa kanila.
"Here's Luke Tan, the owner of this bar, and my best friend. Pare, my fiancé, Al." Pakilala ni Troy sa kanya dito. Inilahad naman nito agad ang palad na agad niyang tinanggap.
"I am happy to meet you, AL. Ikaw lang pala ang bibihag dito sa puso ng kaibigan kong akala ko ay puro flings lang ang alam." Ani nito. Bahagya naman siyang nasamid dahil sa sinabi nito.
"Ouch!" Natatawanang sagot naman ni Troy. "Al is very special, Luke. I can't find anyone else who can make me fall in love so bad." WIka ni Troy sabay akbay kay Al at kintal ng maliit na halik sa pisngi niya.
"He's really an actor." Bulong ni Al sa sarili na pilit pinatamis ang ngiti sa harap ni Luka.
"So you two are really in love to each other- I get it." Natatawang ani ni Luke. "So let's go to my dining place, I have something for you two." Ani nito sabay kindat sa kanila at naunang lumakad papunta sa pintuan papunta sa kabilang silid katabi ng bar.
"Wow! A restaurant just beside the bar! This is so strategic." Papuri ni Al habang umuupo sila sa harap ng table na pinagdalhan sa kanila ni Luke.
"Thanks, Al! I am glad you appreciate this. So, I'll leave you two for a while. Andyan lang ako sa bar." Paalam nito habang sumesenyas saw waiter na kunin na ang orders nila.
"He's nice. How long have you known him?" Kumento ni Al matapos na maibigay ang orders niya sa lumapit na waiter.
"He's my childhood friend, Al. He's my classmate from elementary to college." Sagot ni Troy na may kinuha sa bulsa nito na maliit na box na ikinakunot ng noo ni Al.
"For you." Ani ng lalake sabay abot sa kanya ng box. Pagbukas niya ay hindi niya mapigilang manlaki ang mata sa nakitang singsing na may nakasisilaw na dyamante.
"What's this Troy?" Nagtataka niyang tanong sabay titig sa lalake.
"We're engaged but you don't have a ring so…" Nakangiting sagot nito saka kinuha ang kamay niya at sinuot ang singsing saka nito ipinakita ang suot din nitong singsing sa daliri.
"Well, I don't know what to say." Ani ni Al habang minamasdan pa rin ang suot na singsing. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Naninikip ang dibdib niya at tila hindi siya makahinga. Parang ganito rin kasi ang naging eksena ng yayain siya ng dating kasintahan ni Will na magpakasal. Ngunit imbis na isuot niya ang singsing ay iniwan niya ito at pinutol pa niya lahat ng komunikasyon dito. Mahal niya si Will ngunit mas mahalaga ang responsibilidad niya sa pamilya dahil kamamatay lamang noon ng kanyang ama at kailangan niyang mag-focus sa naiwang kompanya.
"You don't like it?" Nag-aalalang tanong ni Troy ng makita ang lungkot sa kanyang mukha.
"It's pretty. But I hope you understand, Troy, that I don't know what to feel about our situation. How do you take this? I mean, marrying someone you don't like at the first place?" Tanong niya dito. Napatikhim lamang ito dahil dumating na ang waiter at inilapag sa mesa ang mga orders nila.
"I believe we have the choice, Al- to go for it or back out. I choose to marry you and you choose to marry me." Matigas na wika ng lalake sabay lagok ng wine mula sa kopita nito at nagpasimulang kumain.
Napapailing na sumubo na rin siya sa pagkain. Ngayon ay hindi niya alam kung tama pa ang desisyong ginawa niya.
"If you're in doubt about your decision, Al- think about what makes you happy." Ani ng lalake na tila nababasa ang kanyang iniisip.
"I am not happy about this." Mabilis naman niyang sagot na ikinahinto ng lalake sa pagsubo.